CHAPTER 35 Nash's POV Buo na ang plano namin ni Bash na kausapin si Desh para kay Hash. Nakampante ako na napilit ko ang kasama ko na tulungan at suportahan ako sa ideya kong iyon, mabuti na lang at malawak ang pang-unawa niya at agad din niyang naintindihan ang ibig kong sabihin. Kahit tapos na kaming mag-usap at may resulta na iyon, hindi pa rin nawawala sa akin ang pag-aalala para kay Desh. May posibilidad talagang hindi siya pumayag dahil ayaw na niyang makita ang lalaking iyon. Heto nga at hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay dahil nakita niyang muli si Hash. Isang malaking problema talaga para sa akin ang kausapin siya tungkol dito. "P're, hihintayin ba nating magkalamay ang dalawang ito bago tayo bumalik sa opisina ni Ash?" Hindi ko siya agad nasagot dahil ibinaling ko mun

