Favor
(Chapter 24)
Tinignan ko ng matalim si Angelo sa mata.Hindi ko siya ma sense ngayon.
"We are serious, Nicole" sabat ni Brendan.Bumaling ako sakaniya at tinitigan. "Oh God, you're so gorgeous even though you're so naughty.Stop starring at me" ngumisi si Brendan.
Abay anong akala nito? May gusto ako sakaniya? Abay gusto niya ng sampal?
Paano ako makakakain neto kung mayroong mga epal sa harap ko ngayon.Aish nararamdaman kong nakatingin padin sila saakin.
Hindi ko na nakayanan kaya nagangat na ako ng tingin. "What do you two want?" tanong ko habang si Brendan ay nagbaba ng tingin. "Hoy" bumaling ako kay Angelo. "Ano ba? kumakain ako napaka sagabal niyo." umirap ako.
"It's about Justice, Nicole" ani ni Brendan habang nakayuko padin.Nag angat siya ng tingin at lumingon kay Angelo. "I know Justice since 2nd grade at kilala niyo naman siguro pinsan niyo since birth diba?" tumingin siya saakin.
"Nicole may hindi sinasabi sayo si Justice-" si Angelo.
"Just tell me, dami niyong pasikot sikot." galit kong sabi.
"Iba na si Justice, Nicole.Hindi mo ba nahahalata?" ani ni Angelo dahilan para mapatingin ako kay Angelo.
"Your point is?" tanong ko pabalik.
"Aish.My point is gusto ni Justice lahat ng mayroon kami.Can't you see? gusto ko si Shan una palang, nasa Spain ka pa lang." lumingon siya kay Brendan. "Inagaw ni Justice ang girlfriend ni Brendan-"
"No.Naiinsecure lang kayo kasi ka close ko lahat ng gusto niyo.Naiinsecure kayo dahil nakukuha ni Justice ang gusto niya at kayo hindi.Lumapit kayo saakin para pigilan si Justice sa ginagawa niya? Bobo ba kayo? Bakit ko pipigilan si Justice? Si Justice lang ang nag stay saakin." sumubo ako ng kanin dahil gutom na gutom na talaga ako at sagabal tong dalawang to.
"Oo naiinsecure kami,hindi sana kami ma iinsecure kung hindi mo parin pinipilit na magkatuluyan si Shan at Justice-" ani Angelo.
Sinampal ko na si Angelo. "Kaya ba nirape mo si Shan? Kaya mo ba siya pinaglaruan para ikaw na ang hahabulin niya at hindi na si Justice?" inis kong sabi sakaniya. Bumaling ako kay Brendan. "At ikaw? Makipag hiwalay ka na lang dahil tanga ka na lang kapag hinabol mo pa si Riella.Mahal ni Riella si Justice-"
"Ganyan na ganyan si Riella saakin nung may jowa pa siya.Nilalandi niya ako, not me knowing na may boyfriend pala siya sa probinsya, Nicole.Grabe naman yon oh, masakit yon Nicole." sinipa niya ang buhangin.
"Alam kong ikaw lang ang makakatulong saamin, Nicole.Tulungan mo naman kami-" sabat ni Angelo ngunit sinampal ko siya muli.
"Ang kakapal ng mukha niyo." tinignan ko si Angelo. "Huwag ka mag alala Angelo, sa prisinto ka na titira sa mga susunod na buwan." bumaling ako kay Brendan na ngayo'y nakatitig saakin. "At ikaw? lumayo layo ka na-"
Ngumisi si Brendan. "Sa tingin mo ba ay madadaan mo ako diyan?" lumapit siya saakin.
Agad kong hinawakan ang magkabilang braso ko. "Lumayo ka saakin" seryoso kong sabi. "Napaka bababoy niyo.Nakakadiri kayong tignan mga hayop kayo! Ang kakapal din ng mukha niyo eh noh.Kung ayaw sainyo edi tigilan niyo na.Get lost, the both of you.Umalis na kayo dito sa harap ko utang na loob." inis kong sabi at tumingin na lang sa buhangin.
Hindi parin sila umaalis sa harap ko.Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatitig saakin si Angelo.
"Sana ay sabihin mo din yan kay Gabrielle.He is so dumb, hindi niya nakikita na hindi mo siya gusto" tumawa siya. "May gusto si Angel sakaniya-"
"Oo sasabihin ko sakaniya yan.Lumayas na kayo sa harapan ko.Alis!" inis kong sabi at sa awa ng Diyos ay umalis din sila sa harapan ko.
Napaupo ako at napatitig sa mga pagkain ko.Nakita ko yung cake na ibinaba ni Joshua kanina.Ano kaya ang laman ng cake na ito.
Kinuha ko ang cake at hinati ito sa gitna.Nakita kong may maliit na box sa loob nito.Kinuha ko iyon at nakitang may lock ang box, may nakasulat sa likurang bahagi nito.
"I know you're curious now.The passcode is so simple.Our first call." ang nakasulat sa likod nito.
"Unang tawag? Noong isang araw ang unang tawag namin." Nilabas ko ang phone ko para tignan kung anong date kami unang nag tawagan February 25 ang una naming call.
Inilagay ko ang date at nagbukas na ang lock.Kinalas ko ang lock at binuksan ang box.Nakita kong mayroong silver na bracelet doon at may nakaukit sa porselas.
"******" ang nakaukit doon.
Hindi ko siya naintindihan dahil hindi naman ako chinese at hindi ako nakakaintindi ng chinese.May lahi akong espanyol dahil kay mommy, ang lolo ng daddy ni mommy ay purong espanyol pero nag asawa ang great grandfather ko ng pinay kaya hindi kami purong espanyol.
Ang ganda ng bracelet ngunit hindi ko alam ang ibig sabihin nito.Isinuot ko ang bracelet dahil namamangha padin ako.Simpleng silver na bracelet lamang ito ngunit ang ganda.
Pinagisipan ko pa kung kakainin ko ang cake dahil nabubusog nadin ako sa ice cream at kanin na kinain ko.Kung hindi lang umepal sila Angelo kanina ay sana hindi lusaw ang ice cream nang kainin ko.
"Aish paano ako tatawag ng waiter nito." sabi ko dahil malayo layo ang inuupuan ko sa mismong restaurant.
Wala akong choice kundi dalhin ang cake at pumunta sa mismong restaurant.Nag tingin tingin muna ako sa paligid bago tumayo.Nang makitang walang sagabal ay tumayo na ako at pumunta sa restaurant.
Nang makapasok ako sa loob ng restaurant ay agad hinanap ng mata ko ang tatlong waiter na nag asikaso saakin kanina.Nakita ko si Yeshua na naglilinis ng table.
"Yeshua!" hiyaw ko sakaniya.Lumingon siya saakin at inayos ang mga pampunas ng lamesa bago lumapit saakin.
Patakbo siyang lumapit saakin at ngumiti. "Yes po maam?" bungad niya ng makalapit siya saakin.
"Pwede pa balot nito? Hindi ko kasi nakain kanina." hindi ko pamanding binibigay ang cake ay kinuha na niya ito.
"Okay po maam.Pa intay na lang po ako sa isang table." nakangiti niyang sabi.Paalis na siya nang tawagin ko muli.
"Pwede huwag ka na mag po at opo saakin? Feel ko kasi hindi nagkakalayo ang edad natin eh." sabi ko
"Ay yun po kasi yung rule dito-"
"Sige na Yeshua.Ilan taon ka na ba kasi?" tumawa ako para hindi maging awkward ang usapan.
"Working student ako eh.18 palang ako" aniya sabay hawak sa batok.
"Oh diba, ang ayos kapag hindi mo ko ginagalang dapat nga ay ako pa ang gumagalang sayo" ngumiti ako.
"Sige na nga.Intayin mo na lang ako sa isang lamesa." umiiling siyang umalis.
Pumunta ako sa isang two seater table malapit sa entrance at naisipan na mag browse muna sa i********:.
"Hays, its been a while since I used you." sabi ko habang inoopen ang camera ng instagram.Nag take ako ng mga selfies at ng dagat para may maistory.
Naisipan ko ding mag post kaso ay wala akong maayos na picture pwera lang sa picture namin ni Gabrielle kanina sa dagat.
Yun na lang ang ipopost ko kaya naisipan kong hingin kay kuya Gian ang mga pictures namin kanina.Nag open ako ng f*******: at nakitang online siya.Agad kong pinindot ang icon niya at nag message.
"Hi kuya Gian,can I have a copy of those pictures na tinake natin kanina sa beach? thank you.For i********: post only hehe."
Sent.
Habang nag iintay ng reply ni kuya Gian ay nakita kong papalapit na si Yeshua.
"Mukhang masaya ka ngayon ah" sabi niya nang makalapit siya saakin.Binaba niya ang paperbag sa table ko.
"Hindi naman.Unang araw ko pa nga lang andami ng bumungad na hindi kanais nais." tumingin ako sa labas.
"Wow, totoo ba? Hindi halata kasi puro ka ngiti eh." pang aasar ni Yeshua saakin.
"Talent ko siguro mag tago ng totoong nararamdaman" ngumisi ako.
"Grabe yon ah.Broken ka ba? Sinusuyo ka ni Gabrielle?" ngumisi siya at nag taas ng kilay.
"Baliw hindi naman kami.Noong isang araw lang kami nag meet noh, tigilan mo ako Yeshua."
"Eh oh sige may trabaho pa ako baka matanggalan pa ako ng trabaho." tumango siya at aalis na sana ngunit tinawag ko.
"Buong araw ka ba nag tatrabaho?" tanong ko kay Yeshua.
"Hindi, hanggang alas kwatro lang ako.Sige na Nicole mamaya na lang-"
"Uy sige mamaya sa shore, mga 5 pm.Iintayin kita doon Yeshua ha" I chuckled to make our conversation lighter.
"Sige ba.Sige na Nicole.Daldal mo" tumawa siya at umalis na.
Lumabas ako ng restaurant at naalala na umalis nga pala mga kasama ko.Nasaan na kaya sila, mag gagabi na pero hindi ko padin sila nakikita,ni anino nila wala akong nakita simula nang magising ako kaninang alas dos.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong duplicate ng susi ng suite ni Shan,may dala pamandin ako.Inilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang number ni Shan.Nagulat ako ng makitang busy ang telepono niya.
Tinawagan ko si Justice, nag riring naman ang cellphone niya ngunit hindi niya sinasagot.Wala akong number ni Riella o ni Shaq.
Wala nanaman akong choice kundi tawagan si Gabrielle.Pinindot ko ang number niya at nagulat ng bigla niya itong sagutin.
"Nasaan ka?" sabay naming sabi.
"Nasa labas ng restaurant"
"Nasa cottage malapit sa shore"
sabay nanaman naming sagot.Ang awkard.
"Uhm" yan lang ang nasabi ko dahil ang awkward.
"Do you need anything? Pupuntahan kita." ani ni Gabrielle.
"May susi ka ba ng suite ni Shan? magpapahinga lang ako saglit dahil kakatapos ko lang din kumain." sabi ko habang tinitignan ang bracelet na nasa cake kanina.
"Oh yeah meron.Samahan na kita sa suite, akyat ka na lang doon intayin mo ako." ani ni Gabrielle.
"Sige, bye" binaba ko na ang tawag at nagsimula nang maglakad papunta sa hotel ng resort ni Shan.
Nasaan na kaya sila Justice? bakit hanggang ngayon ay wala padin sila.
Cyriel
(Chapter 25)
Habang papasok ako sa hotel ng restaurant ni Shan ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, tumatawag si Justice.
"Hello?" bungad ko nang maitapat ko sa aking tainga ang phone ko.
"Bakit ka tumawag kanina? may missed call ka eh."
"Ah yun ba.I just wanna ask kung nasaan na kayo, busy ang phone ni Shan kanina eh." sabi ko sabay pasok sa elevator.Pagkasarado ng pintuan ng elevator ay pinindot ko na ang floor kung nasaan ang suite ni Shan.
"Why? Wala ka bang kasama?" naging seryoso at matikas ang boses ni Justice na ikinagulat ko.
"Wala eh.Nasaan na ba kasi kayo?"
"Nandito sa may rock formation.Sabi ko nga huwag muna masyadong mag gagala dahil wala ka.Ikaw pa naman yung may camera, wala kaming dalang camera." ani Justice.
"Ay sana all" I chuckled.
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nila Angelo at Brendan kanina.Do I need to talk to Justice about that topic-huwag na lang siguro at baka mag away away pa.Hayaan ko na lang mainsecure sila...kaso pinsan ko din si Angelo,ayokong may favoritism pero parang sa ngayon... si Justice ang mali? I dont know.
"Yeah I know." tumawa siya. "Where are you right know? Diba kasama mo si Gab-ay oo shet, diba magkasama kayo ni Gabrielle?"
"Hindi baliw.Ayokong mag kwento pero paakyat na siguro siya,pinaakyat ko siya dahil wala akong duplicate ng susi ni Shan." tumunog ang elevator at kaagad akong lumabas at nag lakad na papunta sa suite ni Shan.
"Ay sus Nicole Reina, may susi ang secretary ni Shan ng suite niya.Walang duplicate ng susi ng suite ni Shan si Gabrielle.Dalawa lang susi ng suite ni Shan.Gusto mo lang makasama si Gabrielle eh.Sige na nga, enjoy" tumawa siya bago ibaba ang tawag.
Napahinto ako dahil sa sinabi ni Justice.Unti unti kong binaba ang kamay kong nakahawak sa cellphone.Oo nga naman Nicole, sana ay yung secretary na lang ni Shan ang pinuntahan mo at hindi si Gabrielle-pero nahihiya ako sa secretray ni Shan...close naman kami ni Gabrielle....yata?
Binulsa ko ang phone ko at tinuloy ang paglalakad papunta sa suite ni Shan.Habang naglalakad ako ay napaisip ako...paano bubuksan ni Gabrielle ang suite ni Shan kung wala siyang susi?
Nakarating na ako sa harapan ng suite ni Shan at sumandal muna sa pintuan.Akala ko ay magtatagal akong nakatayo doon sa pintuan ngunit nagkamali ako.Saktong pagkasandal ko ay ang tunog ng elevator.
Bumukas ang elevator at nakita ko si Gabrielle.Hawak hawak niya ang mga susi, mukhang susi iyon sa lahat ng pintuan sa loob ng suite ni Shan.Totoo ngang wala siyang duplicate ng susi.Sana pala ay nagtanong muna ako sa secretary niya bago ko tawagan si Gabrielle.
Umayos ako ng tayo at inintay siyang makalapit saakin para mabuksan na ang pintuan.Nagkatinginan kami bago siya tuluyang lumapit,nagbitiw ako ng tingin dahil ang awkward.
Habang binubuksan niya ang pintuan ay napatingin siya sa kaliwang pulso ko.Nakatingin siya sa bracelet.Ngumiti siya at umiling.
"I thought you didn't wear it." aniya. "Pasok ka na" dagdag pa niya.
"Whats with this ba? Hindi ko kasi maintindihan eh pero ang ganda niya.Infairness may taste ka pala sa mga jewelries." I chuckled to make our conversation more lighter.
Nakita kong nagulat siya at napangiti na din. "Wow parang ngayon na lang ulit kita nakitang ngumiti pero huwag mo ng alamin kung ano ibig sabihin niyan" kinuha niya ang pulso ko at hinawakan ang bracelet. "Baka itapon mo eh" binaba niya ang pulso ko at tumingin sa hawak kong paperbag.
"Why? Bastos ba ang ibig sabihin neto-baka mura to Gabrielle?" natataranta kong tanong.
"Its not.Romantic ang nakasulat diyan.Related sa romantic, Nicole.I want you to wear it everyday and sa debut mo.I will be at your debut." lumayo siya saakin, pumunta siya sa sala. "Ako ang last dance mo doon kaya kailangan suot mo yan" he chuckled and put his other leg on top of his other leg.
"Sus, ayoko nga ng mga ganong debut.I just want a normal birthday.I'll save the best sa kasal ko." pumunta ako sa kusina para ilipat sa plato ang cake.
"Then at your wedding, nandoon din ako." narinig kong tumayo siya. "Ako yung groom mo" tumawa siya.
Humarap ako sa likod ko dahil nakatalikod ako sa fridge.Nasa fridge siya at umiinom ng tubig.
"Kapal mo talaga.Pasalamat ka kaibigan ka ng kuya ko kundi kanina pa kita sinaksak" kinuha ko ang isang pirasong chopstick na malapit saakin. "Nitong chopstick" I slightly smiled.
Tumawa siya. "Stop it Nicole.Baka hindi ako makapunta sayo kapag nakamit mo na ang gusto mong kasiyahan hige.Baka malungkot ako sa langit non kapag tinuloy mo yan." tumawa padin siya.
Is he serious? Agad kong nabitawan ang chopstick dahil sa gulat.Napatingin ako sa mata niya at nakitang nagulat siya sa ginawa ko.
"Huy joke lang yon-"
"Knock on wood dali!" hiyaw ko sakaniya.
Mabuti na lang at kahoy itong lamesa ni Shan.Kaagad kaming kumatok doon.Dumiretso ako sa fridge ni Shan para uminom ng tubig.Grabe ang tense non ah.
"Ayos ka lang Nicole?" naramdaman kong lumapit si Gab sa gilid ko.Tumango ako habang umiinom kaya ang ending natapunan ako ng tubig sa mukha.
"Easy lang." lumayo siya saakin at pumunta sa lamesa ni Shan, kumuha siya ng tissue.
Grabe arte naman nito, pa tissue tissue pa pwede namang damit na lang.
Iniabot niya saakin ang tissue ngunit umiling ako. "Pagkatapos kong gamitin yan itatapon lang din diba? Tapos mapupunta sa dagat tapos mamamatay lahat ng isda.May damit naman ako, no thanks." tatalikuran ko na sana siya.
"At! kailangan maibalik mo yan ng maayos sa pinanggalingan niya-"
"Shh.Eto na oh." binilog niya ang tissue "Oh shoot." inihagis niya ang tissue sa basurahan sa tabi ng ref ni Shan. "Two points!" tumawa siya dahilan para mapailing ako.
"Sabi ko huwag itapon eh-what ever.Bahala ka na jan." iniwan ko siya sa kusina at pumunta sa kwarto ni Shan.
Tinignan ko ang suot ko, nagisip ako kung papalitan ko pa ba o mag iistick na lang ako dito.Imemeet ko pa naman si Yeshua mamaya-speaking of Yeshua, hindi ko nakuha number niya.Aish.
Kinuha ko ang maleta ko at isinuot ang suot ko kaninang yellow na floral dress, mag whiwhite na sandals na lang ako dahil yun lang naman ang baon kong pansalo sa paa.
Bababa muna ako sa restaurant para tanungin ang number ni Yeshua.Lumabas ako ng kwarto ni Shan at naabutan kong naka topless si Gabrielle, nanonood siya ng tv.
"Bababa lang ako Gabrielle, huwag ka ng umalis dito.May itatanong lang ako" bilin ko sakaniya.Kinuha ko ang pouch ko at chineck ang mga gamit doon.
"Itatanong pero naka bihis ka?" tanong niya saakin.
"Abay malamang.Anong akala mo? Bumaba ako ng walang suot?"
"Oh my-syempre hindi ganon Nicole.I mean naka dress ka, kanina ay balot na balot ka.Makikita nila legs mo!"
"Tangeks saglit lang to." hindi ko pa pala tinatanggal ang bigay niyang bracelet. "Suot ko naman tong bigay mo.Okay na yan" ngumiti ako.
"Sige na nga, oorasan kita ha.15 minutes lang" utos niya.
"Grabe naman to, hindi ako lalayo." nakakunot ang noo niya. "Oo na sige na babye." binuksan ko na ang pintuan at lumabas na.Patakbo akong lumapit sa elevator at kaagad sinarado ang pinto at pinindot ang ground floor.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.Tumatawag si Gabrielle.Hanep naman oh, kakalabas ko lang ng suite.
"Oh?! Ano ba?" inis kong tanong.
"Chill.Im just cheking."
"Mama mo cheking.Gege bye" pinatay ko na ang tawag at binalik sa pouch ang cellphone.Mabuti na lang ay walang sagabal kaya matiwasay akong nagiintay sa loob ng elevator.
Nang makababa ang elevator ay patakbo din akong lumabas.Dapat pala ay nag stick na lang ako sa suot ko kanina at nanghiram ng rubber shoes para hindi mabagal.
Wala na eh, punyeta ambobo ko talaga.
Sawakas ay nakarating din ako sa restaurant.Pumasok ako at hinanap ng mata ko si Yeshua ngunit hindi ko siya nakita.Nagdalawang isip pa ako kung tatakbo ako sa pinagkainan ko kanina o magtatanong na lang sa co-workers niya.Ayokong mapagod kaya magtatanong na lang ako.
Nakita ko yung lalaking nag serve saakin kaninang walang tag.Ngayon ay may tag ng naka-pin sa kaliwang parte ng dibdib niya.Malayo siya kaya hindi ko nababasa ang pangalan niya.
Hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin kaya ako na mismo ang lumapit.
"Hi kuya" bati ko sakaniya ng makalapit ako.Tinignan ko ang tag niya at nakitang Cyriel ang pangalan niya.Ganda ganda ng pangalan niya pero hindi niya sinusuot ang tag niya.
"Cyriel pala pangalan mo.Kay gandang pangalan." tumingin ako sakaniya.
Napahawak siya sa batok niya. "Eh maam salamat po" ngumiti siya.
"Huwag ka na mag po saakin.Tatanong ko lang sana kung may number ka o kayo ni Yeshua?"
"Meron, hindi ko lang kabisado eh.Kunin ko lang sa locker ko yung phone ko." tumalikod siya.
Nag out na kaya si Yeshua? Maaga pa naman. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 3:25 palang ng hapon.Nandito pa siguro si Yeshua.
Nag cellphone muna ako, inopen ko ang messenger ko dahil may nag chat.Nakita kong nag reply si kuya Gian sa chat ko kanina.
Gian Carl Ong:Ay Nicole wala saakin eh.Nakay Gabrielle lahat, ayaw ngang ishare kahit kay mommy eh.Siya na lang tanungin mo.
Send.
Me:Sige kuya.Salamat.
Send
Pagkatapos kong isend yun ay tinawagan ko si Gabrielle.Sinagot niya kaagad ang tawag.
"Yes?" bungad niya ng itapat ko sa aking tainga ang phone.
"Yung pictures natin kanina sa beach, pahingi ako ng kopya.Popost ko lang sa instagram.Ayaw mo daw ishare sabi ni kuya Gian eh."
"Ipopost mo? Really So pwede ko ding ipost?" tanong niya.
"Oo naman baliw.Sige na sendan mo na ako-" pinatay niya ang tawag at nakitang sinend niya lahat sa messenger.Natawa na lamang ako sa ginawa niya, bilis niya ah.
Sinave ko lahat at mamimili na lang ako mamaya ng ipopost.
"Hey Nicole" bati ni Yeshua.
"Hey, ano number mo Yeshua? Hindi ko kasi nahingi kanina-"
"Thats why Im here.Ibibigay ko sayo number ko dahil tinawag ako ni Cy kanina" tumawa siya.
Ang lalim ng boses niya.Bagay na bagay sakaniya ang nag eenglish, nasanay na siguro dahil madaming foreigner dito sa resort ni Shan.
"O sige, pa type na lang dito." binuksan ko ang contacts ko at binigay iyon sakaniya.
Kinuha niya iyon at tinype ang number niya. "Text ka na lang mamaya kapag magkikita na tayo.Sige na Nicole baka makita pa ako ng manager na nakikipagdaldalan sa bestfriend ng may ari ng restaurant na ito eh matanggalan pa ko ng trabaho-"
"Daldal mo, sige na bye.Hinahanap na din ako." tumayo ako at patakbong lumabas ng restaurant.
Ang sakit sakit na ng paa ko.Utusan ko kaya si Gabrielle na sunduin ako dito sa baba-omg im so smart okay sige.
Tinawagan ko siya at ano pa bang bago? sinagot niya iyon kaagad.
"He-"
"Baba ka dito please.Sunduin mo ako, ang sakit ng paa ko-" nagulat ako ng mamatay ang tawag.
Grabe seseryosohin niya yon? Oh well, upo muna ako dito sa lobby para intayin siya.