Mundo Tahimik kaming lahat habang kumakain. Wala si Amelia dahil sinamahan si Papa at hindi ko alam kung bakit iniwan nya kami dito sa bahay ni Ambrina kasama ang dalawang lalaking ito. "Ikaw ba ang nagluto nito, hija?" tanong sa akin ni Architect Ronald. "Opo," tipid kong sagot. "Magaling syang magluto, hindi ba anak? Napakaswerte naman pala sa babaeng ito. Buti na lang," sabi ng Architect kay Engineer Sancho na tumango lang pagkatapos ay tumingin sa akin. "Masarap nga, hindi na ako makapaghintay para sa aming kasal," sabi nya. Natigilan ako. Kanina pa nila sinasabi iyang kasal na iyan. "Sandali lang po, hindi ko po kayo maintindihan. Ano pong kasal?" tanong ko. Tumawa si Ambrina at tinaasan ako ng kilay. "Anong akala mo? Libre ang pagpapagamot nila kay Papa, syempre may kapalit

