Ikalawang Pahina

1313 Words
"KLENDRIA!!!" Tili ng isang babae. Muntik pa kaming matumba ng bigla niyang akong dinambahan. Mahigpit niya akong niyakap habang tumitili sa sobrang pagkasabik. Napatirik nalang ako ng mata sa pinaggagawa niya. Nakatutok ang mga mata ng kapwa naming estudyante. Great! Nasa amin ang lahat na atensyon. "Bitaw!"asik ko sa kanya Mabuti naman ay bumitaw siya agad. Her face were so bright. Nakikita ko ang positive energy sa mukha niya habang nakangiti sa akin ng malawak. "Ito naman,first day of school nakabusangot agad? Smile naman diyan. Hindi mo ba na-miss ang beauty ko?"sabi nito na sinusundot-sundot pa ako sa tagiliran. Inirapan ko siya. Kung makabuhat naman ng bangko nito akala mo kagandahan.-_-. "Hindi. At kahit kailan hindi kita na miss!"pasupladang sagot ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang nameywang sa harapan ko at dinuro-duro ako. "Hoy! Kleandria Azunsion! Akala mo kung sino ka na magsusungit agad diyan. Pasalamat ka nga at binati pa kita!"sigaw niya. Nakita kong napatingin ulit samin ang mga estudyante. But I don't care. I simply rolled my eyes on her. "Do you really have to mention my full name? As if were close enough to act like this. Duh!" pasuplada kong sagot sa kanya "Huwag mo kong ma english! english! Sasapakin talaga kita!" napipika niyang wika Oh ?well? Heto naman tayo By the way meet my Eskandalosang best friend, Jeemie Anne Leyson. "Well, thank you for your warm greetings!" walang gana kong tugon sa kanya. Lalong nagkasalubong ang kilay niyang napatingin sakin. Hihirit pa sana siya ng bigla,ko nalang siyang niyakap ng mahigpit. Napakadelikado kapag hinayaan ko pa siyang humirit pa. "FRIEEEEEEEND! NA MISS KITA SOBRA!"sigaw ko sa kanya na parang kiti-kiti na yumayakap sa kanya. Actually. Pinagtritripan ko lang naman siya kanina eh. Gusto ko lang makita ang nakakatawa niyang reaction . Ang bilis kaya mapikon ng babaeng toh. "Walang hiya ka! Pinagtritripan mo naman ako! Pina-drama mo pa ako.Peste ka!"asik niya sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya ng nakakaloko "Heto naman, di na nasanay sakin"natatawang sabi ko sa kanya. Nag-i-inarteng sumimangot siya sa akin. "Wag ka ng mag-trying hard na umarte diyan,di bagay sayo" "Tina-try ko lang naman baka naman umpekto sayo kahit papaano"nakabusangot na sagot niya sa akin. "Tae ka talaga!" "Aminin! effective naman di ba?" "Hindi bagay sayo!" "weh? di nga?!" "Tama na nga yang pag-dadrama mo. Alam mo na ba ang section natin?" "Yep and unfortunately magkaklase naman tayo" "Talaga? Edi masaya" "Ikaw lang"asik niya sa akin. Sinundot ko siya sa tagiliran. "Ito naman, akala ko ba na miss mo ko?" "Kanina noong hindi mo pa ako pinagtitripan. Pero ngayon hindi na" "Parang ang sama ko talaga sa lagay na yan?" "Honestly? Medyo lang naman" "Eh di, masaya!" "Paano ako sasaya kung palagi kang nandiyan para pagtritripan ako?" "Okay lang yan. Mahal mo naman ako di ba?"nagpapa-cute na sabi ko sa kanya Tumaas ang kilay niyang tumingin sa akin. "Noon yon at-" "Hanggang ngayon"dugtong ko sa sasabihin niya. Lalong nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. "Feelingera ka lang talaga!" "That's true. Kaya nga same feather flock together. Di ba?" "Ewan ko sayo! Lika na nga,pumasok na lang tayo" "Ooooh? Iniiba mo ang usapan" "Halika na! Nasa classroom na 'yong iba. baka maunahan pa nila tayong makahanap ng magandang pwesto" Napangisi lalo ako ng nakakaloko ng tinalikuran niya ako bigla. Jeemie is quite ineteresting. Lalo na ang personality niya. Kaya siguro naging magkaibigan kami agad noong una kita palang namin. "Aye captain"tanging tugon ko sa kanya habang sumasalodo na sumunod sa kanyang lumalakad. Napapailing nalang siya sa ginawa ko. She knows me very well kung gaano ako ka baliw. Jeemie is my classmate since first year. Siya agad ang naging ka-close ko dahil mabait siya. Yon nga lang may pagkataklesa, nakakaagaw talaga siya ng pansin dahil sa height niya. No offense pero ang liit niya talaga. Four feet something yata ang height niya. Medyo mataas pa nga yong kapatid kong lalaki na elementary . Pero kahit ganun ay ang cute niyang tignan, maganda naman talaga siya eh. 'Yon nga lang. But who knows? Baka sa susunod na taon bigla nalang siyang tumaas. I can't judge her. Dahil ako rin ay may kapintasan din sa katawan. Pagpasok namin sa room ay sumalubong agad ang ingay ng mga kaklase namin. Halos kilala ko na silang lahat dahil naging kaklase ko na rin sila dati. Napataas ang kilay ko ng may humarang na babae sa harapan ko. Meet Johanna Miguel ang walang hiya kong kaklase, hindi kami close niyan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Oy ?Klendria? ! Anyari sayo? Bakit tumaba ka!? parang gulat na gulat na sigaw niya na halos ikinatigil ng lahat. "The Fudge? !Isigaw dapat?!"naiinis kong sagot sa kanya. Lalong nalukot ang mukha ko,ng magtawanan silang lahat at tinukso pa ako. "Naku? Klendria! ? Inlove ka ba? !Bakit lumaki ka?"singit ng isang babae, habang humaharap sa mahiwagang salamin niya palagi. Meet Lyza Gem Flores, ang mirror girl namin. "Bakit inlove lang ba, ang lumalaki? Di ba pweding nasasarapan lang sa pagkain?!"bara ko sa kanya Tumaas ang kilay niyang humarap sakin. "So? sa lagay na yan inaamin mo na talaga piggy ka na ngayon?" Inirapan ko siya. "Compliment ba yan o Insulto?"asik ko sa kanya. "Anu sa tingin mo!?"balik niyang tanong sakin. "Sapak gusto mo? !" Imbis na sagutin ako ay inirapan niya lang ako at tinalikuran saka humarap ulit sa salamin niyang dala. Ang sarap talaga sabunotan ng babaeng yan, bakit ko ba naging kaibigan ang mga babaeng toh? Ang lakas mang-lait eh noh. Pabagsak na inilagay ko ang bag sa arm desk ng upuan. "Hinay-hinay lang sa paggalaw Klendria baka,mawasak yang upuan."sigaw ng isang lalaki na sa isang sulok, Ian Del Sumirez ,ang kinaiinisan kong tao sa lahat. Nakapameywang na humarap ako sa kanya. "Anung akala mo sa akin? Dambuhala ? Mawasak agad-agad?" "Hindi pa ba? !"bara niya sa akin "Peste ka! Hindi ako dambuhala. Mataba lang!"naiinis na sigaw ko sa kanya. Lumakas lalo ang tawanan nila sa naging sagot ko. Ugh! Bakit ko ba naging kaklase ang mga baliw na to? "Anu ba yan, Kleandra ang aga-aga,umabot na agad sa labas ang boses mo"singit naman ng isang lalaki na pumapasok sa pintuan. Meet Lemmuel Tim Saromenes ang nakakatandang kaklase naming lahat since first year. Sa kanya lang kami rumi-respeto since siya ang mas nakakatanda sa aming lahat. Close kami niyan. Hindi nga lang halata sa lagay na toh. Kuya ang tawag ko sa kanya minsan dahil ako ang pinakabata sa aming lahat. "Ang mga yan, ang aga-aga nanglalait agad!"sumbong ko sa kanya. Napapalatak siyang lumapit sakin. "Naku?! tigilan mo nga yang pagdadabog mo! Tataba ka pa niyan lalo."nang-iinis niyang tugon "WoW! Dumagdag ka pa talaga sa kanila?! Anu to? One vs. All?" Sa inis ko ay tinulak ko siya ng bahagya. Natatawang dumistansiya sakin. "Anu ka ba naman Klendria. Ang ganda mo kaya, hindi ka naman mataba ng sobra. . parang tamang-tama lang naman ang laki mo. . "pampalubag ng loob na pahayag niya Sa sinabi niyang yon ay sabay-sabay na ng Weh?! Ang mga kaklase ko. Akmang susuntukin ko na sana siya ng biglang may pumasok na lalaki at tinawag siya. Sabay-sabay kaming napalingon lahat sa pintuan ng classroom. (=☆_☆=) Parang naging slow motion ang paligid ko habang nakatingin sa taong lumalakad papalapit samin Sa paningin ko. Parang nagkaroon ng maraming nag-spa-sparkle na mga stars sa paligid niya. (=☆_☆=) He is dashing so brightly that I can't even take my eyes off from him. Hindi ko na pinapansin ang nagla-laglagang gamit sa sahig. Shit! Mura ko sa isipan ng tumambad sa akin ang mala-anghel niyang mukha. Sheeeeet! Ang gwapo niya! Agad nakakaagaw ng pansin ang matangos niyang ilong, singkit ang mata niya at ang maputi niyang balat at lalong nag-padagdag ng appeal niya ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Mukhang nagka-Crush at first sight na yata ako sa kanya. Oh?! My Heart! ******** Written By: Chly Mate 02/16/2022
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD