Mawawala Yumakap ako sa kanyang dibdib habang sinusubukan kong matulog. Bigla akong nakonsensya dahil iniwan ko doon si Sancho nang hindi nagpapaalam. Masyado na naman akong nagpadala sa damdamin ko kaya nandito na naman ako sa mga bisig niya. "Sleep now, my Antoinette. I know that you are tired," sabi niya habang hinahaplos ang buhok. Pinili kong sa kwarto niya matulog dahil gusto niya rin naman. At ito ang mga kasama sa mga kondisyon niya. Pumikit ako at tuluyang nakatulog. Masarap ang tulog ko at kung hindi pa gumalaw si Reynard. "Good morning!" bati niya at hinalikan ako. Kaagad akong lumayo dahil kagigising ko lang habang siya ay nakapag-toothbrush na yata. "Reynard, ano ba? Ang baho pa ng hininga ko," sabi ko at bumangon na. "Ano naman kung kagigising mo lang? Tsaka hindi na

