Condo ni Yeshua
(Chapter 28)
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Gabrielle.Kinuha ko iyon at sinagot.
"Nasaan ka?" bungad ko.
"Hu-huh?"
Nagulat ako dahil nauutal siya.
"Nasan ka?" paguulit ko.
"Restaurant, why?"
"Hindi ka pa ba aakyat?"
"Uhm hindi pa sana-why? Nasa taas ka? Sige aakyat na ko." at pinatay niya na ang tawag.
Intayin ko na lang siya dito sa lobby, mag ccr muna ako bago kami umakyat.Gising na kaya si Yeshua? Hays baka pagod dahil sa trabaho.
Pumunta ako sa cr ng girls at pumunta sa isang cubicle.I did my thing there at lumabas na, natatakot ako kasi mag isa lang ako sa loob ng bathroom baka may biglang bumulaga sa salamin o kaya'y mag flicker ang ilaw.
Naghugas lang ako ng kamay at hindi ko na napatuyo dahil natatakot na ako, katapat ng bathroom ng girls ang bathroom ng boys.Pagkalabas ko ng mismong pintuan ng cr ng babae ay natisod ako.
Napapikit na lang ako dahil alam kong babagsak ako ngunit nagkamali ako nang may humawak sa likod ko, it was Yeshua. Nakasapo ang kanan niyang kamay sa likod ko habang ang kaliwang kamay niya ay nakasapo sa batok ko. Naka hawak ako sa batok ni Yeshua ngayon, ang awkward ng moment.
Tumayo ako at tinulungan niya akong tumayo, basa padin ang kamay ko at hinawak ko iyon sa batok ni Yeshua.Kinuha ko ang panyo ko at pumunta sa likod niya para punasan ang batok niya.
"I'm sorry" sabi ko pagkatapos punasan ang batok niya.
"It's water, I know.Don't be sorry, ako dapat ang mag sorry dahil nakatulog ako sa labas." ngumisi siya ngunit agad nawala ang ngisi niya nang tumingin siya sa kanan.
Nandoon si Gabrielle pinapanood kami.Tumalikod na siya at umalis, tumingin ako kay Yeshua para humingi ng tulong.
"Puntahan mo na."
Tumango ako at tumakbo na paalis doon.Nakita kong nag sara na ang elevator, napalingon ako sa tabi ng elevator, wala akong choice kundi mag stairs.
Umakyat ako sa hagdanan,narealize ko na nasa 19th floor ang suite ni Shan at malayo pa ang tatakbuhan ko kung ganoon.Hingalin akong tao kaya naisipan kong intayin huminto ang elevator sa ikalawang palapag at doon sumakay.
Nang makarating ako sa second floor ay agad akong tumabi sa button ng elevator at sumandal doon,pinindot ko ang button at nag intay.
Tumunog ang elevator kaya napatayo ako.Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito, tumatawag si Yeshua.
Pumasok muna ako ng elevator at pinindot ang 19th floor bago sagutin ang tawag.Tinapat ko ito sa aking tainga at kusa naman ng sasagutin ang tawag kapag tinutok ko sa tainga ang cellphone ko.
"What are you doing, Nicole?!" inis na sabi ni Yeshua sa kabilang linya na ikinagulat ko. "Nandito si Gabrielle, sa lobby iniintay ka"
Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi ni Yeshua.Napatingin ako sa pintuan ng elevator at nakitang bumukas ito, nasa 19th floor na ako.
"I-I thought umakyat na si-siya" hinihingal kong sabi, mabibigat na hininga ang lumalabas sa bibig ko ngayon dahil hiningal ako sa pagtakbo.
Namatay na pala ang tawag.Lumabas na ako ng elevator at tsaka ko palang narealize na wala akong kasama sa loob ng elevator.Bangag na bangag na ba ko nito? Ano ba yan Nicole Reina you're so stupid.Antanga ko sa part na hindi ko na realize na wala si Gabrielle sa loob ng elevator.
Inis akong tumakbo kahit alam kong mahihimatay na ako any moment.Hinang hina na ako, hindi ko na kaya ngunit patuloy padin ang pagtakbo ko.
Kailangan ko na talagang humingi ng kopya ng susi ng suite ni Shan kahit ngayon lang.Ang dalas dalas ko pa naman mag pabalik balik dito sa itaas.
Nag angat ako ng tingin dahil kanina ay nakayuko ako habang tumatakbo, nakita ko na malapit na ako sa suite ni Shan at binilisan ko na lalo ang pagtakbo ko.
Nang isang suite away na lang papunta sa suite ni Shan ay nag half run na lang ako at unti unting lumalim ang pag hinga ko.Nahihirapan akong huminga.
Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ni Shan ay naalala ko na walang mag bubukas ng pintuan kaya sumandal muna ako kahit kailangan ko ng uminom ng tubig so that i don't passed away.
"Sh-Shan" na nginginig kong sabi kahit alam kong walang tao sa loob ay tinatawag ko padin ang pangalan niya. "Shan, t-tul-ong"
Napapikit na lang ako dahil ang hirap ng huminga,napahawak ako sa dibdib ko dahil sumasakit na ito.Unti unti kong kinapa ang pouch ko ngunit hindi ko na ito nakuha,naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa sahig.
Naalimpungatan ako at unti unting idinilat ang mga mata ko,nakita kong nasa isang kwarto ako ngunit hindi ito ang kwarto ni Shan.Tumingin ako sa mga gilid at nakitang nasa hotel ako dahil hotel style ang mga nasa paligid ko.
Tinignan ko ang suot ko at nakitang naka jogging pants padin ako ngunit naka hoodie na ako na yellow, wala akong yellow hoodie na binaon.Agad akong nag panick at nag taklob ng kumot upang tignan kung suot ko pa din ang bra at panty ko at nakitang saakin padin yon.
Tinanggal ko ang taklob at unti unting umupo para umalis sa kama na hinihigaan ko.Hindi pamilyar saakin ang hotel room na ito at hindi ko alam kung sino ang nagdala saakin dito.
Tumayo ako at dumiretso sa pintuan para buksan ito.Pagkabukas ko sa pintuan ay bumungad saakin ang isang sala at isang malaking tv sa harapan ng mga couches.Sa harapan ng couches ay mayroong lamesita na mayroong mga marble na white sa loob ng clear vase.
Lumabas ako at nakita ang kitchen sa tabi ng pintuan palabas ng hotel room na ito,mukhang hindi ito ordinaryong hotel room dahil isa itong suite.
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig at naalala ang aking cellphone.Binilisan ko ang pag inom at tumakbo pabalik sa kwarto para hanapin ang cellphone ko at thank God, nasa tabi lang ito ng kama nakalagay sa coffee table.
I wonder kung sino nagdala saakin dito at nasaan kaya yung taong nag dala saakin dito, I should thank the person who brought me here pero bakit niya ako tutulungan kung hindi niya ako kilala diba?
Lumabas ako at saktong paglabas ko ng kwarto ay ang paglabas din ni Yeshua sa cr sa tabi ng sala.Agad akong nagulat sa nasaksihan dahil si Yeshua ay naka tuwalya lang.Hindi ako naging aware kaagad dahil na a-amaze ako sa abs niya, anim yon dahil binilang ko.
May tattoo siya sa dibdib na hindi ko maintindihan dahil codes yon.Tumingala ako para tignan ang mukha niya at nakitang naka ngisi siya. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa cellphone ko at naisipan na tawagan si Gabrielle.
Pinindot ko ang number niya at nagriring naman ito pero wala padin sumasagot, tinapat ko ito sa tainga ko at pumunta sa sala para mag intay.
"Dapat kasi ay tinignan muna kung nagiintay yung kasama mo sa couches bago ka umakyat, tapos nag stairs ka pa.Ako tuloy binungangaan ni Gabrielle.Tss" aniya habang nagsusuklay pero naka tuwalya padin siya.
"Akala ko ba wala kang load? Paano mo ko natawagan?" pag iiba ko ng usapan.Nakaharap ako sa tv habang nakasandal habang siya ay nasa kaliwang bahagi ng sala.
Humarap siya at naglakad papunta sa likod ko.Napalipat ako ng couch at ngumisi lamang siya, umiling ako.
"I ain't call Yeshua for nothing.Bahay nga nakabili ako, load pa kaya?" tumawa siya.
"Hangin mo.Tseh"
"Mukhang masaya ka dyan Nicole" ani Gabrielle sa kabilang linya na ikinagulat ko.
"Omg Gabrielle nasaan ka ba kase?" tumayo ako at lumayo kay Yeshua.
"Why?"
"Huh?"
"I said bakit mo ako hinahanap? Kasama mo naman si Yeshua na MATAGAL mo na palang kilala at mukhang komportable kayo sa isa't isa kaya.Naunahan niya nga ako sa pagbuhat at pagdala sayo sa clinic kanina" bumuntong hininga siya.
"Dami mong sinasabi.Nasaan ka ba kasi?"
"Edi kasama yung mga dapat mong kasama."
"Ano ba? nasaan nga.Wala akong sinabing sino kasama-"
"Nasa bahay ng lola ni Shan.Aalis naman daw kayong dalawa bukas kaya sumama na ako dito."
Anong connect ng pagsama niya kila Shan sa pag alis namin ni Shan? Etong lalaking to napaka walang sense ng sinasabi.
"Oh?"
"Kukunin na lang kita mamaya diyan sa condo ni Yeshua." matamlay niyang sabi.
Condo ni Yeshua? Napalingon ako sa buong unit.Hindi ko nahalata na condo to ah "Uhm okay.Anong oras?"
"Maya mayang onti.Patapos na din akong kumain, mag gagala pa naman sila sa garden ng lola ni Shan."
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 8 pm na ng gabi.Tagal ko namang nahimatay.
"Okay bye." binaba ko na ng tuluyan ang tawag at bumalik sa sala.
Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag nandyan si Yeshua, feeling ko nagkakilala na kami noon at feeling ko sobrang close namin noon to the point na uninseperable kaming dalawa.Nag hahallucinate na ako.
"Hey" ani Yeshua at umupo sa kabilang couch.
Tumingin ako sakaniya at ngumiti.
"Okay ka na?"
Tumango ako.
"Nagugutom ka? Dinner na din oh."
"Sa hotel na siguro ako kakain.Intayin ko na si Gabrielle."
"Okay"
"Nga pala.Bakit napunta ako dito? Eh sabi ni Gabrielle sa clinic lang daw ako dinala."
"Hindi ka kinaya sa clinic kanina kaya sabi ng nurse dalhin ka daw sa hospital so dinala kita sa hospital kung saan nag tatrabaho kuya ko para maasikaso ka kaagad."
"Eh bakit hindi alam ni Gabrielle na dinala ako sa hospital?"
Ngumisi siya bago sumagot. "Eh kase nag selos si Gabrielle, umalis siya kaagad matapos kitang maihatid sa clinic. Tinatawag ko nga siya kanina para may mag drive ng sasakyan ko kaso wala na pala siya doon.Nagpatulong na lang akong buhatin ka kaya ako na nag drive.Tinawagan ko na din kuya ko para salubungin tayo sa entrance ng hospital."
Tumango ako. "Uhm Yesh."
"Yes?"
"Sino uhm nagbayad-"
"No its fine.Hindi naman kalakihan yon" ngumiti siya at kinuha ang remote ng tv.
"Salamat" sabi ko habang pabalik siya sa couch.
Finally a REAL Freshen up
(Chapter 29)
Mabilis lumipas ang oras at sinundo na ako ni Gabrielle para maihatid na ako sa hotel nila Shan,ani Gabrielle ay matatagalan pa sila Shan sa bahay ng lola nila kaya matutulog na lang ako.
Pag gising ko naman ay nakita kong katabi ko na si Riella at Shan, nasa gitna nila akong dalawa.Bumangon ako at nagpasyang mag palit ng swim wear para maligo sa dagat.
Kinuha ko ang mga damit ko at nagbihis na, kinuha ko ang sunglasses at cellphone ko at tuluyan ng lumabas.
Nakita kong nasa sala ang tatlong lalaki,sa couch natutulog si Justice habang si Gabrielle at Shaq ay natutulog sa ibaba.
Dumiretso muna ako ng kusina para uminom ng tubig at lumabas na din kaagad, naging mabilis lang ang pagkilos ko para makaligo muna ako.Pag papahingahin ko muna sila dahil mukhang pagod dahil nakita kong may sugat si Riella sa kamay at kulay red ang kalahati ng mukha ni Shaq, they really haved fun.
Pumasok na ako ng elevator at inintay ito makababa, huminto ang elevator sa floor 8 at may pumasok na pamilya.Mabuti na lang ay hindi nila ako pinapakealaman.
Nang makababa na ito sa ground floor ay naisipan kong kumain muna dahil 8 am na.Dumiretso ako sa restaurant at umorder ng pancakes dahil gusto ko ng maligo.Na serve naman yon ng walang istorbo kaya kumain din ako ng walang istorbo.
Tumayo na ako doon dahil tapos na akong kumain at pumunta na sa dagat.Kumuha ako ng isang leaning chair at nilagay doon ang mga gamit ko.
Nakita kong suot ko padin ang bracelet na bigay ni Gabrielle, tinanggal ko iyon at nilagay sa bulsa ng suot kong blazer.
Naka rush gard na black ako at naka bikini underwear, naka maong shorts ako.Tinanggal ko ang blazer at maong shorts ko at naglakad na papunta sa shore.
Nang marating ko na ang tubigang parte ng buhangin ay nag dire diretso na ako hanggang sa umabot na ang tubig sa leeg ko.Lumubog ako at lumangoy langoy na.
Ang gaan sa pakiramdam, dapat una palang eto na ginawa ko.Pag dating ko sana dito sa Cebu tumalon na ako sa tubig kaysa naman madaming alipores na dumating sa buhay ko ngayon.
Umahon ako at nakitang malayo layo ako sa shore, may nakita akong jetski sa isang side mukhang kay Shan padin yon.Lumangoy ako pabalik sa shore dahil gusto ko mag jetski.
Nang abot na ng kamay ko ang buhangin ay tumayo na ako at naglakad paalis don.Nag half run ako papunta sa jetski.May isang lalaking nagbabantay sa jetski,I should ask for it muna baka dala pala nila ito, inaakala ko pang kay Shan.
"Kuya? Is that yours?" I ask the guy beside it, bata pa ang lalaki nag babantay dito ngunit may kahawig siya.
"Ah yes, wanna borrow it?" he replied.
"If its okay?"
"Yeah." ngumiti siya saakin.
Yung mga ngiting yon, kilalang kilala ko yon.Hindi ko masabi kung sino pero nasa isip ko siya.Hindi ko masabi ang pangalan dahil nasa dulo ng dila ko yung pangalan.
"You look familiar though." yan lang ang nasabi ko.
He smirked before he respond. "Do I?"
"Yeah"
"Well, I look like your future boyfriend though"
We both laugh and smiled.
"Corny mo but you really look familiar.I know someone with that smirk."
"Im the only one with this smirk" and he smirked at me.
I slightly laugh. "Yeah okay.Can I borrow yours now?"
"Why the jetski? If you can borrow me"
"Stop it, I'll just go then" umiiling akong ngumisi habang tinatalikuran siya.
"Hey miss uh-here's the key!" hiyaw niya dahilan para mapabalik ako sa kaniya.
Kinuha ko ang susi. "Thanks"
"Hey, whats your name?"
"Nicole.You?"
"Pierre"
"Well, hi Pierre.Thanks" pinakita ko ang susi ng jetski.
Tinulungan niya akong itulak ang jetski papunta sa tubig.
"For how many hours are you gonna use mine?" he asked habang sumasakay ako sa jetski.
"For just a minute.Iikot lang ako and magkano?"
"Nah, its free.Your pretty face is my price." ngumisi siya "Have fun.Intayin na lang kita dito."
Tumango ako at inistart na ang jetski.
Pinaandar ko na ito at lumayo layo ng kaunti
"Woah!" hiyaw ko dahil ngayon ko lang ulit naramdaman to.Ang pagiging masaya.
Nag ikot ikot lang ako sa alam kong parte padin resort ni Shan.Nakita kong nanonood padin si Pierre sa malayo.That guy, he is so familiar.
Napahinto ako dahil may naalala.Napatingin ako sa gawi ni Pierre at nakitang gumalaw siya mukhang nagtataka kung anong nangyari.
That guy is so familiar but I dont remember him.May ala ala pero walang idea.
I should return his at iisipin kung bakit siya kilala ng mata ko pero hindi maalala ng isip ko.
Pinaandar ko iyon at nag dire diretso sa gawi niya.Binagalan ko ang pagpapatakbo nang malapit na ako sakaniya.
Sinalubong niya ako sa tubigan at inalalayan ako sa pag baba.Ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik.
Tinulungan ko siyang ipunta sa buhangin na part yung jetski niya,nang alam kong kaya niya na ay umatras ako ng kaunti.
"Are you from Spain?"
Lumingon si Pierre saakin nang nakakunot ang noo. "Uh yeah?"
"Okay" Lumayo na ako sakaniya at lumapit sa mga gamit ko.
"Hey!" hiyaw ni Pierre.Lumingon ako sakaniya.
"Oh?"
"How did you know that im from Spain?"
"We need to talk." seryoso kong sabi.Kinuha ko ang gamit ko at pumunta sa loob ng hotel ni Shan para magpalit ng damit.Nararamdaman kong nakasunod siya saakin.
Pumasok na ako sa cr ng babae at nagbihis na,mabilisang bihis lang iyon dahil ipapaloob ko lang naman ang shorts ko, tinali ko ang blazer ko sa bewang ko at lumabas na.
Nakita kong nakasandal siya sa pader, nagiintay.
Tumango ako at naglakad, pumunta ako sa restaurant nila Shan at umupo sa pang dalawang upuan.Umupo ako at umupo siya sa harap ko, may lumapit na waiter kaya nag order ako ng dalawang coffee.
"So?" aniya habang paalis ang waiter sa harapan namin.
"Are you related to the Kurzawa's?"
"Uh yeah.Thats my last name."
Sabi na nga ba eh.Isa tong Mendoza, kapatid to ni Justice.
"Mendoza ka?"
Tumaas ang kilay niya bago sumagot. "Yeah."
"Kilala mo si Justice Fernandez?"
"I dont exactly know.My dad tells me na may ibang pamilya si mom and mom always told me that I have a brother that is named Justice Claye."
"Did you get a chance to meet him?"
"No.Ngayon lang ako umuwi ng pilipinas kasi binigyan ako ni el abuelo (grandfather) ng pera para mavisit ang Manila but I said na I wanna go to Cebu so here I am."
"There is no way na schoolmates tayo sa SCIS?"
"I actually go there."
Oh God.
"Kilala mo si Yeshua?"
"Yeshua Prince Gil?"
OMG. "Oo."
"He's my bestfriend.Kaya ako nandito dahil sakaniya."
Astig mo naman talaga tadhana kahit kailan ka.
"But Yeshua doesn't know that Im here.Kakadating ko lang kaninang 2 am."
Hindi pa sila nagkikita? Para palang ako si Pierre eh.Hilig mang surprise, pati ako nasurprise.
"Tara sakanila?"
"What?"
"May condo si Yeshua, I mean apartment dito sa Cebu."
"Its fine."
"Saan ka nag iistay?"
"Edi dito sa Takashi's."
"Kilala ka ng may ari ng hotel na ito?"
"What? Ofcourse not.You're a crazy woman, Nicole.Geez."
"Edi hindi." Tumayo ako. "Pahingi number mo.Sabay tayo mag dinner mamaya.Sasama ko mga kasama ko tsaka si Yeshua."
"Okay, here" pinakita niya ang number niya at tinype ko iyon sa cellphone ko.
"Thanks. See you later?"
"See you, Nicole. You can still borrow mine." he smirked.
Yung ngisi na yon tss.Justice na Justice. "Iisa talaga kayo ng ngisi.Sige salamat pala, Pierre." kinuha ko ang coffee at tumayo.
Kumaway ako at umalis na doon.Pumunta na ako sa hotel ni Shan at pumasok na sa elevator, pinindot ko ang floor kung nasaan ang suite ni Shan at nag intay.
Agad namang nakarating sa tamang palapag dahil walang istorbo ngayong araw.Im going to call this day the real freshen up day.
Natawa ako habang sinasabi ko iyon sa utak ko.Tumunog ang elevator kaya lumabas na ako agad.Naglakad na ako papunta sa suite ni Shan.
Nang nasa tapat na ko nito ay kumatok ako.Binuksan iyon ni Shaq kaya pumasok na ako.
"Nag swimming ka? Aga mo nagising." ani Shaq nang nasa loob na ako.
"Oo." yan na lang ang naisagot ko at dumiretso sa kwarto ni Shan. Sinilip ko sila at nakitang gising na si Riella habang nakadapang natutulog si Shan.
Nagulat si Riella dahil basa ako.Binigyan ko siya ng "huwag maingay" face at "I'll explain everything later" na ekspresyon.Dumiretso ako sa banyo para isuot ang suot ko kagabi.
Ang hoodie na yellow at black na jogging pants, sinuot ko na din ang bracelet na bigay saakin ni Gabrielle na nasa bulsa ng blazer ko.Lumabas na ako ng cr at nakitang nag uunat na si Shan.
Nanlaki ang mata ni Shan nang makita akong basa ang buhok.
"Gaga to, kaaga aga" she said with a morning voice.
"Nag swimming ako sa baba."
"Anong oras ka nagising ate?" tanong ni Riella.
"8 am."
"Ikli mo naman sumagot.May nangyaring masama noh?" pang eepal ni Shan.
"Wala naman.May nakita lang."
"Na?" sabay nilang sabi dahilan para mapalingon ako.
"Nakita ko yung step brother ni Justice.Naka check in daw siya dito sa hotel mo, gaga." sabi ko.
"Luh" ani Shan
"Ha?" ani Gabriella
"Isa isa lang tanong." kinuha ko ang upuan sa study table ni Shan at nilagay iyon sa harapan ng kama ni Shan at umupo.
"Ako muna, saan mo nakita yung Kurzawa na yon?" ani Shan.
"Kurzawa?" ani Riella.
Lumingon ako kay Riella. "Wait ha, isa isa lang kako."
Tumango si Riella.
"Pierre pala ang pangalan niya.Nakakita kasi ako ng jetski kanina, akala ko nga sayo yun Shan eh kasi nasa hotel mo non pala sakaniya.Edi hiniram ko tapos habang nag jejetski ako naging familiar yung mukha-no, hindi yung mukha kundi yung ngisi niya.His smirked was like Justice's at after non nag tanong tanong na ako at nalaman ko na schoolmate natin siya Shan, sa Spain."
"What the f**k? Wait , so he goes to Santa Clara and he's from Barcelona and his mother is tita Joy and his father is Polish."
Tumango ako. "At best friends sila ni Yeshua." dagdag ko.
"Yeshua?" sabay nilang sabi.
"Yung waiter doon sa restaurant mo Shan, Yeshua Prince Gil? Schoolmate din natin yon."
"Ah si Gil-ay gago? Totoo? Niloloko loko ko lang yon kasi sabi niya liligawan niya daw ako.Talagang schoolmate?"
"Oo.Teacher niya ang science teacher ko ngayon." dagdag ko. "At mayaman yon tanga"
"Magkakilala kayo ni Gil?"
"Kahapon lang kami nagkakilala."
"Friendly mo naman gaga." ani Shan. Umirap ako at tumingin kay Riella.
"May tanong ka?" tanong ko kay Riella.
"So walang kapatid si Justice sa Fernandez?" umiling ako. "Yung Pierre ang kapatid niya?" tumango ako. "So paano niyo nalaman na may kapatid sa ibang tatay si Justice?"
"Four years ago, pinag tipon tipon kami ng mommy ni Justice with our parents tas sinabi niya na may anak siyang Polish pero nasa Spain.Naalala ko nga ako yung iniinterview eh dahil baka daw may nakakasalamuha akong Kurzawa I said no kasi wala pa naman."
"Alam na ba ni Justice na nandito yung Kurzawang yon?" ani Shan.
"Tanga hinde.Ako nga unang nagising eh, tulog pa nga yung mga tao sa labas.Si Shaq lang gising."
"Eh tara na at tipunin sila ngayon." tumayo si Shan at lumapit sa salamin para mag suklay.
"Una na ko sa labas.Mag ayos na kayo." sabi ko at tumayo na.Lumabas na ako at nakitang nanonood na silang tatlo ng tv.
"Hey" ani Gabrielle.
"Hey" umupo ako sa sahig dahil may carpet naman ang sala ni Shan.
"Naligo ka na?"
"Oo, sa dagat." simple kong sagot.
"Aga mo naman nagising."
"Yeah and we all need to talk.Intayin lang natin matapos yung dalawa sa loob."
"For?" sabat ni Justice.
"What do you mean for?" humarap ako sakaniya. "It's about you Justice."
Lumingon siya pabalik saakin. "Why me?"
"You'll see." humarap na ako sa tv at nakinood na din.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Shan at lumabas na silang dalawa.
Napalingon si Justice sakanila. "Hey, ai" ani Justice habang papunta sakaniya si Riella.
"Hey" tumabi si Riella sakaniya.
"Really Gabriella? Ai? Kayo na ba?" ani Gabrielle habang umiiling.
"Whats wrong with that?" si Riella.
"Wala."
"Bakit ai? Justice?" tanong ko kay Justice.
"Ai means love in chinese." ngumisi siya.
Lumingon ako kay Gabrielle at nakitang nagulat siya sa paglingon ko sakaniya.
"Oh why Nicole? Inggit ka?" ani Gabrielle.
"Shut up" umirap ako at pumunta kay Shan.
"Ge game." bulong ko kay Shan.
Tumango siya at lumapit na sa mga kasama namin, sumunod ako sakaniya.
"Kuya turn off the tv.May paguusapan tayo."
Sumunod si Shaq at iniwan ako ni Shan sa gitna, umupo siya sa tabi ni Shaq.
"Go Nicole." ani Shan.
Tumingin ako kay Justice,nagulat siya sa ginawa ko kaya nagsimula na akong magsalita.
"Justice nandito sa Cebu ang kapatid mo.Pierre ang pangalan niya.Schoolmates kami."
Nakita kong nagulat si Justice sa sinabi ko.Sino ba namang hindi magugulat doon eh dirediretso kong sinabi yon.
"And?" ani Gabrielle.
"Step brother yon ni Justice, kuya." ani Gabriella.
Tumango si Gab.Lumingon ako kay Justice na gulat padin.
"Nasan siya?" tanong ni Justice.
"Hindi ko alam pero inimbitahan ko siya mamaya para mag dinner."
"Omg thats cool.Pareserve ako ng table mamaya.Ilan tayo Nicole?"
"8 tayo, sama na natin si Yeshua."
"Yeshua nanaman." ani Gab habang iwinawala ang tingin.
"Bff ni Yeshua si Pierre shut up Gabrielle Christian." inis na sabi ni Shan.
"So okay? Later? 8 pm then." ani Shan at kinuha ang phone niya at may tinype doon. "Oh.My.God Nicole.Yung post mo gaga nag viral.Yung post mo sa instagram."
Kumunot ang noo ko at naramdaman kong tumingin si Gabrielle.Nilabas niya ang phone niya kaya nilabas ko din ang phone ko para icheck.
Nakita kong flooded ang comments ng puro cheesy lines at yung iba ay from my schoolmates sa Barcelona kaya ang iba doon ay espanyol.
"I told you, schoolmate natin si Yeshua.Tignan mo mga pinagsasasabi ng schoolmate natin Shan.Ang iissue nila grabe."
"Oh wow.Si Yeshua pala ang nanalong Prom King noon and OMG si Pierre ba to." pinakita ni Shan ang picture ni Pierre at Yeshua na naka middle finger habang nasa background picture ay ang Eiffel tower.
"Oo yan yon."
"Pakita" ani Justice.
Binigay ni Shan ang phone niya kay Justice.
"He looks like mom."
"Pero yung ngisi at ngiti niya sayong sayo."
Lumingon si Justice saakin. "Really?"
"Oo, kaya nga nakilala ko eh."
"Ohmygod si Katie nag comment sa picture niyo ni Yeshua." sabat ni Shan.
"Ansabe?"
"In english na ba?"
"Oo sige."
"Sabi ni Katie the b***h "What? Yeshua? really? go to hell now Fernandez." yan ang sabi ng bobo" inis na sabi ni Shan.
"Grabe halos lahat ng nagugustuhan ni Katie nakakasama ko.Buti nailalayo ko si Justice." tumawa ako.
"Ay oh, nag post kadin pala ng picture niyo ni Gabrielle." nag peace sign si Shan kay Gab dahilan para mapairap si Gab. "Sorry."
"Tawagan ko na lang muna siguro si Pierre para sabihin kung anong oras dinner." tinawagan ko si Pierre habang nakaupo padin sa harapan nila.
"Hello?" ani Pierre sa kabilang linya.
"Nicole to.8 pm daw dinner.Tawagan ko na din si Yeshua, sa restaurant lang din tayo."
"No, dont call Yesh.He's with me.I'll tell him okay Thanks."
"Bye" binaba ko na ang tawag at nakitang nakatingin silang lahat saakin.
"What?" tanong ko.
"Gaga si Gabrielle oh, puputok na ata dahil sa pigil ng galit." ani Shan.
"Umayos ka nga Gab.Para kang tanga.Hindi mo nga alam na nadala ako sa hospital."
"What?" sabay sabi ni Justice at Shan.
"Huwag mo ng iopen yang usapan na yan atleast you're wearing the bracelet I gave you." ani Gab at iniwala nanaman ang tingin.
"Oh ang ganda ate Nicole." ani Gabriella dahilan para mapatingin si Gab saamin.
"Dont touch it Riella." ani Gab nang umupo na din sa tabi ko si Riella.
"Why?"
"Just dont."
"Okay." ngumisi siya. "Ate Nicole,pakita nga."
"Aish bahala ka na nga." inis na sabi ni Gabrielle.
"Oh uhm okay" pinakita ko iyon at nakitang natawa si Riella.
"Corny mo kuya Gabrielle." tumawa si Gabriella at lumapit kay Justice.
Nag taka ako dahil hindi ko alam meaning ng bracelet na ito.
"Shan dito na lang tayo, huwag na tayong umalis." sabi ko kay Shan na hanggang ngayon nag babasa padin ng comments sa post ko.
"Oo." aniya habang nakatingin padin sa phone.
Inilabas ko ang phone ko at nag f*******: na lang dahil nag nonotif ng bongga ang i********: ko.
Nakita kong flooded din ang inbox ko at tinignan ko iyon isa isa at nakita kong mas madaming galit na messages.Grabe naman tong mga ito.Whats wrong with being with Yeshua? I dont know.
"Nicole ohmygod.Binabash ka ng mundo ngayon.Malapit ka na mag trending sa Spain.Ano bang mayroon kay Yeshua na yan at binabash ka ng mundo." inis na sabi ni Shan.
"Baka sikat si Yeshua sa Spain pero kung sikat siya dapat ay kilala natin siya diba tsaka si Yeshua? nag tatrabaho? tapos sa hotel mo pa.Aish"
"Yeah.I should ask Yeshua or patawag na lang natin ngayon? alam mo sched niya?" tanong ni Shan saakin.
"Sabi niya hanggang 4 pm lang siya lagi."
"Patawag ko siya, nasa restaurant daw siya."
Tumango ako at humiga sa carpet ni Shan.Pinapanood ako ni Gabrielle.
"What are you looking at?"
"You ofcouse."
I smirk. "Halika na nga dito."
Nanlaki ang mata niya
"What?"
"Sabi ko tara na dito.Arte mo"
"Okay" ngumisi siya at lumapit saakin tsaka humiga.
"Hoy no.Doon ka sa couch Shaq." bawal ni Gab kay Shaq na makikihiga.
"Edi wag" ani Shaq at pumunta sa couch.
Tumingin si Gab saakin dahilan para mapatingin ako sakaniya pabalik.Lumingon siya sa kamay ko at hinawakan yon.
"Mahal kita Nicole. I am, will be, and forever be." lumapit siya at hinalikan ang kamay ko.