Post
(Chapter 26)
Habang nagiintay sa lobby ay naisipan kong mag post na sa instagram.Namili ako ng dalawa pero parang magkakamukha lang lahat ng kuha dahil iisang pose lang ang ginawa ni Gabrielle habang ako ay nakangiti lang.
Hindi ko alam kung anong icacaption ko.Should I ask Gabrielle? Mahilig naman ata siyang mag post at magaling siya sa mga quotes.Base sa caption ng profile picture niya sa f*******:.
Napagdesisyunan kong tanungin na lamang si Gabrielle kung ano ang magandang caption at aakyat na lang din siguro ako...kaso baka magkasaliwaan kami? Hays tawagan ko na nga lang siya.
Tinawagan ko siya ngunit nagulat ako ng hindi iyon sumasagot.Hindi naman mahina ang signal dito sa hotel ni Shan.Nag riring naman yung phone pero walang sumasagot ng tawag.
Wala akong choice kundi mag intay sakaniya kung sakaling bababa nga siya.Kapag hindi pa siya bumaba sa loob ng limang minuto ay aakyat na ako.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko,3:28 na so kapag nag 3:33 at hindi pa siya bumababa ay aakyat na ako.
Napaisip ako kung mag papalit pa ako ng damit kapag nagkita kami ni Yeshua sa shore.Parang malamig na mamayang 5 pm kaya napag desisyunan ko na isuot na lang ang isinuot ko kanina.
Ang gulo gulo ko naman.Siguro kailangan ko na ng stylist.Natawa na ako sa iniisip ko.
"Nicole!" narinig kong tawag ni Yeshua.
Tumayo ako at sinalubong siya sa pintuan. "Oh bakit?"
"Ah wala lang.Babatiin ka lang, naatasan kasi akong mag serve doon sa taas" turo niya sa ceiling. "Oh ikaw? Ano ginagawa mo dito? Akala ko ay hinahanap ka na?" taka niyang tanong.
"Ah eh basta sige na mag trabaho ka na Yeshua.Kita na lang tayo mamaya." ngumiti ako at tumango naman siya.Bumalik ako sa upuan sa lobby at muling nag antay.
Nasaan na kaya sila Justice? Mag gagabi na pero wala padin sila.Tawagan ko kaya sila?
Hinablot ko ang cellphone ko at nag pasyang tawagan si Shan.Nag ring ang kabilang linya ng limang beses bago niya ito sagutin.
"Girl oo pabalik na kami.Si Riella kasi ay na stung ng isang jelly fish kaya etong si Justice binuhat kahit sa kamay naman na stung si Riella.Hays Nicole." inis niyang sabi.
"Oh ayan kase.Iwanan mo pa ako sa susunod ah? Karma ka tuloy Shan." tumawa ako pagkatapos kong sabihin yon.
"Eh sorry na.Sige mag eextend ako ng absent tomorrow,kakausapin ko si daddy para happy" tumawa siya dahilan para matawa din ako.
"So nasaan ba kayo?" ulit kong tanong dahil pinangunahan niya ako sa pagsasalita.
"Edi nandito pa sa rock formation.Arte arte kase ni Kuya abay eka picturan daw siya doon sa pinakamataas na bato tapos ako pa yung inutusan.Buntis na nga ako eh, ayaw niya daw gambalain yung dalawa at nag haharutan sila sa isang tabi."
"Chill ka lang dyan.Buntis ka ha, mag ingat ka dyan.Naku sino ba kasi ang pasimuno ng pagpunta niyo diyan? Baka madulas ka Shan." nag aalala na ako dahil baka mapano si Shan.
"Si Riella kasi kakulit eh.Bahala na nga, basta bukas alis tayong dalawa ha, tayong dalawa lang-ay speaking of dalawa.Magkasama kayong dalawa ni Gabrielle ngayon?"
"Hindi ay oo pala ay hindi.Ay shet sige na nga bye na."
"Sus sige.Tawag ako mamaya pag pauwi na kami.Gege bye Nicole." pinatay niya ang tawag.
Pagkapatay ng tawag ay tumayo na ako ngunit nagulat ako ng makita ko si Gabrielle sa gilid ko.Umayos ako ng tayo at tinignan siya sa mata.
"Akala ko kung sino kausap mo." tumingin siya sa paa ko. "Asaan ang masakit dyan Nicole?" lumuhod siya at hinawakan ang paa ko.
"Hindi ko alam eh.Bigla na lang kumirot yung paa ko."
"Kaya mo maglakad?" tumayo siya at aakmang hahawakan ang pulso ko ngunit binawi ko iyon.
"Oo." nag pauna na akong maglakad.Naiwan siya sa likod ko.
"Eh bakit mo ako pinababa?" napahinto ako sa sinabi ni Gabrielle.
"Buhatin mo ako." humarap ako sakaniya.Nakita kong ngumisi siya at lumapit na saakin.
"Huwag ng buhat.Sumakay ka sa likod ko Nicole." tumalikod siya sa harapan ko at lumuhod.
"Ilalagay ko paa ko sa harapan ng dibdib mo?" nahihiya kong tanong.
"Hindi.Kumapit ka sa leeg ko at ipalupot mo paa mo sa bewang ko."
Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.Ginawa ko ang sinabi niya at pumasok na kami sa elevator.
Nakasapo ang kamay niya sa dalawa kong binti habang ang kamay ko ay nakapalupot sa leeg niya,naka lean siya paharap para hindi ako malaglag.
Pinindot ko ang floor kung nasaan ang suite ni Shan dahil hindi niya ito mapindot dahil hawak niya ako at naka lean forward pa siya.Ngumisi ako pagkatapos kong mapindot.
"Pwede mo naman ako ibaba kahit dito, baka mabigatan ka"
"Im fine.Masahe mo na lang ako mamaya-"
"What?" gulat kong kong tanong.Kinalas ko ang mga binti kong hawak hawak niya.
"Just kidding.Dont move Nicole."
Hindi na lang ako sumagot at walang choice kundi magintay.
Nang tumunog na ang elevator at lumabas na din kami.
Malapit na kami sa harapan ng pintuan ng suite ni Shan nang bigla siyang magsalita.
"Ipopost mo talaga yung pictures natin kanina?" tanong niya habang naglalakad.
"Yes.Wala namang masama tsaka hindi ko pa naman pinopost dahil wala akong maisip na caption."
"What's your i********: username? I'll follow you."
"Its just nicolefernandez."
"Okay"
Nasa harapan na kami ng pintuan ni Shan. "Ibaba mo na ako Gabrielle." utos ko sakaniya dahil hindi niya padin ako binababa.
"No."
"What?"
"No.Wanna here it in spanish? It's no"
"Ano? Are you out of your mind? Nandito na tayo o, ibaba mo na ko."
Agad siyang umiling at walang hirap na binuksan ang pintuan.Pumasok na kami at hinatid niya ako sa sala bago niya isarado ang pinto.Ibinaba niya ako sa couch at pumunta sa pintuan para isarado iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may text si mommy.
Mom:
Anak bakit hindi ka sa personal nagpaalam? your kuya called me kaninang umaga sabi niya last minute ka daw nag decide.Buti pa si Justice nagpaalam kay Joy ng personal.
Why is my mom like this?
Me:
Last minute ako nag decide mom tsaka I know na tulog na kayo noon.
Reply ko sa message niya saakin.Nag angat ako ng tingin at nakita si Gabrielle sa kabilang couch.
"Gab,ano magandang caption? Kanina pa ko nagiisip pero hindi ako makaisip ng magandang caption." tumingin ako sakaniya.Nag phohone siya.
Nag angat siya ng tingin saakin. "What picture are you going to post?"
"Yung picture natin."
Ngumisi siya at umiling. "Edi 'The love of my life'" tumawa siya.
"Baliw ano nga?"
"Then just post it.Hayaan mong ma curious followers mo atleast ako alam ko na dahil follower mo ako."
Tinignan ko ang phone ko at inopen ang instagram.Nakita kong 1 minute ago niya akong finollow.I followed him back.
"Tatag ba kita?" tanong ko habang nakatingin padin sa phone ko.
"Uhm sige bahala ka."
"Sige huwag na lang" Ngumisi ako.
"Hey" aniya dahilan para mag angat ako ng tingin at nakitang papalapit siya sa tabi ko.
"Tatag na kita.Hindi na din ako mag cacaption." tumayo ako at umiiling na umalis sa couch.
Pumunta ako sa harapan ng tv ni Shan at lumuhod.Titignan ko yung mga old photos naming dalawa.
"Ipost mo na Nicole Reina." hiyaw ni Shan sa likod ko.
"Oo eto na" umupo ako sa sahig at inopen ang i********:.
Pinili ko ang dalawang picture at tinag si Gabrielle.Walang caption iyon kaya bahala na.
Kumuha ako ng isang photo album at lumapit sakaniya.Nasa kabilang side ako ng couch habang siya ay nasa gitna ng couch.
"You really posted it.Sige post din ako" tumawa siya at umiling.
Humarap ako sakaniya at tinignan ang phone niya. "Pakita muna ako bago mo muna ipost ha." sabi ko sakaniya.
Tumango siya at agad binigay ang phone niya.Nakita ko ang homescreen niya, picture ko habang nakatalikod ang homescreen niya.
Tumingin ako sakaniya, kinukuha niya ang remote ng tv. "Ang lala mo Gab" ngumisi ako at umiling. Naramdaman kong tumingin siya saakin.
Namili ako ng isang picture at tinag ang sarili ko. "Mag cacaption ka?"
"No.Post it na lang if you're done." sabi niya habang nanonood sa tv.Lumingon ako sa tv at nakitang related sa zombie ang movie na yon.Nanlaki ang mata ko at natuwa sa nakita.
"Okay.Nood din ako after kong ipost." pinost ko ang picture at binalibag ko ang cellphone niya papunta sakaniya.Kinapa niya ang cellphone niya nang hindi tinitignan, nilagay niya iyon sa lamesita sa harapan namin.
"I didn't know na mahilig ka sa ganitong palabas." sabi niya habang nakatingin padin sa tv.
"Ganyang mga movie ang mga tipo ko.Kami ni Justice.Ayaw namin ng sobrang cheesy at romantic na movie." tumayo ako. "Ano gusto mo? Pupunta ako sa kitchen."
"Kuha mo na lang ako ng chips if meron man tsaka water." tumango ako at pumunta na sa fridge ni Shan.
Kinuha ko ang tira kong cake kanina at nakakita ako ng chips.Kinuha ko iyon at kumuha ng isang bottled water.
Nilapag ko sa lamesita ang mga pagkain na dala ko.
"Magbibihis lang ako Gabrielle-"
"San ka nanaman pupunta?" putol niya sa speech ko.
"Edi wala.Magpapalit lang dahil hindi ako komportable."
Ngumisi siya. "Hindi naman kita gagalawin eh."
"Shut up" pumasok na ako sa kwarto at agad kinuha ang mga damit ko kanina.Sinuot ko iyon at kaagad lumabas.
Umupo ako at naramdaman na nag angat siya ng tingin.Nakasandal ako sa kabilang kanang bahagi ng upuan at itinaas ang dalawang paa,naka straight ang kaliwang paa habang ang isang paa ay naka baluktod.
"Papalit palit ka ng damit pero iisang damit lang ang sinuot mo." aniya habang inaabot ang chips.
"Shut up" inabot ko ang cake at nagsimula ng kumain.May wall clock sa itaas ng tv ni Shan kaya nakikita ko kung anong oras.Mamayang 5 pm ay bababa na ako.
Sana ay nakabalik na sila Shan nang ganong oras para may kasama si Gabrielle.Tumingin ako sa tv at nagsimula ng manood.Kanina pa nanonood si Gabrielle kaya kailangan kong magets ang istorya kahit kalagitnaan na ito ng palabas.
Watching
(Chapter 27)
Mabilis lumipas ang oras.Unti unti kong naintindihan ang plot ng storya.Kung hindi sana nila binangga yung deer ay sana hindi kumalat ang virus.
Tumingin ako sa orasan ni Shan at nakitang 4:47 na ng hapon.Naisipan kong itext si Yeshua.
Me:
Yeshua,5 pm bababa na ako.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nag angat ng tingin si Gabrielle.Ibinaba ko ang phone ko at kinuha ang bottled water na hindi padin nababawasan.
Hindi ko mabuksan dahil mahigpit ang takip ng bote.Inabot ko ito kay Gabrielle at agad niya namang binuksan.
"Sinong kausap mo?" tanong niya nang mabuksan na ang bote.
"Why?" tanong ko pabalik habang umiinom ng tubig.
"Anong why? Mahirap ba sagutin tanong ko?" nakatingin padin siya sa tv habang binabalik ko sa lamesita ang bote.Nagulat ako nang kuhanin niya iyon. "Iinom pa ko bakit mo sinarado."
"Si Yeshua yung tinext ko.Magkikita kami sa baba mamaya." sagot ko at umayos ng upo.
"Yeshua?" aniya habang tinatakpan ang bote.
"Yes"
"Yeshua who, Nicole?"
"Yung tauhan ni Shan sa restaurant."
"Magkakilala kayo?" tanong niya na dahilan ng paglingon ko sakaniya.
"Obvious ba? Kung hindi kami magkakilala bakit ako makikipag kita?"
Lumingon siya pabalik. "Malay ko bang bli-nack mail ka lang nung Yeshua na yon." ibinalik niya ang tingin sa tv.
"What ever." bumaling na ako sa tv at pinag patuloy ang panonood.
Na rescue na ang dalawang survivors sa zombie apocalypse ng mga military at hindi ko namalayan ang oras.Nakitang 5:23 na ng hapon.
Kaagad kong hinablot ang cellphone ko at nakitang hindi pa nag rereply si Yeshua,tumingin ako kay Gabrielle na nag uunat.
Tumayo ako at nag ayos.Lumapit ako sa salamin at naisipang mag pusod dahil siguradong mahangin sa labas.Ginulo ko ng kaunti ang buhok ko para mag mukhang messy bun.
"Baba na ko Gabrielle." paalam ko sakaniya at sinuot ang isang pares ng nike slipper ni Shan.
Hindi ko na siya inintay sumagot, lumabas na ako ng suite at tinawagan si Yeshua.
Sumagot naman siya pagkatapos ng ilang ring. "Bakit hindi ka nagrereply, Yeshua?"
"Ay hindi ba ko nag reply?" tumawa siya. "Just kidding.Wala akong load, hindi ako nagloload dahil we have wifi in our house." pagmamayabang niya.
"What? We have din naman pero I dont live here.I live in Manila kasi" conyo kong sabi dahilan para matawa kami.
Pumasok ako sa elevator at inintay itong makababa.
"Oh wow.Im from Spain, Barcelona Spain." ani Yeshua.
Na stun ako.Nagulat ako dahil nakatira pala kami sa iisang lugar ngunit bakit nandito siya sa Cebu?
"Omg weh?" gulat kong tanong.
"Bumaba ka na, dito tayo mag kwentuhan.Intayin kita sa entrance ng restaurant."
"Sige" binaba ko na ang cellphone ko at pinatay ang tawag.
He is from Spain? Same country and same city kami.I know, Barcelona is a big city pero hindi siya mukhang taga Espanya eh.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa ibabang palapag na ako.Kaagad akong lumabas at tumakbo palabas ng hotel para makapunta sa restaurant.Muntik na nga ako madapa dahil sa tsinelas na suot ko.Mukha siyang comfortable pero hindi, maganda lang siya sa panlabas.
Nakita kong nakikipag usap si Yeshua sa mga kapwa niya waiter.Naka black shirt si Yeshua habang naka white na jogging pants, same kami ng taste ng damit.
"Yeshua!" hiyaw ko dahilan para magtinginan ang tatlo niyang kausap.Nag tapikan na sila ng balikat at tumakbo na papalapit saakin si Yeshua.
"Sa cottage ba tayo?" tanong ko habang paalis kami sa tapat ng restaurant.
"Huwag na, diyan na lang tayo." turo niya sa mga upuan malapit sa parteng harapan ng restaurant ni Shan.
Tumango ako at lumayo ng kaunti sakaniya dahil masyado kaming magkadikit.Distansya din syempre, ngayon lang kami nagkita tapos didikit ako sakaniya na parang glue?
Nang makalapit na kami ay naupo siya sa kaliwa at ipinaubaya niya saakin ang naunang upuan.Napatingin siya sa suot at buhok ko.
"Ganyan ka pala manamit.Akala ko ay girly ka talaga." ngumisi siya at humiga.
"Baliw hindi.Same nga tayo ng taste ng pananamit eh." umupo lang ako dahil kapag humiga ako ay maeexpose ng bongga yung tiyan ko.
Tumingin muli siya sa damit ko. "Mukha nga." ibinaling niya ang tingin niya sa tubig.
"About what you've said kanina.Taga Spain ka nga?"
"Yeah." lumingon siya saakin. "You dont believe me?" tanong niya habang tumatayo,umupo siya at humarap saakin.
"No, not like that.Im from Spain,Barcelona.I live there since like 2 or 3 years old? I dont know."
"What? Astig pala ng tadhana,iisang bansa pala tayo ah tapos nag kita tayo dito sa Cebu." ngumisi siya
"Dito ka ba talaga nakatira?"
"Dito ako pinanganak pero after my mom gave birth to me I was sent to Spain."
"Bakit ka nandito sa Cebu?"
"Dahil may dalawang linggong bakasyon ang higher secondary sa school ko."
Nagulat ako sa narinig ko.Bakasyon din namin..schoolmates kaya kami?
"Anong school ka?"
Ngumisi siya. "International school ako.Santa Clara International School."
OMG.SCHOOL MATES KAMI.
"Bakit hindi kita nakikita sa school kung ganoon? madalas ako sa building niyo dahil science teacher namin si ms.Vicencio." gulat kong sabi.
"Woah.Adviser namin si ms. V. Maybe laging natatago kagwapuhan ko." tumawa siya. "Hindi ko din alam noh, huwag mo akong tignan ng ganyan."
Gulat kasi akong nakatingin sakaniya.Agad akong naging aware sa sarili kong ekspresyon kaya agad akong babalik sa mga question.
"Saan ka mag cocollege? SCIS padin?"
"Nah, my dream school is Ateneo talaga." tumingin siya saakin. "Pero sa Davao because my dad is there and may mga iba akong kapatid sa ama." ngumiti siya dahilan para mapangiti ako. "How about you? Saan ka mag aaral next year?"
"I want to study at UST pero I wanna stay in SCIS.No,I just want a good school and I think SCIS is okay." yumuko ako at tinignan ang buhangin.
"Then kung nasaan ka nandoon din ako" tumawa siya.
Nag angat ako ng tingin at nakatingin siya sa dagat.Ngayon ko lang na appreciate ang mga features ng mukha niya.Hindi dark brown ang mata niya, light brown iyon at black ang buhok,matangos ang ilong at kulay rosas ang kanyang labi, hindi siya singkit ngunit hindi din siya bilugan uhmm sakto lang ganon.
Humarap siya dahilan para mapatingin ulit ako sa buhangin.
"Kailan ka uuwi ng Spain?" tanong niya kaya nag angat ako ng tingin.
"Sa Thursday sana kaso mag fifile pa kami ng kaso laban sa pinsan ko.I shouldn't be saying this but nasabi ko na just shut your mouth Yeshua."
Ngumisi siya at tumango. "Yeah I think it is a fam thing.Okay okay.Bakit ang aga mo umuwi eh sa second week pa ng march ang final examinations?"
"Mag aaral pa ako.Mag aabogado ako tapos gusto ko dito ako sa Philippines mag aaral."
"Oh wow, architecture ang gusto ko eh sayang hindi tayo iisa ng gusto." tumawa siya at napailing na lamang ako.
"Bakit hindi ka na lang dito sa pilipinas mag aral? HUMSS ang strand mo kung mag aabogado ka." dagdag pa ni Yeshua.
"Aware naman ako kung anong strand kukuhanin ko if dito man ako sa pilipinas mag aral sa susunod na taon." tumingin ako sa dagat at nakitang kulay orange na ang langit.
Tumayo ako at inilabas ang phone para kuhanan ang isang magandang pangyayari.Lumingon ako kay Yeshua na pinapanood akong kuhanan ang langit na orange.
"Yeshua! Picturan mo ako dali!" hiyaw ko habang nakangiti.
Iniabot ko ang phone ko at umiiling siyang lumapit saakin.Kinuha niya ang phone ko at umatras ng kaunti para umanggulo.
"Umasog ka ng kaunti sa kanan Nicole para makita ng mabuti yung pagka kahel ng langit."
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.Nag pose pose ako at lumapit na kay Yeshua.Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang mga kuha niya saakin, magaganda ang kuha niya saakin.
Babalik na sana ako sa inuupuan namin ngunit hinawakan niya ako sa braso at hinila ako pabalik sa kaniya.
"Teka ako naman,ano yun ikaw lang may picture?" inabot niya saakin ang phone niya.Same lang kami ng phone, akin ay white sakaniya ay black.
Tumango ako at tumawa, pumwesto na ako at kinuhanan siya ng mga litrato.Mas madami siyang picture kaysa saakin, madaming beses ko kasi pinindot yung shutter button.Lumapit siya saakin habang ako ay iniisa isa ang mga kuha ko sakaniya.Ngumiti ako dahil ang ganda ng kuha ko sakaniya.
"Yesh, eto iprofile mo or gawin mong icon sa i********:" sabi ko habang pabalik kami sa upuan namin kanina.
"Sige, I'll tag you and sasabihin sa caption na ikaw ang kumuha" tumawa siya dahilan para matawa na din ako.
"Add kita dali, whats your sss name? i********: username?"
"Yeshua Prince Gil sa f*******: and sa i********: princegil." simple niyang sabi at lumingon saakin.
"Nicole Reina Fernandez f*******: ko and nicolefernandez lang sa i********:" ngumiti ako at tumakbo na sa inuupuan namin kanina.
"No way? Cute ng second name natin Nicole.Yours is queen while mine is prince." tumatawa siyang naglalakad pabalik sa inuupuan namin.
Umupo na ako at naisipan na ipost ang mga picture na pinakuhanan ko kay Yeshua.Naisipan ko din na mag selfie kami para dalawa ang maipopost kong picture.
"Yesh, selfie tayo popost ko lang sa instagram." binuksan ko ang camera ng cellphone ko at tumabi sakaniya.
Tumango siya at ngumiti na.Ngumiti lang ako at ganoon din siya.Dalawang selfie lang ang ginawa namin, bumalik ako sa inuupuan ko.
"Tag na lang kita Yesh" sabi ko at pumunta sa i********: para mag post ng panibagong picture.
"Followback Nic." aniya habang humihiga sa upuan.
"Oh yeah right" Finollowback ko siya at pinost na ang picture namin.
"Wala kang boyfriend Nicole?" tanong ni Yeshua.
"Wala noh.NBSB ako." umiling ako at ngumisi.
"Mukhang hindi eh, ganda ganda mo kaya."
"Salamat na lang.I'll take that as a compliment."
"Compliment naman talaga yon Reina."
Lumingon ako sakaniya. "Dont call me that.Nicole na lang." sinimangutan ko siya.
"Oh okay, balik na lang tayo sa mga questions."
Tumango ako at naisipan na humiga na din kasi nakakangawit umupo dito.
"May mga kapatid ka ba Nicole?" ani Yeshua habang nakatakip ang braso niya sa mata niya kahit may payong naman sa ibabaw ng upuan niya.
"Meron."
"Age?Gender?"
"23,male."
"May Girlfriend?"
"Asawa"
"Woah"
"May pamangkin na ko noh.Pogi pogi ng kuya ko, ayon kaaga nagkaasawa." tumawa ako.
"Reto ko sana kapatid ko kaso may asawa na pala kapatid mo"
"Walang nagtatagal sa reto noh, maeexpire din yon kaagad.As soon as posible ganon." tumawa ako.
"Kaya ba wala kang pinapatulan?"
"Baliw nirereject ko lang kapag may nirereto kuya ko."
"Eh si Gabrielle? Narinig ko kasi kanina eka ng isa kong ka trabaho na nireto siya ng kapatid mo sayo."
Napatayo ako at napatingin sakaniya. "Friends lang kami ni Gab.Magkaibigan yung kuya ni Gab tsaka kapatid ko kaya Gab and I are good."
Speaking of Gabrielle, ano kaya ginagawa niya ngayon sa loob ng suite ni Shan? Nandoon na kaya mga kasama namin? I dont know.Tawagan ko na lang siguro si Shan.
"Wait lang Yeshua ah, layo lang ako kaunti.Tawagan ko lang si Shan"
"Go ahead." sagot niya.Lumayo ako sakaniya at dinial ang number ni Shan.
Nag riring iyon pero walang sumasagot.Naka tatlong tawag ako ngunit walang sumasagot ng tawag.Si Justice na nga lang.
Dinial ko ang number ni Justice at thank God sinagot niya ito kaagad.
"Nasaan na kayo Justice?"
"Andito pa, nag pipicturan pa sila Shaq eh."
"Anong oras na oh.Dito na lang kayo mag picturan.Aish, bigay mo nga kay Shan yung phone."
"Okay, Shan si Nicole-........ oh yes Nicole"
"Ano na Shan? anong oras na oh."
"Sige na nga aalis na.Eto kasing si kuya-KUYA ABAY TARA NA NAIINIP NA BISITA KO DOON OH PUNYETA KA ABAY TARA NA!"
Tumawa na lamang ako at binaba ang tawag.Papalapit na ako sa upuan ko kanina nang maisipan kong ichat si Gab sa messenger.
Online siya.
Me:
Gab,what are you doing? =)
Akala ko ay mamaya pa siya mag rereply pero nagulat ako nang nag reply siya kaagad.
Gabrielle Christian Ong:
Eto pinapanood ka mula sa restaurant.Hindi pa ba kayo tapos?
Nagulat ako sa nabasa ko at sumilip sa restaurant ni Shan.Hindi ko siya makita.Nag notif saakin ang panibagong chat niya.
Gabrielle Christian Ong:
Are you looking for me huh?
Me:
Not funny.
Umalis na ako doon at binaba ang phone.
Lumapit ako kay Yeshua na natutulog.Punyeta naman talaga.
Paano ako mag papaalam na aalis na?
Nakita ko ang phone niyang naka lawit sa bulsa niya.Kinuha ko iyon at nagpasyang mag type sa notes niya ng 'umalis na ako dahil hinahanap na ako.bakit ka natulog eh magkasama tayo.Bastos to.' at gawin itong lockscreen.
Mabilisan ko lang iyon ginawa at binalik sa bulsa niya ang phone at tumakbo na paalis doon.Hindi na ako dumiretso sa restaurant, nagpasya na akong umakyat na kaagad kaso wala akong susi ng suite ni Shan.
Shet bahala na nga, intayin ko siya doon.Intayin ko si Gabrielle.