Chapter 22 Nakapasok na sila sa gubat. Pagkapasok ay unang napansin ni Evan ang kadiliman ng gubat na iyon. “Ano ang pangalan ng gubat na ito, Alastor?” tanong ni Thorn. “May kakaiba akong nararamdaman sa gubat na ito.” Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Madilim sa loob ng gubat kahit pa umaga pa lang. Wala kasing ibang daan papunta sa Wereniya kung hindi sila dadaan sa gubat na iyon. “Ang tawag ng karamihan sa gubat na ito ay gubat ng dilim. Halata naman kung bakit, hindi ba? Kahit na umaga pa lang ay walang pumapasok na liwanag sa gubat na ito. Ang balita sa kaharian ng Doumentry ay may halimaw na kumukuha sa mga napapadpad sa gubat na ito. Ilang mga kawal na rin ang nawala,” sagot ni Alastor. Ipinikit ni Evan ang kaniyang mga mata. May ilaw naman ang harap ng karwahe, mayr

