Chapter 34

2053 Words

CHAPTER 34 Nash's POV Hindi ko itatanggi na nabahala talaga ako ng husto sa huling bagay na sinabi sa akin ni Hash. Sa lahat ng sinabi niya, sa huling mga katagang binitiwan niya ako pinakananiniwala. Alam ko na kaya sila sumalubong ng pakikipaglaban sa amin at kung bakit ipinakita nilang magkakasama sila ay para ipaintindi sa akin ang kaya nilang gawin at kung anong klaseng pwersa ang meron sila. Malamang ay naisip din nilang wala talaga kaming laban sa kanilang dalawa kahit pa pisikalan pa ang maging usapan. Lalo akong kinabahan nang lapitan na ako ni Rash pagkatapos siyang senyasahan ni Hash na tapos na kaming mag-usap. Tila naging hudyat ang tawag niyang iyon para lalo akong mag-isip ng dapat kong gawin para makumbinsi si Desh na maging posible lang ang gusto ni Hash. Dahil hangga't

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD