bc

Memoria (Tagalog)

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
dominant
independent
student
comedy
bxg
humorous
campus
small town
school
stubborn
like
intro-logo
Blurb

#xxxxGood day!Madam/Sir: I intend to join Yugto Writing Contest-All The young & Girl Power. Because I believe that this competition allows me to to share my feelings and emotions and also it gives me opportunity to show my talent in writing. And this competition it brought positive challenge for those aspirant writers like me. That's all. Thank you.

Description:

It started from If's and then Why

What if 'yong gusto mong lalake ay may mahal ng iba?

Pero palagi ka pa ring umaasa.

Balang araw.....

Baka sakaling mapansin niya ako

O di kaya'y,

Baka sakaling mahalin din niya ako.

When I was trying to move on

Bigla namang gumulo

He become my worst enemy and bully

Gusto ko siyang ipalamon sa butiti!

Ipalapa sa dragon!

At ipa-kain sa palaka!

Masakit yong hanggang tingin ka nalang sa kanyang masaya sa piling ng iba.

Mas higit na masakit pala kapag naging aso't pusa kayong dalawa........

Pero no choice.......

First Love ko siya

chap-preview
Free preview
Unang Pahina
l cheerish the moment.. For the first time I saw you. Your eyes is full of mystery, that l can't read you l felt strange inside my heart that l cannot figure it out. I really can't understand myself . I can't stop myself, keep looking at you. There is something on you That l never felt and seen before. I always feel strange everytime I heard your voice It brings out a different feelings that l cannot explain.. Sometimes...... No! Everytime l felt something wrong in me, When you are with another girl. I feel pain inside my heart that I can't understand I want you to stay away from her. I want you to stay beside me. I want to show you that I always care for you. But l don't have the right to do that. Because were not close with each other I'm afraid to get closer on you Because I don't want to keep myself hoping and wait for nothing. At ayokong makakasira ng relationship. I change myself To stay away from you. I build my own wall to get separate from you Pero bakit ganun? Lumalayo na nga ako ,saka ka naman lumalapit? It hurts me But I force myself to do it. Everytime I remember you. I always said to myself that "Marami pang lalaki sa mundo. Bakit gwapo ka ba? Hindi naman di ba? Pandak ka! And I hate you! You're not my type! I always Fool myself believing that I can forget you. Because I'm afraid to face the fact that I already like you.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Hoy! Pandak! Buset ka talaga! Bakit mo ko iniwan dito?"galit na sigaw ko "Bilisan mo nga lang diyan. Ang bagal-bagal mo. Baboy ka talaga" nang-iinis na sagot nito Napapadyak ako ng paa sa sobrang inis. Pag-ako di makapagpigil malilintikan na talaga toh sakin. ***** "Pahinging piso" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong tingin mo sakin ATM machine? May pinatago ka?" "Piso nga lang ang hinihingi ko dami pang sinasabi. Kung ayaw mo di wag. Piso na nga lang di pa makapagbigay, damot talaga" Naiinis na kumuha ako ng piso sa bulsa ko. "Oh, ayan piso" hinagis ko sa kanya. At agad naman niyang nakuha "Salamat"ngumingiting sabi nito saka tumalikod paalis Grrr. Naiinis na sinabunutan ko ang buhok ko. Palagi na lang niya akong naiisahan. **** "Pasulat naman" "Anu akala mo sa akin utusan?" "Hindi. Pero hindi ka ba naawa sa akin na may pilay pagkatapos pasusulatin mo? Hindi ka ba nakokonsensiya?" Naiinis na si hinablot ko ang notebook niya. Naku???!!!Grrrr **** "Broken Hearted ka ba?" Inirapan ko siya. "Hindi.Bakit?!" "Nagtatanong lang, bitter kasi mukha mo.hahaha"tumatawang sabi niya. "Natuwa ka na sa lagay na yan?" "Oo.naman . .Pfft. hahaha." "Arrgh!? Ewan ko sayo.Baliw!"naiinis na sabi ko at tinalikuran siya. "Baliw sayo!" Muntik na akong madapa sa narinig ko. Agad ko siyang nilingon pero nakita kong lumakad na siya palayo habang tumatawa. Arrgh! Mapapatay talaga kitang pandak ka! ! Damn you to hell Giovani Alegre!! ********* Prologue "Ting! Ting! Ting! Ting!" Napatakip ako ng tenga ng makarinig ng matinis na tunog. Hindi hoh, yan alarm clock na naka record pero parang ganun na rin. Gulo ba? Malalaman niyo rin mamaya kung anu ang tumutunog na yan na nagsisilbing alarm clock ko. At i-ke-clear ko lang po ulit ,hindi yan bell na ginagamit sa simbahan. "Hoy, Klendria ! Gising na!" narinig kong sigaw ng nanay ko. "Ten minutes pa" inaantok kong sigaw sa kanya "Anong ten minutes na pinagsasabi mo hah? Hapon na!" Kahit kailan talaga.....ang exaggerated ng nanay ko. Anong hapon? Ang aga-aga pa kaya. Psh! "Di ka pa diyan babangon? Sige babawasan ko ang baon mo" Inis na sabi ng nanay ko. Naman oh! ? Napatayo agad ako. "Gising na po. Kayo talaga mama di na mabiro!" Dumadabog na lumakad ako papasok ng banyo. Ang aga-aga. Badtrip na agad? Maliit na nga yong baon ko, babawasan pa? Papaanu ako nito makakain ng maayos mamaya.? Arrgh! Hustisya naman diyan! Naiinis na dinampot ang toothbrush at toothpaste. Maninipilyo muna ako. Ang baho na kasi ng hininga ko-charoot lungs! Bango kaya ng mouth wash ko kagabi. "Klendria! Bilisan mo nga diyan! Ma le-late ka na!"sigaw ulit ng nanay ko. "Aray"kung minamalas naman Oh. Nagkasugat pa ang gums ko. Grr! Ang hilig talaga sumigaw ng nanay ko tuwing umaga. Aish! Nagmumog muna ako ng tubig bago sumagot sa nanay ko. "Sandali lang!" Atat na atat talaga ang nanay ko kahit kailan. First day pa nga lang ng school ,kung makasigaw sakin parang final examination na! Tss! After sixty years-Char! Nakatapos din ako. Bago ako lumabas ng kwarto ay sinipat ko muna ang alluring face ko sa mirror. Ang ganda ko talaga! Naks! Kumikindat-kindat pa ako at nagpapa-cute! Kyaaah! ! Ako na ! Ako na talaga ang pangit! -_- Tss. Binabawi ko na po ang sinabi kong maganda ako. Kahit anong gawin kong pag-pa-paasa sa sarili ko ay wala talagang magandang resulta. Confidence lang talaga ang nagdadala. Ang taba-taba ko pa rin.TT__TT Huhuhu Sandali lang before akong mag todo emote dito. Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako pala si Kleandria Azunsion ,14 years of age, second year highschool at nag -aaral sa San Gabriel High School. Matalino daw ako sabi nila, kaya lang hindi maganda. Sheyt! Sakit sa heart! Medyo matangos naman ang ilong, medyo singkit ang mata ng konti, hindi maputi pero makinis naman kaya lang mataba ako. Sa totoo lang hindi naman ako mataba dati, kaya lang nitong nakaraan summer panay ang kain ko. Kaya heto biglang lumubo ang katawan.TT_TT "KLENDRIA!"tawag ulit ng nanay ko. Here we go again. "Nandiyan na!"sigaw ko. Medyo padabog effect na kinuha ko ang sling bag kong kulay Blue na may malaking smiley na nakalagay sa gitna.^__^ Bago tuluyang lumabas ay sumulyap ulit ako sa salamin at nag-pa-cute. Ang Ganda! Ganda! mo talaga Klendria ** "Morning People!"bati ko agad sa kanila pagdating ko sa kusina. "Anong Morning People ka dyan!? Ikaw nalang ang natira dito iniwan ka na ng mga kapatid mo"litanya agad ng nanay ko Toink!? Pahiya ako dun ah? Hu-what?! Sige ako na ang O.A Damn! Ang mga walang hiya kong kapatid iniwan nila ako?! "Bakit di niyo ako ginising agad?"pagmamaktol ko Ipinag-krus ko agad ang kamay ko sa harapan na parang pang-shield ng biglang inamba ni mama ang kamay niyang may hawak na takip ng kaldero. Opo, takip ng kaldero ang ginagawang alarm clock ni mama para gumising kaming lahat. "Ma,masakit yan"pigil ko sa kanya. "Ipupokpok ko talaga to sa ulo mo kung hindi ka pa diyan gagalaw"inis na sabi ni mama sa akin "Ma,naman di ka ba naawa sa akin? Anak mo ako tapos pokpokin mo lang ako ng takip ng kaldero? It hurts you know. ."pag-dadrama ko. "Isa pa Klendria Azunsion mabibigwasan ka na talaga sakin. Kanina pa naghihintay ang sundo mo!"galit na sabi ni mama Takte! Kahit kailan hindi talaga ako makakalusot kay mama. At Opo,may nagsusundo at naghahatid sa akin sa school. May binabayaran si mama na maghahatid sa amin papunta ng paaralan kasi nasa kabilang bayan pa ang school ko. Hindi po uso ang school bus dito sa amin kundi tricycle or motorsiklo or motorbike. At para lang po sa mayayaman ang mga four wheels dito. Binilisan ko nalang ang pagkain at uminom ng gatas. Nang makita ko ang oras ay naglagay nalang ako ng ham sa tinapay at nagmamadaling lumabas ng bahay. Malayo-layo na ang tinakbo ko ng marinig ang sigaw ni mama. "Klendria ang baon mo!" Oh? SHOOT! Naman oh?! Patakbong bumalik naman ako sa kusina, at kinuha ang baon kong pagkain at pera. Napabilis ang takbo ko ng makarinig ako ng sunod-sunod na busina ng motorbike. Napayuko agad ako sa sobrang hingal ng makarating sa highway. Ang layo naman kasi ng bahay namin. "Ang bagal mo talaga kahit kailan"salubong agad sa akin ng taong nakaupo sa motorcyle. "Teka lng hah!"pigil ko sa kanya na itinaas pa ang kanang kamay na parang katulad ng traffic enforcer. Ito ang ayaw ko sa lahat eh. Madali akong hinihingal kahit ang lapit lang ng tinatakbo ko. Dati rati hindi naman ako ganito. Pakshit! Tumaba nga pala ako. Napabuga ako ng malakas na hangin ng kumalma na ang aking sarili at humarap sa lalaking tumatawa. Pinaningkitan ko siya ng mata na lalong ikinatawa niya. "Tawa-tawa ka pa diyan"naiinis na asik ko sa kanya Tumigil naman siya sa pagtawa. At umayos ng upo. Inirapan ko siya ng biglang inihagis niya sa akin ang helmet. Inambahan ko siya ng suntok ng hindi siya nakatingin sa akin. "Its bad to aim your fist on someone's back, right?" Mabilis na ibinababa ko sa likod ang kamao ko. Kahit kailan hindi talaga ako makakalusot sa taong toh. Napapalatak na hinarap niya ako. "HUwow? English yon auh!?"maarte kong komento Kumimbot ang labi nito. Saka pilyong ngumisi sa akin with matching pa taas-taas pa ng kilay "Galing ko di ba?" "As if" Inirapan ko naman siya. Napa-iling-iling siya ng ulo"Sakay na"utos niya sa akin. "Aye! AYE! Captain!" Maarteng sumaludo pa ako bago umangkas sa motorbike niya Napahiyaw ako ng bigla na lang niyang pinaharurot ng mabilis ang motorbike. "Lintek! Hinaan mo!" sigaw ko sa kanya. Imbis na sundin ako tumawa lang siya malakas. "Tang*na ! Gusto ko pang makapag-asawa!"dagdag ko pang sigaw sa kanya Hindi niya ako pinansin. Pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapatakbo ng motorbike Gusto ko siya sanang sapukin pero baka mapahamak pa kami pareho Napahigpit ang hawak ko sa beywang niya ng maramdaman ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko. Peste! Talaga ang lalaking to! Well? Folks! Meet my crazy friend! Aldwin Montero! Dalawang taon ang tanda niya sa akin pero same year level lang kami. Ewan ko diyan sa kanya kung bakit nalang siya bumabalik ng high school. Siya ang binabayaran ni mama para maghatid at sundo sa akin. Okay lang naman daw sa kanya, dahil nag-iisang school lang kami ng pinapasuka at higit sa lahat makaka-income pa siya, para pandagdag baon niya araw-araw. Nasanay naman akong sumakay ng motorbike pero minsan di ko mapipigalang mapahiyaw kung biglaan patakbuhin ito. Mas lalong kakabahan ka kong sa taong ito ikaw aangkas. Wala yata sa bokabolaryo ng taong to ang salitang"Slow down" Tss. Swerte niya lang, dahil nasa probinsya kami at walang traffic enforcer. Highway ang dinadaanan namin kaya hindi siya agad mahuhuli. Mangilan-ngilan lang ang mga bahay na madadaanan namin dahil halos lahat ay palayan ang nasa tabi ng highway. After twenty minutes nakahinga ako ng maluwag. "Wew!" Sigaw ko ng huminto na ang motorbike sa isang gilid. Pagkababa ko, agad ko naman kinuha ang helmet mula sa ulo ko at pinagpag ang palda kong nalukot ng konti. Hindi naman ako nababahalang masisilipan dahil sa haba ng shorts kong nakapaloob dito. "Bakit dito? Ang layo naman nito sa gate! "reklamo ko sa kanya habang nakatingin sa gate. "Kung tinignan mo ng mabuti ang nasa unahan hindi ka na diyan magrereklamo"sabi nito habang inaayos ang motorbike niya. Humaba ang nguso ko na sinipat ang paligid. Wala ng space. Iba't ibang klase ng mga motorbike ang nakikita kong naka-park sa gilid. Tinalikuran ko nalang siya at padabog na nagmartsa papasok ng gate. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero binaliwala ko nalang siya. "Bahala ka diyan!" mahina kong bulong habang naglalakad patungo sa bulletin board para e-check ang section ko. Bago ako makalapit ay may kumalabit na sakin. Kasabay ng pagharap ko ay isang matinis na boses ang sumalubong sa akin. "KLENDRIA!" ********** Written by: Chly Mate 02/16/2022

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook