Reunited
Mabilis lumipas ang oras, hindi na namin nakausap si Yeshua dahil madaming naka check in kila Shan ngayong linggo dahil bakasyon.
Nang mag dinner ay tinawagan ko na si Pierre at nandoon na daw sila ni Yeshua kaya bumaba na kami.
Nag jacket lang ako at nag jogging pants na yellow at naka slippers habang sila ay naka dress at polo pa,ang extra talaga ng mga kasama ko kahit kailan.
Nauna nang lumabas si Gabrielle at lumabas nadin ako.Dumiretso ako sa elevator at inintay bumaba.
Nang makababa ay lumabas na ako at dumiretso sa restaurant at nakita si Gab na nag aayos ng gamit, naka polo din siya hay nako mga tao talaga.
Hinanap ng mata ko si Yeshua at Pierre dahil wala sila sa table, lumapit ako kay Gabrielle para itanong kung nasan sila ngunit ang sabi ni Gabrielle ay hindi pa daw niya nakikita simula nung bumaba siya kaya nag intay na lang ako.
Unti unti nang nagsisidatingan ang mga kasama ko, nahuli si Shaq dahil may inasikaso pa daw sa bahay ng lola niya kaya nalate.
Kumpleto na kami at lahat lahat ay wala padin sila Yeshua at Pierre.
"Tawagan mo na Nicole." ani Gabrielle.
Tumango ako at tinawagan silang dalawa ngunit walang sumasagot.
"Tanong mo Shan sa isa sa mga waiter dito kaso mga night shift na to, eh morning shift si Yeshua."
"Hindi ba sila na yon?" turo ni Shaq sa papasok na dalawang lalaki.
"Yeshua! Pierre!" hiyaw ko at kumaway.
Lumapit na silang dalawa at umupo sa bakanting upuan.Nakita kong titig na titig si Justice kay Pierre.
Nagsimula nang kumain nang biglang magsalita si Pierre.
"So, where is my brother here?" ani Pierre na ikinagulat ng lahat.
"Hindi mo nakikilala?" sumabat si Justice.
"No"
"Kausap mo na kapatid mo" ani Justice dahilan para mapatingin sakaniya si Pierre.
Nasa harapan ni Justice si Pierre habang katabi ni Justice si Riella, katabi ni Riella si Shaq at sa tabi ni Shaq ay si Shan. Sa tabi ni Shan ay ako at katabi ko si Gabrielle. Katabi ni Gabrielle si Yeshua.
"You're kidding."
"Am I?"
Nagulat ang lahat nang biglang tumayo si Pierre at pumunta kay Justice.Tumayo din si Justice at nag akapan ang dalawa.
"Most precious thing I've ever seen in my whole life." ani Riella.
Bumitaw si Justice ng akap at tinignan sa mata si Pierre.
"Mommy na mommy ka, Pierre." ngumiti siya.
"You look like tito Brod though." tumawa sila at bumalik na sa kanya kanyang upuan.
"So Nicole,kelan tayo uuwi ng Manila?" ani Justice.
"Mag fifile kami ng kaso sa Thursday so tomorrow."
"Well sumama ka na Pierre.Mom will be so happy." ani Justice.
"Sama ka na din Yeshua." nagulat ako nang sumabat si Gabrielle.
"Gabrielle" bulong ko sakaniya.
Lumingon siya at nag taas ng kilay.
"What are you doing?"
"Inviting" at bumaling na siya kay Yeshua.
"Well okay." ani Yeshua
"Nicole." ani Shan
Lumingon ako sakaniya.
"Wala pa tayong lawyer."
"Hmm yeah.May kilala ba kayong abogado sa Manila?" tanong ko sakanilang lahat.
"I actually have.My sister is a lawyer." sabat ni Yeshua.
"Can we contact her?" ani Shan.
"Yeah.Bigay ko na lang number niya mamaya"
We all agreed to go back home tomorrow at mag file ng kaso kinabukasan para gumaan na ang pakiramdam ng isa't isa.
Natapos na kaming kumain at bumalik na sa suite para matulog at makapag handa para bukas.
Kinabukasan ay naghanda na kami para makauwi na ng Manila.Sumakay kami sa sasakyan ni Yeshua para makapunta sa airport.
Nalaman na din nila Yeshua at Pierre na buntis si Shan kaya naging maingat sila around her.Sumakay na ng eroplano at lumipad na ito.
3 hours ang naging biyahe from Cebu to Justice's house, lahat kami ay dito muna mag iistay ngayong araw at bukas na maglilipatan ng bahay.
Tita Joy is so happy to see Pierre at sinabi ko din kay Tita Joy na buntis si Shan at binigyan niya kami ng do and donts at mga advice.
Nakausap na ni Shan ang kapatid ni Yeshua kaya ininterview kami ni Justice para makilala ang kakalabanin.
Mabilis lumipas ang oras kaya nakatulog kaming lahat, iisang kwarto ang girls at boys, pwera kay Justice at Pierre dahil may sarili silang kwarto dito.Ang nursery room ni Justice noong bata siya ay ginawang extra bedroom yon at yun ang naging kwarto ni Pierre.
Kinabukasan huling nagising si Shan, siya pa naman ang pinakamabagal kumilos saaming lahat.
"Nicole,alam na ng mga pinsan natin na nandito na tayo?" ani Justice saakin habang gumagawa ako ng breakfast ni Shan.
"Hindi pa.Hindi naman na din nagparamdam sila Angelo sa Cebu."
"Eh paano nga kapag naunahan tayong makauwi? Tapos may mas malakas pa silang abogado?"
"Hindi pa ba makokonsensya si Angelo sa ginawa niya? Walang hiya na siya non.Maiintindihan din nila tita at tito yon."
"Hays mataas pa naman pride ni Tita Joyce."
"Bahala na.Walang awa anak nila."
"By the way Nicole, alam ko na ibig sabihin ng bracelet mo" ngumisi si Justice.
"Oh?"
"Secret"
"Gege" dahil wala ako sa mood.
"Bahala ka na nga dyan."
"Check mo nga Jus kung gising na si Shan."
"Oo gising na.Nakikipag daldalan kay Riella at Gab."
"Sige"
"Panget mo kausap Nicole, ganda ganda ng mood ko makipag usap eh-"
"Just shut the f**k up. Nananahimik ako nangugulo ka" inis kong sabi sakaniya at umakyat na para mahatidan ng pagkain si Shan sa kwarto.
Kumatok muna ako sa pintuan kahit alam kong bukas iyon at welcome ako doon dahil doon kami natutulog nila Angel kapag dito kami natutulog kila Justice.
Bumukas ang pinto at si Pierre ang nag bukas non.Nakita kong kumpleto silang lahat sa loob, si Justice at ako lang ang wala.
"Shan, breakfast ka muna." nilapag ko ang tray na may lamang gatas at sandwich.
"Pang baby yan eh." sabat ni Yeshua.
"Eh ano papakain ko kay Shan?" sabat ko pabalik.
"Huwag mong kausapin si Nicole.Wala sa mood." tumawa si Justice. "Kinakausap ko nga ng maayos sa baba eh hiniyawan ako" tumabi siya kay Riella.
Nag taas ako ng middle finger sakaniya at hinawi ito ni Pierre.Lumingon ako sakaniya habang nakakunot ang noo.
"Ano? Isa ka pa ah." inis kong sabi kay Pierre.
"Chill, hinawi ko lang kasi may kumakain.That is disrespectful." umirap ako sakaniya at umupo sa sahig.
"Oh bakit nandito kayong lahat?" tanong ko sakanilang lahat.
"Support" ani Shaq.
"Para namang manganganak na si Shan, tss"
"Hey" ani Gabrielle.
"Ano nanaman."
"You uhm have uhm"
"Ano?"
"May regla ka tanga." ani Shan.
"Bastos may kumakain- ay hehe ikaw pala yung kumakain." ani Shaq dahilan para matawa ang lahat pwera saakin.
"Sige salamat." yon lang ang nasabi ko at lumabas ng kwarto para magtanong kay tita Joy ng pads at binigyan niya ako.
Matapos kong ilagay yun ay nagbihis na ako since naligo naman na ako pag kagising ko, aayain ko na din silang gumayak at mag lunch muna sa restaurant bago pumunta sa korte.
Nang lumabas ako ng cr ay nakita ko ang mga magulang at kapatid ko sa sala.
"Mommy?" sabi ko nang makitang kumpleto nga sila.
"Oh Nicole why didn't you tell us na may emergency pala kayo?" sabi ni mommy na nag papacute nanaman.
"Aish mom.Privacy din."
"We know naman Nicole pero yall are all kids and wala pang legal sainyong lahat? So what do you expect us to do? Edi mag panick"
"Mom is right Nicole Reina you should've said na may emergency." sabat ni Kuya Nathan.
"Where is your child kuya?"
"Nasa taas kasama si Justice, wala si Julia dahil may meeting daw sila.Sumama na ako kila mom dito dahil boring sa bahay-"
"Kahilig mong mag add ng descriptions noh, tinanong ko lang kung nasan si Mark dami mo ng sinabi."
"Nicole Reina" ani daddy.
"Yes?"
"Sino sino kayo?"
"Uhm ako, Shan, Justice, Gabrielle, Gabriella, Shaq, yung isang waiter ni Shan tsaka si Pierre."
"Waiter ni Shan?" ani mommy.
"Si Yeshua, siya yung kapatid ng lawyer ni Shan and schoolmates kami sa Santa Clara, bestfriends sila ni Pierre."
"Konektado ah" ani kuya Nathan.
"Sige na po, akyat na ako.May pasalubong ako kay Mark eh." humalik ako sa pisngi ni mommy at daddy habang hinila ko si kuya. "Tara sa taas" tumango siya at nagpahila.
"So, okay kayo ni Gabrielle?"
"Not really"
"What?"
"We dont get along that much pero he said na mahal niya daw ako yesterday he even gave me a bracelet that has a meaning pero hindi ko maintindihan kasi its Chinese.Do you understand Chinese kuya?"
Nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto namin nila Gabriella at Shan, ayaw akong patulugin ni Shan sa kwarto ni Justice aniya'y wala daw siyang magiging katulong kaya wala akong nagawa.
"Not that much, tinuruan ako ni Gian noon pero bata pa kami noon." ani kuya.
Binuksan ko ang pintuan at nakitang nilalaro ni Shan si Mark habang si Justice at Riella ay nag uusap, si Yeshua, Pierre, Shaq at Gab ay nag uusap din.
Lumingon si Gab saamin at tumayo.
"Hey Nath" ani Gabrielle.
"How's Cebu" nag apir silang dalawa.
"I think it's fine." lumingon si Gabrielle saakin, umirap ako at dumiretso kay Shan na nilalaro si Mark.
"Shan mag ready ka na, ako muna kay Mark.Mabagal kang kumilos eh, lunch tayong lahat sa labas." sabi ko habang kinukuha ang teddy bear sa maleta ko.
"Huh Lunch agad? Kakabreakfast ko lang."
"10 am na Shan oh.Gayak na sige na." pag pipilit ko sakaniyang tumayo.
"Fine."
Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Mark na nakatingin kay Shan. "Marky look oh, I have a pasalubong for you" sabi ko habang binibigay ang stuff toy sa bata.
Tumawa si Mark at nilaro laro na iyon.
"Gumayak na kayo huy, gala muna tayo bago pumunta ng korte" sabi ko sakanilang lahat.
"Okay, gayak lang ako ai" ani Riella kay Justice.Ngumiti si Justice at humiga sa tabi ni Mark.
"Mark alam mo ba, ang ganda ganda ni Gabriella Chloe noh?" ani Justice at sinampal siya ni Mark gamit ang teddy bear. "Aray Mark ha, pero aminin mo ang ganda ni Gabriella."
"Oo na maganda na si Riella, Justice pero gumayak ka na utang na loob para maging mabilis na." sabi ko sa nakangiting Justice.
"Panira ka ng moment kahit kailan.Sige na" tumayo siya at lumabas na ng kwarto.
"Hoy Pierre at Yeshua, gayak na kayo" tumango sila at lumabas na.
"Gabrielle ano plano mo?" sabi ko habang magkausap silang dalawa ni kuya.
"Anong plano?" ani kuya Nathan.
"Gumayak ka na Gab" paguulit ko.
"Sige, teka lang orb." at lumabas na siya ng kwarto.
"Akala ko kung anong plano eh" sabi ni kuya habang papunta sa kama namin.
"Tss"
"Ay alam ko na meaning ng bracelet mo Nicole.Sinabi ni Gabrielle."
"Oh?"
"My future girl daw" ani kuya Nathan, napalingon ako sakaniya at nakitang naka ngisi siya habang nakatingin sa ceiling.
"Edi very funny joke."
"What? Why? Hindi mo ba gusto si Gabrielle?" umupo si kuya Nathan at lumingon saakin.
"No"
"What?!" napatayo siya.
"Huh"
"Wala, manhid mo. Aish" aniya.
"Whats wrong with not liking anyone?"
"Thats not my point, my point is he liked you ever since."
"Eh hindi ko siya gusto.Mamamatay na ba siya non?"
"Watch your words Nicole." seryosong sabi ni Kuya.
"Oh eh edi go outside then.Iwan mo yung anak mo dito buti na lang kamukha ko tong anak mo at hindi mo kamukha."
"Hey, he looks like me kaya sabi ni mommy"
"Syempre nanay mo yun eh"
"Nicole?!" inis na sabi ni kuya Nathan dahilan para matawa ako.
"Baba ng pasensya mo Ryder."
"Shut up."
"Mama mo shut up." tumawa ako. "Lumabas ka na at baka tapos na si Shan maligo, hindi lang makalabas dahil nandito ka pa."
"Fine" lumabas na siya ng naka nguso.
Tumayo ako at pumunta sa pintuan ng cr. "Shan?"
"Yeah?" sagot niya.
"Are you done?"
"Yeah" at binuksan niya ang pintuan ng cr at nakitang nakabihis siya.
"Kaya hindi ka napagkakamalang buntis eh.Tara na sa baba." sabi ko sakaniya dahil nakapag ayos na siya.
Inakay ko si Mark pababa ng stairs at nakitang kami na lang ang kulang.
"Doon na lang kayo sumakay sa van ni Nathan" ani daddy.
"Sino mag dadrive?" sabi ko habang papalapit sakanila, tumingin silang lahat saakin.
"Edi ako" ani kuya.
"Okay" lumuhod ako sa harap ni Mark para magpantay kaming dalawa. "Mark punta ka na kay lola" natawa ako dahil tinawag kong lola si mommy. "Hays mommy hindi bagay sayo na tinatawag na lola." sabi ko habang hinahatid sakaniya si Mark.
"Oo nga Nicole eh hays pero kailangan.Sige na mag iingat kayo ha, lalo ka na Shan." ngumiti si mommy sa lahat at kumaway na.
Lumabas na kaming lahat at sumakay sa van ni kuya Nathan. Sa loob ng van nakasakay si kuya sa driver seat habang sa tabi ni kuya ay si Shaq.Sa likod ni kuya ay si Shan, katabi ako ni Shan at katabi ko si Gabrielle.Sa likod namin ni Shan ay si Riella at Justice, sa pinaka likod umupo sina Pierre at Yeshua.
"Saan ba kayo? Saglit lang ba kayo?" tanong ni Kuya.
"Sa Ayala na lang para kaunti tao" ani Justice.
"Saglit lang kami kuya" sagot ko.
"Sus, sumama ka na kuya sa loob at matatagalan.Scam si Nicole." ani Shan, umirap na lang ako.Tumango si kuya at dinala kami sa mall at pumasok na sa loob.
"Saan tayo?" tanong ni kuya.
"Shopping" sagot ko habang hawak hawak ang braso ni Shan.
"Ha?" ani Pierre.
"Tara na, madiwara si Nicole." ani kuya Nathan.
Pumasok kami sa isang store at namili na, lahat kami ay may paperbag na dala paglabas dahil nag shopping ang lahat.
Dumiretso na kami sa isang restaurant at kumain na, mabilisang kain lang yon dahil 1 pm na non, dapat 1:30 ay nasa korte na kami dahil nandoon na daw ang lawyer ni Shan.
"Nicole" lumapit si Gabrielle saakin.Nag taas ako ng kilay.
"Uuwi ka na ng Spain bukas?"
"Yeah"
"Sige" yan lang ang sinagot niya at lumayo na saakin.
Umalis na kami sa mall at nakipag usap na si Shan at lawyer niya sa judge at maya maya pa ay dumating na si Angelo kasama si Tito Marcos,silang dalawa lang ang magkasama.
Napagkasunduan na dalhin sa DSDW si Angelo at ililipat siya sa kulungan sa kaarawan niya, dalawang taon siya sa kulungan at ipinangako ni tito Marcos na bibigyan nila ng pera si Shan para makatulong at nagpasalamat sila dahil hindi naisipan ni Shan na patayin ang sanggol.
Umuwi kaming lahat ng maayos at maaliwalas ang ibat ibang isipan kaya naisipan kong huwag ng umuwi sa condo at kila Justice na matulog.
"Pierre!Yeshua!" hiyaw ko sakanilang dalawa habang papasok sa loob ng bahay nila Justice.
"Uwi na tayo bukas ng Spain." anyaya ko para may kasama akong umuwi.
"Una na kayo Pierre, sunod ako next week promise.Text ko kayo kapag pauwi na ako, may trabaho pa ko sa restaurant eh." ani Yeshua.
"Huwag na Yeshua, uwi ka na.Mayaman ka naman" ani Shan.Tumawa silang dalawa at may iniabot si Shan na envelope.
"Nako Shan Mariel, huwag na." ani Yeshua.
"Kunin mo na sige.Ingat kayo sa pag uwi bukas,hahatid ko kayo." lumingon si Shan saakin. "Mamimiss kita, salamat sa lahat Nicole.Sana bumalik ka ulit sa Cebu next uwi mo ng pinas ha?" naiiyak na sabi ni Shan.
Niyakap ko siya. "Shh Shan, oo babalik ako I mean babalik kami" tumawa ako at bumitaw na sa pagkakayakap.
"Well uhm mag iimpake na ko kung ganon." ani Pierre at umakyat na sila ni Yeshua.
"Nicole" si Gabrielle sa likod ni Shan.
"Sige iwan ko muna kayo" kumaway si Shan at umalis na.
"Yes?" sabi ko habang nakatingin sakaniya.
"I'm going to miss you.I'm sorry dahil hindi kita naentertain, sorry kung nagkulang ako sayo, sorry kung may nasabi akong masama or may nagawa akong masama.Im so sorry sa lahat Nicole." hinawakan ni Gabrielle ang kamay kong may bracelet. "I love you so much, I know its cheesy pero pangako, pupuntahan kita sa Spain after moving up." humalik siya sa kamay ko.
Niyakap ko siya at nagulat siya sa ginawa ko dahil hindi ko kaagad naramdaman ang mga kamay niya sa likod ko.
"I'm going to miss you too.Thank you Gabrielle." kumalas ako sa pagkakayakap.
"Tara picture?" anyaya niya, ngumiti ako at tumango.
Nag selfie kami at tumawa pagkatapos. "Hays wala akong pahinga, kakauwi lang ng pinas babalik nanaman ng espanya cursed you final examination na pati minor subject meron" sabi ko dahilan para matawa si Gab.
"It's fine, alam kong babalik ka pa." tumingin siya saakin at tumingin din ako sakaniya. "At pag balik mo, hindi na ko magdadalawang isip na mag propose sayo." ngumisi siya at sinampal ko ang braso niya.
"Stop smirking like that, naalala ko nung unang beses tayong mag kita James Reid pa ang tawag ko sayo noon dahil sa ilong mo hays." ngumiti ako.
"Hays I dont even like that guy pero nung dinsecribe mo na siya as me? Wow I'm ready to like that guy." ani Gab dahilan para matawa ako. "Swerte nga naman ni Justice, dito na nagaaral si Riella sa Manila hays.Baka magpalipat ng school si Justice ng di oras ah."
"Why? Saan ba nag aaral si Gabriella?"
"University of Santo Tomas Junior High School"
"Eh UST din si Justice eh same school sila pero hindi ng buildings" sabi ko.
"Uhm sana all same school?" ani Gab, tumawa ako.
"Sige na, mag iimpake muna ako then I'll help tita Joy with the dinner." kumaway ako at umalis na sa harap niya.
Umakyat muna ako sa kwarto na tinutuluyan naming tatlo para magpalit ng damit pantulog at para makapag impake na din.
Lumabas na ako dahil nasa sala silang lahat at ako lang yata ang nasa kwarto.Bumaba ako sa hagdanan at nakitang nanonood sila ng tv, wala si Pierre at Yeshua sa sala at naisipan kong katukin muna sila sa kwarto nila.
Naglakad ako papunta sa kwarto nila, nang nasa harapan na ako ng pintuan ay kumatok ako, bumukas ito at si Pierre ang nagbukas nito.Ngumiti ako at ngumiti din siya.
"Sino yan?" tanong ni Yeshua mula sa loob.
"Nicole" ani Pierre. "Pasok ka."
Pumasok ako sa loob at nakitang nag aayos sila ng mga damit.
"Oh, what brings you here?" tanong ni Yeshua habang tumatayo.
"Talk I guess." sagot ko pabalik.
"About?" ani Pierre.
"Spain? School? SCIS? And exam? Grades?" sagot ko.
"School nga ba?" pang aasar ni Yeshua.
Lumingon ako sakaniya, bumalik siya sa pwesto niya kanina. "Oo ah, ano pa ba pwede nating pag usapan tatlo?"
"Akala ko aamin ka na may gusto ka sa isa saamin" ani Yeshua, tumawa sila ni Pierre.
"Yeah, same thought because she smiled at me at the door" tumawa sila.
"Kakapal ng mukha niyo.Wala nga akong "inspirasyon" eh" sabi ko habang gumagawa ng
" " signs gamit ang kamay.
"Ows?" ani Yeshua.
"Shut up Yesh" umirap ako.
"So what about schools? And grades?" si Pierre na sinasara ang maleta niya.
"I dont know, hindi ko kasi kayo nakikita sa Santa Clara." lumingon ako kay Pierre. "Mag kaklase kayong dalawa?" dagdag ko.
"Ah oo." sagot ni Yeshua.
"Ang dalas dalas ko sa building niyo pero hindi ko kayo nakikita o nakakasalubong sa hallway."
"Feeling ko nga nakita na kita eh, during the prom last year I think I saw you though." ani Pierre.
"Ay siya ba yung kinukwento mong mala cinderella ang suot dahil ang cute kamo ng hugis ng dress?" ani Yeshua.
"Shut up Yeshua." umirap si Pierre.
Tumawa si Yeshua. "Pierre likes that girl so much, lalapitan nga ni Pierre sana yon eh kaso laging nasa back stage."
"Ah, yeah thats me.Ano ba eh student council ako edi malamang na kailangan ako sa backstage.Oh eto na ko Pierre" tumawa ako.
"Shut up you too.Naalala nga kita Nicole nung hiniram mo saakin yung jetski" ngumisi si Pierre.
"Ay s**t, Pierre si Nicole yun? Grabe ka tol naglilihim ka na.May lihim na pag tingin ka pala kay bessywaps ko" tumawa si Yeshua.
"Gago ka Yeshua" sabi ko.
"Shut up Yeshua" sabi ni Pierre.
"Ay gumaganon." tumawa si Yeshua. "By the way Nicole, nag viral yung picture nating dalawa na pinost mo."
"Oo, binash ako ng mundo jusko" tumawa ako. "Anong meron ba kasi sayo Yeshua?"
"She really didn't know" sabat ni Pierre.
"Na?" tanong ko.
"Na anak ako ng mafia" ani Yeshua, tumawa si Yeshua at natawa din kami ni Pierre.
"You can't be serious." sabi ko habang tumatawa padin.
"Yeah I'm not serious pero hindi ko din alam kung bakit nag viral yon at kinampihan ako ng mundo at ikaw yung binash ng mundo."
"Seryoso?" sagot ko sakaniya.
"Even I? Nagulat ako kung bakit nag viral pictures niyong dalawa." sumabat si Pierre.
"Si Katie minumura ako like, what?" sabi ko.
"Katie is cute but she's a psycho and she is so desperate like desperate." ani Pierre habang nandidiri.
Tumawa si Yeshua. "Naalala ko nung niligawan ni Pierre si Katie, kinikilig pa si Katie noon eh tumagal din ng buwan yon tapos isang araw lumapit na lang si Pierre saakin ng luhaan, bumitaw daw si Katie eh hindi naman naging sila." tumawa siya at binato niya si Pierre ng jacket. "Eto pa eto pa, lumapit si Katie saamin ni Pierre sa cafeteria tapos sabi ni Katie "Por qué no peleaste conmigo? (why didn't you fight for me?)" I was like okay yall can get a room pero si Pierre inakay na lang ako paalis doon at didnt say a word"
"Daldal talaga ni Yeshua kahit kailan" sabi ko habang umiiling.
"Yeah I know right.Ako yung tahimik pero ako yung habulin." tumawa si Pierre at natahimik si Yeshua.
"Grabe hindi naman" panlalaban ni Yeshua.
"Thats because yall are too noisy, I am sleeping from the other room." ani Shaq dahilan para matawa kaming tatlo.
"Ayos ng accent mo bro ah" ani Pierre.
"Pwede na ba sa espanya?" tumawa si Shaq at tumawa din kami. "Tara na sa baba mga tanga." anyaya ni Shaq at tumayo na din ako para sumunod sakaniya.
I'm so happy na nag reunite kami ni Shan, we met new people and passed all the problems.