Chapter 34

1899 Words

REECE Tahimik akong kumain ng pasta. Kahit paano ay nagkaroon na ng laman ang tiyan ko, kaya hindi ko na naramdaman ang gutom. May pagkakataon na tinatapunan ko ng tingin si Serge, pero sandali lang. Pakiramdam ko, simula ng may napansin akong kakaibang emosyon sa pagkatao ko, parang may nag-iba sa pagitan namin. O baka ako lang ang nagbago ng pakikitungo sa kanya dahil sa estranghero na umusbong sa akin, ngunit hindi ko pa mapangalanan. “Bumalik ka pa sa kanila?” basag ko sa katahimikan, ngunit nanatiling nakatuon ang atensyon sa kinakain ko. “Hindi na. Natulog na rin ako.” Tumango-tango ako. Wala naman sigurong masama kung itatanong ko ang kaibigan niya. “Si Eliana?” “Umakyat na rin siya,” tugon niya. Wala na akong maitanong, kaya napuno na naman ng katahimikan sa pagitan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD