Kabanata 10

2197 Words
Understand Bago ako pumasok ng bahay ay inayos ko muna ang sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Ayokong makita ako ni papa na ganito. "Salamat naman at naisipan mo pang umuwi. Tambak na ang mga labahin, kailan mo balak labhan iyon?" bungad sa akin ni Amelia. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay ganito na ang sumalubong sa akin. Pwede bang bumalik na lang ako doon kila Reynard? "Bukas na lang ako maglalaba, tanghali na kasi. Maglilinis na lang muna ako ng bahay," sabi ko at pumasok na sa bahay diretso sa aking kwarto. Inayos ko ang mga damit ko na nakakalat. Kumunot ang noo ko ng makitang wala ang iba kong mga damit at sapatos. Lumabas ako para puntahan si Ambrina dahil malamang sya ang kumuha ng mga iyon. "Isauli mo ang mga damit ko," sabi ko at nag-init ng suot nya ang isa. "Hiniram ko lang naman. Ang ganda kasi, bagay na bagay sa akin. Hindi mo naman sinabi na may mga ganito kang damit," sabi nya at tinignan ang sarili sa salamin. Ang damit na kinuha nya ang mga damit na binili para sa akin ni Reynard. Hindi naman sa pag-iimot pero sana naman ay hiniram man lang nya sa akin. "Ano na namang pinag-aawayan nyo? Dumating ka lang Antoinette ay umingay na naman itong bahay," sabi ni Amelia. "Mama, ang imot nitong si Antoinette. Sinuot ko lang naman itong damit nya tapos galit na galit na sya," sabi ni Ambrina. "Yun naman pala, eh. Hinihiram ng kapatid mo. Bakit napaka-imot mo? Kahit kailan hindi ka naman namin inimutan. Simpleng damit lang yan, nagkakaganyan ka na." sabi ni Amelia. "Kung hiniram lang naman nya kasi ng maayos ay ayos lang pero kinuha nya nang walang paalam." sabi ko at hindi na mapigilan ang luha. Tumawa ang dalawa nang makita ang pag-iyak ko. Hinubad ni Ambrina ang damit at nagpalit ng kanyang damit. "Ang babaw mo, Antoinette. Ah, bigay nga pala ito ng boyfriend mo kaya ganyan ka na lang kung mag-imot," sabi ni Ambrina at pinunit ang damit. Napasigaw ako sa inis at hinablot ang buhok nya. Bakit nya sinira? Wala syang kwentang tao. "Bakit mo sinira?! Hindi naman sa iyo yun!" sabi ko at hinila pa ang buhok nya. Sigaw lang sya nang sigaw at humingi ng tulong sa nanay nya. Hinila ni Amelia ng buhok ko dahilan para mabitawan ko si Ambrina. Sinampal nila ako ng malakas at iniwan doon. "Makasarili ka, Antoinette. Gusto mo ikaw lang ang mayroon," sabi ni Ambrina. Pinulot ko ang damit at tinignan ang sira. Kung sana ay ibang damit na lang, espesyal sa akin ang damit na ito. Ito yung damit na isinuot ko sa unang date namin ni Reynard pero ngayon sira na ito. Maghapon kong iniyakan iyon. Habang tinatahi ko nga ay ang bigat-bigat ng loob ko. Hindi ko tinigilan hangga't hindi ko naaayos iyon ng mabuti. "Anak, hindi ka pa lumalabas dyan mula kanina. Hindi ka pa rin kumakain. May problema ba?" sabi ni papa mula sa labas ng aking kwarto. Pangalawang beses na nya akong kinatok. Ang una ay noong magtatanghalian kami at ngayong hapunan. "Lalabas na po ako maya-maya," sabi ko at ginupit na ang mga sobrang sinulid sa damit. Buti na lang ay nagawa pa kung hindi ay ipapakulam ko na talaga ang mag-inang iyon. Mga kontrabida sa buhay ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Patapos ng kumain ang dalawa at nakaabang sa akin ang mga mata nila. Madilim na at hindi na nahalata ni papa ang namumugto kong mga mata. Kumain ako ng hindi nagsasalita at pinapansin ang dalawang bruha na kahit tapos ng kumain ay hindi pa rin umaalis. Takot siguro na magsumbong ako kay papa. "Kamusta naman ang gabi sa kaibigan mo?" tanong ni papa. "Ayos lang po, nakilala ko po ang mga kapatid nya," sagot ko. Nasamid si papa sa iniinom nyang tubig kay dinaluhan ko sya pati na rin ang aking madrasta. "Bakit naman kayo nasamid? Ayos na ba kayo?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang likuran. "Ayos na ako. Kamusta naman silang pito sa iyo?" tanong ulit nya na ikinagulat ko. "Paano nyo po nalaman na pito sila? Sa pagkakaalam ko ay wala naman po akong naikwento sa inyo kahit nga po ako ay hindi alam na pito silang magkakapatid," sabi ko at uminom ng tubig. "Ah-eh, nabanggit sa akin ni Reynard noong nag-usap kami," sabi ni papa at tumikhim. Tumango ako. "Ayos naman po. Mababait naman po." kaso patay-gutom. "Wala bang... nangyari sa inyo ni Reynard." Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nasamid. Bakit naman bigla-biglang nagtatanong ang tatay ko ng mga ganoong bagay? Nag-init ang pisngi ko ng maalala yung muntik ng mangyari sa amin ni Reynard. Ayoko na ngang maalala iyon, bakit tinanong nya pa?! "Ano ba yang tanong nyo? Wala po, magkahiwalay po kami ng kwarto," sabi ko pero nai-imagine ko naman yung daliri nya sa pagitan ng hita ko. "Mabuti naman kung ganoon. Maghintay ka hanggang ikasal kayo," sabi ni papa at tumayo para pumunta sa kanilang kwarto. Umalis na rin ang dalawa at naiwan ako doon. Pinagdikit ko ang mga hita ko at huminga nang malalim. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kamay nya doon at bibig nya sa dibdib ko. Tinapos ko ang pagkain ko at hinugasan ang mga pinagkainan. Habang nag-aayos ng lamesa ay may nalaglag na isang supot ng gamot. Nagtaka ako dahil ang alam ko ay wala namang may sakit o umiinom ng vitamins sa amin. Itanabi ko na lang iyon at dumiretso na sa kwarto ko. Nagising ako kinabukasan dahil sa pagkatok sa aking pinto. Bumangon ako nang hindi pa idinidilat ang mga mata. May mga muta pa ako at hindi pa nagtu-toothbrush nang buksan ko ang pinto. "Good morning," bati sa akin ng tao mula sa labas. Nasara ko ang pinto at nagising bigla ang buong diwa ko. Napahawak ako sa buhok ko na sobrang gulo pa at sa mga mata kong may mga muta pa talaga. Ano ba kasi ang ginagawa nya rito ng ganito kaaga? Kumatok sya ulit at rinig ko ang halakhak nya. Tawa-tawa pa sya! "Manang, open the door," sabi ni Reynard at saka tumawa. "Ayoko! Tsaka, bakit ka nandito?! Galit ako sayo hindi ba?" sigaw ko at nagsuklay ng buhok. "Kaya nga ako nandito para alisin ang galit mo. Your father said that I can court you, kaya lumabas ka na dyan. Paano kita maliligawan kung nasa loob ka lang ng kwarto mo," sabi nya at kumatok ulit. Liligawan na nya ako? Totoo na ba ito? Gaano katagal kaya akong magpapaligaw? Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Humanap ako ng magandang anggulo ko pero wala. Ano kayang nagawa ko para may magkagusto sa akin ganoon ka-gwapo? "Uhm, maghintay ka na lang sa labas ng bahay. Hindi pa ako nakakapag-ayos, eh." nahihiyang sabi ko. "Okay, kahit hindi ka naman mag-ayos ay ayos lang. Maganda ka naman kahit nakanganga kang natutulog." rinig kong sabi nya. Nakanganga? Mabilis akong naligo, nagulat nga ako na may naka-igib ng tubig doon sa banyo. Ako kasi lagi ang nag-iigib dito kaya nga ang lalaki na ng mga braso ko. Matapos kong maligo ay nagpunta naman ako sa kwarto para magbihis. Nagpaganda talaga ako dahil ang gwapo ng manliligaw ko tapos ako mukhang manang. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita syang nagsisibak ng kahoy. Pawis na pawis sya at kitang-kita kong abs nyang sobrang hot! Bakit naman kasi half-naked sya? Ang aga-aga eh! Pinagtitinginan tuloy sya ng mga kapit-bahay. Bigla syang napatingin sa akin kaya nataranta ako. Tumingin ako sa ibang direksyon nagkunwaring may ginagawang kung ano. "Eto pa oh! Naku, pawis na pawis ka na. Punasan ko ang pawis mo, ah?" Nabalik ang tingin ko sa kanya. Nag-init ang ulo ko nang makita kong papalapit sa kanya si Ambrina at akmang pupunasan ang pawis ni Reynard. "Hoy!" sigaw ko at magmartsa palabas ng kwarto ko. Tumakbo ako papalapit sa kanila at tinignan ng masama si Ambrina. Nagtaas ako ng kilay at bumaling kay Reynard na malaki ang ngiti. "Sino ba ang nililigawan mo rito?" tanong ko sa kanya. "Ikaw, manang," sagot nya. "Eh, bakit sya ang tinutulungan mo? Maglalaba ako ngayon, ipag-igib mo ako." sabi ko at tinalikuran na sila. Narinig ko ang pagpapaalam ni Reynard kay Ambrina at ang pagsunod nya sa akin. Kinuha ko ang mga damit sa loob at inilagay sa isang batsa. "Manang, galit ka?" tanong nya habang binubuhos sa batsa ang inigib na tubig. "Hindi, bakit ako magagalit?" sabi ko at sinimulan ng kusutin ang mga damit. "Paano kita matutulungan dyan? Marami-raming damit yan," sabi nya at umupo sa tabi ko. Ayokong tumingin sa kanya dahil nadi-distract ako sa katawan nya. Akala naman nya magandang nakahubad sya, mali 'yon! "Magdamit ka nga!" sabi ko nang hindi nakatiis. "Bakit? Ayaw mo bang makita ang katawan ko? Naiilang ka?" sunod-sunod na tanong nya. "Wag kang mag-isip-isip ng kung ano-ano dyan. Nag-aalala lang ako dahil baka magkasipon ka at mahawa mo ako." Tumawa sya at umalis sa tabi ko. Pagbalik nya ay may suot na syang damit at nakaramdam ako ng paghihinayang. Ano ba talaga, Antoinette? May damit o wala? Tinuruan ko syang magbanlaw at magsampay ng mga damit. Mabilis naman syang natuto kaya wala akong problema. Naging mabilis pa ang trabaho ko. "Pahinga ka muna, manang. Hindi ka pa pala nag-aalmusal," sabi nya. "Mamaya na, konti na lang ito. Nasaan nga pala si papa?" tanong ko. "May puntahan lang sandali pero babalik din daw mamayang tanghali." sagot nya. "Bakit mo nga pala naisipan na manligaw? Anong nakain mo? Akala ko naman ay hindi ka na talaga magpapakita sa akin." sabi ko at tumingin sa kanya. Bumuntong-hininga sya at pinunasan ang pawis ko sa noo. "Naisip ko lang na tama ka at si Rachim. Pinagkatiwalaan mo ako kaya dapat maging tapat din ako sa iyo. Ang totoo nyan, nakatira talaga kami sa Centro de Cordancia. Hindi talaga ako nakatira dito." sabi nya at tumingin sa akin. Hinihintay niya kung ano ang magiging reaksyon ko. Ngumiti ako, tipid na tipid pero pwede na. At least, unti-unti na syang nagbubukas sa akin. "Okay," sabi ko at pinagpatuloy na ang ginagawa. "I'm sorry kung ganoon lang ang nasabi ko. Gusto kong unti-untiin sa iyo lahat. Ayokong magalit o mabigla ka sa kung ano man ang malalaman mo sa akin. I can't lose you, Antoinette," sabi nya at hinalikan ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan kung ano ang kinakatakot nya sa kung ano ang malalaman ko sa pagkatao nya. Natatakot ako. "Kamusta naman ang manliligaw mo, anak? Maayos naman ba?" tanong no papa atsaka tumawa. "Ayos naman po, tinulungan nya akong maglaba. May taga-punas pa ako ng pawis." sabi ko at tumingin kay Reynard na abala sa pagpapakain ng kalabaw. Ang sexy naman nitong mambubukid! "Pahirapan mo, ha? Baka bukas ay sasagutin mo na," sabi ni papa. "Hindi po, pahihirapan ko po talaga sya." Hindi na ako magiging easy to get ngayon. Walang kiss hanggang hindi nagiging kami. Bawal rin yung sobrang lapit para sa kapakanan ko. Baka bumigay ako nang wala sa oras. Kumuha ako ng bagong twalya para kay Reynard. Naliligo kasi sya sa patubig doon sa may palayan. Pagbalik ko ay marami ng mga babae roon at tili pa ng tili. Kumunot ang noo ko at tinignan kung ano ang pinapanood nila. Hindi pala ano, sino ang pinapanuod nila. Si Reynard lang naman na akala mo ay sya lang ang nandoon. Sarap na sarap sa paliligo at parang hindi nakikita ang mga nanunood sa kanya. Naningkit ang mga mata ko sa mga babaeng pinagpi-piyestahan sa tingin ang manong ko. "Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?!" sabi ko at hinarangan ang maganda nilang view. "Nanunood ng pogi," sabi ng isa at inirapan ako. "Hoy! Wag nyong panoorin ang asawa ko! Doon na nga kayo, maghanap kayo ng inyo!" sabi ko at itinulak silang lahat. Napasigaw sila sa inis at lahat sila ay inirapan ako. Mas nakakainis kaya sila. Dukutin ko ang mga nila, eh! "What did you say, Antoinette?" "Ay! Antoinette!" Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Nahampas ko ang basang dibdib ni Reynard. Malaki ang ngisi nya at nakataas ang kilay. "Bakit ka ba nanggugulat?" sabi ko at binato sa kanya ang twalya. Humalakhak sya. "Anong sinabi mo kanina doon sa mga babae? Asawa mo ako? Ha? Antoinette?" tanong nya at hinapit ako sa bewang. "'Wag nga, Reynard. Basa ka. Naiinis ako sa iyo, hinyaan mo lang na panoorin ka ng mga babaeng iyon. Parang enjoy na enjoy ka pa," sabi ko at tinulak sya. "You are jelous. Don't worry, my Antoinette. I'm yours at hanggang tingin lang sila. At ganun din ang ibang lalaki sa iyo, pwede kanilang tignan kahit gaano katagal pero ako lang ang pwede maging ganito sa iyo. Do you understand? Huh?" sabi nya na hindi ko na nasagot dahil tinunaw na ng mararahan nyang halik ang isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD