"Ang ganda mo talaga, Klendria"
Kemeng napangiti ako sa kanya. Sabay sabit ng buhok ko sa tenga.
"Ikaw talaga.. alam ko na yon matagal na. Ikaw nga ang gwapo-gwapo mo eh"
"KLENDRIA! !"
(=☆_☆=)
"AY GWAPO MO!"hiyaw ko bigla ng may tumusok sa tagiliran ko.
Natauhan ako bigla mula sa kalawakan ng pagpapantasya ng magtawanan ng nakakaloka ang mga kaklase ko.
Pinaningkitin ko ng mata si Jeemie na siyang tumusok sa akin.
Tawang-tawa pa siya habang tinuturo si Sir na sa harapan ko.
"Sino ang gwapo ,Klendria?"magkasalubong ang kilay na tanong ni Sir sakin.
Napakamot ako ng ulo habang alinlangang kung aamin ba ako o hindi?
Pinandilatan ko muna silang lahat bago humarap kay Sir.
"Si-si Lee Min Ho Sir? !"patanong na sagot ko kay Sir.
Sa tingin ko parang may usok bigla na lumabas mula sa ilong ni Sir.
Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Paktay!?
Terror pa naman tong si Sir.
Lalong lumakas ang tawanan.
Anu ang nakakatawa? !
Ang mukha ni Sir?!
Kung sa bagay ang epic ng mukha niya ngayon, nanlalaki na ang butas ng ilong niya sa sobrang inis.
Mga Peste talaga ang mga kaklaseng kong 'to
Ako nalang palagi ang pinapahamak.
Porket ako yong mas nakakatawang inisin.
"Silence!"sigaw ni Sir
Tumahimik naman sila agad.
"For Christ Sake Klendria !Ang aga-aga ng mundo nag day dreaming ka na naman?!"galit na turan ni Sir sakin.
Si Sir talaga..
May pagka-anu din minsan- kaya nga tinatawag na day dreaming dahil sa araw nanaginip nga diba?!
Aish!!
Napakamot ako sa batok dahil wala akong maisasagot kay Sir.
Alangan naman yong iniisip ko ang sasabihin ko mas lalong malalagot ako nito sa kanya.
"Uhm? Sir? Pweding magtanong?"nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.
"Fine!! Anu yan?"naiiritang tugon niya sa akin.
Napatingin muna ako sa mga kaklase before unti-unting lumapit sa kanya.
"Uhm? Sir, Anu po sa tingin niyo, ang favorate color na underwear ni Lee Min Ho? Black, White, or Red?"pabulong na tanong ko sa kanya.
(O______O)
Naging ganyan ang mukha ni Sir pagkatapos kong ibulong ang tanong ko sa kanya.
Napatakip kaming lahat ng biglang nag-hysterical si Sir.
"KLENDRIA AZUNSION! GET OUT IN MY ROOM ,NOW! !"galit na galit na sigaw ni Sir!
***
Hay buhay na parang Life. .
Ang boring naman...
Walang ka thrill-thrill.
Two months na ang nakaraan ng mag-umpisa ang klase namin.
Ang bilis ba?
Sadyang mabilis lang talaga ang paglipas ng panahon kung walang magandang nanyayari sa buhay ng isang tao.
Gusto niyong malaman ang nangyari noong first day of school? ?
Warning!
Bago kayo magpatuloy sa pagbasa.
Ang masasabi ko lang ang sarap pumatay ng taong pandak!
Letse!
~~~FLASHBACK~~~~~
Parang slow mo. . ..na lumalapit siya sa amin. . .
Sa paningin ko,nagkaroon ng mga nag-spa-sparkle na mga stars sa paligid niya. (=☆_☆=)
Di ko na pinapansin ang naglaglagang gamit sa sahig.
Shit!
Mura ko sa isipan ng tumambad sa akin ang makinis niyang mukha.
Ang gwapo niya!
Napakurap-kurap ako ng ngumiti siya ng malapad sa akin.
*dug! dug! dug! dug! dug!*
Ay pesteng heartbeat to!
Umaariba.
Parang nagkaroon ng nagliliparang paru-paro ang tiyan ko ng unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.
What the----?
Hahalikan niya ako!?
Kyaaaaaaah!
Ommo? !
What im going to do? !
First time ko to? .!
Waaah! !
Taena! Hindi pa ako nakakapag-sipilyo!
Ugh!
Oh !
Paking Tape na malagkit!
Parang naduduling na yata ako.
Sobrang lapit na talaga ng mukha niya sa akin.
I'm gonna die. . .
Im gonna die.
di! --Charoot luungs! ,
Napalunok ako ng laway ng mapatingin ako sa mapupulang niyang labi.
(⊙_⊙)
Dafuq! ?
Parang nang hi-hipnotize ang mga labi niya.
Hindi ko magawang umiwas.
"Alam kong gwapo ako Miss. At pwede ba? Pakisara ng bibig mo? Baka mapasukan yan ng butiki mula sa kisame" nakangising sabi niya sakin.
Naknang? !
May bagyong dumaan!
Sa sobrang lakas!
Para akong natauhan mula sa pinapantasyahan
Automatic na napatikom ang labi ko.
Kyaaah!
Nahuli ako!
Oh Nooes!!
"Huwag ka ngang assuming dyan! Lumalanghap lang ako ng hangin kaya nakanganga ako"palusot ko. *crossed finger*.
Syete!
Kumagat ka naman!
"Aaaah? !talaga? ! Ang astig mo palang maglanghap ng hangin with matching tumutulong laway!! Wow?! ma-try nga minsan"
Napasinghap ulit ako at mabilis na pinahiran ang labi ko.
Waaaah!?
P*ta!
Walang hiya!
Pwedi na bang magpalamon sa lupa?!
Ora Mismo!
Takte!
May laway nga!
Nakarinig ako ng tawanan sa paligid ko.
Inirapan ko silang lahat.
Lalo na sa taong pandak na to sa harapan ko na mas tawang-tawa sa pag-kapahiya ko.
"For your info hindi yon laway, nakalimutan ko lang na pahiran ang labi ko pagkatapos kong uminom ng tubig"*crossed finger* palusot ko ulit.
Kumagat ka na please?
Nakita kong napatitig siya sa akin na para bang may malalim na iniisip
"Hmm? Ganun ba? Okay! Sabi mo eh!"
Napabuga agad ako ng hangin.
Aish!
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya papuntang pintuan.
Wew!! muntikan na talaga!
"At siya nga pala, pwedi huwag mo ng i-cross yong fingers mo? Halata kasing nagsisinungaling ka eh! At for your info din. Hindi ako pumapatol sa malalaking size!"sigaw niya sa akin.
Muntik pa akong matumba sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi niya.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa ng magtawanan ng malakas ang mga classmate ko.
"Nice one,'tol"sigaw ni Ian with matching approve sign pa
"Yon oh! di pa rin kumukupas !hahaha"sigaw din ni Limmuel
"Gwapo kasi! hahaha"ganti niya ring sigaw habang tumatawa na lumalakad palabas.
Bastosan lang? ?
Letse!!
Pakiramdam ko Ampula-pula ng bou kong mukha sa sobrang kahihiyan.
Ang sarap niyang ipalamon sa butiti.
PakingSh*t!!
Pinagtatawanan talaga ako ng buset na to.
Pakiramdam ko nanghihina ako sa sobrang embarassment na nararanasan ko sa unang araw ng pasukan.
Simula ngayong segundo binabawi ko na ang sinabi kong na crush at first sight ako sa kanya.
P*tcha! !
Kung gaanu man ka-gwapo ang mukha niya kabaligtaran naman ng budhi niya!
Peste! !
Kung hindi ako maka-pagpigil kanina pa siya bumulagta sa sahig.
Napahiya na nga ako
Dinagdagan pa niya ng nakakapanghinang loob na insulto
Arrrrrrrrghhhh! !
Ang sarap pumatay ng pandak na tao!
On second thought, may mauuna pala sa kanya.
"ISANG TAWA NALANG AT ILILIBING KO NA KAYONG LAHAT NA BUHAY, NA NAUUNA ANG PAA! LETSE! !"
Galit na sigaw ko sabay sipa sa silyang nasa unahan.
Tumahimik naman sila agad at Isa-isa ko silang tinignan ng masama.
Takot lang ng mga to!
Tss!
Nakasimangot na umupo ako sa upuan.
Mabuti naman at wala na akong may naririnig na tumatawa.
Try lang nilang tumawa pa ulit
Ililibing ko talaga sila na nauuna ang paa.
Amazona na kung amazona! !
Ampfufu!!!
Nakakahiya. .>//.//<
Naku Klendria!?
First day of school
Pahiya ka na agad!? !
Amp*tcha!
Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari ay parang mawalan ako ng ulirat sa balitang natanggap ko.
CLASSMATE KO PALA SIYA! !
Great super duper Great! !
Ang sarap magwala sa nalaman ko!
Hindi ko siya pinapansin.
Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing makikita ang pagmumukha at height niyang ipinaglihi sa duwende.
Kahit ganun...
Alam kong hindi ko pa rin maiiwasan na palihim na mapatitig sa kanya
At ang nakakainis sa lahat, hindi ako makakatulog ng maayos tuwing gabi dahil palagi nalang siyang sumisiksik sa isipan ko.
Syete!
Para siyang kabuting bigla nalang sumusulpot sa isipan ko palagi.
At sa tuwing nakikita ko sa siya parang tumitigil agad ang pag-ikot ng mundo ko.
Para akong napaparalyze sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti.
Syempre hindi sakin.
.
Naging favorite friend siya agad ng mga clasmates lalo na ng mga babae, kahit ka bago-bago niya palang sa section namin.
Nasa last section daw siya dati..
Parang artista lang ang peg niya, na sa tuwing papasok ng room ay pinagguguluhan siya agad ng mga babae!
Ugh!
Maraming nagka-crush sa kanya
At kahit edi-deny ko pa ay hindi ko pa rin maitatanggi at mapipigilan ang sarili kong hindi makuha sa charms niya.
At ito kinakatakutan ko sa lahat.
Ang mahulog sa kanya.
Kahit alam kong walang pag-asa na sasaluhin niya.
I'm not ready to cry. . ..
~~FLASHBACK END~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~