Chapter 5
Marami na ang nangyari sa mundo ng Chromus. After he learned that he’s in the Chromus world and he’s the 7th son of the king of the Doumentry Kingdom he accepted his new life. He never thought that he would be reincarnated as the 7th prince. He’s lucky in his past life and now he’s still lucky in his new life!
He was reborn as a royalty and he can use ice magic. Wow!
Habang lumalaki siya sa mundo ng Chromus nagsimula siyang mag-aral tungkol sa mundong iyon. Hanggang sa malaman niya na ang bagong mundo kung nasaan siya ay parang sa mga fantasy stories.
Chromus World is a world wherein different creatures live; wizards, vampires, monsters, dwarves, dragons, and royalties who have special powers. Royalties in the Chromus world possess powers. Doumentry’s power is ice; Verocians for fire, Fherimus for wind, Liverion for earth, Plhavin for water, and Esterians for healing magic.
Creatures in the Chromus world recognize a royalty for its magic.
One of the strongest royalty families in the Chromus world is the Doumentry. Ang kanilang kaharian at iyon ay dahil sa hari na si Evan Ignatius Doumentry. Matapang at makapangyarihan ang kanilang ama.
A lot of evil creatures tried to take the kingdom of Doumentry but was killed because of the great power of the king—his father.
King Evan Ignatius Doumentry VI maintains the safety of his people for more than 40 years. The kingdom of Doumentry is the most beautiful and peaceful kingdom in the Chromus world.
“Magandang umaga po, mahal na prinsipe,” bati sa kaniya ng mga kawal na nakasalubong niya. Papunta siya ngayon sa hardin habang dala-dala niya ang libro na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina.
Tungkol sa buhay at kamatayan ang libro na iyon.
Habang naglalakad ay napatingin siya sa malaking larawan ng kanilang pamilya na nakapaskil sa gilid ng pader. Sa sobrang laki non ay masasakop na noon ang buong pader sa tapat ng hagdanan.
“A royalty... in this new world. Pero mas gugustuhin ko pa rin ang dating buhay ko bilang si Mikael. I don’t have enemies. Doon sa dating buhay ko ay maayos at tahimik ang araw-araw ko ngunit dito sa kaharian na ito ay puro kapangyarihan ang naririnig ko.”
Lalo na sa kaniyang mga kapatid.
The king has seven sons. From eldest to youngest; Osvar Sneizel Doumentry, Jeremiah Vinzel Doumentry, Plavo Trezel Doumentry, Kasimiro Suanzel Doumentry, Philiph Hanzel Doumentry, Leopold Monzel Doumentry and Evan Ignatius Rozel Doumentry VII.
He’s the youngest son; he was used to his new name now. Evan.
Only him has the same name with the king and the other princes think that it is a threat for them to get the throne. They know that former kings of the Doumentry has the same name and it says in the history that those who will be given the same name of the recent king will be the next ruler.
But the king told them that he will be fair and they will still have a fair competition to get the throne.
Ang talino niya noong si Mikael pa lang siya ay nadala niya hanggang sa ikalawang buhay niya. Kaya rin kahit na sa murang edad ay kaya niya nang magbasa at magsulat. Manghang-mangha naman doon ang mga magulang niya ngunit hindi ang iba sa mga kapatid niya.
Tumalikod siya at bumaba ng hagdan. Sanay na siyang tinatawag na Evan, sanay na rin siya sa bagong mundo na iyon. Walong taon na ang nakalipas at alam niya na kung ano man ang nangyari sa kaniya sa dating mundo ay tanggap na iyon ng kaniyang pamilya.
Nang marating niya ang hardin ay nagpunta siya sa pinakadulo kung nasaan ang puzzle garden. Nakasanayan na niyang mamalagi doon dahil walang kahit na sino ang makakakita sa kaniya. Oras naman iyon ng pahinga nilang mga prinsipe para sa pag-aaral kaya’t lulubusin na niya.
“Bumuka na ang mga bulaklak sa paligid,” sabi niya.
Naupo siya sa mahaba at sementadong upuan na naroon at ibinaba ang libro na hawak niya. Tumatama pa ang sikat ng araw sa kaniyang mukha.
Nang may mga ibon na lumipad sa kaniyang harapan ay itinaas niya ang kaniyang kamay at dumapo ang mga ito doon.
“Kamusta na kaya ang pamilya ko? hiling ko ay sana mabuti ang kanilang kalagayan. Ganoon rin ang mga kaibigan ko.”
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng sikat ng araw.
Hindi niya kasama si Kasimiro ngayon dahil may nakahiwalay itong gawain kaysa sa kaniya. Hindi kasi nito natapos ang binabasa na libro kahapon at tiyak na maghahabol ito ngayon. Nang humangin ay napadilat siya pagkatapos ay lumipad ang mga ibon na nasa kaniyang kamay. Ibinukas niya ang palad at may lumabas doon na mahika.
Ice magic ang kapangyarihan nila. Kilala ang Doumentry sa paggamit ng kapangyarihan ng yelo. Nang malaman niya iyon ay nasabik siya kung paano gamitin ngunit hindi maganda ang kinalabasan.
Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay at kinuha ang libro na nasa gilid. Binuksan niya iyon at nagsimula siyang magbasa.
Death is not the end...
Napatigil siya nang mabasa ang unang mga salita sa libro. Napabuntong hininga siya at isinara ang librong binabasa. Nahiga siya sa mahabang upuan at itinakip niya ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mga mata.
“Death is not the end...” pag-ulit niya sa nakasulat sa libro.
“Mikaelo! Bilisan mo naman sa paglalakad! Mahuhuli tayo ng pagpapasa ng project kay Subil! Napakasungit non, tiyak na kahit isang minuto lang tayong mahuli ay hindi na tatanggapin ang project natin!”
Binilisan niya ang paglalakad. Hawak-hawak niya ang bahay na itinayo nila gamit ang mga popsicle stick. Second year college pa lang sila non at dahil sa grade concious siya natakot siya sa sinabi ni Tristan ang kapareha niya sa project na iyon.
“Aba, Mr. Apolo, umabot, ah?” bungad ni Sir Subil ang kanilang professor.
“Ito na po ang amin ni Mikaelo, sir,” sabi ni Tristan at siya naman ay ipinakita sa professor ang kanilang project. Kumuha ng papel ang professor at nagsulat ito doon gamit ang pulang ballpen.
Nakita niya na isinulat nito ang kanilang marka.
“Salamat, Sir Subil!” sabi ni Tristan dito.
Nang lumabas sila ng faculty office ay iniabot niya kay Tristan ang project nila. Ang grado na ibinigay ng kanilang professor ay 94. Ang nais niya sana ay 98. Maganda naman ang gawa nila ni Tristan. Pinturado ng maayos at walang lagpas. Hindi lang siguro nila talaga na-meet ang standards ng kanilang professor.
“Bilisan natin, Tristan. May susunod na subject pa tayo. Ayokong mahuli,” sabi niya.
“May sampung minuto pa naman, saka marami pa nga iyong mga kaklase natin na nakita kong gumagawa pa rin ng project.”
Iyon ang ayaw ni Mikaelo. Kung kailan pasahan na ay saka pa lang gagawin ang inatasang proyekto. Sa kanila kasi ay siya ang gumawa at tapos na niya iyon dalawang araw bago ang pasahan. Nagmadali lang sila ng pagpapasa dahil nag-over time ang kanilang professor sa naunang subject. Ang oras pa naman na ibinigay ni Subil ay hindi sa oras ng klase nito kaya’t nagmadali sila.
“May quiz tayo sa P.E, Tristan. Kaya mabuti nang maaga tayo na makabalik sa classroom para kahit papaano ay makapagbasa pa tayo.”
“Oo nga pala! Iniingatan mo iyong grades mo. Oh siya—ay teka, si Sir Subil iyon, ah? Aalis siya? Naku, buti pala at nakaabot talaga tayo, paano pa kaya yung ibang tinatapos pa yung project nila?” tanong nito.
Napatingin siya sa tinitingnan ni Tristan at nakita niya nga na sumakay ng sasakyan ang kanilang professor.
Nang makarating na sila sa classroom nila ay naupo na siya sa kaniyang upuan at si Tristan naman ay ibinaba muna sa likod ang project nila. Ilang minuto pagkatapos nilang dumating ay nagsipasukan na rin ang mga kaklase nila na tumatapos ng project kanina.
“Hala, buti pa sila Mikaelo nakaabot. Narinig namin na umalis na si Sir Subil. Mukhang magla-lunch sa labas,” sabi ni Mae ang isa nilang kaklase.
“Tapos namana kasi ni Mikaelo iyong project namin two days ago. Nagmadali lang kami dahil nag-overtime iyon isang teacher namin. Pakiusapan ninyo na lang si Sir Subil mamaya, sabihin ninyo na lang na nagpunta kayo kaso wala na siya, o hindi kaya naman ay ibaba ninyo dun sa faculty room iyong mga project ninyo.”
Kinuha niya ang notebook niya at nagbasa siya. Hindi sila sa gym ngayon dahil ginamit ang gym para sa practice ng cheering squad. Hindi rin sila makakapag-aral ng maayos kapag doon sila nag-klase dahil sa ingay ng mga nagpa-practice.
“Ang swerte mo nga kasi si Mikaelo iyong kagrupo mo. Ako iyong kagrupo ko tutulog-tulog. Nakakainis. Ako iyong tumapos nito. Ang akala ko pa naman ay ipinagpatuloy. Makikita niya talaga hindi ko isasama ang name niya pagminarkahan ito,” sabi ni Mae.
Nagkatinginan sila ni Tristan. Ngumiti ito sa kaniya. Napailing na lang siya dahil wala rin naman kasing ginawa si Tristan pero isinama pa rin niya ang pangalan nito sa project na iyon.
Nang dumating ang kanilang professor sa physical education ay nagpalabas ito ng papel kung saan nila isusulat ang kanilang mga sagot sa quiz. Ngunit bago pa man magsimula ang kanilang professor ay may kumatok sa pinto.
“Ma’am Liza, ipinapatawag po kayo sa faculty,” sabi ng isang estudyante.
“Ngayon na? nagpapa-quiz kasi ako,” tanong ng kanilang professor.
Sasagot pa lang sana ang estudyante nang isang professor ang sumilip sa kanilang silid.
“Liza, nabalitaan mo na ba ang nangyari?”
At bilang siya, kaysa makinig ay inalala niya ang mga nireview niya.
“Ano? Wala na si Sir Sibil?!”
Umangat ang tingin niya sa mga professor na nag-uusap dahil sa kaniyang narinig. Napatingin siya kay Tristan na gulat na gulat rin. Umabante si Tristan sa kaniya at bumulong.
“M-Mikaelo, kausap lang natin si Sir Sibil kanina, ah? Totoo kaya ‘yon?”
Hindi siya sumagot. Ngunit nakumpirma nila ang nangyari nang makita nila ang post sa social media ng mga estudyante ng kanilang unibersidad. Naaksidente ang sinasakyang kotse ni Sibil sa highway. Nabangga ito ng isang bus at dead on arrival ito.
“Hindi mo talaga malalaman kung kailan babawiin ang buhay na ipinahiram sa iyo ng Diyos, nakakaawa naman. Ang bata pa ni Sibil. Trentay singko pa lang. Wala pa ngang sariling pamilya.”
“Hoy, Evan! Nandito ka na naman sa paborito mo na lugar!”
Naidilat niya ang mga mata nang marinig ang boses ni Kasimiro. Napabangon siya at nakita niya ito na kasama si Leopold.
Napahinga siya ng malalim at tinabanan niya ang kaniyang noo. Nakatulog ba siya? Napanaginipan niya ang pangyayaring iyon dati nang mamatay ang kanilang professor. Parang ganoon rin ang nangyari sa kaniya. Isang hindi inaasahang pangyayari sa buhay nila.
Pero katulad ko, napunta rin kaya sa ibang mundo at ibang katauhan si Sir Sibil?
“Ang lalim ata ng iniisip mo?” tanong ni Leopold. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong basket. May laman iyong mga tinapay at inumin. May mga prutas din.
“Hinanap ka namin, ayaw namin doon sa hall, naroon ang mga matatanda nating mga kapatid. Alam mo naman na takot kami kay Osvar kaya minabuti namin sana na ayain ka para dumito kaso nauna ka na pala,” sabi ni Kasimiro.
Naupo ang kaniyang mga kapatid sa magkabilang gilid niya. Kumuha si Leopold ng isang tinapay at inabot nito iyon sa kaniya.
“Salamat.”
“Napansin ko, nitong mga nakaraang araw ay ang lalim ng mga iniisip mo? tungkol ba ito kay Osvar? Pinag-iinitan ka na naman ba niya?” tanong ni Leopold.
Silang tatlo lang ang madalas na mag-usap-usap tungkol kay Osvar. Si Philiph kung minsan ay nakakausap niya kapag nagtatanong ito.
“Hindi. Madalang ko rin makita si Osvar, pero kahapon ay lumapit siya sa amin ni Kasimiro. Sabi niya ay pinapanood niya kami habang nagsasanay. Naroon rin si mama dahil dinalhan kami nito ng meryenda,” sagot niya.
Piniraso niya ang tinapay na hawak at iniabot ang kalahati kay Leopold. Ngumiti naman ang kaniyang kapatid.
“Mga bata pa lang tayo pero kailangan na natin maghirap sa pag-aaral tungkol sa iba’t-ibang klase ng mahika. Isa pa ang pagsasanay kung paano makipaglaban,” sabi ni Leopold. “Mas gusto ko lamang ay mag-aral tungkol sa medisina, hindi ko naman nais maging isang hari sa hinaharap ngunit kapag sinabi ko ito kay papa ay tiyak na magagalit siya. Lalo na si Osvar.”
May kaniya-kaniya pa rin silang nais na gawin pagdating ng araw ngunit hindi nila matatakasan ang kanilang kapalaran bilang mga prinsipe ng Doumentry Kingdom.
“Oo nga pala, narinig ko sa susunod na linggo ay mag-aaral na tayo kasama ang ibang mga prinsipe. Sa trayus naman ang paaralan na papasukan natin. Ako, si Leopold at ikaw Evan, tayo ang magkakasama dahil hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Narinig ko ito kay mama, kausap niya kanina si Petela, iyong babaeng maghahatid sa atin sa trayus.”
Isinubo niya ang kapiraso ng tinapay na hawak niya. Ibig sabihin ay hindi na sila sa loob lamang ng kaharian. Simula nang muli siyang mabuhay sa katauhan ni Evan ay ni minsan hindi pa siya nakakalabas ng kaharian nila. Ganoon rin si Leopold at si Kasimiro kaya naiintindihan niya ang pagkasabik na narinig dito.
Tanging sina Osvar, Jeremiah at si Plavo pa lamang ang nakalabas na ng kanilang kaharian dahil nag-aaral na ang mga ito sa fevius. Ang fevius ay paaralan ng mga royalties. Mga prinsesa at prinsipe ang naroon at walang ibang mga estudyante.
“At si Philiph? Hindi ba siya makakasama sa atin?” tanong ni Leopold.
Oo nga pala!
Umiling si Kasimiro, “Mukhang hindi. Mananatili pa rin siya dito sa kaharian dahil sa kaniyang kalusugan. Ayaw ng mama na malayo siya dahil natatakot ito na baka kung ano ang mangyari sa kaniya.”
Sa kanilang magkakapatid ay si Philiph ang may pinakamahinang katawan. Sakitin ito. Ngunit ayaw na ayaw ni Philiph na binabanggit ang tungkol doon. Ayaw nitong naririnig ang tungkol sa pagkakasakit nito dahil nakikita nito iyon bilang isang kahinaan.
Isa si Philiph sa mga prinsipe ng Doumentry at naiintindihan niya ang nararamdaman nito.
“Sa tingin mo ba, Evan, magiging hadlang ang pagiging sakitin ko sa oras na maglaban-laban tayong lahat kung sino ang karapat-dapat na pumalit sa pwesto ni papa?”
Napapikit siya sandali nang maalala ang itinanong sa kaniya ni Philiph. Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw niya ng kapangyarihan. Para sa kaniya ay isang taong may malakas na mahika, matalino, walang kinatatakutan ang dapat na maging hari. Mataas ang tingin niya sa kanilang ama at kung siya ang tatanungin nakikita niya ang mga katangiang iyon kay Philiph kahit na ngayon ay madalas itong magkasakit.
Mayroong pambihirang lakas si Philiph na kahit ang kanilang ama ay hindi iyon inaasahan.
“Gusto ko na talagang makalabas ng kaharian na ito. Labingtatlong taon na akong narito at iniisip kung ano ang itsura ng ibang mga lugar o ng ibang mga kastilyo,” sabi ni Kasimiro.
Protektado sila ng kanilang mga magulang. Ang isa sa ipinagbawal ng hari ay makalabas sila. Marami ang nagtatangka sa buhay nila dahil isa ang kanilang kaharian sa pinakamalakas sa Chromus World.
Nag-aabang ang mga kalaban upang magkaroon ng pagkakataon na masakop ang kanilang magandang kaharian.
“Ang pagpunta lang sa ibang lugar ang iniisip mo talaga, Kasimiro. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw ni papa na lumabas tayo. Maraming mga kalaban at tayo ang kahinaan ng ating mga magulang, kung may mangyari man na masama sa isa sa ating mga anak ay kaagad na kukunin na oportunidad iyon ng mga kalaban upang sumalakay,” sabi ni Leopold.
Tama ito.
Napatingin siya kay Leopold. Libro tungkol sa medisina na naman ang dala-dala nito. Tiyak na kapag nakita iyon ni Osvar ay pagagalitan na naman ito.
“Pasensiya na...” sagot ni Kasimiro at nagpatuloy na lamang ito sa pagkain.
Nang lumipas ang isang oras ay nagpasya silang tatlo na bumalik sa loob ng kaharian. Nakasalubong nila ang mga kawal na umiikot sa buong lugar. Oras na ng kanilang pagsasanay ng mahika at makakasama nila si Philiph doon.
“Kuhanin ko na po ang basket para makadiretso na kayo sa silid. Naroon na rin po ang inyong guro,” sabi ng isang katulong kay Leopold.
Ibinigay ni Leopold ang basket sa katulong at tinungo na nila ang silid kung saan sila magsasanay ng paggamit ng mahika. Napatingin si Evan sa kaniyang palad, nang nakaraang pagsusulit ay hindi niya nagustuhan ang mahikang pinakawalan niya. Nagawa ng maayos ng mga kapatid niya ang ice circle na iniutos ng kanilang guro ngunit iba ang kaniyang nagawa. Hugis bituin ang kaniyang nagawa.
Kinausap siya ng guro nila na mag-focus. Ayaw niya talaga na nagkakamali kaya ngayon ay itutuon niya ang buong atensyon sa pag-aaral. Isa pa ay inaasar siya palagi ni Kasimiro. Mapang-asar ito lalo na sa kaniya dahil hindi naman siya nagagalit.
“Kasimiro, Leopold at Evan, teka nasaan si Philiph?”
Si Alastor Perzel ang kanilang guro sa mahika. Malapit na kaibigan ng kanilang ama. Si Alastor ay isang makapangyarihan na wizard sa buong Chromus. Kilala ito ng halos lahat ng mga royalties. Ito rin ang guro ng ibang mga prinsipe at ang alam niya ay may anak rin itong nagtuturo kina Osvar.
“Baka papunta na rin po, magkakasama kasi kaming tatlo kaya sabay-sabay na kaming pumunta rito,” sagot ni Leopold.
Naglakad siya at naupo sa gitna ng mga upuan. Tumingin siya sa buong silid at naagaw ang pansin niya ng isang kandila na nasa ibabaw ng lamesa sa tabi ng mga gamit ni Alastor. Nakasindi ang kandilang iyon. Itinuon ni Evan ang pansin sa kandila at nakita niyang gumalaw ang apoy. Walang hangin sa paligid dahil sarado ang buong silid.
Muling itinuon ni Evan ang mga mata sa kandila at muling gumalaw ang apoy.
“Evan.”