Chapter 29 Mabilis siyang tumakbo papunta sa sunog. Itinaas niya ang kaniyang kamay at nagpakawala siya ng mahika. “Crystal Ice!” sigaw niya at ipinatama niya ang mga yelo sa parte ng bukid na nasusunog. “Min! Min!” sigaw niya. Nabigyan siya ng daan sa gitna dahil sa mahikang ipinataw niya. Nasusunog pa rin ang ibang lupain ng Wereniya. “Min! Nasaan ka?! Sumagot ka, Min!” sigaw niya. “Evan!” Napalingon siya at nakita niya ang kaniyang ama. “Papa! Papa si Min! Naroon siya, nasa gitna siya ng bukid kung saan nagkaroon ng pagsabog! Kinuha niya ang bola na ibinigay niya sa akin! papa, kasalanan ko ito!” sabi niya. “S-Si Min?” nilingon niya si Riyo ang ama ni Min. Napaluhod ito. Nagtagis ang mga bagang ni Ignatius. Itinaas nito sa ere ang kamay. Nakabukas ang palad nito. “Ice Crys

