Chapter 7

1316 Words
Chapter 7 “Noong una, nang lumipas ang limang minuto, naisip ko na tama si Kasimiro, mukhang imposible ang ipinapagawa ng guro na mapatay ang apoy sa kandila nang hindi ginagamit ang aming mga kamay upang makagawa ng hangin o gamitin ang aming mga bibig para makaihip.” “Pero habang nakatuon ang aking mga mata sa kandila ay napansin ko na gumalaw ang apoy. Mas nag-concentrate ako at ang nasa isip ko lang ay mamatay ang apoy. Nang liparin ang apoy ay hindi pa rin ito namatay ngunit napangiti ako dahil nasa isip ko na kaunti na lang, at tama nga ang guro, hindi iyon ipapagawa sa atin kung hindi natin kayang gawin.” “Nag-pokus ako, inisip ko na ako lang ang nasa silid at ang mga mga ko ay itinuon ko lang sa apoy sa kandila. Pagkatapos ng ilang minuton na nakatingin lang ako sa kandilang iyon ay saka ito hinagin at tuluyang namatay.” Pumalakpak si Alastor at tumango-tango ito. “Ang pag-ko-concentrate ay isang malaking bagay sa pagpapakawala ng mahika,” sabi ni Alastor sa kanila. “Kahit na gaano ka kalakas, kahit alam mo gamitin ang kapangyarihan mo, sa oras na mawala ka sa pokus at hindi ka makapag-concentrate maaaring lamunin ka nito at makapahamak ka pa ng ibang tao. Sa ipinagawa ko sa inyo, nais kong malaman kung kaya ninyong gamitin ang inyong isipan, at mga mata upang mapatay ang apoy sa kandila kanina.” “Kung iisipin ninyo noong una ay malabo, hindi ba? Isang metro ang layo ninyo sa kandila, hindi kayo nag-iisa sa silid na ito at maraming makakasagabal, narinig ninyo ang reklamo ni Kasimiro kanina pero ang sagot dito ay ‘pokus’ kailangan ninyong ‘mag-concentrate’ sa kung ano ang ipinapagawa ko.” “Hindi lakas ng kapangyarihan ang usapan dito kung hindi disiplina at haba ng pasensiya na gawin ang isang bagay.” “Ang aral ngayong araw ay tungkol sa pokus sa isang bagay at disiplina sa sarili. Napakahalaga nito sa paggamit ng mahika.” Napatingin si Evan sa kaniyang kandila. Kinuha niya iyon nang mapansin niya na unti-unti nang natutunaw ang yelo sa palibot non. “Iyong akin hindi manlang kasi gumalaw,” sagot ni Kasimiro. “Kasi umpisa pa lang nasa isip mo na agad na imposible ang ipinagawa ko, Kasimiro,” sagot ng kanilang guro. Itinutok nito ang daliri sa sintido, “Makapangyarihan ang ating isipan, tandaan ninyo iyan. Kung naunahan ninyong isipin na hindi ninyo kayang gawin, kahit pa may kakayahan kayo na gawin ang ibinigay kong pagsusulit hindi na ninyo iyon magagawa.” Tama ito. “Ano ba ang layunin ninyo? Hindi ba at mapatay ang apoy sa kandila?” “Huwag ninyong isipin na hindi ninyo kayang gawin kung hindi ninyo pa naman nasusubukan. Ang malaking distraction kasi talaga ay ang mga bagay na maaaring pumasok sa ating isipan. kapag alam mo kung paano ituon ang isip at ang mga mata mo sa isang bagay na gusto mo na mapagtagumpayan, hinding-hindi ka mabibigo sa layunin mo.” Nang matapos ang pagsusulit nila ng araw na iyon ay lumabas na sila ng silid ngunit bago pa man siya makaalis ng tuluyan ay tinawag siya ng kanilang guro. Napalingon silang apat. “Evan, maiwan ka muna, may gusto lang akong sabihin,” sabi nito. Nagkatinginan silang magkakapatid. “Hintayin ka na lang namin sa fencing room, Evan!” sabi ni Kasimiro. “Oo, doon ka na lang namin hintayin para sabay-sabay na tayong kumain ng pananghalian,” sambit naman ni Philiph. Tumango siya at ngumiti. Muli siyang bumalik sa loob ng silid at isinarado ang pinto. Nang makalapit siya sa kaniyang guro ay nakita niya na hawak nito ang kandila niya. “Maupo ka,” sabi nito. Sinunod niya ang sinabi nito. Naupo siya sa katabing upuan habang ang kaniyang guro naman ay nakahalukipkip habang taban ang kaniyang kandila. “Ano po iyon, guro?” tanong niya. Umayos ng tayo si Alastor at tiningnan nito sandali ang kandila na hawak. “Sa lahat sa inyong magkakapatid ay ikaw pa lang ang nakagamit ng mahika ng yelo sa ipinagawa ko na ito. Kahit na sina Osvar, Plavo at pati na si Jeremiah ay hindi ito nagawa noon. Sabihin mo sa akin, ano ang ginawa mo kanina, Evan?” Bumuka ang bibig niya ngunit walang lumabas na mga salita. Napakamot siya sa kaniyang batok. Wala naman siyang ginawang espesyal kanina. Hindi rin niya inaasahan na lalabas ang mahika niya sa kandila gayong hindi niya naman ginamit ang kaniyang kamay. “Ang totoo guro, sinunod ko lang ang sinabi mo na ituon ang aking buong atensyon sa apoy sa kandila. Noong una ay nahirapan ako na patayin ang apoy, ngunit sinubukan ko pa rin hanggang sa nakita kong gumalaw ang apoy, ngunit hindi sapat para mamatay ito.” Tumango si Alastor sa sinabi niya. “Nang subukan ko na muli na mapatay ang apoy ay hindi ko inaasahan ang yelo na nabuo sa gilid ng kandila, hanggang mapansin ko na ang usok na nanggagaling sa yelo ay napapahina ang apoy sa kandila.” “Hindi ako nag-pokus na mapatay ang apoy sa mabilisan na paraan. Nang mapansin ko na epektibo ang yelo sa paligid ng kandila ay saka ko ito pinanood hanggang sa mamatay na ang apoy.” Ibinaba ng kaniyang guro ang kandila na hawak nito at itinaas ang kamay. “Maaari mo bang ulitin ang ginawa mo kanina pero ngayon naman ay sa kamay ko, Evan?” Nagulat siya sa sinabi ni Alastor. “Guro? Pero...” Ngumiti si Alastor at lumayo ito sa kaniya ng kaunti. Si Evan naman ay nagdadalawang isip. Paano kung hindi na niya magawa iyon? iba ang sitwasyon kanina kaysa ngayon. Itinaas ng kaniyang guro ang kamay nito at nakaharap ang palad nito sa kaniya. “Bibigyan lamang kita ng limang minuto na gawin iyon, Evan.” L-Limang minuto lang? “Simulan muna.” Napatayo bigla si Evan nang marinig ang sinabi ni Alastor. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inisip ang kaniyang layunin. Nang dumilat siya ay tinitigan niya ng mariin ang palad ng kaniyang guro. Nakita niya ang usok ng yelo doon. Huminga siya ng malalim at sa isang iglap ay nabalutan ng yelo ang kamay ng kaniyang guro. Sa sobrang pagkabigla ay napalapit siya dito. “G-Guro... hindi ko sinasadya, pasensiya na, hindi ko alam na ganoon ang mapapakawalan kong mahika— Nagulat siya nang tumawa si Alastor. Hinawakan nito ang ibabaw ng kaniyang ulo at hinimas iyon. “Para kang si Ignatius.” Ang ama? “Ganitong-ganito ang naging reaksyon niya noon nang nagsasanay kami ng kaniyang mahika.” Oo nga pala! Matalik na kaibigan ng kaniyang ama si Alastor kaya nito nasabi iyon. Maaaring noong mga bata pa lamang ito at ang kaniyang ama ay nagsasanay rin ang mga ito sa paggamit ng mahika. Nakita ni Evan na umusok ang kamay ng kaniyang guro at natunaw na ang yelo sa kamay nito. “Maaari ka ba na mangako sa akin, Evan?” Napatingin siya sa kaniyang guro. “Ano po iyon?” “Huwag mong susubukan ang mahika na ito sa kahit anong bagay at sa kahit na sinong nilalang, maliwanag ba? Delikado, lalo na at hindi natin alam kung hanggang saan ang kaya mong gawin gamit ang mahikang ito,” sabi nito sa kaniya. Napalunok siya. “Ang isip mo ang sagot sa mahikang ito. Ngunit huwag kang matakot, gagabayan kita kung paano mo ito magagamit ng tama para hindi maulit ang nangyaring ito.” Napatingin siya sa kamay nito. Alam niya na ang tinutukoy ng kaniyang guro ay nang mabalot sa yelo ang buong kamay nito. “Pero, Evan.” Umangat muli ang tingin niya. “Hindi ko nararamdaman na gusto mo ang mga ito. Oo at sumusunod ka sa lahat ng utos, ginagawa ang mga pagsusulit, ngunit, ano ba talaga ang gusto mo?” Napatigil siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD