Chapter 45 “Floryne! Floryne!” Napalingon siya sa sumisigaw. “May mga takas! Sugatan! Ang iba ay malala!” Nabitawan ni Floryne ang basket na taban nito at kaagad tumakbo nang makita ang mga duwende na buhat-buhat ng mga kapwa nito duwende. Ang iba ay nakasakay sa kariton. Nanginig ang mga kamay ni Evan nang makita niya ang kalagayan ng mga duwende. Osvar... anong puso mayroon ka? Ang braso at binti pati ang mukha ng mga duwende ay puro bakas ng latigo. Lumapit siya upang mas makita ang kalagayan ng mga ito. Parang kinukurot ang puso niya nang makita ang puro dugo nitong mga damit. Kaagad na ginamot ni Floryne ang mga duwende nang makita ang sugat ng mga ito. Higit sa limang mga duwende ang dumating at halos lahat ay matitindi ang natamong sugat. “Dalhin na ninyo sila sa abay, kai

