Way Tinitigan ko ang binigay sa akin ni Raguel na pregnancy test stick. Hindi ko pa ito ginagamit at kinakabahan talaga ako. Kung buntis ako ay paniguradong hindi na papayag si Reynard sa divorce. Alam kong galit pa rin sa akin ang mga tao ng Prass, pinahupa lang muna nila dahil magbabagong taon. Ganun din ang mga kapatid niya. Sa oras na matapos ang pagdiriwang ay babalik na naman ang issue. Kaya hindi pwedeng buntis ako. Tinago ko ang stick at huminga nang malalim. Kagabi, pagkatapos iabot sa akin ni Raguel iyon ay kaagad kong tinago dahil papalapit na sila Reynard. Ayoko kasing makita niya iyon at umasa dahil wala naman talaga! Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ngang gagawin ko kapag buntis ako? Nilapitan ko si Reynard na gumagamit ng kanyang cellphone. Nakakunot ang kanyang noo ha

