***
Third Person POV.
Nakaupo sa ilalim ng puno si kim.Nagmumuni-muni.Apat na araw na simula ang nangyare sa kanila ni Adrian.Isang linggo na din siyang nag-aaral sa Cristobal University.Nagkaroon na din siya ng bagong kaibigan maliban kina Cheska,kyla at James.
Naisipan niyang dito pumunta para magpahangin.Kanina ay nakaramdam siya ng pagkahilo.Di din makakain dahil ayaw tanggapin ng sikmura niya kahit ang amoy nito.
Di pa din siya nagkakaroon ng oras magpakunsulta sa doktor dahil busy siya sa school.Lalo na't madaming activity na dapat niyang salihan.
Si James ay busy sa kompanya ng magulang nito kaya minsan lang siya nakakapasok.Sina Adrian at Lauren naman ay laging magkasama at parang di na mapaghiwalay.
Naging maayos naman ang pag-aaral ni Kim dahil di na siya ginulo ni Adrian matapos ang nangyare.Masaya siya dahil sinunod nito ang paki-usap niya.
***FLASHBACK****
Patuloy ang pag-iyak ni Kim matapos ang nangyare sa kanila ni Adrian.Di naman mawala ang ngiti sa mukha ni Adrian dahil para sa kanya ay muli na naman niyang nakuha si Kim- ang taong mahal niya na kailanman ay hindi siya magsasawa dito.
Bumangon si Adrian at pumasok sa CR.Samantalang si Kim ay patuloy pa din sa pagluha.Para sa kanya ay sana hindi nalang siya nag-aksayang pumunta dito kong ganito lang naman ang aabutin niya sa kamay ni Adrian.
Kailangan niyang maka-isip ng paraan para hindi matuloy ang pinaplano ni Adrian at ng magulang nito.Hindi niya makakayanan na makasama ang taong nangbaboy sa kang ng paulit-ulit.At mas lalong ayaw niyang matali habang buhay kay Adrian.
Kailangan niyang mag-isip siya ng paraan.Kahit malabong mangyare ay susubukan niya.Lumabas naman si Adrian na nakatapis lang at pumunta sa walk-in closet nito.Sinundan naman niya ito ng tingin.
Di maipagkakailang gwapo ito at may magandang pangangatawan.Kong di mo kilala ang taong ito ay talagang maiinlove ka.Pero pagpinakita nito ang ugali ay matatakot ka.Gayunpaman ay wala lang ito kay kim dahil na rin sa pambababoy nito sa kanya.Para sa kanya kong siya nalang ang lalake sa mundo ay hindi niya pa din ito magugustuhan.
Bumalik na si Adrian sa loob habang busy ito sa pagbubutones ng damit niya.At ito na ang pagkakataon para sabihin ni Kim ang gusto niyang sabihin pero bago iyon ay umupo muna siya at huminga ng malalim.
"A-adrian,p-papayag na akong magpakasal sayo."Sabi ni Kim dito.
Biglang napahinto sa ginagawa si Adrian at agad na tumingin kay Kim na nakangiti.Para kay Adrian ay wala ng mas sasaya pa sa kanya sa narinig niya.Agad-agad naman siyang lumapit kay kim at hinalikan ito sa noo pati bibig.
"I'm so happy right now,you know that?"Masayang sabi ni Adrian kay Kim.
"P-pero sa isang kundisyon."Pag-aalagang sabi ni Kim.Ipinagdarasal niya na sana pumayag ito sa sasabihin niya.
"What is it?Tell me."Kunot-noo namang sabi ni Adrian.Alam niyang di niya magugustuhan ang sasabihin ng mahal niya,pero gayunpaman ay nagpapasalamat siya dahil pumayag na ito.
"Hayaan mo muna ako hanggang sa dumating ang araw na ma-engage tayo."Sabi ni kim.
Bigla naman nagbago ang expresyon sa mukha ni Adrian.Para sa kanya ay hindi siya papayag na mawala ang mahal niya sa tabi niya.Kahit siguro isang segundo lang na mawala sa tabi niya si Kim ay mababaliw na ito pano pa kay ang isang taon?Umiling siya.
"You know that i can't let you go.Even a seconds without you beside me makes me crazy.There's no f*****g way that i will you have a freedom."Matigas na sabi nito sa kanya.Mas dumidiin na din ang hawak nito sa balikat ni Kim.
"A-adrian please,kahit ngayon lang.Hayaan mo muna ako.Hayaan mo munang gawin ko ang gusto ko bago matali sayo."Naiiyak na pakiusap ni Kim sa kanya.
"Ok,but don't let me see you with another man 'cause you know what i'm capable of,i can kill people just to have you."Sabi nito sa kanya kaya nakaramdam naman ng kaba si Kim.Imbes na maging masaya siya ay takot ang naramdaman niya sa sinabi ni Adrian.
Tumango naman siya.Bigla naman siyang himalikan ni Adrian.At sa gabing iyon ay muli na naman silang nag-isa.Sa oras na yun ay hinayaan na siya ni Kim na ikinatuwa naman ni Adrian.
Lingid sa kaalaman ni Kim ay may darating sa kanya na magpapabago sa pagkatao at buhay niya.
***END OF FLASHBACK****
Kim's POV.
Bumalik na ako ng room matapos akong magmuni-muni.Di na din ako nakakain dahil wala din naman ako ganang kumain.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang room ko.Andun na din mga kaibigan ko.Sina Cheska,Kyla,Maureen,Angela at Gino o mas kilalang Gina.Sila lang naman ang kaibigan ko dito sa school.Masaya silang kasama,di ka magsasawa sa kaharutan at kakulitan nila.
Di nila ako napansing pumasok dahil busy sila sa sa kwentuhan.Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay narinig kong sumigaw si Cheska.
"No way!!!Pano nangyare yun?"Sigaw ni Cheska nagpaagaw ng atensyon ng mga kaklase ko.Hindi pa din nila ako napapansin dito.
"Narinig ko lang yun sa mga chismosa out there."Sabi naman ni Kyla.
"Ehem!!!"Tikhim ko kasi parang wala silang planong pansinin ako.Tumingin naman sila sakin na gulat ang mga mukha.
"K-kanina ka pa ba dyan?"Nabubulol na tanong ni Cheska.Habang si Kyla at ibang kaibigan ko ay pareho ang ekpresyon.Anong nangyayare sa kanila?Tanong ko sa sarili ko.
"Oo kanina pa,mukhang wala kayong balak pansinin ako eh noh?"Tawa kong sabi sa kanila.
"A-ah HEHEHE.Sorry."Sabi nila sakin.
"Ok lang,so anong ganap?Anong pinag-uusapan niyo?"Tanong ko sa kanila.Para silang nag-aalangan sa kong ano man ang sasabihin nila.
"A-ah kasi ano...."Di matuloy na sasabihin ni Kyla.Tinignan ko sila isa-isa.
"Ano?"Bagot kong tanong sa kanila.
Tumingin naman si Kyla sa kanila.Tumango naman sila kay kyla sinyales na dapat sabihin nalang iyon.
"A-ahm,narinig mo na ba ang balita about kina Adrian and Lauren?"Tanong ni Kyla sakin.Umiling naman ako.Bago siya magsalita ay hinila niya ako para umupo sa gitna nila.
"I heard that Adrian at Lauren nag-comeback na."Sabi nito sakin.Ako naman ay tumaas lang ang kilay.
"So?"Sabi ko sa kanila na nagpagulat sa kanila lalo na kay Cheska at Kyla.
"So?Teh hibang ka na ba?Yan lang sasabihin mo?"Sabi naman ni Cheska.
Alam na din nila ang lahat about samin ni Adrian,tungkol sa engagement namin ni Adrian after kong grumaduate sa highschool.At ang hindi ko lang nasasabi sa kanila yung kundisyon ko kay Adrian.Mas ikatutuwa ko pa nga kong sila nalang ma-engage eh.Tuluyan na akong makakalaya.
"Wala namang problema sakin yun eh.Mas maganda nga kong magiging sila ng tuluyan."Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Baliw ka na teh,kong ako nasa sitwasyon mo naku masasabunutan ko talaga yung babae yun."Sabi naman ni Maureen.
"Oo nga sis,dapat sakin mo nalang binigay si fafa Adrian."Sabat naman ni Gino/Gina.
"Ay naku bakla tumahimik ka nga dyan.Kahit ikaw pa natitirang tao sa mundo di ka magugustuhan nun."Sabi naman ni Angela.Natawa naman ako sa kanila.
"Che,Inggit ka lang kasi kalahi ko ang nagustuhan ni Adrian.Kayo talagang mga babae porke may pepe kayo ay kaya niyo ng mang-agaw ng lalake."Sabi naman ni Gina.
"Tumahimik na nga kayo,para kayong mga aso't pusa."Pagsaway naman sa kanilang dalawa ni Maureen.
"Ito kasing baklitang to."Sabi ni Angela.
"Anong ako,ikaw nga tong sabat ng sabat eh."Sabi naman ni Gino.
"So pano yan Kim,hahayaan mo nalang ba yun?"Tanong ni Cheska sakin.Bumuntong hininga naman ako bago sumagot.
"Oo naman."Sabi ko kanila.Wala naman silang nagawa dun.Buo na desisyon ko,lulubusin ko na tong pagkakataon na to.
Alam nilang ayaw ko kay Adrian pero sila itong nanghihinayang sa amin o kay Adrian dahil sa mayaman na ito,gwapo at maganda daw ang katawan.Pero isa lang ang di nila alam,ang totoong ugali at pagkatao ni Adrian.Ayaw ko naman magmukhang kontrabida sa buhay ni Adrian para siraan siya kaya di ko nalang sinabi sa kanila.
Ang tanging alam lang nila ay may gusto sakin si Adrian.
***
Ang hindi alam ni Kim ay may nakikinig sa kanilang usapan.
****