Bren&Angel
(Chapter 22)
Bakit nagkasabay sabay pa? Bakit biglaan naman lahat ng nangyayari ngayon jusko.Kami na nga lang ang magkakasama eh.Unang araw palang to sa Cebu ang dami nang nangyari.
Nakita kong lumapit si Shaq at Shan saamin ni Riella.
"Anong nangyari?" lumingon si Shan kay Shaq. "Kuya kuha ka tissue dali" Tumango si Shaq at tumakbo para kumuha ng tissue.
"Mamaya na yan Shan.Nasaan ba kasi si Gabrielle? Bakit wala padin dito?" napatingin ako sa cellphone na hawak ni Shan.Picture namin ni Gabrielle ang lockscreen. "Kay Gabrielle yan?" tinignan ko si Shan.
"Ah oo." ngumiti siya. "Cute ng lockscreen niya noh?" ngumiti siya lalo.
Jusko naman, nagpapacute pa tong hapon na to.Mamaya to saken.
"Damn it, someone find Gabrielle.Her sister is literally dizzy jusko naman." lumingon ako kay Shan. "Bakit kasi nasayo yan?" turo ko sa phone ni Gabrielle.
Tumingin siya sa likod ko.Taka ko siyang tignan at napatingin ako sa naka nguso niyang bibig.Mukhang may tinuturo.Tama ako, nakita ko si Gabrielle na may dalang apat na bouquet ng bulaklak.Hinila ko kaagad siya.
Binaba ko ang apat na boquet ng bulaklak at inilapit siya sa kapatid. "Damn it, san ka nagpunta-"
Hindi ko pamandin natatapos ang speech ko ay nakita kong tumakbo si Shaq at Gabrielle kila Justice at Brendan.Nagsusuntukan ang dalawa.
Lumingon ako kay Shan na chill padin.Damn it, this girl.Ngumisi pa siya at inis akong tumayo para puntahan ang nag aaway.
"Gago ka pala eh" tumawa si Justice. "Ako ang mahal bobo, ako yung pinili eh" tumayo siya. "Kung ikaw ang mahal niya, bakit nasaakin siya ngayon?" naging seryoso si Justice.
"Kase malandi siya!" isang suntok ang natanggap ni Brendan mula kay Gabrielle.Lumingon si Bren kay Gab at ngumisi. "Oy, dapat brother in law kita" tumawa siya.
Hindi ko na kaya,lumapit na ako sakanila para awatin Lumapit ako kay Brendan habang si Shaq ay pinipigilan ang dalawa.
"Oy Nic, buti nasakin ka ngayon" humalkhak siya.
"What are you talking about? Pati pag awat gagawan mo ng issue?" inis ko siyang tinignan.
Tumingin siya pabalik saakin at hinawakan ako sa baba at inilapit niya ang labi niya saakin. Hinalikan niya ako. Humalakhak siya pagkatapos niya akong halikan.
"Abay eh oh, eto na lang pala akin wala namang may nag mamay-ari eh" tumigil siya sa pag tawa at naging seryoso ang mukha.
Tumingin ako kay Justice na nakakuyom na ang kamay,tumingin ako kay Gabrielle na titig na titig kay Brendan.
"Akin yan bobo." sagot ni Gabrielle kay Brendan.
Napatingin si Brendan kay Gabrielle. "Bakit hindi ikaw ang kasama? Bakit saakin lumapit ngayon?" ngumisi si Brendan.
"Dahil nag away kami kanina bago ako bumaba.Salita ka ng salita wala kang alam" sumagot na ako dahil hindi ko na kaya. "Sobra ka na ah, kanina umeeksena ka sa elevator.Ngayon hinalikan mo ako at sa harap pa ng pinsan, kaibigan at... boyfriend ko." lumayo na ako sakaniya at lumapit kay Gabrielle.
"Abay may boyfriend ka pala" nawala ang ngisi ni Brendan. "Siguro kung wala ako sa elevator kanina ay narape ka na-"
Sinampal siya ni Riella.Nagulat ako sa ginawa niya kaya nilapitan ko siya. "Ate sige na please, don ka muna" pagtataboy niya saakin.
"Oh go, ipaglaban mo ang gusto mong ipaglaban." seryosong sabi ni Gabriella kay Brendan.
"Oh darling, ikaw lang naman ang ipaglalaban ko dahil traydor si Justice-"
Sinampal ulit siya ni Riella.
"Gabriella stop it." lumapit si Justice kay Gabriella at hinila ito paalis sa gawi namin.Sumunod si Shaq sakanila.
Kami na lang ni Gabrielle ang naiwan.Tinignan ko si Brendan na nakangisi padin.
"Well, atleast nahalikan kita Nicole" tumawa siya at tumayo na. "Magkikita pa tayo huwag kang mag alala" umalis na siya.
Hahabulin ko pa sana siya ngunit hinawakan ako ni Gab sa wrist at hinila paalis doon.Bakit ang hihilig nila makipaghilahan.
"What happened nung bumaba ka? Nung nasa elevator ka?" malamyang tanong ni Gabrielle saakin.Dinala niya ako sa isang upuan sa table nila Shan.Pinaupo niya ako doon at umupo siya sa harapan ko.
"Wala naman talagang mangyayari, umeksena lang si Brendan" bumuntong hininga ako at tumingin sakaniya, mukhang naghihintay ng kasunod. "Habang pababa ako, huminto sa 15th floor yung elevator at pumasok siya.Hindi naman kami nag usap, nung nakababa na mismo kami nagkausap.May mga lalaking pumasok sa elevator, madami sila.Pumunta si Brendan sa gilid ko dahil madami ngang pumasok na lalaki.Pinaguusapan ako ng mga lalaki doon sa loob ng elevator kaya... " nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko.
"Kaya?" nagulat ako nang magsalita ai Gabrielle.
"Kaya lumapit lalo siya saakin tsaka nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.Pagkababa namin ay ayon na nga, pumunta kami dito dahil eka niya ay dito din daw siya pupunta.Pumayag ako dahil hindi naman ako ang masusunod dahil di ko naman pag mamay ari itong resort na ito." tumingin ako sakaniya.Nakatingin lang siya sa mga bulaklak na binigay niya.
Nakita kong may sugat siya sa pisngi.Nasuntok siya kanina?
"May sugat ka." naalala kong may first aid kit ako sa pouch.Lumipat ako ng upuan at tumabi sakaniya. "Gamutin ko."
Inilayo niya ang mukha niya saakin. "Its just a scratch, Nic-"
"Dahil yata sa sapok ko yan, obligasyon kong gamutin yan" tsaka ko palang naalala na sinampal ko pala siya.Nahiya tuloy ako.
"Okay then" tumayo siya.
"Hoy san ka pupunta?" pipigilan ko sana siya ngunit lumapit siya sa mga bouquet na hawak niya kanina.Kumuha siya ng isa.Nakita kong mga white roses yon.Oh God,ibibigay niya saakin yun? Allergic ako sa mga bulaklak.
Ngunit nagkamali ako, lumapit siya kay Shan at binigay iyon.Kinuha niya ang pangalawang bouquet na puro red roses at binigay kay Riella na ngayon ay nakahawak sa mukha ni Justice.
Dalawang bouquet na lang ang nakita.Isang puro chocolate at isang puro pink roses. Nakita kong iniwan niya ang pink roses at kinuha ang puro chocolate na bouquet.Papalapit saakin si Gabrielle.
Umupo ako at nagkunwaring naglalabas ng mga gamot para gamutin ang sugat niya.
"Dont prettend na busy ka diyan.Stand up and kunin mo ito." utos niya saakin
"Oh-okay" kinuha ko iyon at tumayo na. "Umupo ka na Gabrielle, yung sugat mo" utos ko pabalik sakaniya.
Umupo naman siya kaya sinumulan ko na siyang gamutin.Habang ginagamot ko siya at nakita kong nilabas niya ang cellphone niya. "What are you doing?" tanong ko sakaniya.
"Taking pictures.Sayang yung moment eh, sinabi mong boyfriend mo ako kanina." ngumisi siya.
"We will take pictures later.Jusko naman, kailangan ba every moment may picture?" nilagyan ko na lang ng ban aid yung sugat niya dahil di naman malala yun.
"Kapag ikaw kasama, oo" ngumisi siya. Kinuha niya yung boquet at binigay saakin.
"Halika doon sa shore Nicole, doon tayo mag picture.Hindi na natin sila iistorbohin dahil nag hire ako ng photographer" ngumisi siya.
"What?" gulat kong tanong.
"Just kidding.Papunta na si kuya Gian dito, siya yung mag pipicture saatin kaya tara na.Ayaw niya pa naman ng mabagal kumilos-"
"Pwede saglit lang? May aasikasuhin pa kami ni Shan" putol ko sa sasabihin niya at lumingon kay Shan na titig na titig kay Riella.
Lumingon siya kay Shan. "Oh-well-okay tara na.Andoon na daw si kuya" tinignan niya ang phone niya.
Tumango ako at nagpauna ng lumabas.Nakasunod siya saakin dala dala ang bouquet na puro chocolate.Oh God bakit ang cheesy ng moment nito.Im not sure kung kokomprontahin ko siya ngayon....sige na nga sa susunod na araw na lang.
"Hey Nicole" tawag saakin ni Kuya Gian.
Lumapit ako sakaniya dahil ayoko na ding mag tagal.
"Gabrielle ano ba? Anong tagal mo naman!" hiyaw ni Kuya Gian sa nakangising Gabrielle.
Tumakbo papalapit saamin si Gabrielle.Nang makalapit siya saamin ay binigay niya saakin ang bouquet.
"Feel ko kuya ikakasal na ako" nakangisi padin siya.
"Bobo, rejected ka nga eh." sabat ni Kuya Gian sa kapatid.
Umirap si Gab at tumingin saakin. "Tara na Nicole.Kuya game na" tawag ni Gabrielle sa kapatid.
Naglabas ng Canon camera ang kuya ni Gab. "Okay ready..... one... two... three." pinindot niya ang shutter button.Limang beses niyang sinabi iyon.
"Ayos na yan Gabrielle.Maganda naman si Nicole sa lahat ng picture." binigay ni Kuya Gian ang camera kay Gabrielle.
"Oh wow.This is nice kuya." ngumisi si Gabrielle.Mukhang hindi padin natatanggal ang ngisi sa kaniyang labi ah.
"Can I see?" lumingon sila saakin.
Binigay ni Gabrielle ang camera saakin at nakitang ang ganda nga ng mga kuha, ngunit sa lahat ng picture ay ako lang ang nakangiti.Si Gab ay nakatingin lamang saakin sa lahat ng litrato.
"Can I see too?" gulat kaming tumingin sa likod.Nakita kong nandoon si Angel.Kasama si....
Brendan.
Magkakilala sila? Oh God bakit lagi na lang ganito ang eksena.
Bren&Angelo
(Chapter 23)
Lumingon ako kay kuya Gian na nagulat din.Kilala kaya niya si Brendan?
"What now Angel?" sabi ni Gabrielle sabay lingon kay Brendan. "Oh bakit magkasama kayo?" lumapit si Gab kay Bren.
"Why? You jealous Gabrielle?" sabat ni Angel.
Lumingon si Gab kay Angel.Hindi ko makita ang reaksyon ni Gabrielle dahil nakatalikod siya saakin.Nakita kong nilagay ni Gabrielle ang kanang kamay niya sa likod niya at tinaas ang pointer finger.Naramdaman kong lumapit saakin si kuya Gian.
"Tara na Nicole." bulong ni kuya Gian saakin.
Lumingon ako sakaniya, nakatingin padin siya sa kamay ni Gabrielle.Mukhang may mga codes sila. Lumingon ako sa kamay ni Gabrielle, ngayon ay inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa likod niya at itinaas ang kaniyang thumb.
"Tara na Nicole.Please" pag mamakaawa ni Kuya Gian.Lumingon ako sakaniya at lumingon siya sa aakin.
"Pero si Gabrielle-"
"Alis na Nicole please." nagulat ako dahil humarap si Gabrielle saakin.Mukhang irita ang kaniyang mukha.Wala akong nagawa kundi umalis doon at tignan siyang magkasalubong padin ang kilay.
Nang makalayo na kami ay lumapit lalo siya kila Angel.Papaliit ng papaliit sila sa paningin ko hudyat na lumalayo sila.Sumama si Gabrielle sakanila? Bakit?
"Kuya-"
"Okay lang yan Nicole." putol ni kuya Gian sa speech ko. "Maaga kayong uuwi nila Riella ng Manila diba?" tumingin siya saakin.Tumango lang ako. "Kailangan pag umuwi kayo ng Manila, diretso kaagad kayo sa condo mo-ay mali, kailangan sa lugar na hindi alam ng pinsan mo." dagdag niya pa.
Hinila niya ako papasok sa restaurant ng hotel ni Shan.Nakita kong ginagamot ni Riella ang pasa ni Justice sa pisngi nito.Si Shan ay may kausap sa cellphone habang si Shaq ay kumakain.
Lumingon si Shan saamin at lumapit.Binaba niya ang cellphone niya at napatingin siya sa hawak kong bouquet at kay kuya Gian.
Nagtititigan si Shan at kuya Gian at nakita kong tumango si Shan.May codes ba sila? Ano ba wala akong maintindihan.
"Oh Nicole, tara na doon.Sige kuya Gian salamat" hinawakan ako ni Shan sa braso at inilayo na kay kuya Gian.
"Shan-"
"Shh, okay lang yan Nicole." putol niya sa sasabihin ko.
Ano bang okay? yan din ang sabi ni kuya Gian.Bakit?anong mayroon? Oh God.
"Shan?" patanong kong sabi.
Lumingon siya saakin at ngumiti.Hinila niya ako at pinaupo sa tabi ni Justice.
Lumingon ako kay Justice, lumingon din siya saakin.
"Justice-"
"Ayos lang yan Nicole" putol niya kaagad sa sasabihin ko.
Kumunot ang noo ko.Pati si Justice nagegets ang mga code nila? Teka nga.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga mukha nila.Tinignan ko si Shan at Shaq na parehong seryoso.Lumingon ako sa kanan ko kung saan nasaan si Riella at Justice.Nag uusap sila kaso pabulong kaya hindi ko naririnig.
Anong meron ba kasi? Bakit okay sila ng okay? Ano ba yan.Pumunta ako dito para mai-out ko yung mga nararamdaman at problema ko eh pero nadadagdagan lang problema ko.
Natatakot akong lumabas ng restaurant kaya umupo na lang ako doon at nanahimik.Dumukdok ako dahil wala naman akong pwedeng gawin.Ang sakit pala ng mga mata ko,ipinikit ko na lang ito dahil masakit kapag naka dilat.Maaga pa naman kaya matutulog muna ako dito.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa tabi ko si Gabrielle.Naka top less siya pero nakatalikod siya saakin.Tinignan ko ang suot ko, nakahinga ako ng maluwag dahil nakita kong yoon padin ang suot ko.
Hindi ako makagalaw ng maayos, bakit katabi ko to? Bakit nandito siya ngayon? Bakit nasa iisang kwarto kami? Bakit siya sumama kila Angel-
Naputol ang pag ooverthink ko dahil bumaling siya sa gawi ko.Agad akong pumikit at nagpanggap na natutulog.Hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil baka gising siya.Magkaharap na kami ngayon.
Inilagay niya ang kamay niya sa likod ko.Nagtaasan ang balahibo ko.Akala ko ilalagay niya lang sa likod ko ang kamay niya ngunit nang hilahin niya ako papalapit sakaniya ay kaagad akong tumayo.
Nagulat siya at nag panick.
"I'm sorry Nicole." tumayo siya at aakmang lalabas ng kwarto. "I'm so tired and I know you're tired too.Nag island hoping sila, hindi na ako sumama dahil dinala ka daw dito ni Justice.Im sorry kung diyan ako natulog-"
"Stop.Just go out" putol ko sa sasabihin niya.Nakatingin ako sa sahig ngayon.Nag angat ako ng tingin sakaniya.Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko kaya kaagad siyang lumabas.
"What the f**k was that?" inis na bulong ko sa sarili ko.Hinanap ko ang pouch ko at nakita kong nasa coffee table ito.Kinuha ko kaagad yon at hinablot ang cellphone mula sa loob ng pouch.
Nakita kong 2 pm na.Limang oras akong tulog.Hindi man lang ako ginising ng mga kasama ko kanina.
Binalibag ko ang pouch at cellphone ko sa kama at pumasok sa cr.Nag shower lang ako at nag dalawang isip kung mag totoothbrush.Nagugutom na kasi ako.
Hindi na ako nag tootbrush.Lumabas ako ng cr at kumuha ng panibagong damit. Crop top na black at jogging pants na black ang isinuot ko dahil sa restaurant lang naman ako kakain.Hindi ako lalabas ng resort ni Shan, siguro mamayang sunset na ako mag lalakad lakad sa shore.
Kinuha ko ang wallet at phone ko at lumabas na ng kwarto.Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Gabrielle na natutulog sa sofa ni Shan.Kumain na kaya to? Kawawa naman mukhang pagod.Gigisingin ko na lang siya tsaka aayaing kumain.
Lumapit ako sakaniya,lumuhod ako para mag pantay kami. "Gab" hinawakan ko ang braso niyang naka takip sa mata niya at ginalaw galaw ito. "Gabrielle." ulit ko.
"Hmm?" ungol niyang sagot saakin.
"Kumain ka na ba?" tumayo ako at umupo sa gilid ng sofa.
Tinanggal niya ang braso niya sa mukha niya at umupo ng maayos.
"Hindi pa" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kakain ka sa baba?" tumayo siya.
"Oo,mukhang di ka pa kumakain kaya aayain na kita." tumingin ako sakaniya.
Nag iwas siya ng tingin tsaka kinuha ang damit sa isang sofa.
"Hindi pa nga.Tara na." anyaya niya.
Parang ang cold niya ngayon? Huwag ko na nga lang pansinin.Mind each others businesses na lang.
Hindi niya ako nilahadan ng kamay, hindi niya ako inintay lumabas ng suite.Nag pa una siya,ano kayang problema.
Nag pasiya akong mag paiwan muna.Tumayo ako at lumapit sa mga picture frames na naka display sa ibaba ng tv ni Shan.Nakita kong may photo album doon,may title ang album "S&N" ang title.Binuksan ko ito at nakita kong puro picture namin ito ni Shan.
Bawat pages ng album ay may title at description.Iniisa isa ko iyon, natuwa ako dahil tanda ko pa ang mga lugar at moment sa bawat picture namin sa album na ito.
Hindi ko namalayang malapit na mag 3 pm.Grabe ang tagal ko palang nag stay dito.Saka palang ako nakaramdam ng matinding gutom nung palabas ng ako ng suite ni Shan.Tumakbo kaagad ako sa elevator at pinindot ang ground floor.Mabuti na lang ay walang sagabal kaya pagtunog ng elevator hudyat na nasa ibabang parte na ako ng hotel ay kaagad akong lumabas at tumakbo sa restaurant.
Pag pasok ko doon ay kaagad hinanap ng mata ko si Gabrielle.Wala siya doon.
"s**t" bulong ko.
Pumunta ako sa isang bakanteng lamesa.Tumawag ako ng waiter dahil gutom na ako.
Lalapit na sana saakin ang tinawag kong waiter ngunit tinawag ito ng kapwa nito waiter.May binulong ang isang waiter doon sa tinawag kong waiter bago ito lumapit saakin.
"Maam Nicole, doon po kayo uupo sa shore.May inihanda po si Sir Gabrielle kanina, hindi niya pa po pina seserve ang food dahil baka daw po lumamig" nakangiting sabi saakin ng waiter.Tinignan ko ang tag niya.Yeshua ang pangalan niya.
"Uhm,Yeshua?" tanong ko
"Yes maam?" sagot ni Yeshua.
"Kelan sinabi ni Gabrielle?"
"Kanina pa pong 2 pm maam.Tara na po doon maam dahil hindi pa daw po kayo kumakain." naglahad siya ng kamay saakin.
Tinanggap ko iyon at dinala niya ako sa shore.Hindi kainitan ngayon at malilim dito sa parteng beach ni Shan.Ako lang ang tao dito, mukhang naliligo ang lahat o kaya'y kumakain sa loob.
"Sige po maam Nicole.Call me na lang po kung may kailangan kayo" ngumiti siya saakin. "Paparating na po ang food maam" umalis na siya sa harapan ko.Malapit na lumubog ang araw at walang ulap sa langit ngayon ngunit malamig ang simoy ng hangin.Kahit walang ulap na humaharang sa araw ay malamig padin.
Nakita kong may dalawang waiter na papalapit saakin dala dala ang tray.Akala ko ay madaming pagkain ang inihanda ngunit nagulat ako ng makitang katamtaman lang ang dami ng pagkain na inihanda.
Ibinaba ang isang adobong manok,kanin, lemon juice at isang ice cream na avocado flavor.
"Maam, kainin niyo daw po ito" bigay niya sa isang slice ng cake. "Baka daw po magustuhan niyo ang nasa loob niyan" ngiting sabi ng waiter.Joshua ang pangalan niya.
"Anong meron sa loob nito Joshua?" I chuckled.
"Secret po maam.Sabi po ni Sir Gabrielle ay kayo na lang daw po ang humusga ng nasa loob niyan" sabat ng isang waiter.Wala siyang tag.
Tumango ako at tumingin sakaniya. "Wala kang tag?" tanong ko sakaniya.
"Ah maam may ano po kasi-"
"Naiwan niya po sa locker niya siguro.Nagpapalit po kasi kami ng uniform tuwing hapon" nakangiting sabi ni Joshua.Lumingon si Joshua sa kasama niya at nakita kong pinandilatan niya ito ng mata.
Ang weird nila.Jusko baka may lason itong binigay nila saakin.Bahala na nga.
"Ah sige salamat.Salamat Joshua tsaka sayo din kuya.Pasabi na din kay Yeshua salamat" ngiti kong sabi sakanila.Nakita kong nagulat si Joshua sa sinabi ko.
"Sige po maam Nicole.Maiwan na po namin ikaw." sabi ng lalaking walang tag.
Ngumiti ako sakanila at nagsimula ng kumain.
Bakit kaya ganon mag react si Joshua sa sinabi ko? Dahil kaya kay Yeshua? Anong meron kay Yeshua? Big deal ba yon?
Nagsimula na akong kumain at isinawalang bahala na lang ang iniisip ko kanina. I am here because I wanna be me again.Nicole na walang problema.Nicole na maayos ang buhay at walang sagabal-
"Hey" ani ni Brendan
Nagulat ako dahil bigla siyang sumulpot.Nag angat ako ng tingin at nakita kong seryoso siya at kasama niya si...Angelo.
"Angelo?" Naibaba ko ang kutsara at tinidor ko dahil sa gulat.
"We need to tell you something Nicole." seryosong sabi ni Angelo.