Wet "Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan syang nagpapalit ng damit sa loob ng kwarto ko. Nasa labas ako at naghihintay syang matapos. "Pagkatapos ng hapunan ako pinapauwi ng papa mo," sagot nya at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Bihis na sya at akmang lalapit sa akin pero lumayo kaagad ako. Naka-isa na naman sya sa akin kanina, hindi na iyon pwede pang maulit. Nanliligaw pa lang sya, my goodness! "Ano nang gagawin mo ngayon? Tapos na ang trabaho, wala ng gagawin," sabi ko at tumingin sa kanya. "Gusto kong maglibot sa Paz," sabi nya. Tumango ako at ngumiti. Wala namang exciting na bagay dito sa Paz, hindi kagaya doon sa sentro ng Cordancia. "Sige, magpapaalam lang ako kay papa." Aalis na sana ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko dahilan para mapalapit na nam

