bc

He is A Prince (Seven Princes Series: The Second Prince)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
7.2K
READ
love-triangle
opposites attract
prince
drama
female lead
royal
betrayal
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

"Without you, I am no one. With you, I'm the miserable one."

Hindi akalain ni Antoinette na sa pag-akyat niya ng burol ay magbabago na ang mala-Cinderella niyang buhay.

Wala sa isip niya na makakatagpo niya ang ikalawang prinsipe na hindi man lang niya nakilala sa unang sulyap. Nang malaman ang lihim ng prinsipe ay sinubukan niya itong itulak palayo pero huli na ang lahat. Hindi niya namalayan na hawak na siya sa leeg ng lalake at wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi gawin ang gusto nito.

Napipilitan nga lang ba siya o hindi na rin niya kayang tanggihan ang tinig ng katawan niya na ang pangalan ng prinsipe ang sinisigaw?

chap-preview
Free preview
Simula
Reynard Tahimik, malamig ang simoy ng hangin, walang polusyon, ang mga bahay ay luma, malinis at masayang naglalaro ang mga bata sa labas hanggang humapon. Umupo sa harap ng kanilang bahay si Antoinette at pinagmasdan ang mga batang masayang nagtatawanan habang naglalaro ng habulan. Malapit nang lumubog ang araw at sumisilip na rin ang mga bituin. Umihip na ang hangin at tinangay ang hanggang balikat niyang buhok. Kahit malabo ang kanyang mga mata ay pinipilit pa rin nyang aninagin ang kanyang paligid. Sabi ng kanyang ama ay kailangan ipatingin ang kanyang mga mata sa doktor pero sa lungsod lang matatagpuan ang mga doktor sa mata. Hindi sila makapunta doon dahil mainit ang ulo sa kanila ng mga espanyol. Mga Pilipino daw kasi sila na totoo naman dahil ang parteng ito ng Cordancia ay ang pinakamalapit sa pinakadulong isla ng Pilipinas. Halos lahat sila rito ay mga Pilipino, ang iba ay nakapangasawa na lang ng Cordancian. Nakakakita pa naman siya kahit papaano pero hindi talaga sya makakita ng mga mukha, minsan ay kakilala na nga niya ang kaharap ay hindi nya pa alam. Lahat ng mga taga-Paz ay ganoon ang problema. Nagsimulang lumabo ang mga mata nya noong labindalawang taong gulang siya, dahil siguro sa pagbabasa at pagsusulat sa gabi na tanging gasera lang ang gamit upang maliwanagan. "Mi hija, hindi ka pa ba papasok? Malamig na rito sa labas."  Napatingin siya sa kanyang ama na galing sa loob ng kanilang bahay. Mabuti na lang at kahit papaano ay buhay pa ang kanyang ama, maaga kasi silang iniwan ng kanyang ina. Nag-asawa ulit ang kanyang ama na mayroong isang anak na babae sa ibang lalake. Mala- Cinderella nga ang kanyang buhay pero hindi kagaya ng prinsesa ay may ama pa siya. "Hindi pa po. Kayo po ang pumasok sa loob dahil madali po kayong magkasakit," sabi niya at ngumiti. "Napakabait mo talaga. Sige, pero sumunod ka kaagad dahil lumalamig na talaga dito," sabi nito at pumasok na sa loob ng kanilang bahay. Mabuting tao ang ama niya kaya naman gustong-gusto ito ng mga tao sa kanilang baryo. Sa katunayan ay ito ang tumatayong Mayor doon, kaya lang ay madali itong magkasakit at iyon ang problema niya. Kung mawawala pa ito ay baka maging true life Cinderella na talaga sya. Si Amelia, ang kanyang madrasta ay isang malditang bruhang matanda. Si Ambrina naman ang kanyang stepsister na walang ring ibang ginawa kung hindi apihin siya kapag wala ang ama niya. Minsan na rin niyang sinubukang magsabi sa kanyang ama tungkol sa ginagawa sa kanya ng mga ito pero hindi naman naniwala ang ama dahil mala-anghel ang mga ito kapag kaharap ang huli. Sa huli ay wala syang magawa kung hindi pagtiisan ang dalawa. Sampung taon na rin siyang nagtitiis at hindi na niya yata kaya ng ilang taon pa. Grabe kung alilain siya ng mg ito kapag wala ang kanyang ama, para naman siyang prinsesa kung nasa bahay ang ama.  Kagaya ngayon, tahimik ang buhay niya. Malaya niyang napagmamasdan ang kanilang baryo na sabi ng kanyang Papa ay pamumunuan nya balang araw. Kahit mahal nya ang baryo nila ay ayaw naman nyang maging leader nito. Hindi iyon ang pangarap niya, ang gusto niya ay makarating sa lungsod, makapag-aral ng medisina at maging doktor. Hanggang high school lang kasi ang natapos niya dahil walang kolehiyo sa kanilang baryo. Sinasabi nga ng iba na ang baryo nila ang pinakamahirap na parte ng Cordancia. Halos lahat sila dito ay hanggang high school ang natapos, hindi rin mapapayag ang mga matatanda na ipa-renovate ang lugar dahil maraming masisirang lumang bahay at mga tanawin. Ang iyon kasi ay mas matanda pa kumpara sa unang itinayong palasyo ng Cordancia. "Mag-iingat kayo, Papa," sabi niya sa ama at kumaway rito ng umalis ito kinabukasan. "Paalam, mahal. Mag-iingat ka," sabi ng madrasta nyang si Amelia na malaki ang ngiti. Kinakabahan siya dahil ilang araw ring mawawala ang ama, ibig sabihin ay ilang araw rin syang magiging katulong ng dalawa. Napalunok sya ng ngumisi sa kanya si Ambrina. "Ano pang hinihintay mo? Linisin mo na yung sala," sabi nito at ibinato sa kanyang walis. "Pero ikaw ang may gawain nito," sabi nya at binalik rito ang walis. "Ano ngayon?! May pupuntahan ako kaya ikaw na. Wala na ang iyong Papa rito kaya wala ka nang karapatang mag-buhay prinsesa," sabi nito at hinagis sa kanya ang pabalik ang walis. "Magluto ka rin at nilinisin ang banyo. Ilang araw ng hindi nalilinis iyon. Magpapamasahe ako," sabi ng kanyang madrasta. Nag-igting ang panga niya at na-ikuyom ang mga palad. Huminga sya ng malalim at kahit na labag sa loob nya ay tumango na lang sya. Sinunod nya ang mga pinapagawa ng mga ito, inis na inis siya. Inaalipin siya sa sariling bahay, kung buhay lang sana ang kanyang ina ay hindi niya dadanasin ang mga bagay na ito. Habang ginagawa niya ang mga gawaing hindi naman dapat sa kanya ay palita-litaw ang mga luha na kaagad niyang pinapahid. Lagi niyang iniisip na baka may fairy godmother sya kagaya ni Cinderella na susulpot na lang sa harap niya at tutuparin lahat ng hiling niya. Isa lang naman kasi ang gusto nya, ang bumalik ang namayapang ina. Huminga siya ng malalim at napapikit ng makalabas sya ng banyo. Sa wakas ay natapos rin niya iyong linisin, hindi pa sya sigurado kung talagang malinis na ba iyon dahil malabo nga ang mga mata niya. Nag-igib sya ng tubig at dinala iyon sa banyo upang makaligo siya dahil ang lagkit-lagkit na nang pakiramdam niya. Bawat buhos ng tubig sa katawan niya ay nakakaramdam siya ng magaspang. Malamang ay buhangin na naman iyon galing sa pinag-igiban niyang poso. Itinuloy na lang niya ang paliligo at hindi na lang pinansin iyon dahil wala naman syang magagawa dahil nag-iisa lang ang poso na iyon na malapit sa kanila. Natapos siya sa paliligo at pag-aayos ng sarili ng maalala nyang may sinasaing pala sya. Napatakbo siya nang mabilis sa kusina at pinatay ang apoy ng kalan. Halos itim na ang kanin at hindi na iyon makakain. Nakagat niya ang labi at hindi na mapigilang mapaluha, siguradong katakot-takot na sampal at sabunot na naman ang aabutin niya sa kanyang madrasta. Mabilis niyang inalis ang nasunog na kanin sa kaldero at nagsaing ng panibago. Napaso pa siya pero hindi niya iyon ininda dahil papauwi na ang dalawang bruha. Binuksan niya ang lahat ng bintana ng kanilang bahay para lumabas ang amoy ng sunog na kanin. Binantayan niya ang sinaing at siniguradong hindi na iyon masusunog pa. Tinago niya ang nasunog na kanin at inihain ang bagong saing at ang ulam na niluto nya. Saktong dumating ang madrasta at ang kanyang stepsister na hindi niya alam kung saan nagpunta at maghapong wala sa bahay. Kapag nandito ang ama niya ay hindi naman umaalis ang mga ito pero kapag wala ay akala mong nakawalang mga palaka. "Natapos mo ba lahat ng gawain, Antoinette?" tanong ni Amelia. Tumango siya at tinago ang napasong kamay.  "Nakahain na rin sya ng ating hapunan, Mama," nakangiting sabi ni Ambrina. "Tara na at kumain. Ikaw, Antoinette," tawag sa kanya ng kanyang madrasta kaya gulat siyang napatingin rito. "Bakit po?" kinakabahang tanong niya. "Kainin mo ang sinunog mong kanin. Marami-rami iyon kaya mga dalawang araw mo iyong kakainin. Napakamahal ng bilihin tapos nagagawa mo pang mag-aksaya," sabi nito at sumubo ng pagkain. Nagulat siya. Paano nito nalaman iyon? "Hindi ko naman iyon sinasadya, nakalimutan ko lang dahil sa sobrang dami kong ginawa. Hindi ko na iyon makakain," sabi niya. "Kung ganoon ay wala kang kakainin ng dalawang araw kung hindi iyon makakain," sabi ni Ambrina at tumawa ang mag-ina. Masama niyang tinignan ang dalawa habang sarap na sarap na kinakain ang pagkaing siya ang nagluto at naghanda. Tumalikod siya sa mga ito at pinunasan ang kanyang luha. Hinawakan niya ang kumalam na sikumura at dumiretso sa kanyang kwarto. Doon siya umiyak at nanalangin na dumating nang mas maaga ang kanyang Papa. Hindi na niya kayang magtiis sa ugali ng dalawang iyon. Kumalam muli ang sikmura niya kaya lalo siyang napa-iyak. Maghapon siyang nagtrabaho at hindi man lang siya papakainin ng dalawang araw. Pagkalipas ng ilang oras, maghahating-gabi na nang lumabas siya ng kwarto. Pumunta siya sa kusina upang tignan kung may tira pang pagkain ang dalawa pero nabigo siya nang walang makita. Bumuntong-hininga sya at hinugasan na lang ang pinagkainan ng dalawa. Siya rin naman ang gagawa ng bagay na iyon. Kinabukasan ay pinlano niyang pumuslit ng pagkain sa oras na umalis ang madrasta at ang kanyang stepsister. Pero hindi kagaya ng karaniwang ginagawa ng mag-ina ay nanatili sa bahay ang dalawa at walang ibang ginawa kung hindi utusan siya. Ilang beses niyang ininda ang sakit ng tiyan pero parang walang naririnig ang dalawa. Napaupo siya sa lupa matapos niyang walisin ang buong bakuran nila. Wala pa siyang pahinga at kain mula kaninang umaga. Hapon na pero ngayon lang siya natapos sa mga gawain. "Antoinette, ayos ka lang?" tanong sa kanya ng kanyang kababata na si Lara. "Ayos lang ako. Napagod lang ako masyado," sabi niya. "Ito," sabi nito at inabot sa kanya ang isang supot ng pagkain. Tumingin siya sa paligid at baka nandoon ang dalawang bruha. "Para kasing hindi ka pa kumakain kaya naisipan kong magbalot na pagkain mula sa bahay. Wala na naman ba ang Papa mo? Inaapi ka na naman ng dalawang iyon. Kainin mo na ito para lumakas ka," sabi nito. "Salamat," sabi niya at aabutin na sana niya ang pagkain nang may ibang umabot no'n. "Aling Amelia!" gulat na sabi ni Lara. Kahit siya ay nagulat at hindi kaagad naka-imik. "Hindi kailangan ni Antoinette ng pagkain galing sa marumi niyong bahay. Itapon mo na iyan, hindi nagugutom si Antoinette kaya umalis ka na!" galit na sabi ng kanyang stepmother. Takot si Lara rito kaya mabilis itong umalis. Tumingin ng masama sa kanya si Amelia. "Ano? Namamalimos ka ng pagkain? Akala nila ay inaapi kita pero hindi nila alam na ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit ka nagugutom! Tumayo ka dyan at pumasok ka na sa loob," sabi nito at hinila siya papasok. Malakas siya nitong sinampal dahilan para mapaluha siya. Nandilim ang paningin niya kaya nang binalingan niya ito ay naitulak niya ito malakas dahilan para mapupo ito sa sahig. Nagulat siya sa kanyang ginawa kaya sinubukan niya itong tulungan. "Walang hiya ka talagang babae ka!" sigaw nito sa kanya at tinulak rin siya. "Mama, anong nangyayari?" tanong ng kalalabas lang ng kwartong si Ambrina. "Itong babaeng ito, napakabastos at walang galang. Itinulak niya ako!" sabi ng ina nito dahilan para pagtulungan siya. Sabunot at sampal ang tinanggap niya sa dalawa. Walang siyang ibang nagawa kung hindi dumaing sa sakit. "Tama na!" sigaw niya sa mga ito ng makaramdam siya ng panghihina. Huminto lang ang mga ito hanggang hindi siya nakitang hindi gumagalaw. Gustuhin man niyang umalis sa kanilang bahay pero saan naman siya pupunta? Isa pa ay yun ang gustong mangyari ng dalawa, ang mapalayas siya at hindi nya hahayaang mangyari iyon. Inangat niya ang sarili at pumunta ng kanyang silid. Doon niya ginamot ang kanyang mga sugat. Mapait syang napangiti sa sarili nang maisip na sa makalawa ay uuwi na ang kanyang ama, isang araw na lang ang kanyang titiisin. Pero ang isang araw na iyon ay mukhang sinulit pa ng mag-ina.  "Maghanap ka ng ibang posong pag-iigiban. Ayoko na roon sa dati dahil sobra na iyong mabuhangin," sabi ni Ambrina sa kanya at inabot ang dalawang balde. "Saan mo naman ako gustong mag-igib?" walang-ganang tanong niya. "Narinig ko na may isang balon doon sa may tuktok ng maliit na burol doon. Malamig at malinis ang tubig na galing doon. Yun ang gusto ko," sabi nito. "Hindi ba bawal doon?" tanong niya pero inirapan lang siya nito. "'Wag ka nang magreklamo. Ang dami mong sinasabi. Dalian mo at may pupuntahan pa ako." sabi nito. Bumuntong-hininga siya at naglakad na papunta roon sa sinasabi nitong burol. Medyo matarik iyon at madulas ang daan paakyat kaya dahan-dahan lang sya. Napahinto siya nang makarating siya sa tuktok nang may makitang karatula. Hindi niya iyon mabasa ng maayos dahil sa labo ng kanyang mga mata. Nagkibit-balikat siya at pinuntahan na ang balon. Dalawang timba lang naman ang pupunuin niya, hindi naman iyon kawalan sa balon. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iigib nang makaramdam siya ng matinding sakit ng tiyan at pagkahilo.  "Alam mo bang bawal magpunta rito ang mga kagaya mo?" sabi ng isang matipunong boses na akala niya ay imahinasyon lang niya. Pinagpatuloy niya ang pag-iigib at biglang natauhan nang biglang may kabayong humiyaw ng malakas. "Manong, pakalmahin mo naman iyang kabayo mo. Nanggugulat, eh." sabi niya at sinamaan ng tingin ang lalaking nakasakay sa puting kabayo. "Manong?! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!" galit na sabi ng lalaki at bumaba sa kabayo. Pinilit niyang aninagin kung sino iyon pero hindi talaga niya makita. Hindi rin pamilyar ang pigura nito kaya hindi niya kilala. "Hindi, eh. Malabo ang mga mata ko kaya kahit anong tanong mo sa akin d'yan ay hindi talaga kita makilala," sabi niya at tinuloy ang pag-iigib. Humapdi ang sikmura niya at parang lumindol ang paligid nya. Nabitawan niya ang pang-salok ng tubig. "Ako si Reynard, ang may-ari ng lupang kinatatayuan mo. Kung hindi ka aalis ay mapipilitan akong kaladkarin ka paalis rito," sabi nito. Pero bago pa siya makaalma ay tuluyan nang dumilim ang buong paligid niya at bago niya pa maramdaman ang sahig ay mga matitipunong braso na ang sumapo sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
23.5K
bc

Just Another Bitch in Love

read
40.0K
bc

Unwanted

read
532.9K
bc

In Love With A Witch

read
258.9K
bc

Be Mine Again

read
105.0K
bc

SILENCE

read
394.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
90.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook