Episode 8 (Chapters' 20-21)

2631 Words
Bulong (Chapter Twenty) Mabilis lumipas ang oras.Maya maya pa ay sabay sabay pumasok sa loob ng suite ang tatlong lalaki dala dala ang kanilang mga gamit at may dala din silang pagkain na paborito daw ni Shan.Hindi ko alam na paborito pala ni Shan ang mga calamares at tokwa, madalas kasi ay puro sushi at iba't ibang sea foods ang kinakain niya.Nadala siguro ng cravings. "Kuya Shaq! Omg you bought these?" tanong ni Shan sa kapatid habang inilalabas ang nasa loob ng plastic. "I didn't bought those.Justice bought those." tumabi si Shaq kay Shan. Kami nina Riella at Shan ay napatingin kay Justice.Alam ni Justice na mahilig si Shan sa mga ganitong pagkain? Ni-akong bestfriend ni Shan ay hindi alam na mahilig si Shan sa mga ganitong pagkain. "Paano mo nalaman na mahilig si Shan sa mga ganitong pagkain?" taka kong tanong kay Justice na ngayon ay papunta sa tabi ni Riella. Agad akong tumabi kay Riella para hindi makaupo si Justice sa tabi ni Riella. "Hey" tinignan niya ako sa mata at kumunot ang noo. "Get up, ako diyan Nicole.Gabrielle buhatin mo nga to at itabi diyan" turo niya sa bakanting upuan sa gitna ni Shan at Gabrielle.Agad tumayo si Gabrielle ng nakangisi. "Hey stop it" tumayo kaagad ako at aakmang babalik sa upuan ko kanina ngunit kinuha ni Shaq ang upuan at ginawang patungan ng paa.Tinignan ko siya ng matalim, tumawa lamang siya. "Aish, Edi dont" I said with a full of frustration. Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi ni Shan at Gabrielle. Umupo na ako at tinignan si Justice na tumatawa.Sumandal si Justice at inakbayan si Riella.Sisirain ko moment niyong dalawa. "Justice, paano mo nalaman na mahilig si Shan sa ganitong pagkain?" ulit ko habang tinuturo ang kinakain ni Shan na tokwa. Napawi ang ngisi ni Justice.Nakita kong lumingon si Riella kay Justice. "Uh dahil sinabi niya?" tinignan niya si Riella at hinawakan ang kamay.May binulong si Justice kay Riella, dahilan para ngumisi si Riella. "Hoy bakit kaya nag bubulungan." putol ni Shaq sa dalawang nakangisi. "None of your buisness" umirap si Justice at hinawakan ang balikat ni Riella.Nakita kong tumaas ang tingin ni Shan sakanila. "Hey" bulong ni Gabrielle saakin. "What?" bulong ko pabalik. "Hoy sabi na at walang bulungan eh.Share naman kayo" sabi ni Shaq habang tumatawa. "Anong ishashare ko sa "Hey" at "What". Baliw to jusko." inirapan ko si Shaq at pinaalis ang kaniyang paa sa inuupuan ko kanina. "Awit sayo Gabrielle Ong.Rejected ka kaagad" napatigil ako sa pagpapalo sa paa niya dahil sa sinabi niya.Siniko ko na lang siya dahilan para mapatayo siya. "Grabe ang sakit ah" tumatawa siyang tumayo. "Rejected rejected ka dyan.Weak mo naman Gabrielle,nung isang araw lang tayo mag meet may gusto ka na agad saakin." sagot ko habang tumatawa. Nakita kong natigilan sila.Si Justice lamang ang nakita kong nakangisi. "Ewan ko ba sayo Nicole Fernandez, ang manhid manhid mo" umiiling na sabi ni Shan habang kumakain ng tokwa. "Nung isang araw lang kayo nag meet tol? Alam mo Justice?" tanong ni Shaq "Abay oo.Nung umuwi si Nicole nakita siya ni kuya Nathan sa airport.Nagkita kita kami sa airport." nakangisi padin si Justice. "Grabe naman yon Gab,akala ko ay matagal na kayong nagkakilala" hindi padin makapaniwalang sabi ni Shaq. "Ayon kasi sa pag kukwento ni Gabrielle sayo nung bata kami ay parang kilalang kilala niyo ang isat isa.Grabe ka Gab, lawak ng utak mo-" "Matagal ko ng kilala si Nicole dahil kay kuya Nathan.Hindi ko pa siya namemeet noon pero nirereto na ko ni Nathan kay Nicole, tss." umiiling si Gab habang nakangisi. "Matagal na din akong may gusto sayo Nicole." dagdag niya. "Kelan pa?" seryoso kong tanong na ikinabigla nila. "Grabe seryoso mo naman mayora-" tumingin ako kay Shan dahilan para mapatigil siya sa sasabihin niya.Nag peace sign siya,ngumiti ako sakaniya. "Bata palang si Nath noon, may gusto na ko sayo-" "Pero nagkaroon kayo ng relasyon ni Angel?" putol ko sa sasabihin niya. Nakita kong nagulat si Shaq, Justice, Shan at Gabrielle sa sinabi ko. Lumingon ako kay Gabriella ngunit pati siya ay nagulat.Siya ang nagsabi saakin na nagkaroon ng relasyon ang dalawa ngunit bakit pati siya ay gulat na gulat? "Who told you that? si Angel ba ang nag sabi niyan?" seryosong tanong ni Gabrielle. Lumingon ako kay Gabriella.Mukhang natatakot kaya pagtatakpan ko. "Just answer my question" inis kong sabi. "She used me Nicole-" Umalis na ako sa harap nila at nagpasiyang lumabas ng suite. Avoid (Chapter Twenty One) Nagpasya akong maglakad lakad muna sa tabi ng shore since umaga palang naman.Chineck ko ang cellphone ko at nakitang 9 am palang. Nakita kong may mga nagtitinda ng mga souvenirs malayo layo sa resort ni Shan.Lumapit ako doon para tignan ang mga tinda. Habang papalapit ako ay nakita ko ang isang batang lalaki na umiiyak, mukhang nawawala ata.Kaaga aga may nawawala ng bata dito.Tsk. Nilapitan ko ang bata. "Bata, bakit ka umiiyak?" lumuhod ako para magpantay ang tingin namin. "Nawawala po ako, hindi ko po alam kung nasaan si Mommy Rose" nakayuko niyang sabi. "Rose ang pangalan ng mommy mo?" tumango ang bata. "Sige hahanapin natin ang mommy Rose mo, ano pangalan mo?" hinawakan ko ang ulo niya at ngumiti. "Gabrielle po" umiiyak niyang sabi. Nginang yan, hanggang dito ba naman Gabrielle padin to.Bata yan Nicole, walang kasalanan yan. "Sige Gabrielle, hanapin natin ang mommy Rose mo.Nasaan ka ba kanina bago ka pumunta dito?" tanong ko sakaniya habang tumatayo ako. "Doon po" turo niya sa isang store na puro stuff toys ang tinda. "Nandoon ba ang mommy Rose mo kanina?" "Opo." sabi niya sabay tingin sa may lalaki na naka itim na shorts.Naka topless yung lalaki. "Daddy Bren!" hiyaw ng bata sabay takbo sa lalaking naka black shorts. "Oh baby, saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni mommy mo" ani ng lalaki.Lumingon saakin ang lalaki. "Kilala mo ba yang kasama mo Gabrielle?" naging seryoso ang boses ng lalaki habang nakatingin saakin. "Opo Daddy Bren.Siya po yung tumulong saakin kanina nung nawawala ako" nakangiting sabi ng bata sa daddy niya. "Ate ano pong pangalan niyo?" lumingon ang bata saakin. "Ah uhm,ako si Nicole." ngumiti ako sakaniya. Lumuhod ako para magpantay kami. "Sa susunod wag ka ng aalis sa tabi ng parents mo ha." ngumiti ako at tumayo na. "Una na po ako Sir" kumaway ako sakanila bago umalis. Lumapit ako sa isang shop na puro ref magnet ang meron.Bibilhan ko si ate Julia at Mommy nito, mahilig panaman silang dalawa mag collect ng mga ganito. Bumili ako ng sampu, tig lima sila. Nakakita ako ng isang stuff toy na blue at black.Bigla ko naalala si Mark, bibilhan ko din siya nito.Lumapit ako sa store. "Ate, kunin ko na po yung blue at black na yun" turo ko sa stuff toy na blue at black.Ngunit bago pa ibigay ng tindera saakin yung manika ay may biglang kumuha nito.Lumingon ako para makita kung sino yon, nakita kong si Gabrielle yon. "I'll take this ate" ani Gabrielle at ibinigay ang bayad sa tindera.Natuwa ang tindera at agad na binigay ang laruan kay Gabrielle.Sinong hindi matutuwa doon eh isang libo ang binigay ni Gabrielle, 150 pesos lang naman yung manika. "And this po" hinawakan niya ako at hinila ako paalis sa store. "What the hell are you doing here Gabrielle.Akina nga yan" kinuha ko ang laruan sakaniya. "Sinundan kita Nicole." lumingon siya sa teddy bear na hawak hawak ko. "Huh, may pag bibigyan ka pala niyan-" Sinampal ko na siya.Nagulat siya sa ginawa ko, pati ako ay nagulat.May dahilan ako para gawin sakaniya iyon dahil galit ako sakaniya...... kaso sa anong dahilan? "Idiot, sa anak to ni Kuya Nathan.Stop following me Gabrielle." nag walk out ako sa harapan niya.Habang paalis ako lugar na pinag-eksenahan ko ay naalala ko na wala pala akong sariling suite kaya wala akong choice kundi bumalik sa suite ni Shan. Hindi kalayuan sa hotel ni Shan ay nakita ko si Riella at Justice na naliligo.Tatawagin ko sana sila para batiin ngunit naalala ko na baka maabutan ako ni Gabrielle dito at habang iniisip ko yun ay nakita kong tumatawag si Shan sa phone. Sinagot ko iyon at naglalakad na pabalik sa hotel ni Shan. "Hey" simple kong sagot. "God, nasaan ka ba kasi? muntik na mag away si kuya at Gab kanina dahil nawawala ka abay jusmeyo naman Nicole." bungad ni Shan. "Hindi ko din alam ang dahilan nang pag walk out ko dyan kanina eh.Sorry ah? Eh nakakita kasi ako ng mga souvenir shop malapit sa resort mo kaya pumunta ako doon. Habang papunta nga ako doon ay nakakita ako ng isang batang lalaki tapos ang pangalan Gabrielle pa-" "Oh" putol ni Shan sa sasabihin ko. Napairap ako dahil ayokong pinuputol ang mga speech ko. "Wala sige, eto na ko sa tapat ng hotel mo.Gege bye." binaba ko na ang tawag at pumasok na sa hotel. Nakita ako ng babaeng nasa front desk at nagulat ako nang ngitian niya ako.Weird ah. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 19th floor dahil nandoon ang suite ni Shan.Nag iiscroll scroll lang ako sa f*******: habang iniintay makapunta sa tamang palapag.Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na. Lumabas na ako ng elevator at narealize na wala na talaga akong takas.Wala akong choice kundi bumalik nanaman sa suite ni Shan.Aish. Kumatok ako at walang sumagot.Nainis ako kaya tinawagan ko si Shan.Hindi siya sumagot. "Damn it.Wala akong number ni Shaq,bahala na nga." bigo kong sabi.Wala akong choice kundi tawagan si Gabrielle. Pinindot ko ang phone number niya at nag ring kaagad,pagka-ring ng phone ay sinagot niya kaagad. "The door. Its locked" malamya kong sabi. "Gaga ka, alam na naming tatawagan mo si Gab" tumawa si Shan. "Bumaba ka na dito sa restaurant ng hotel.Nanlibre si Justice" tumatawa niyang sabi. "Ano? the heck.Hindi mo kaya sinasagot tawag ko-" "Oo sinadya ko yun.Tara na dito dali." "May dala ako.Bat kasi di mo saakin ibigay ang duplicate ng susi ng suite mo-" "Shh Nicole,tara na sa loob." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Gabrielle sa likod ko. "Pakipasok na lang to sa loob.Bababa na ako" binigay ko sakaniya ang mga pinamili ko. "You're really avoiding me huh." pabulong niyang sabi. "Whatever Gabrielle" hiyaw ko nang makalabas ako sa suite ni Shan.Oh God. Elevator nanaman. Kaagad akong pumasok sa elevator dahil ayokong may kasama at lalong ayokong kasama sa loob si Gabrielle.Pagpasok ko ay kaagad kong pinindot ang ground floor.Habang pababa ang elevator, nagulat ako dahil huminto ito sa 15th floor nag panick ako at umasog na lang sa gilid. Nagulat ako nang makita ko ang tatay ng batang kasama ko kanina.Ambilis naman yata niya makabalik dito? Oh well, mind each others businesses na lang. Pumasok siya sa loob at pumunta sa kabilang gilid ng elevator.Malamang may sulok ang elevator, hindi naman to bilog. Nakita kong lumingon siya saakin, kahit di ako nakatingin sakaniya ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na lumingon siya saakin.Mukhang magkakaroon kami ng munting chitchat dito ah. Iniwas niya ang tingin saakin at tumingin na lang sa ibaba.Ano ba yan, ang assuming ko naman akala ko ay maguusap na kami at magpapasalamat siya dahil niligtas ko ang anak niya.Mukha siyang hindi tatay, mukha siyang teenager eh mga 19 years old ganon. Tumunog ang elevator sa 3rd floor,mukhang may papasok pa sa loob para bumaba.Nagulat ako dahil ang daming lalaking pumasok sa loob,kinindatan pa ako ng isa at may dalawang nagbubulungan habang nakatingin saakin.Nilabas ko ang phone ko at tinignan ang mukha ko kung may dumi ngunit wala naman.Tinignan ko ang suot ko kung may butas ba, wala naman. Nagulat ako nang lumapit yung tatay ng batang kasama ko kanina saakin at hinawakan niya ako sa bewang.Pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko.Aalisin ko sana iyon ngunit bago ko pa gawin yun ay lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "You're gonna thank me after this one" seryoso niyang sabi at tumingin ng diretso sa mga lalaking nagbubulong-bulungan. Tumunog ang elevator at nakitang nasa ground floor na ito.Unang lumabas ang mga lalaki sa third floor kanina, ang isa nga ay nagpaiwan pa sa labas ng elevator.Lalabas na sana ako ngunit hinigit ako ng tatay ng batang nakasama ko kanina papalapit sakaniya at sabay kaming lumabas.Tinignan ko ang lalaking nagiintay sa labas ng elevator at nakitang bigo ang kaniyang mukha.Tumingin din ako sa paligid at nang makitang wala akong kakilala ay lumayo na ako sa lalaki. "What are you doing there?" turo ko sa elevator. "Saving you from those manyaks" simple niyang sagot. "Im Brendan and you're Nicole.Ikaw yung babaeng nakakita sa anak ng ex girlfriend ko." tumingin siya ng diretso sa mata ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko jusko, ang awkward naman kung itatanong ko kung bakit anak ng ex gf niya ang kasama niya at bakit daddy ang tawag sa kaniya.Oh God. "Nakita ko siyang umiiyak eh.Kaaga aga nga eh nawawala yung anak ng..... uh ex mo" napayuko ako dahil sa sinabi ko. "You're probably wondering kung bakit daddy ang tawag saakin ng batang yon.Tss." Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon.Nagulat ako sa ginawa niya kaya kaagad ko iyong binawi.Tumingala ako mag isa. "Oh?" medyo naiirita kong sabi. "You wanna know?" ngumisi siya. "Hindi. Iniintay na ako ng may ari ng hotel na ito doon" tinuro ko yung restaurant. "May sasabihin ka pa bang importante?" tinignan ko siya ng diretso. "Oh wow, dun din ako papunta.Tara na" humalakhak siya.Hinawakan niya ako sa pulso at hinila ako palabas ng hotel. Hindi ako makawala dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko.Hindi masakit pero mahigpit.Why is he so gentle. Nang makarating kami sa harapan ng restaurant ay kaagad kong nakita ang mga kasama ko.Si Riella at Shaq ay nag aayos ng mga plato, mukhang hindi pa nagsisimula kumain habang si Justice ay nakatayo sa harapan ni Shan, si Shan ay nakaupo, naguusap sila dahil nakikita ko sa mata ni Justice na seryoso ang usapan nila. Kahit malayo ako ay naaaninag ko ang deadly eye ni Justice. Papasok na sana ako sa loob ngunit pinigilan ako ni Brendan. "Ano ba, bitawan mo nga ako!" hiyaw ko sa kaniya dahilan para madistract si Riella. "Ate Nicole!" hiyaw ni Riella at nakita kong lumingon si Justice, Shaq at Shan. "Tss you're so naughty" ngumisi siya. "I like it though" tumawa siya at binitawan ako. "Gagong to, hindi naman kita kilala pero may pa eksena ka sa elevator kanina!" inis kong sabi sakaniya.Naramdaman kong may papalapit sa likod ko, lumingon ako at nakitang si Justice yon. "I already introduced my self to you a while ago ah" lumingon ako sakaniya at nakitang nagulat siya.Nakatingin siya sa likod ko.Si Riella at Justice ang nasa likod ko.Si Justice ay nakahawak sa bewang ni Riella habang si Riella ay gulat na gulat.Gulat ba siya sa ginawa ni Justice o dahil kay Brendan? "Champ?" narinig kong sabi ni Justice sa likod ko. "Magkakilala kayo ni Nics? At mukhang...close kayo" lumingon ako sa likod ko at nakita kong titig na titig si Justice saakin. "Kanina lang kami nag meet." malamig kong sabi. Lumingon ako kay Brendan at nakitang nakatingin siya kay Riella na nasa baba ang tingin. "Ah yeah champ, si Riella nga pala" umangat ng tingin si Riella. "Nililigawan ko" nakangiting sabi ni Justice. "Eh girlfriend ko yan champ eh" humarang na ako sakanila pero nakatingin padin siya kay Riella. "That's why you dissappear ng walang paalam Gabriella huh." nakangisi niyang sabi. "Best friend ko si Justice, Riella.Anong iniisip mo?" inis na sabi ni Brendan. Nagulat ako sa nalaman ko.Oh God.Lumingon ako kay Riella at nakitang nanlalambot na siya agad akong bumaling kay Justice na binitawan ang bewang ni Riella.Sinalo ko si Riella at ibinalik siya sa table nila kanina. "Sorry ate" niyakap niya ako at umiyak. Si Brendan at Justice magkaibigan? at si Brendan ang boyfriend ni Riella? Oh Gosh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD