Chapter 25 Mayroon siyang nabasa na libro. ‘The Man and his Strawberry Plant’ iyon ang pamagat ng libro. Ang libro ay tungkol sa isang lalake na nawalan ng kasintahan. Ngunit nang mawala ang kasintahan nito ay may iniwan itong mga buto ng strawberry. Nagsimula ang lalake na itanim iyon ngunit napansin niya na walang nangyayari sa halaman. Hanggang sa naalala niya ang sinabi ng kaniyang kasintahan. Ang isang halaman ay lalaki at magiging masagana kung ito ipaparamdam dito ang pagmamahal. Nagsimula ang lalake na kausapin ang halaman, inawitan. Noong umpisa ay nawiwirduhan ito sa ginagawa ngunit nang mapansin niya na lumabas na ang tangkay ng halaman at nagkaroon ng isang dahon ay natuwa ang lalake at ipinagpatuloy ang pag-aalaga. Lumago ang halaman ngunit isang pangyayari sa buhay ng la

