Kabanata 24

2397 Words

Duchess "Bakit hindi mo kami isasama? Ang sama talaga ng ugali mo," sabi ni Ambrina. "Hindi ba't ito naman ang gusto nyo? Ang mapaalis ako sa sarili kong bahay. Mangyayari na ang gusto nyo," sabi ko. Naghihintay si Reynard sa labas. Dinala na nya ang isang bag na mabigat at ang dala ko na lang ay maliit na bag na pinaglalagyan ko ng mga mahahalagang dokumento. "Mayabang ka na kasi prinsipe ang mapapangasawa mo. Titira ka na sa malaking mansyon at iiwan na kami rito," sabi ni Amelia. "'Wag kayong mag-alala. Kapag may gusto kayo, sabihan nyo lang ako. Imbitado rin kayo sa kasal ko. Ako na ang bahala sa susuotin nyo. Sasabihin ko kay Reynard," sabi ko at tinalikuran na sila. Tulala si Reynard nang lapitan ko sya at hindi nya pa ako napansin kaagad. Nagulat sya at kaagad ngumiti ng maki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD