Prinsipe Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Reynard. Ang sabi ni papa ay maaga daw syang umalis. Saan naman kaya nagpunta iyon? "Happy Birthday, anak! Mahal na mahal ko ang nag-iisa kong anak!" sabi ni papa at niyakap ako pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. "Salamat po, mahal na mahal ko rin po kayo," sabi ko at sinuklian ang yakap nya. "Pasensya na anak, wala akong maibigay na kahit anong regalo sa iyo. Yung cellphone na matagal mo ng hinihiling ay hindi ko pa maibibigay. Eto lang ang tanging maibibigay ko," sabi nya atsaka inabot sa akin ang isang maliit na kahon na may laman na isang pilak na singsing. "Papa, para saan po ito?" tanong ko dahil naguguluhan. "Noong limang taong gulang ka ay binili yan ng mama mo gamit ang mga naipon nyang sobrang pera. Ang sabi nya ay ibibigay

