Asawa "Ito na, oh. 'Wag ka nang umiyak." Inabot sa akin ni Reneesh ang kailangan kong gamot. Kinuha ko iyon at inabot sa kanya ang bayad. "'Wag na, ikaw naman. Ihahatid na kita pauwi. Gusto mo ba?" Umiling ako. "May sundo ako sa dulo ng bayan. Salamat para dito," sabi ko at ngumiti. "Kung ganoon ay maiwan na kita dito, siguro naman ay wala ng biglang susugod na mga wild animals sa iyo dito. Paalam," sabi nya at naglakad na palayo sa akin. "Sandali lang, Reneesh," sabi ko kaya napahinto sya. "Bakit?" Huming ako ng malalim dahil hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin. Hindi ko rin naman alam kung may pakielam pa sya sa akin. "'Wag mo na lang sabihin kay Reynard ito. Pakiusap, ako nang makita pa sya o makielam sya sa buhay," sabi ko. Malungkot ang mga mata nyang tumango. "Si

