Chapter 46 Nang umalis si Diday, Pilar at si Bana ay siya ang nagbantay kay Floryne. Wala pa rin kasi ang Lolo Figus nito hanggang ngayon. Mahigit isang oras nang natutulog si Floryne at malapit nang gumabi. Nangyayari rin sa kaniya ang ganoon, sa tuwing malakas na mahika ang pakakawalan niya o sumosobra siya sa paggamit ng kaniyang mahika ay nawawalan siya ng lakas. Dahil ginamot siya ni Floryne kagabi at ginamit ulit nito ang mahika ngayon sa limang nilalang ay talagang manghihina ito at mawawalan ng lakas. Sa ngayon ang kailangan talaga nito ay magpahinga. “Tiyak na hindi alam ng papa ang mga kahayupan ni Osvar.” Kilala niya ang kanilang ama, hindi nito hahayaan ang ganoong mga kasamaan. May malasakit sa kapwa ang kanilang ama at nasaksihan niya iyon nang isama siya nito sa Wereniy

