"Oh?! Bakit natahimik ka? Totoong may crush-"
''Oo. Crush kita. Masaya ka na?" lakas loob kong pag-amin sa kanya.
"Uh! Oh!"
"Whoaa!"
Nagulat silang dalawa sa naging sagot ko.
Great Klendria!
Ipinagkulo mo talaga ang sarili mo.
"Oh? Bakit gulat na gulat yang pagmumukha niyo? di ba? yan din ang gusto niyong marinig? Akala niyo hindi ko napapansin? Kino-korner niyo ko eh"
Unang nakabawi si Tim at sinubukang magpaliwanag sakin "Nag-kakamali ka, Klen. Isang di inaasahang pag-kakataon---"
"Dati lang yon dahil ngayon hindi na. Kaya huwag kang mag-alala. Sa sobrang inis ko sayo since day one ay nabaon ko na yon sa limot. Oh? Anu? Okay na tayo? Napaka-lalaking tao niyo ang tsismoso niyo. Tss! Bahala kayo diyan sa buhay niyo!"
Burn Klendria!
Burn!
Hindi ko na hinayaang makabawi pa silang dalawa.
Mabilis ang mga galaw kong kinuha ang bag ko mula sa bench saka patakbong umalis papalayo sa kanila.
Habang tumatakbo ay parang baliw akong tumatawa.
Ang lakas ng pintig ng puso ko.
Parang nahibsan ang bigat ng nararamdaman ko kani-kanina lang.
Ganito pala ang feeling kapag nag-amin ka ng feelings sa crush mo.
Pinaghalong kaba, saya at hiya.
Hindi ko alam kong saan ako pupunta.
Argh! Hindi ko alam kong may mukha pa akong ihaharap sa kanila mamaya.
Dumiritso ako sa classroom.
Tamang-tama ang pag-dating ko ay nag-bell agad.
At ilang minuto ang lumipas ay dumating din ang subject teacher namin.
Napatayo kaming lahat para batiin siya.
Napayuko ako ng mapansing dumating din si Gio at Tim.
Nanatili akong nakayuko hanggang sa naramdaman kong may tumabi sakin. Dahil natatakot akong makita ang mga mukha ni Tim lalo na kay Gio ay hindi talaga ako umangat ng tingin. Hanggang sa bumalik kami ng upo.
Pinanatili ko pa ring nakayuko. Pasimple kong kinuha ang libro ko at pasimpleng binuklat iyon ng patayo para takpan ang mukha ko.
Buong klase ay ganun lang ginagawa ko.
Kapag aangat naman ako ng ulo ay iniiwasan kong hindi mapatingin sa kanilang dalawa.
I'm so stupid.
Good thing dahil parang thirty minutes lang ang discussions ni ma'am at natapos ang last subject namin sa umaga.
Masayang nagsilabasan ang mga kaklase ko.
Nanatili pa rin akong nakayuko sa arm desk.
Mayroong tinawag ang pangalan ko pero inangat ko lang ang kanang kamay ko para mag-wave sa kanila.
Wala akong ganang lumabas.
''Pwede ka ng umangat ng mukha"
Mariin akong napapikit ng marinig ulit ang boses ni Gio.
"I have a girlfriend and her name is Mierra"
Hindi ako nakagalaw sa narinig.
"Hindi ko alam kong bakit sinasabi ko to sayo. Alam kong naiinis ka sakin dahil palagi kitang inaasar. Pero ayokong isipin mong pinagtatawanan kita pagkatapos mong mag-tapat sakin ng feelings. Hindi ako ganung tao. Ang bata mo pa, Klen. Maraming lalaki pa ang makikilala mo diyan sa tabi-tabi"
Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"And thanks for the feelings by the way"
Napapikit ako ng mata ng marinig ang mga hakbang niya papalayo sakin.
Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik ang buong kwarto. Kaya napagdesisyonan kong umangat ng ulo.
Wala na si Gio.
Ako nalang ang nag-iisang naiwan sa loob ng classroom.
Napatampal ako ng noo ko.
Baliw ka na talaga Klendria.
Parang sirang plaka na ume-echo sa isipan ko ang pinagtapat niya sakin.
Kung ganun wala silang relasyon ni Jeemie?.
Masakit pala marinig ang katotohanan.
Wala akong panama sa girlfriend niya.
Halata naman kasi, gwapo siya malamang maganda rin ang girlfriend niya.
Eh? Ako? ?
Mataba
Palaging magulo ang buhok at parang lalake kong umasta.
Ni wala nga ako siguro sa kalingkingan ng girlfriend niya.
Gusto kong umiyak.
Bakit kasi sa dinami -dami ng mga lalakeng pwedi i-crush dito sa school bakit sa kanya pa?
Arrggh!
Kakainis!
Ayoko na!
Promise!
I swear!
I pledge sa harap ng munomento ni Dr. Jose Rizal!
Starting this day kakalimutan ko na siya.
Ililibing ko sa core ng earth ang nararamdaman ko hanggang matunaw ng lubusan.
Itatapon ko sa north pole ang pesteng puso kong ito para tumigas sa sobrang lamig at hindi na siyang magbalak na tumibok pa.
At pupunta sa ako sa moon para hindi ko na siya makita.
Okay lang kahit mga un-identified creatures ang makakasama ko doon basta malayo lang sa kanya.
"KLENDRIA!"
"Araaaay! !"hiyaw ko bigla ng may humila sa akin ng malakas.
Tumilapon ang bag ko sa lupa.
Paglingon ko ay isang humaharorot na motorsiklo ang dumaan sa harapan ko.
Wala sa sarili napasunod lang ang tingin ko sa motorsiklo na papalayo.
Hindi ko magawang sumigaw pakiramdam ko parang wala ako sa sarili.
Yong parang lumilipad ang isipan ko sa lugar na hindi ko din alam kung saan
"Magpapakamatay ka ba?!"angil agad ng taong humila sa akin.
Napakurap-kurap akong napatingin sa mukha niya.
"Aldwin? ?"wala sa sarili kong sambit ng pangalan niya.
"Hoy!? Klendria anung nanyari sa iyo? Magpapakamatay ka ba? !hah? ?"sabi niya habang inaalog ako ng malakas.
(?_?)
Nanlaki bigla ang mata ko at mabilis na tinabig ang kamay niya
"Anong magpapakamatay na sinasabi mo?Sino?? Ako? ?"gulat na gulat na tanong ko sa kanya ,
Namula ang mukha niya bigla sa sinabi ko.
"Aray"hiyaw ko ng bigla niya lang ko binatukan.
"Amp*tcha! Naka-drugs ka ba?! Muntikan ka na ngang masagasaan ng motorsiklo. Parang wala lang sa iyo? Pagkatapos sisigaw ka kung sino ang magpapakamatay? ?Okay ka lang? May sayad ka na ba sa utak Klendria?!"naiinis na tanong niya sa akin
Napakamot ako ng ulo.
Hindi ako nakasagot sa kanya dahil nagugulahan ako sa mga pinagsasabi niya
"Saang planeta ka ba nanggaling,hah? Na lipad yang utak mo?"
"Sa pagkakaalam ko nanggaling ako sa moon pagkatapos lumanding dito sa earth at di ko namalayan na nasa harapan ko na pala ikaw--Aray!!Bakit mo ko binatukan?! Nakakadalawa ka na aah!!"
"Pusang gala naman Klendria! Ilang boltahe ba ng kuryente ang pumasok diyan sa utak mo na nawala ka na sa katinuan?"naiinis niyang tanong sa akin. .
"Hindi ko din alam kung ilan--Teka!" agad na pigil ko sa kanya ng akma naman niya akong sasapukin.
Agad naman siya umayos at saka napabuntong hininga.
"Umayos ka! Kung hindi sasapakin talaga kita"
"Oo na"sagot ko sa kanya .
"Okay, let me rephrase my question, AGAIN. Anu ang problema mo? Bakit ka lumalakad sa gitna ng kalsada ng wala sa sarili?"mahinahon niyang tanong sa akin.
Napatingin ako sa kanya nag-hihintay ang mata niya sa sagot ko.
I'm sorry Aldwin
Hindi ko pwedeng i-share sa iyo ang problema ko ngayon kahit magkaibigan tayo
"Nalipasan lang ako ng gutom kaya hindi na masyadong nag-fu-function ang utak ko. Kaya halika ka na uwi na tayo bago pa lumalala ang utak kong ito"sabi ko sa kanya saka nagpaitunang lumakad papunta sa motorbike niya.
Napatigil ako sa paglakad ng bigla niya hinawakan ang wrist ko.
Hindi ko magawang lumingon sa kanya.
I dont want him too see my face,
Sumasakit ang puso ko.
"You're not a good liar Klendria. Kilala kita. Alam kong may problema ka. Please tell me. Willing akong makinig"
"You said im not a good liar. Bakit mo pa ako tinatanong? Isn't obvious, Aldwin? Can you give me atleast little respect and privacy? ?"naiinis kong turan sa kanya.
Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkahawak niya.
"Klendria??"
"Mauna ka na. Mag-je-jeep nalang ako pauwi"
"Im sorry . .Klen. I just want to help you"
"I don't need your help. This is my problem. Step back and mind your own business Aldwin"malamig kong sagot sa kanya.
"Fine! Kung yan ang gusto mo. But don't forget that i'm still here as your friend. I'm willing to wait kung kailan ka na handa para sabihin sakin ang totoo"
Hindi ako umimik sa sinabi niya.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi. At Huwag kang sumabit sa likuran ng jeep. Okay?"
"Okay. Bye!"
"Good"
Sinundan ko siya ng tingin habang lumalakad papunta sa motorbike niya. Ini-start niya ito, bago siya umalis ay lumingon siya sakin. Nag-wave ako sa kanya.
Ng makaalis na si Aldwin ay lumakad ulit ako patungo sa labasan ng school.
Habang naglalakad ay patuloy pa rin ako sa pag-eemote. Pilit kong pinipigilan ang luhang nagbabantang papatak sa mata ko
"Klendria,sandali!!"awtomatikong napatigil ako sa paghakbang ng may tumatawag sa pangalan ko.
Napalingon ako. At napakunot ang noo ko ng makita si Jeemie.
Akala ko kasi nauna siyang lumabas ng gate keysa sakin.
"Jeemie?"
"May naiwan ka sa room at saka heto pinabibigay ni Von...Oh sya ,aalis na ako ba-bye"nagmamadaling sabi niya at tumakbo palayo.
Naiwan akong nakanganga sa tinatayuan ko habang nakatingin sa libro at maliit na card sa kamay ko.
What the---
Card?!!
Von! !
OHEMJI. .
Kyaaah!!!
Oh Shoes de Silber bebe!!?
Feeling ko lumundag ng kunti sa kilig ang small intestine ko sa tiyan.
This is not the first time na makatanggap ako ng card mula sa isang lalake.
Pero si Von yon.
One of my ultimate crush sa room.
Okay Fine!
Nasaktan ako kanina sa mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Gio.
But Life must go on.
Patatagalan ko pa ba ang pag-mo-move on? Kong pwede namang umpisahan ngayon?
Oh yeah!!
Pangiti-ngiti akong inipit sa libro ang card, mamaya ko nalang babasahin ito. .hehe
Pakiramdam ko may anghel na bumaba sa langit at dininig ang panalangin ko kanina.
Thank you Lord!
Your the best!
"Aaay!Pandak ka!!!"hiyaw ko ng biglang may malakas na bumusina sa likuran ko.
Nabitiwan ko bigla ang hawak kong libro.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa sobrang kaba.
"Uy,Anyare sayo Klendria?"
Pakiramdam ko tumaas bigla ang level ng dugo ko sa utak ng makilala kong sino ang walang hiyang bumusina ng malakas.
Ang pesteng Tim.
Siya ang nag-da-drive ng motorbike at nakahinto sila ngayon sa gilid ko at kasama niya pa ang walang hiyang Gio na ngumingisi sakin.
Peste talaga ang taong toh!
Kita naman niya siguro ang nangyari sakin
Tatanungin pa ako?
Okay!
Kalimutan na natin ang heartbroken-awkwardness chu-chu drama kanina.
Kasi sa pag-mumukha palang ng mga unggoy na to ay parang naging hindi worth it ang pag-sesenti at lutang moments na nararamdaman ko.
Inirapan ko sila at padabog na pinulot ang libro kong nalaglag sa lupa.
Mga bwesit talaga!
Pinagtatawanan lang nila ako.
Ang sarap tusukin ng pin ang mga mukha nila.
Kainis!!
"Tsk.Tsk. Naku? Pasensya na Klendria. Hindi ko sinasadyang bubusinahan ka. Kaya lang nakikita kong nag-iisa ka yata. Hindi mo ba kasama yong boypren mo?"nang-aasar na tanong sakin ni Tim.
"Hindi. Lumayas na nga kayo. Binibwisit nyo lang ako!"naiinis kong taboy sa kanila
"Auh?! LQ ba kayo ngayon?!"dagdag na asar sakin ni Gio.
Nameywang ako sa inis.
Kahit kailan ang tsismoso talaga ng isang ito.
"Hindi! At Hindi ulit! At isa pa! Hindi ko boypren si Aldwin. Magkaibigan lang kami. Huwag kang assuming at ipasok mo yan sa maliit mong ulo!"naiinis kong sigaw sa kanya
"Hindi maliit ang ulo ko! Malaki kaya toh"agad naman niyang sagot sa akin
Napaawang ang labi ko sa sagot niya.
Pilit kong iniintindi ang sinabi niya.
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.
What the fudge?!
Sa sobrang inis ay hinampas ko siya ng librong hawak ko.
"Walang hiya ka! Ang bastos mo talaga!"naghi-histirikal kong sigaw sa kanya
"Aray! Aray!Tama na!"sigaw niya sakin habang sinasangga ng kamay niya ang librong pinag-hahampas ko.
Buset talaga!
Mamamatay ako nito ng wala sa oras!
On second thought!
Uunahin ko ang pandak na to!
"What is this-a card?!"
Napatigil sa ere ang kamay ko ng marinig ang sinabi ni Tim.
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa hawak niya---ang card na bigay sakin ni Von
Oh No!
"Tim! Ibalik mo sakin ang hawak mong yan!"
"What is that? A Love letter? Uso pa ba yan?"nanunuyang tanong ni Gio habang nakatingin sa card.
"Oo! Kaya ibigay mo na sakin Tim"
Pilit kong inaabot ang card sa kamay niya.
Pero agad naman niyang iniwas.
"TIM! IBALIK MO KUNG HINDI ILILIBING KITA NG BUHAY NA LUMALABAS ANG PAA!!"
"Pfft!! Anoh ba yan? Manglilibing kana nga lang nakalabas pa ang paa? Tsk! Tsk!" napapailing na komento ni Gio
"Wala kang pakialam! Kanya-kanyang trip lang yan!"asik ko sa kanya
"Wow!? Si Von ang nagbigay sayo nito? Astig aa!"nakangising wika ni Tim.
"Talaga?! Pabasa Klendria hah?!"nang-aasar na sabi ni Gio sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng inabot ni Tim ang card sa kanya.
"Hoy! !Akin yan! Huwag mong basahin!"sigaw ko habang pinipilit kong inaabot sa kanya ang card.
Dahil sadyang babae lang ako at may taglay na kahinaan ay hindi ko nagawang makuha ang card mula sa kanya.
Amputek!
Wala na!
Huhuhuhu
Binasa niya talaga ang laman ng card!
Mangiyak-ngiyak akong pumapadyak ng paa sa harapan niya.
Tumatawang nakatingin lang si Tim sakin.
"Pfft!! What the hell is this?? Nanliligaw si Von sayo? How stupid!!"nakasimangot niyang komento na tinampal pabalik sakin ang card pagkatapos niyang basahin
Sa inis ko ay sinapok ko siya sa ulo.
"How dare you to call him stupid? Kung tutuusin ikaw ang stupid dahil nambabasa ka ng card na hindi dapat sayo.Peste ka--asjmwtgetjjmgjatg!"
Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin dahil bigla niya lang ako hinila at tinakpan ng kamay ang baba ko.
"Huwag ka ngang HB. Pinagtitinginan na tayo oh." bulong niya sa akin.
Nanlaki bigla ang mata ko ng mapatingin sa paligid
May mga estudyanteng nakatingin sa amin.
Sinubukan kong kalasin ang nakatakip niyang kamay sa bibig ko pero hindi niya ako hinayaan makuha yon kaya nag-peace sign nalang ako
Sa dami kasi ng murang lumalabas sa bibig ko
Ilang sandali lang ay kusa niyang binitiwan sa pagtakip ang bibig ko.
At parang nandidiring pinunasan ang kamay niya ng panyo niya
Gusto ko sana siyang murahin pero naunahan niya akong magsalita
"Sus? Card lang yan! Kaya huwag kang OA diyan. Payong kapatid lang hah? Kung nanliligaw talaga siya sayo dapat hindi dinadaan sa sulat makalumang style na kasi yan at kung talagang gusto ka niya dapat sinabi niya sayo sa personal hindi yong sulat-sulat. Malay mo iba pala ang nagsulat niyan. Tsk! Tsk! Malabo yan"umiling-iling niyang sabi sa akin bago binitiwan ako.
Laglag ang pangang napatingin ako sa kanya.
Bumukas -sara ang labi ko.
Hindi ko alam kong anu ang sasabihin ko.
Damn!
Bakit ba pinagulo niya ang isip ko?
What if totoo ang sinabi niya?
Baka hindi naman?
Anu ang gagawin ko? ?
Oh? !
Noes!?!
******
Written By:
Chly Mate
02/25/2022