Chapter 28 “Prinsipe Evan! Prinsipe Evan!” Naglalakad si Evan papunta sa palayan dahil magdadala sana siya ng meryenda sa mga magsasaka at para sa kaniyang ama ngunit napatigil siya nang tawagin siya ni Min. May hawak itong bola at ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniya. “Min, ano iyon?” tanong niya. “Ito!” sabi nito at ipinakita ang bola na hawak. “Nang malaman ng tatay na nais po ninyo ng bola para makapaglaro ng sipa sa palasyo ay kaagad siyang gumawa kagabi para maiuwi ninyo ngayong araw!” Pinagkasya niya sa kabilang kamay ang hawak niya sa mga supot na naglalaman ng mga pagkain at kinuha ang bola na inaabot sa kaniya ni Min. Hindi niya alam na natandaan pala ng bata ang sinabi ng kaniyang ama kahapon. “Maraming salamat dito, Min, halika samahan mo ako para pumunta sa git

