CHAPTER 36 Nash's POV Pakiramdam ko, parang ako ang ama ni Mosh at hinatid ko siya sa altar. At sa dulo n'on, naghihintay ang lalaking makakasama na niya habang buhay. Walang gustong magsalita sa aming tatlo. Pare-pareho kaming tikom at tila dinadama muna namin ang nangyayari. Bumaling ang tingin ko kay Bash na hanggang ngayon ay nakatulala at hindi pa rin makapaniwala na nilapitan siya ng ex-girlfriend niya. Habang si Mosh naman ay nakayuko at halos hindi alam ang gagawin, halatang natataranta siya dahil hindi siya mapakali. Habang ako, gusto ko nang umalis. Gusto ko silang bigyang dalawa ng pagkakataon na makapag-usap dahil kailangan nila iyon. Isa pa, nakakailang na nasa gitna ako ng isang babae at lalaki na dating may relasyon. Hindi talaga dapat ako nandito, pero hindi ko magawang

