LESSON 15- Deep Well

2058 Words
                MAG-ISANG nakatayo si Candice sa may tabi ng bintana sa kwartong tinutuluyan nila. Sa kwartong iyon ay sina Samuel at Jillian. Sa kabila ay sina Rocco, Destiny at Nikki. Habang si Alexander ay sa may salas na lang daw muna. Pinagmamasdan niya ang pag-ulan. Hanggang ngayon ay malakas pa rin iyon at parang walang balak na huminto. Nasa ibaba pa ang mga kasama niya at lahat ay gustong maligo. Si Samuel ay kausap si Alexander at nasa ibaba rin ang dalawa. Siya lang ang naroon sa itaas. Malalim ang kaniyang iniisip at iyon ay tungkol pa rin kay Aliyah. Sino bang mag-aakala na makalipas ang maraming taon ay magiging problema niya pa rin ang babaeng iyon? Kanina ay pasimple silang nag-usap ng mga kaibigan niya. Sinabi ni Rocco na magkukunwari silang bakasyunista kay Alexander para magkaroon sila ng dahilan para manatili sa bahay nito. Sapat na siguro ang tatlong araw para hanapin nila ang balon sa gubat kung saan nila inilagay noon ang katawan ni Aliyah. May narinig siyang yabag na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang buong akala niya ay si Samuel pero umismid siya nang malaman na si Destiny iyon. “Hi, Candice!” Masigla nitong bati sa kaniya. “Hindi ka ba liligo? Wala nang tao sa CR. Hindi ba, dapat ay madalas kang maligo kasi sobrang dumi mo?” Tumiim ang bagang ni Candice. Alam niya na inaasar lang siya nito. “Hindi na kailangan. Sa pagkakaalam ko kasi ay malinis na ako. Saka ano bang ginagawa mo dito? Doon kayo sa kabila. Don’t tell me pati itong kwarto namin ay aagawin mo?” Ganti niya sa pang-aasar nito. Agad na lumapit si Destiny sa kaniya. Madali kasi itong mainis. “FYI, b***h! Wala akong inaagaw sa iyo!” sinaklit siya nito sa braso pero malakas siyang pumiksi. Matalim ang mata na tiningnan niya ang dating kaibigan. “Talaga ba? Hindi kasi iyon ang nakikita ko. `Yong sinuka ko, kinakain mo ngayon—” “Oh! Si Rocco ba? Sa pagkakaalam ko kasi break na kayo nang maging kami, e. Saka anong isinuka mo? b***h, ikaw ang isinuka ni Rocco dahil nalaman niya na ginagahasa ka ng tito mo. Baka gusto mong iuntog kita para maalala mo? Wait, alam ba ni Samuel ang tungkol sa dumi mo?” “Oo, alam niya at tinanggap niya ako pati na ang nakaraan ko!” “Iyon naman pala, e. Ano itong sinabi sa akin ni Rocco na kinausap mo siya and you want him back? Anong kakatihan iyan, Candice? Pasalamat ka na lang at may lalaking tumanggap sa iyo! Kay Samuel ka mag-focus at huwag sa boyfriend ng iba!” Napataas ang isang kilay ni Candice. “Ano ba talaga ang pakay mo at nandito ka?” Humalukipkip ito. “Gusto kong sabihin sa iyo na layuan mo si Rocco. He’s mine now! Kuha mo?” “Bakit parang isa akong threat sa relasyon ninyo ng ex ko? Afraid much?” Malakas na napatawa si Destiny. “Pinapatawa mo naman ako! Excuse me! Ako? Matatakot sa iyo? Of course not! Nagpapaalala lang ako sa iyo, b***h…” May kasamang gigil ang huling pangungusap na binitiwan nito. Naglaban ang kanilang mga mata. Hanggang sa dumating si Samuel. Lumapit ito sa kanila pero hindi pa rin naaalis ang tingin nila ni Destiny sa isa’t isa. “May pagkain na sa ibaba. Kakain na tayo,” ani ng nobyo ni Candice. Humarap si Destiny kay Samuel at ngumiti ng peke. “Ay, thank you, Samuel! Nagkakwentuhan lang kami ni Candice. Alam mo na… Matagal kaming hindi nagkita ng girlfriend mo. Miss na miss ko na kasi siya, e!” Ngumiti pa ito sa kaniya pero sinimangutan lang niya. “Baba na ako. Bye, guys!” Nang makaalis si Destiny ay may pag-aalalang hinawakan siya nito sa balikat. “Ayos ka lang ba, hon? Parang galit ka…” Hindi niya talaga kayang itago ang emosyon niya dito. “Hindi lang galit. Kundi galit na galit!” “Si Destiny ba? Bakit?” “Wala. Nagmamataray lang. Noon pa man kasi ay inggit na siya sa akin,” pagsisinungaling niya. Siyempre, hindi niya dito sasabihin na si Rocco ang pinag-aawayan nila. “Tara na sa ibaba. Gutom na rin ako, e,” yakag niya sa nobyo at magkasabay na silang nagtungo sa kusina para kumain ng hapunan.   MATAPOS ang hapunan ay umakyat na si Destiny sa kwarto nila sa itaas. Sumunod sa kaniya doon sina Nikki at Rocco. Ayaw nilang tumulong kina Candice sa ibaba sa pagliligpit ng kanilang mga pinagkainan. Hindi pa sila inaantok kaya nagkwentuhan muna silang tatlo. Nakaupo sila ni Nikki sa ibabaw ng kama habang si Rocco ay nasa tabi ng nakabukas na bintana at naninigarilyo. Walang tigil pa rin ang ulan. Bahagya pa siyang nagugulat sa sunud-sunod na pagkulog at pagkidlat. “Hindi ba kayo nagtataka kay Alexander? Ang bilis niyang pumayag na dito tayo tumuloy kahit hindi pa niya tayo kilala,” ani Nikki. “Baka naman gipit din. O kailangan ng pera,” sabi ni Destiny. “I don’t know pero may something sa kaniya. Parang may itinatago, e.” “Lahat naman tayo may itinatago. Pati nga tayo, `di ba?” sabat ni Rocco. Halatang iritado ito. “Hindi ba dapat ay magpasalamat na lang tayo na pumayag agad siya? May matutuluyan tayo nang hindi na kinakailangan na umalis dito.” Tumayo si Destiny at nilapitan ang nobyo. “Ang init naman yata ng ulo mo, babe. Bakit ba?” Akala mo ay isang pusang naglalambing na pumulupot siya dito. Tumingkayad siya at sinimsim ang leeg ni Rocco. “Alam mo naman kung bakit. It’s because of that Samuel!” Humithit ito sa sigarilyo sabay buga. Umasim ang mukha niya. “What?! Don’t tell me, nagseselos ka sa kaniya because of Candice?” “Hindi. Naiinis ako kasi alam niya ang sikreto natin. Isa pa `yang si Candice. Hindi nag-iisip. Hindi ko alam kung saan na napunta ang utak at sinabi pa talaga sa ibang tao ang ginawa natin kay Aliyah. Imbes na tayo-tayo lang sana ang maghahanap sa katawan ni Aliyah ay may isa pang asungot!” “Hay… Ang babe ko, galit na galit talaga…” malandi niyang sabi. Pumaling siya ng tingin kay Nikki at kinausap ito. “Nikki, lumabas ka nga lang muna at may isang tao lang ako na papahupain ang galit. Galit na galit, e…” Kinindatan niya si Nikki at mukhang alam na nito ang ibig niyang sabihin. “Okay. Fine!” Tila napipilitan pang bumaba sa kama si Nikki sabay labas. “Close the door!” paalala pa niya. “Okay!” At isinara nito ang pinto pagkalabas. Muli siyang humarap kay Rocco na bakas pa rin ang galit sa mukha. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabila nitong balikat. Marahan iyong dumausdos papunta sa braso nito. “Just relax, babe. Aalisin ko ang galit mo na iyan. Ako ang bahala…” Paanas niyang sabi na may kasama pang pagkagat sa labi pagkatapos. Pinalambong pa niya ang mata na akala mo ay inaantok. Napangisi naman si Rocco. “Iyan ang gusto ko sa iyo, e. Alam na alam mo kung paano maalis ang galit ko…” Hindi na nagsalita pa si Destiny. Lumuhod na siya sa harapan ni Rocco at ibinaba ang zipper ng pantalon nito. Marahan niyang ibinaba na sunod ang pantalon nito. Hinalik-halikan niya ang nakabukol sa sa brief ng nobyo bago niya tuluyang hubarin ang huling saplot nito sa ibaba. Nang kumawala ang galit na galit na p*********i ni Rocco ay sabik na sabik na isinubo iyon ni Destiny na akala mo ay isang sanggol na nagugutom.   MAG-ISANG naglalakad sa kagubatan si Candice sa gitna ng gabi. Tahimik ang paligid. Palinga-linga siya na parang may hinahanap. Ang suot niyang kulay puting bestida ay naglalaro sa lakas ng hangin. Pati ang kaniyang buhok ay nakikisabay din. Napahinto siya sa paglalakad nang makita na niya ang hinahanap. Ang balon kung saan nila itinago ang katawan ni Aliyah! Sa wakas! Nakita na rin niya ang balon! Walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya iyon at kahit mag-isa ay pinilit niyang alisin ang takip niyon. Naging matagumpay naman si Candice sa pag-alis ng takip. Sumilip siya pero dahil sa dilim ay wala siyang maaninag na kahit na ano sa loob ng balon. Ngunit may naririnig siya… Isang babaeng umiiyak na nagmumula sa kailaliman ng balon. Umaalingawngaw pa ang bawat paghikbi niyon na nagdulot ng kilabot sa buo niyang katawan. Agad na nagtaasan ang balahibo niya sa braso at nakaramdam siya ng panlalamig. Kalunos-lunos ang iyak ng babae. Para bang sobrang lungkot nito o kaya ay labis ang hirap na naranasan nito para umiyak ito ng ganoon. “Aliyah? Ikaw ba iyan?” Mahina niyang sabi. Nakadungaw pa rin ang ulo niya sa balon. Walang sumagot. Patuloy pa rin ang pag-iyak. “Aliyah?” Walang anu-ano ay may dalawang kamay na lumabas sa balon at mahigpit na hinawakan ang ulo niya. Malamig ang mga kamay at namumutla. Basa at may kakaibang amoy. Amoy ng isang nabubulok na hayop! Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakapalag si Candice nang hilahin siya ng mga kamay na iyon papunta sa loob ng balon. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang sumigaw hanggang sa bumagsak siya sa tubig na una ang kaniyang mukha. Dire-diretso siyang hinila ng kamay pailalim sa tubig. Parang sasabog na ang dibdib niya dahil unti-unti na siyang nawawalan ng hangin.   “HON, gising! Nananaginip ka!” Ang boses na iyon ni Samuel ang narinig ni Candice. Para bang nakakita siya ng ilaw at hinigit siya niyon hanggang sa tuluyan siyang magising. Napasinghap si Candice sabay balikwas ng bangon. Habol niya ang paghinga. Nang makita niya si Samuel sa tabi ay niyakap niya ito. Ganoon na lang ang pasasalamat niya dahil panaginip lang pala ang lahat. Para kasing totoo. Gumanti ng yakap si Samuel sa kaniya. “Ano ba kasi ang napanaginipan mo? Kanina ka pa umuungol na para kang nahihirapan.” Nag-aalala nitong tanong habang hinahaplos siya sa likod. Pawisan ang mukha na kumalas siya sa pagkakayakap dito. “N-nahulog daw ako sa balon tapos may kamay! Ayaw akong bitawan ng k-kamay!” Nahihintakutan niyang sagot. Hindi pa rin mawala-wala ang kilabot niya. “Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita sa ibaba.” Tanging tango na lang ang naisagot niya. Sandaling umalis si Samuel sa kwarto at naiwan sila doon ni Jillian. Tulog na tulog si Jillian sa ibaba. Naglatag ito ng kutson sa sahig at doon ito natulog. Hindi kasi kasya ang tatlong tao sa kama. Pangdalawahan lang iyon. Pagbalik ni Samuel ay may dala na itong isang baso ng tubig. Pinainom nito iyon sa kaniya at kahit papaano ay kumalma na siya nang makainom. Sa tingin niya ay kaya siya nanaginip ng ganoon ay dahil palagi niyang naiisip si Aliyah nitong mga huling araw. “K-kailangan na nating masiguro kung patay na ba talaga si Aliyah, hon. Hindi ako matatahimik hangga’t buhay pa ang babaeng iyon!” Mariin niyang turan habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa kawalan. Kinabig siya ni Samuel para yakapin. “Kapag tumila na ang ulan bukas ay hahanapin na natin ang sinasabi ninyong balon. Ang gawin mo ngayon ay matulog at magpahinga…” anito sa kaniya.   KANINA pa paikot-ikot si Nikki sa loob ng kwartong tutulugan nila. Sina Destiny at Rocco ay magkayakap na nakahiga sa kama at tulog na. Siya ay hawak ang cellphone. Wala kasi siyang makuhang signal. May ina-upload kasi siyang picture sa f*******: niya pero dahil walang malakas na signal ay hindi iyon na-a-upload. “f**k! Anong klaseng lugar ba ito?” Naiinis na siya. Ang ganda pa naman niya sa iu-upload na picture. Pang profile picture niya iyon, e. Sa sobrang inis niya ay nagpapadyak siya. Napa-aray siya nang may tumamang unan sa mukha niya. “Lintek ka! Ang ingay mo!” sita ni Destiny. “Hmp! Sorry naman, `no. Ang weak kasi ng signal. I can’t upload my photo sa sss!” “Para `yan lang, nagpapadyak ka na diyan. Pagod kami. Magpatulog ka!” bulyaw nito sabay yakap ulit kay Rocco at muling pumikit. “Sorry!” Palihim niyang inirapan si Destiny. Pagod daw. Parang hindi naman niya alam kung bakit ito pagod. Pagod ito sa pagsubo sa p*********i ni Rocco kanina. Hindi kasi talaga siya umalis kanina. Kunwari ay isinara niya ang pinto pero iniawang niya iyon ng kaunti at kinunan niya ng video ang ginawa nina Destiny at Rocco. Wala lang. Trip niya lang na gawin iyon. Sa totoo lang ay naiinis din siya kay Destiny dahil masyado itong mataray. Mapagmalaki at akala mo ay kung sinong maganda. Hanggang sa hindi sinasadyang napagawi ang mata ni Nikki sa nakasaradong bintana. Bigla siyang may naisip. Excited siyang naglakad papunta sa bintana at binuksan iyon. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone. Natuwa siya nang kahit papaano ay lumakas ang signal. Pero kulang pa iyon para magawa niyang makapag-upload. Ini-stretch niya ang kamay na may hawak na cellphone sa labas ng bintana. Umuulan pa rin pero hindi na katulad kanina na sobrang lakas. Impit siyang napatili sa tuwa nang mas lumakas pa ang signal nang gawin niya iyon. Dapat ay bilisan niya dahil nababasa ng ulan ang cellphone niya pati ang kamay niya. Pipindutin na sana ni Nikki ang upload pero sa hindi inaasahang pangyayari ay dumulas sa kamay niya ang cellphone at nahulog iyon sa ibaba…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD