CHAPTER 6

1971 Words
*** Kim's POV. Napagising ako sa sikat ng araw na tumatama sakin mula sa labas ng bintana.Bumangon na ako at naghilamos.Pagkatapos ko ay bumama na ako para hanapin si Adrian.Umalis kasi kagabi at diko alam kong saan pumunta. Anong oras kaya yun umuwi kagabi?Tanong ko sa sarili ko.Nakarating ako sa sala at nakasalubong ko si Ate Clara. "Oh,Kim gising ka na pala.Pupuntahan sana kita sa taas para gisingin buti nalang andito kana.Nakapaghain na din ako ng Breakfast mo."Masayang sabi ni Ate Clara sakin. "Opo,pasesnya na po napasarap lang ako ng tulog."Nahihiyang sabi ko dito.Tsaka simula kahapon siya nag-asikaso sakin pati ba naman ngayon? "Oh siya sige na halika ka na at kumain ka na.Di ba may pasok ka pa?"Pagyaya niya sakin.At sumunod naman ako sa kanya. Akala ko makikita ko si Adrian duon pero wala.Siguro tulog pa yun kasi nga late na ata yun umuwi. "Si Young Master Adrian kanina pa umalis.Di na din yun kumain.Sinabi niya sakin na ipahatid ka nalang papuntang school."Sabi niya sakin.Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa matapos. After kong mag-ayos sa sarili ay sumakay na ako sa loob ng kotse.Medyo nakakahiya pa din ako lalo na hindi ako sanay sa ganto. Nasabi din sakin ni Ate Clara na isuot ko yung bagong uniform na pinabili ni Adrian sakin.Napunin kasi yun kaya binilhan ako ng bago at kasya naman sakin. Ilang minutes lang ay narating na namin ang school.Nagpasalamat ako kay kuya bago pumasok. Pagpasok ko sa room ay ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Adrian.Ang weird lang kasi kanina paggising ko nakaramdam ako ng lungkot.Gusto ng mata ko makita si Adrian pero nalaman kong nauna na pla.Hanggang dito sa room ay wala si Adrian. Hinayaan ko nalang itong nararamdaman kong lungkot baka gusto ko lang magpasalamat sa kanya dahil binilhan niya ako ng bagong uniform.Oo baka yun nga.Umupo na ako at hinintay magsimula ang klase. Di ko namalayan na madami na pala ang mga tao sa loob.May lumapit sakin na dalawang babae.Tinignan ko sila. "A-ahm,Kim right?"Tanong ng isa. "Ahh yeah.B-bakit?"Tanong ko. "Yeah,siya nga yun besh."Sabi naman ng isa. Ano bang pinagsasabi nila?Tanong ko sa sarili ko. "B-bakit?May kailagan ba kayo sakin?M-may nag-utos na naman ba sa inyo?"Tanong sa kanila.Malaya ko bang alagad na naman to ni Adrian?Baka may inutos na naman siya sa mga to. "Wala naman,gusto lang namin makipagkaibigan."Sabi ng isa. "Yeah.I'm Cheska by the way."Pakilala niya sakin. "At ako naman si Kyla."Sabi naman ng isa.Kinamayan ko silang dalawa. "So....Friends?"sabay nilang sabi.Tumango naman ako.Mukhang mababait naman sila kahit halatang mayayaman. "Y-yeah friends."Sagot ko naman sa kanila. "Great!!Sabay-sabay na tayong mag lunch mamaya ah?"Sabi ni Kyla.Tumango naman ako. Sa wakas magkakaroon na ako ng bagong kaibigan dito.Sobrang saya ko ngayong araw kasi biglang nawala lungkot ko. Patuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa magsimula ang klase.Madaldal din pala silang dalawa.Di nauubusan ng sasabihin.Masarap silang kasama yung hindi ka mababagot pag andyan sila. *** Andito kaming tatlo ngayon sa canteen kumakain kasama tong dalawang kaibigan ko.Nag-uusap-usap kong ano.Medyo may pagkamalandi din tong dalawa.Pano ba naman kasi lahat ng lalake sa loob ng canteen gusto nilang jowain.Tawa nalang ako ng tawa sa kanila. Habang abala kami sa pagkain ay bigla nalang nagkagulo sa loob.Nagulag naman kami duon....no ako lang pala.Lakas ng sigawan sa loob mapababae man o binabae sumabay tong dalawang katabi ko.Tinakpan ko tenga ko bago tingnan ko kong sino pinagkakaguluhan nila. Pagtingin ko ay sina James at Adrian lang pala.Pero na duon na-focus ang tingin ko sa isang babae na katabi ni Adrian.Bigla naman itong hinawakan sa bewang ni James at hinalikan sa pisnge. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa nakita ko.Ewan ko kong bakit ko naramdaman yun.Iniwas ko nalang tingin ko sa kanila at tumingin sa pagkain.Di ko kayang tingnan sila. Ano ba tong nararamdaman ko?Bat ako nasasaktan sa nakita ko?Tanong ko sa sarili ko.Nagpatuloy nalang ako sa pagkain para makaalis na. "Gosh!What that b***h doing with Adrian?"Sabi ni cheska kaya tinignan ko siya.Galit na galit. "I thought dun na siya nag-aaral sa ibang bansa?Bakit andito siya?"Iritang sabi naman ni Kyla. Mukhang may galit tong dalawa na to sa babae.Maski ako may naramdamang galit sa babae pero iniwaksi ko nalang yun at nagpatuloy na sa pagkain. After namin kumain ay tumayo na kami para lumabas.Tinignan ko muna si Adrian at ang babae na kasama nila.Baka girlfriend niya.Bigla kong iniwas ang tingin ko nang tumingin din sakin si Adrian.Nauna na akong lumabas kasi parang feeling masu-suffocate ako sa loob dagdagan pa ng bulungan; "Girlfriend ni adrian si Lauren simula Grade 7" "Childhood Friends sila kaya ganun sila ka-close sa isa't isa." "Bagay silang dalawa to be fair." "Naghiwalay sila kasi mas piniling unahin ang career nito kesa kay Adrian." Yun lang naman ang bulugan sa loob ng mga chismosang estudyante.Lumabas na ako sa pumunta sa tahimik na lugar kong saan duon kami nagkausap ni James.Mas mabuti pa dito tahimik.Nilanghap ko ang sariwang hangin.Na-relax naman ako ng konti. Maya-maya pa ay may narinig akong yapak mula sa likod.Alam kong si James yun base pa lang sa pabango niya.Dati kasi ng nagkausap kami ay amoy na amoy ko ang pabango nito. "Mind if i join you?"Malalim na sabi nito.Tinignan ko siya saka ngumiti.Tumango naman ako saka siya umupo sa tabi ko. "Thinking something?"Tanong niya sakin. "Gusto ko lang magpahangin.Sumama din kasi pakiramdam ko."sabi ko dito.Tumango naman. "Nga pala ngayon lang din kita nakita."Tanong ko.Ngumiti siya at tumingin sakin. "I had to take care my dad's business dahil nagkasakit siya.And what about you?Doing well habang wala ako?"Tanong niya sakin.Na-werduhan naman ako sa huli niyang sinabi pero di ko nalang pinansin. "A-ahm oo naman."Pagsisinungaling ko dito.Siguro di niya dapat malaman ang nangyare sakin sa kamay ni Adrian sa mga nagdaang araw. Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa mag time na.Nagulat pa nga ako ng pareho kaming class.Sabi niya sin sakin first time siyang papasok mula ng mag-umpisa ang klase. Sabay na kaming pumasok sa room namin at madami ng estudyante sa loob.Nakita ko pa sa dulong upuan si Adrian kausap yung Lauren.Napatigil naman ako pati na din si James. Tumingin samin lahat ng mga kaklase ko pati na din sina Adrian.Bigla naman nag-iba ang ekspreyon ng mukha ni Adrian kaya nakaramdam ako ng takot dito.Si Lauren naman ay nakangiti habang nakatingin samin ni James. Bigla naman akong inakbayan ni James na nagpagulat sakin.Narinig ko naman na nagbubulungan sila.Kita ko ang gulat mga mukha nilang lahat.Nang tinignan ko sina Adrian ay mas lalo lang ako natakot sa hitsura niya,parang kakain ng buhay.Nantili lang siyang nakatingin sakin. "Tabi na tayo umupo.Don't mind them let's go."Bulong sakin ni James at umupo na kami.Narinig ko pa na nagmura sa likod ko at alam kong si Adrian yun. Pakiramdam ko ay may mangyayaring din maganda.Lagi naman ganito eh.Hindi nalang ako umimik.Ayaw ni Adrian na nakikipag-usap ako sa ibang lalake lalo na kay James,yan ang sabi niya sakin.Alam kong may nilabag na naman ako pero hihintayin ko nalang kong anong mangyayare mamaya. *** Nang natapos ang klase ay nag text sakin si papa na susunduin niya na lang daw ako pauwi. Kanina nagmadali akong lumabas ng room kasi ayaw kong makasabay si Adrian.Hanggang sa makalabas ako kabado pa rin ako buti nalang at nagawa kong makaiwas sa kanya.Kanina kasi ibang tinging binibigay sakin,lalo na kay James. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humablot sakin.Nang tingnan ko ay si Adrian na galit na galit.Hinila niya ako papasok sa kotse niya sabay sarado ng pinto at pumasok naman siya sa kabila.Pinaandar niya agad ng mabilis paalis sa school. "A-anong bang problema mo?Baka d-dumating na si papa sa school.Kailangan ko ng umuwi.Ano ba?!"Natatakot na mmay halong sigaw na sabi ko sa kanya.Hindi siya nakinig at patuloy lang sa pagmamaneho. "Shut the f**k up!!!!"Sigaw niya sakin n nagpatigil sakin. Di na ako nagsalita pa hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila.Pagkapasok namin ay nagulat ako na nanduon si papa? Anong ginagawa ni Papa dito?Nang nakita ako ni papa ay tumayo siya.Parang gulat din siya ng nakita niya ako dito.Saka ko lang din napansin na may dalawa pang nakaupo sa sofa.Sila ang magulang ni Adrian. "Pa?A-ano pong ginagawa niyo dito?"Tanong ko.Pero parang nagaalangan siyang sumagot sakin. Hinawakan ni Adrian ang kamay ko saka pinaupo sa may bakanting upuan.Kaharap namin si papa at nasa kanan naman banda ang mga magulang ni Adrian.Bumalik sa pagkaupo si papa. "So.....this is your son Miguel?"Tanong ng mama ni Adrian.Tumango naman si papa bago sumagot. "Y-yes ma'am."Sagot ni papa. Tumingin sakin ang mama ni Adrian na parang kinikilatis.Ngumiti ito bigla sakin. "He's very beautiful indeed.That's why our Adrian was obsessed with him.No wonder."Sabi nito sakin. Teka,alam din nila ito?At bakit nasa kanila si papa?Alam din ba niya ito?Naguguluhan ako sa nangyayare.Tiningnan ko sila papa. "P-pa,anong nangyayare?Di ko maintindihan yung nangyayare."Naiiyak kong sabi. "I'm sorry anak nadamay ka pa dito.Mas mabuting sila na ang magsabi."Naluluha ding sabi ni papa. "11 years ago,that was Adrian birthday when he got into an accident.He got hit by your dad's car."Sabi ng Dad ni Adrian. Teka,ito yung sinabi sakin ni Ate Clara kahapon.Tungkol ito sa pagka-aksidenti ni Adrian.At diko alam kong bakit si papa pa ang nakasagasa sa dami ng tao sa mundo? At naalala ko na.Nung mga time na yun ay natanggal si papa sa trabaho.Nung time ding iyon ay nag-away si mama't papa.Nalaman nalang naming nakasagasa siya nun pero di niya sinabi samin ang lahat.Hanggang sa nalaman naming nagkaroon siya ng bagong trabaho.Pero hanggang duon nalang yun wala ng iba maski kay mama di niya yun sinabi. "That time ay galit na galit kami sa kanya dahil muntikan niya ng kunin samin ang kaisa-isang anak namin kaya naisipan namin magkaroon ng agreement.Nagtrabaho siya sa company namin halos sampung taon.Until our son got better but the worst part of it was,he had bipolar disorder.He became obsessed everything once his eyes laid on it.Hanggang paglaki niya ay ay nag-iba na din ang gusto niya.Yun yung nagkaroon ng party ang kompanya namin.Dun ka ni Adrian unang nakita kim."Mahabang paliwanag ng mama ni Adrian sakin.Habang ako nakikinig lang sa kanya. That time ay nagkaroon ng party ang kompanyang pinagta-trabahuan ni paa pero di ko alam na kina Adrian pala yun. "He didn't took his eyes of you.I saw the way Adrian look at you,i was there.I asked him what is he looking and then he pointed you.He said he wants you.He wants you to be him."Bigla akong kinabahan kaya napatayo ako.Pero bago ako makaalis isang malalalim na boses ang nagpakaba sakin. "SIT." Sabi ni Adrian.Tumingin ako kay papa para pero tiningnan niya lang ako na parang nagsasabing umupo nalang ako para walang masamang mangyare.Umupo naman ako. "We tried to covinced him na mali yung gusto niya but he didn't listened to us.He wanted only you,just YOU.We made the hardest decisions just to give what he want.We changed the agreement.We promoted your dad and transfer you to school that we own para mapalapit kayo ni Adrian.Para makita at makasama ka ni Adrian.At hindi na namin siningil sa utang ang papa mo dahil dun."Pagpapatuloy nito.Ako naman ito di pa din mapasok sa isip ko ang lahat ng sinabi niya sakin.Ang tanging nasa isip ko lang ay kong bakit nangyayare samin....sakin to? "And you will be engaged after you two graduates in Highschool."Singit ng papa ni Adrian. Duon na ako nagulat sa huling sinabi ng papa ni Adrian.Lumaki mata ng narinig ko yun.Hindi maaari!!!There's no way in hell na magpapakasal ako sa kanya.Magkamatayan pa man. Tumayo ako agad at umalis.Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni papa pero di ko yun pinansin.Tumakbo ako habang umiiyak.Di ko alam kong saan man ako dalhin ng mga paa ko.Basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na yon. Nakarating ako sa isang park.Umupo ako sa isang bench sa gilid malapit sa puno.Dito ko nilabas lahat ng sama ng loob ko.May mga taong naglalakad pero wala akong pakiaalam kong makita nila akong ganto. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD