Sugat Pagkarating ko sa bahay ay hindi naman ako mapakali. Halos masugat na nga ang ibabang labi ko dahil sa mariin na pagkagat ko. Baka hindi na matuloy ang kasal namin. Bakit hindi ako nag-aalala para sa Paz? Parang iba ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali. Tinignan ko ang singsing na kasusuot nya lang sa akin kanina. Dapat ay hindi ko pinagsisihan ang mga sinabi ko sa kanya kanina pero bakit ako nakokonsenya? Litong-lito na ako sa sarili ko. Akala ko ba ayokong magpakasal sa kanya kaya bakit ako nag-aalala? Napaupo ako nang tuwid. Tama, dahil sa Paz ako nag-aalala, hindi para sa sarili ko. Tama... Tama... Ganyan, Antoinette. Ganyan dapat mag-isip. Nakakainis! Bakit kasi ang ingay ko?! "Uy! Ang ganda ng singsing mo, ah!" sabi ni Ambrina at kinuha ang kamay ko. "Oo nga! Sinon

