Chapter 23 Nagsimula na muli silang tahakin ang daan papunta sa Wereniya. Ang mga kawal na ipinatawag ni Alastor ay nakarating na at ang tatlong kawal naman na muntikan nang mamatay dahil sa halimaw sa gubat ay inihatid pabalik sa kaharian upang matingnan ni Peij ang kalagayan ng mga ito. “Tiyak na katakot-takot na sermon ang mangyayari sa iyo sa pag-uwi ninyo ni Evan, hindi makapapayag si Rozwelle nang hindi ka mapagsasabihan dahil sa nangyaring ito, Ignatius. Nakikita ko na sa aking isipan ang galit na mukha ng kapatid ko,” sabi ni Nasa iisang karwahe na sila. Siya, si Thorn, si Ignatius at si Trios. Samantala sa kabilang karwahe naman ay magkasama si Alastor at si Amiz. “Kilala mo talaga ang kapatid mo, Trios. Siguro nga ay nakarating na sa kaniya ang nangyari sa gubat at totoo na

