Inirapan ko siya "Asa".
Kiming nginitian ko si Von ng mag-thumbs up sign siyakin.
Nakaramdam ako ng kilig ng ngumiti siya ng malapad sa akin showing his dimples in both cheeks.
Ang cute niya talaga.
I mouthed thanks to him.
Ngumiti siya ulit sakin at bahagya niyang inangat ang isang papel.
Napasimangot ako bigla ng sumulpot sa tagiliran ko si Gio. Parang nang-aasar pa ang mukha niya na sinulyapan ako bago umupo sa harapan ko.
Parang nanadya pa ang damuho dahil umupo ito ng tuwid kaya hindi ko tuloy magawang basahin ang ipinapakita ni Von sakin.
Magkasalubong ang kilay na sinundot ko siya sa likuran at mahina ang boses na sinabihan.
"Umusog ka nga ng kunti"
"Bawal makipag-usap habang nag-ka-klase"masungit na turan nito
Nanggigil na umayos ako ulit ng upo ng bumaling siya sakin.
Aba!?
Siya pa talaga ang may ganang magsungit sakin. Eh? Siya na nga 'tong panira ng moment eh.
"I don't care. Tumingin ka nga sa harapan huwag dito sa likod"mahinang asik ko sa kanya habang sinusulyapan si Maam habang sumusulat sa board.
"Yeah! ! Whatever"sarkastikong sagot niya sakin saka tinalikuran ako.
Akmang babatukan ko na siya sana ng lumingon naman si maam.
Nanlalaki ang mata na mabilis kong ibinaba ang kamay ko sa desk.
Napabuga ako ng hangin ng hindi nakita ni ma'am ang gagawin ko sana.
Matalim ang tingin na nilingon ko ang katabi ko.
Namumula ang mukha nito at ang isang kamay nakahawak pa sa tiyan habang nagpipigil ng tawa.
"Tinatawa mo?"mahinang asik ko sa kanya.
Narinig kong mahina siya tumikhim para pigilan ang pagtawa.
"Ang ginawa mo napaghahalataan ka masyado"bulong niya sa akin
Pilit kong itinago ang naramdaman ko, alam ko namang double meaning kasi yong sinabi niya eh.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Anong masama? Crush ko naman talaga si Von"
"Tsk. .Alam kong alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin Klendria"
"Ewan ko sayo kung ayaw mong maniwala edi wag. Hindi naman kita pinipilit"asik ko sa kanya saka umayos ng upo.
"Eh? di maniniwala. Sabi mo eh''
Hindi ko na siya pinansin na tumatawa.
Hanggang sa matapos ang first subject namin ay hindi ko pinapansin si Tim.
Nakaka-bad trip ang makahulugang ngisi niya sakin.
Hanggang sa dumating na ang next teacher namin for next period.
I focus all my attention sa dini-discuss ni maam.
"Goodbye Everyone! Don't forget to bring all your materials for the activity tomorrow"paalam ni ma'am Biology sa amin bago lumabas ng classroom.
Ma'am Biology ang tawag ko sa kanya dahil nahihirapan akong sabihin ang pangalan niya palagi. If kaya niyo pakisabi nga ng pangalan niya na hindi namimilipit ang dila Constanzcianouism Blecziuffe.
(Ang pag pronounce niyan po ay kons-tanz-cia-no-wisum Blek-syof)
Kung masabi mo yan ng sunod-sunod.
Well congrats sayo dahil ang galing mong mag-tounge twister.
Nakapag-asawa kasi ng foreigner kaya ayan lalong naghirap ang pagtawag sa pangalan niya.
"Klen, mauuna na ako sayo sa canteen hah?"paalam sakin ni Jeemie.
"Sige. Susunod na ako mamaya. Tatapusin ko lang to"sagot ko sa kanya habang tinuturo ang notebook na hinahawakan ko.
Tumango siya sakin at sumabay na siya kina Tierramiane at Lyza Gem na lumabas ng classroom.
Napa-buntong huminga ako.
Simula ng magtapat sa akin si Jeemie na may gusto siya kay Gio ay napapansin kong unti-unti siyang nagbabago.
Parang hindi na siya si Jeemie na dating kaibigan ko.
Palagi nalang siya nauuna sa akin, hindi na nga siya nag-she-share sakin tungkol sa buhay niya.
Ngingiti nalang siya at mag-ha-hi g sakin if magkasalubong kami sa hallway or kahit dito sa loob ng room .
At unti-unti ko na ring napapansin malimit nalang siya mag-ha-hug sakin tuwing magkikita kami tuwing umaga.
Pakiramdam ko parang naging common friends nalang ang turing niya sakin.
Ilang araw palang lumipas yong lumipas pagkatapos naming mag-usap.
Nahahalata ko na talagang unti-unti na rin siyang nagbago.
Hindi ko alam kong saang banda ba ako nagkamali para maging ganito ang sitwasyon naming dalawa.
Parang naging cold ang nangyayari sa bestfriend relationship namin.
Kaya dahil doon ay unti-unti din akong nag-adjust sa mga nangyayari.
Ayoko ng g**o.
Lalo't na kapag si Jeemie ang pag-uusapan.
I hope someday, mare-reliaze niya rin ang tunay niyang nararamdaman para kay Gio.
Mananahimik nalang ako hangga't maaari.
It's up to her kong gusto niya pa akong maging bestfriend or mag-tuturingan nalang kaming schoolmates.
Nagmamadali akong nagsulat.
Ito ang mahirap sa lahat.
Ang slow ko talaga magsulat kahit kailan.
Isang paragraph nalang ang isusulat ko.
"Oy! Klen tama na 'yan. Kumain ka muna"
Napaangat ako ng tingin kay Tim habang nag-aayos ng bag niya.
"Kakain din ako mamaya. Tatapusin ko lang toh"
"Okay, sige mauna na kami"paalam niya sakin
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatutuk din sakin.
Inirapan ko.
Imbes ma-offend sa ginawa ko ay ngumisi siya sakin ng kakaiba.
Tinapik siya sa balikat ni Tim.
Tahimik siyang sumunod kay Tim.
Nagtatakang sinundan siya ng tingin.
Ang creepy niya.
I swear.
Nakakapanibago lang kasi ang naging reaksyon niya sa ginawa ko.
Kani-kanina lang ay ini-inis niya ako. Pero ngayon, ni hindi man lang nagsalita.
Diri-diritsong lumakad palabas ng classroom kasama sina Tim,lean, at Melvin.
Napa-iling ako para iwaksi ang dumi-disturbong walaang kwentang pag-iisip.
Nagpatuloy nalang ako sa pag-susulat.
Pagkatapos kong isulat ang nakalagay sa board ay mabilis ng bawat galaw na iniligpit ko ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng bag.
Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong tumunog ng malakas.
Sheemay. .. >.__<. .
Heto na naman ang puso ko.
"Anu ba? Ayusin mo nga ang pag-hahanap. Huwag mong guluhin ang laman ng bag ko"pasinghal na sabi ko sa kanya para itago ang nararamdaman ko ngayon.
Napalingon ako bigla ng may tumawag sa pangalan ni Gio
(O__O)
"JEEMIE?!?"
*******
Written By:
Chly Mate
02/21/2022