Chapter 27 “Bakit, Evan? May problema ba?” tanong nito. Naitikom niya ang kaniyang bibig at napahawak siya sa kaniyang batok. Umiling siya sa tanong ng kaniyang ama. Halata naman siya masyado dahil sa ginawa niya. “Wala naman po...” sabi niya, “S-Siguro ay hindi lang ako makapaniwala papa na kasama kita dito ngayon at nakakausap ng ganito. Sa kaharian kasi ay madalang ko po kayong makita maliban sa kung oras na ng pagkain kung minsan po ay wala pa kayo kapag sobra ang trabaho ninyo,” sabi niya. Hinimas ni Ignatius ang ibabaw ng kaniyang ulo at ngumiti ito. “Pasensiya na kayo, siguro nga ay wala akong oras para makamusta kayo sa isang araw at para makipag-usap pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko kayo tiningnan. Hindi ako nakatingin sa mga ginagawa ninyo sa araw-araw. Mga anak ko ka

