Chapter 33 Makalipas ang pitong taon... Nagpatuloy ang pa-aaral nila Evan sa palasyo. Labing-limang taong gulang na siya at marami nang kaalaman sa mga mahika. Pumapasok na rin sila sa Trayus at doon na nag-aaral ng mga dapat nilang malaman bilang isang prinsipe. Dalawampung taon na si Kasimiro, si Leopold ay labing-anim na taong gulang at si Philiph naman ay labing-pitong taong gulang. Sa mga nakalipas na taon ay talagang sinubok ang katatagan nilang magkakapatid dahil sa mga pag-aaral na ibinigay ni Alastor. Habang lumalaki sila ay nagiging mahirap ang mga pagsusulit at pagsasanay na ibinigay sa kanila. Hindi na rin tulad ng dati na kapag nasugatan ay kaagad na may mga nakaabang na manggagamot. Ngayon ay kapag nasugatan sila, sila na ang bahala sa sarili nila. Sinanay sila ng kanilan

