Parang napako ako kinatatayuan ko.
Oh?!
Sh*t!
''Hi! Jeem!" nakangiting bati ko agad sa kanya.
Napa-urong ako ng kaunti ng mapansin ang ekspresyon ng mukha niya.
"Klen!" tawag niya sakin habang palipat-lipat ang tingin niya aming dalawa ni Gio.
Napa-urong ako ng kaunti ng lumapit siya sa pwesto ni Gio
"I thought, sasama ka samin Gio?"
"May hiniram lang ako kay Klendria"
''Anu ang hiniram mo sa kanya?" nakataas ang kilay na usisa niya
"Pe-"nabitin sa ere ang isasagot ko sana sa tanong ni Jeemie.
Ng mabilis na sumagot si Gio "Ballpen" sabay pakita ng isang pamilyar na ballpen.
Bigla akong naguluhan.
Papaanung napunta sa kanya ang ballpen ko? At bakit nag-sinungaling siya?
Gusto kong itama ang sinabi niya ngunit umurong ang dila ko ng makita ang seryosong ekspresyong ng pagmumukha nilang dalawa.
Ang awkward sa pakiramdam dahil parang may na se-sense akong kakaiba na ayaw kong kumpirmahin kong tama ba ang nakikita ko o hindi.
"Ballpen lang pala. Sana sinabihan mo kanina. May ekstrang ballpen ako sa bag, . Inabala mo pa si Klen"
"It's okay. Nagkataon lang nakita ko si Klendria na dumaan kaya naalala ko"
"Ibibigay ko sayo mamaya"
"Okay. Mauna ka na, usunod ako agad."
"Sabay nalang tayo babalik ng classroom"
''May itatanong pa ako kay Klendria tungkol sa group activity namin mamaya. It will takes a little bit longer"
Nakikita ko ang kakaibang titig ni Jeemie kay Gio. Yong para bang may nagawa itong hindi maganda.
"Si-sige. Hihintayin ka nalang namin sa classroom. Hurry up, your food will be getting cold"
"'kay"
"Bye Klen! Enjoy your meal'' paalam niya sakin
''Sige Jeemie. Kita nalang tayo mamaya"
Ngumiti siya sakin. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang tingin niya kay Gio bago ito umalis.
Napalingon ako ng magsalita si Gio.
"Salamat sa piso Klendria"
Napabaling ang tingin ko sa kanya ng makitang may piso na siyang hinahawakan.
Inabot niya sakin pabalik ang bag ko.
"Why did you lie to her?"
"What? I'm not"
"Wow!? You really have the guts to deny it in my face?"
"Uh? You're just over thinking''
"Unbelievable-!!! You ask me a piso coin. But you lied to her. What's your real deal,huh? "-
''Nothing"
Nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa walang ganang pagsagot niya sa bawat tanong ko
"Calm down, 'kay?"
"How can I able to calm dow- Teka! Bakit ba tayo nag-e-englishan, hah?''
"Malay ko sayo. Ikaw ang unang nagsalita ng english kaya sinasagot lang kita ng naayon sa lengwaheng ginagamit"
"Argh! Panira ka talaga ng modo, damuho ka!"
"Grabe ka! Nanghingi lang sayo ng piso? Damuho na agad?"
"Hindi lang damuho kundi isang sinungaling rin"
"Aba? Makapag-bintang ka. Saang banda ako nagsisinungaling, hah?"
"Yung sinagot mo kanina kay , Jeemie. Di ba nanghingi ka ng pera sakin? Tapos anu? Pati yong ballpen ko at saka group activity ginamit mong palusot"
"Ang judgemental mo talaga, Klendria. Totoong wala akong ballpen. Nakita ko diyan sa loob ng bag ko edi sinabay ko na rin''
"Edi, bumili ka!"
"Nanghingi na nga ako sayo ng piso. Pambili pa kaya ng ballpen?"
"Bakit wala ka bang baon?"
''Wala. Nakalimutan ko"
''Galing! Eh? Yong tungkol sa activity, totoo ba yon?"
"Syempre naman. Kanina pa kitang hinihintay. Nangawit na yong paa ko sa kahihintay sayong lumabas ng classroom. Ang taba mo na nga, ang bagal mo pang magsulat."
"May lait pa talaga anuh? Hmp!"
"Nakikita ang ebidensiya''
"Argh! OO na! Ako na ang mataba. Masaya ka na?"
Kumibit balikat ito bilang sagot. "'yong activity?
"Nandoon sa ilalim ng upuan ko. Tignan mo nalang dun"
"Okay. 'Ge alis na ako. bye!" agad niya akong tinalikuran para umalis
"Teka lang!''
Napatigil siya sa paghakbang at hinarap ulit ako.
''Oh? Anu naman?"
"May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Jeemie?"di ko mapigilang tanong sa kanya.
"Hmmm?"tinignan niya ako sa mata "Bakit mo naitanong?"
"So Totoong may-"
"Secret"
"Gio!"
"Payong classmate lang hah? Bawas-bawasan mo ng kaunti yang pag-o-overthinking mo. Hindi kasi nakakaganda"
"Anu?!--Hoy! Giovanni!' naiwan akong nagpupuyos sa inis.
He really getting on my nerves.
Sira-ulo talaga ang lalaking yun.
Argh!
Tatanda ako ng wala sa oras kapag si Gio ang kaharap ko.
Aish!!!
Badtrip na tinungo ko ang hillside.
Kailangan kong magpalamig.
Pagdating ko ng hillside ay may mangilan ngilan ding estudyanteng tumatambay mayroong grupo at may meron ding nag-de-date.
Hmp!
Edi sila na ang may lovelife.
Bitter lang ang peg.
Sa wakas ay nakakita rin ako ng bakanteng upuan nasa dulong bahagi at malayo sa mga nag de-date.
Inilagay ko sa gilid na bahagi ng bench ang pagkain at bag ko.
Pagka-upo ko ay lumanghap muna ako ng hangin para ikalma ang mga nerves kong naiinis.
Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa palayan na nasa paanan ng hillside.
pakiramdam ko nawalan ako ng ganang kumain.
Kasi sumisiksik pa rin sa isipan ko ang mga mukha nina Gio at Jeemie kanina.
Dapat na ba kitang kalimutan,Gio?
Kasi kahit asar na ako sayo hindi ko pa rin maiiwasang mapatulala. Sa bawat araw kitang nakikita ay lalong nanganganib ang puso kong mawasak ng dahil sa lihim na pagtingin ko sayo.
Hindi ko talagang maitatangging may gusto ako sayo.
Natatakot akong masaktan at makasakit ng taong malapit din sa puso ko.
Aish!
Klendria be strong.
Kaya mo to.
You're just a teenager.
Nag-e-explore ka palang ng iyong emosyon.
Ikain mo nalang yang stress mo.
Hindi nakakatulong sayo ang pag-iisip ng walang kabuhulang bagay.
Kinuha ko ang buns na binili ko at ang hot choco na mukhang lumamig na.
Tinikman ko ito ng kaunti.
Napasimangot agad ako.
Aish!
Malamig na nga.
Kinain ko nalang ang tinapay na binili ko habang sumisipsip ng choco drink.
Habang ngumunguya ay may isang bote ng coke ang biglang lumitaw sa mukha ko.
"Malamig na sofdrinks para sa nagbabagang damdamin"
Magkasalubong ang kilay na lumingon ako.
Si Tim.
Sumimangot agad ang mukha ko ng makita ang ngisi niyang nakakaloko.
''Bakit ka nandito?!''
''Ouch?! Hindi mo pa nga tinatanggap ang binibigay ko para sayo"
"No. Thanks. I prefer hot drinks today" sabay pakita sa kanya ang hawak kong paper cup na may lamang chocolate drink
"Wrong timing ulit.... Pa-upo hah"
"Tss..." umusog ako papuntang kaliwa para bigyan siya ng space.
Nakita kong inilagay niya sa pagitan namin ang hawak niyang coke.
"Bakit ka andito?''
'"Magpapahangin din. Bakit bawal ba ang isang gwapong tulad ko pumunta dito?"
I rolled my eyes on his remarks "Ewan ko sayo''
Hindi na ako nagugulat sa tuwing susulpot ang mokong na to sa tabi ko.
Simula first year high school ay siya lang naman, ang nakakaalam ng kung saan ako namamalagi tuwing break hours.
"Pahinging tinapay"
At nakasanayan din ng mokong na to humingi palagi ng pagkain ko.
Napabuga ako ng hangin. "Oh ayan"
Malapad ang ngiting tinanggap niya ang tinapay. Binuksan niya agad ang wrapper at kumagat ng malaki .
"Hindi ka ba nag-sasawa sa tinapay na to?" nakakunot noong tanong niya sakin
"Hindi. Eh? Ikaw? Hindi ka rin ba nagsasawang humingi sakin ng pagkain?" magkasalubong ang kilay kong turan sa kanya
Napangisi siya. "Hindi rin. Lalo na pag-libre mo''
''Galing" komento ko habang nakapukos ang tingin sa harapan ko
Natahimik siya bigla.
Nagtatakang sinulyapan ko siya.
Umiinom lang pala ng softdrinks.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa palayan.
Narinig ko ang mahinang pag-dighay niya.
At hindi rin bago sakin yan.
''Simula ng magkakilala tayo ay parang kapatid na ang turing ko sayo diba?" biglang wika niya
Mukhang kapatid nga. Kasi kong hindi.
Hindi yan magbabalak mag-dighay sa tabi ko.
''Hindi ko na-feel yang sinasabi mo'' sagot ko sa kanya sabay kagat ng tinapay.
"Unang tagpo palang natin. Alam ko ng madali kang kaibiganin. Mukha mo palang kasi sumisigaw na ang pagiging palaban"
''Nag-se-senti ka ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi ko kasi masundan ang mga sinasabi niya
"At hindi rin ako mahilig mag comfort ng taong broken-hearted"
Napatigil ako sa pagkain.
Hinarap ko siya na may pag-tataka.
"Anung pinag-sasabi mo? Broken hearted ka ba?''
"Tch. Ikaw ang tinutukoy ko"
''Ako? May nalaman ka bang boyfriend ko para maging broken hearted ako? Nakakalasing na ba ang coke?"
"Yang galawang mong yan.... masyado kang halata"
"Sa totoo lang. Hindi talaga kita na-ge-gets''
"Kahit hindi mo man aminin. Halatang halata sa pagmumukha mo"
"Anu ang halata sa pag-mumukha ko?"
"Halatang may gusto ka kay Gio"
Natigilan ako ng ilang segundo.
Nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.
"HINDI AH!" mataas ang boses kong sagot sa kanya
''Oh? kalma lang. Ba't ang defensive mo bigla?"
"Ikaw kasi eh. Sa dinami ng pangalang babanggitin yong sa damuho pa na 'yon"
"Edi may crush ka nga sa kanya"
"Sinabing wala nga"
''Mamatay?"
"Wala nga! Bakit ba kita pinapatulan hah?''
"Ang halata mo naman kasi''
"Sige nga. Papaanu mo nasabing may crush ako sa kanya?"
"Do you have crush on me, Klendria?"
Te-teka!
Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ang isang pamilyar na boses.
Mabilis na napalingon ako sa likuran namin. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita si Gio.
Napalunok ako ng makita ang seryoso niyang mukha habang lumalapit sa amin
"Uuulitin ko. May crush ka ba talaga sakin?"
Patay kang bata Klendria!
Oh No!!!!
Anu ang gagawin ko?
**********
Written by:
Chly Mate
02/25/2022