Puso Lahat ng mga tao ng Paz ay tulala lang sa isang lalake na nakabihis ng magarang damit. Ang lalaking ito ang sinasabi nilang hari ng Cordancia. "Ano pang ginagawa nyo? Batiin nyo ang ating Hari," sabi ng lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan kung saan lumabas ang haring ito. "Hayaan mo sila, Clyde. Siguro ay nagulat din sila sa pagdating ko," sabi ng Hari at tumingin sa akin. Naningkit ang mga mata nya pagkatapos ay ngumiti. Anong meron? "Ang tagal nyo akong i-introduce, ah!" sabi ng babaeng maganda rin ang pananamit. Lumabas ito ng sasakyan habang sapo ang medyo malaking tiyan. Inalalayan sya ng hari na makalabas pagkatapos ay ngumiti sa buong paligid. "Ang refreshing naman dito, mahal kong Hari, parang ang bayan ko lang sa Pilipinas," sabi ng paniguradong Reyna. Tumingin sya

