Chapter 30 “Mabuti na ang lagay ni Min, wala kang dapat na ipag-alala pa, Evan.” Naramdaman niya na tumabi sa kaniya si Alastor. Mahigpit dalawang oras na ang nakalipas pagkatapos ng nangyaring pagsabog. Iniinspeksyon na rin ang palibot ng Wereniya upang malaman kung mayroong mga kalaban sa paligid. Biglaan ang pagsabog na naganap kanina, ngunit sinabi naman sa kaniya ng kaniyang ama na may nakitang paglusob si Alastor sa Wereniya at ang hindi nila inaasahan ay sa ganoong kabilis na araw mangyayari iyon. “Alastor, ano ba ang maaaring gawin para masigurado na ang lugar na ito ay hindi na mapapasok pa ng mga kalaban? Wala bang ibang paraan para wala nang masaktan?” tanong niya. Nakatingin siya sa bola na ibinigay sa kaniya ni Min. “Ang tanging magagawa lang ng kaharian sa Wereniya ay

