CHAPTER 28 Nash's POV Pagmulat ng mata ko, isang puting paligid ang muling bumungad sa akin. Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman kong nakahiga pala ako at naisip kong nagawa ko pang makaligtas sa nangyaring peligrong iyon... buong akala ko kasi talaga ay katapsan ko na. Unti-unti ay bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyaring gulo sa pagitan namin ng lalaking pumatay kay mama—na buong akala ko talaga ay matagal nang patay. Hindi ko inakala na darating ang pagkakataong magkakaharap kami at babaliktad ang sitwasyon na ako na ang sisingilin niya. Hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang ginawa niya, pero sana naisip niya rin kung bakit kami humantong sa puntong magpapatayan pa kami kahit na patay na talaga kami. Rash... iyon ang pangalan niya at hinding-hindi ko iyon makakalim

