Gabbie
My body is drenched with sweat. I had trouble sleeping because it was so hot.
Malakas pa ang hininga ko sa electric fan niyang pinanghinayangan niyang itapon.
Urgh! Hindi ko na sana makita ang nanay kong inabandona ako para naman makabalik agad sa Manila. This place disgusts me. The idea of spending a few days or even weeks here is insane. Wala pa akong isang araw dito pero gustong-gusto ko ng bumalik ng Manila.
Hindi ako makapaniwala na magagawa akong patirahin ni Daddy sa ganitong klaseng lugar.
Bukod sa malayo na sa ibang bahay, walang aircon, walang tv, at walang wifi!
Nagtataka nga ako dahil hindi naman ganito ang mga tinitirhan ko kapag tinatago ako ni Daddy. Minsan, out of the country pa. May kasama akong yaya saka maraming bodyguards.
Aside from the secluded place, sa isang tao lang niya ako pinagkatiwala. How well does he know Wyatt, and wht does my father trust him so much?
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi naman kukunin ni Daddy ang service ni Wyatt kung hindi siya mapagkakatiwalaan. For sure, alam niya ang mangyayari sa kanya kapag ginawan niya ako ng hindi maganda.
I checked my phone. Na-disappoint lang ako dahil walang signal. Kahit sana wifi so I can still call my dad via viber pero wala, e.
Nilapag ko na lang ulit sa unan ang phone ko dahil wala namang silbi.
Nangangati rin ako. Pakiramdam ko puno na ng alikabok ang katawan ko dahil nakabukas lang ang dalawang bintana.
Kahit tinatamad pa akong bumangon, napilitan ako dahil naiinitan ako. Pumapasok na ang sikat ng araw dito sa loob ng kwarto. Nagpalit lang ako ng damit pagkabangon dahil basang-basa talaga sa pawis ang katawan ko.
Wyatt came out of his room when I opened the door.
Bagong ligo. Basa pa ang kanyang buhok. Bagong ahit din siya kaya malinis na tingnan ang kanyang hitsura.
Mas gwapo pala siya kapag bagong ahit. Bagay sa kanya. I scanned his body. Mukhang hindi naman siya gagawa ng hindi maganda sa akin.
Nang tumapat ang tingin ko sa kanyang lips, napa-wow ako sa isip ko. Ang pula, e. Dinaig pa yata ako sa natural na red ng lips niya.
Unconsciously I bite my lips.
Tumikhim si Wyatt. “Are you done scrutinizing?”
I raised an eyebrow automatically when he noticed me to cover my embarrassment. He caught me looking at him!
“Ngayon ka lang nagising?” sita ko sa kanya.
Humalukipkip ako't sinimangutan siya. Kunwari hindi ako affected na nahuli niya akong tinititigan siya.
A smirked flashed in his kissable lips. Parang nanadya dahil nahuli niya akong tinitingnan ang lips niya kanina.
Alas otso na ng umaga. Kung ngayon lang siya bumangon, ibig sabihin wala pa kaming pagkain. Hindi na siy nahiya at nakipagsabayan pa siya ng gising sa kanyang amo.
“Hindi ako nakatulog. May kailangan ka ba?”
Umasim agad ang mukha ko sa tanong niya. “Hindi ka pa nagluto ng breakfast ko?”
Iyong tingin niya na parang nagtatanong.
“As far as I remember, I am your bodyguard and not your chef. Hindi kasama sa kontrata namin ng tatay mo ang ipagluto ka.”
My jaw just dropped! As in. How can he say that to me?
“Well, maybe you're my bodyguard, but still you're my dad's tauhan. So, meaning pagsilbihan mo ako in any ways I need. I'm hungry. Ipagluto mo ako ng breakfast.” I demanded.
Huminga siya nang malalim sabay iling.
“Nagrereklamo ka ba? I will call my dad. Isusumbong kita.”
How can I call my dad, e wala ngang signal?
Iyong tingin niya lalo sa akin alam na niyang hindi ko magagawa dahil walang signal dito sa liblib niyang lugar.
“Okay.” He replied.
I stomped my feet. Nanggagalaiti ko siyang tiningnan. “Wala ako sa mood makipagbiruan sa iyo, Wyatt. Ipagluto mo na ako ng pagkain.”
Kumunot lang ang noo niya. Wala talaga siyang balak na sundin ako.
“Do you hear me? Ang sabi ko, magluto ka na. What are you waiting for?”
“Can you say it in a nice way?”
Namilog ang mga mata ko. “Inuutusan mo ba ako?”
Humalukipkip siya. He's standing proud in front of me.
“Whatever you think it is, say it nicely.”
“No way! I'm your boss kaya ikaw ang sumunod sa akin.” Nakipagmatigasan ako sa kanya.
Matuto siyang kumilala ng amo niya. Akala mo naman kung sinong gwapo kung umasta. Hmm... gwapo nga, masama naman ugali.
“Okay.”
Narindi na ang tainga ko sa okay niyang iyon. Ang sarcastic ng dating sa akin.
“Kapag ako talaga namatay dahil sa gutom, mumultuhin kita! Hindi kita tatantanan hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya. Hindi kita patatahimikin. Wala kang peace of mind forever!” Inis na inis kong sabi dahil naghalo na ang gutom, antok at frustrations ko sa sitwasyon ko ngayon.
Hindi ba niya naisip na hindi ako nakatulog dahil sa sobrang init ng kwarto ko at sa sobrang dilim?
Hindi ako nakakatulog kapag sobrang dilim ang paligid dahil sa nangyari noon sa akin kaya naman noong lumiliwanag na, doon pa lang ako nakaidlip.
“No one dies from not eating breakfast, but high blood pressure does, so relax.” Kalmado niyang sabi. Ang fluent pa niyang magsalita ng english.
“Aba't ini-english mo pa ako!” Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
Pagkasabi niyang iyon, tinalikuran ako. Sa sobrang inis ko, kinuha ako ang suot kong slipper at binato sa kanya. Sumakto talaga sa likod ng ulo niya.
Hindi niya yata alam kung gaano ako kamaldita sa mga taong hindi mabait sa akin.
Nilingon niya ako. His eyes are raging with anger. Mabilis ang hakbang niyang lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa braso at sinandal sa pinto na nakasara. Nauntog pa ako sa ginawa niyang iyon.
Namumula si Wyatt. Nasaktan siguro siya dahil makapal ang swelas ng slipper ko.
“Buti nga sa iyo!” matapang kong sabi.
He pinned me to the door and pressed his body against mine. Sobrang lapit niya sa akin. Pinangtukod niya ang dalawang binti niya sa binti ko para hindi ako makawala. Nakatukod ang magkabila niyang kamay sa gilid ko.
“Stay away nga!” I pushed him. Nanggagalaiti kong sigaw. “Ito lang ba ang kaya mong gawin? Porque ba babae ako, kinakaya-kaya mo ako? For your information, hindi ako natatakot sa iyo. You are nothing but a stupid bastard asshole! Wala kang silbi.”
Nagulat ako sa binitawan kong salita. Nadala lang naman ako sa bugso ng emosyon ko. Bigla akong na-guilty nang bakas sa mukha niya na nasaktan sa sinabi ko.
His jaw tighten. Anger is visible in his eyes. Natakot ako bigla dahil para na niya akong lalamunin ng buhay.
Mas diniinan niya ang katawan niya sa akin. Sa laking tao ni Wyatt, ano naman ang panama ko sa kanya?
“Bawiin mo ang sinabi mo.” His almost clenching his teeth.
“Ang alin? Ang wala kang silbi? Totoo naman, a! Hindi ko babawiin iyon.” Wala ko pa ring takot na sabihin iyon.
Hindi ko alam pero hindi ako natatakot sa kanya. His face was so close to me. Langhap ko ang mabango niyang hininga.
“Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Gabriela. Baka hindi mo kayanin ang gagawin ko sa iyo kapag ako napuno sa kamalditahan mo.”
Napalunok na ako sa huling sinabi niya. Doon ako medyo nanghina. He smirked before pulling away.
• • •
BAGSAK ANG balikat kong binitawan ang hotdog na prinito ko. Kahit yata ang aso ay hindi magagawang kainin 'tp dahil sunog na sunog. Maitim pa sa budhi ni Wyatt.
Pinaparusahan yata ako ni daddy kasi matigas ang ulo ko. And now I regret it.
Pumasok si Wyatt sa kusina at tiningnan ang niluto ko. Tinaas niya ang sunog na hotdog.
Bakit kasi walang chef na pinasama dito si daddy? Or kaya si Yaya Meling.
“Don't give me that look.” I told him. I am so pissed off. Naiinis pa rin ako sa kanya
Dagdagan pa na nagugutom na talaga ako. I'm starving. He stared at me and just shrugged his shoulders.
Binitawan niya ang sunog na hotdog. Pwede nang ipambato ko sa kanya sa inis ko.
Naglabas siya ng panibagong hotdog at hinugasan. Tapos ay hiniwaan niya sa gilid. Kumuha rin siya ng dalawang egg sa ref. My gaze followed every move he made.
Mukhang sanay siyang kumilos dito sa kusina.
“Madali lang naman kasi 'yan ihanda ang tamad mo pa.” I told him.
“Ba't nasunog?”
“E, kasi hindi non-stick ang pan mo kaya nasunog ang prinito ko.” Explain ko.
“Wala ka kasing alam kun'di maghintay lang. Lahat nakahain na sa harapan mo.” Sumagot siya ng hindi ako nililingon.
“Why is it my fault that we are well-off? That I don't even have to cook because someone else is doing it for me.”
“Kaya ba ganyan ang ugali niyo?” Doon na niya ako nilingon. May pang-iinsulto. “Dahil ba may pera kayo, pwede na kayong mang-apak ng ibang tao?”
I was taken a back. May laman ang sinabi niya.
“What are you talking about?”
Hindi siya umimik. He just stared at me.
“Are you mad at me?”
Nagalit pa rin ba siya dahil sa mga sinabi ko kanina. I will not say sorry to him.
Bakit ba feeling ko ay iba ang pinupunto niya?
“Just call me once you're done cooking. By the way, I want bacon too. May nakita ako diyan sa ref. Thank you.”
Lumiwanag ang mukha niya. Bipolar ba siya? Kanina lang ay hindi maipinta ang mukha niya tapos ngayon biglang ngumiti.
Iniwan ko na siya sa kusina at bumalik sa room ko.
Inayos ko ang bed ko na medyo may gusot saka ako humiga. I stared at the ceiling, thinking of a plan for how I could escape here.
I can't help but close my eyes. Ang sarap ng hangin na galing sa malaking bintana. Bukas na bukas kasi ang bintana kaya malayang nakakapasok ang hangin.
Ang sarap sana ng hangin kaso polluted pagdating dito sa loob ng bahay dahil may isang Wyatt na nagpapahirap ng buhay ko.
I hugged my knees and rolled on the other side of the bed. Bigla akong inantok. Sa sobrang gutom ko na yata kaya parang ang sarap matulog na lang.
Napabalikwas agad ako ng bangon dahil madilim na sa kwarto ko at labas! Gosh! Nakatulog ako.
Bakit hindi ako ginising ni Wyatt para kumain?
Inis akong bumangon. Inayos ko muna ulit ang kama na nagusot dahil sa paghiga ko.
Nakapatay na ang ilaw sa kusina paglabas ko ng kwarto. Ang night light lang ang nakabukas kaya medyo hindi ganun kadilim. Kung sa ibang pagkakataon ako lumabas na ganitong kadilim ay magtititili talaga ako sa takot. Pero ngayon hindi ko magawa dahil inis na inis ako.
Malakas kong kinatok ang pinto ng kwarto niya. The nerve of him! Hindi na naman ako nakakain. Masisiraan yata ako ng ulo kapag makasama ko pa nang matagal ang gurang na 'to.
“WYATT! WYATT!” kinakalampag ko na ang door niya. I don't care kung natutulog na siya.
Bumukas ang pinto. And here he goes again, walang suot na pang-itaas at nkatapis na naman ng towel.
Wala na ba siyang damit? O baka sinasadya niya para akitin ako. Pwes! I can't be distracted.
Wala akong nakikitang may malaking umbok sa harapan niya. Wala akong nakikita na hairy part sa puson niya pababa. Hindi ko nakikita ang v-line niya. At mas lalong hindi ko nakita ang paggalaw ng malaking umbok sa harapan niya!
Gosh! Nag-iiba ang tingin ko sa mga bagay-bagay ngayon. I exhaled deeply.
“Why?” tamad ang boses niyang tanong kaya binalik ko ang tingin sa mukha niya. Hindi talaga marunong kumilala ng amo ang gurang na 'to.
I laughed at him without humor.
“Why?” Hinampas ko siya nang malakas sa braso. “Why don't you ask yourself? Why didn't you wake me up when you finished cooking? Tingnan mo kung ano'ng oras na!”
“Gabi na.”
“Exactly my point! Gabi na pero hindi mo ako ginising para kumain. May plano ka bang patayin ako sa gutom?”
“Sinabi ko naman sa iyo, walang namamatay sa gutom ng isang araw pa lang hindi nakakain.”
I stomp my feet. Sobra na sobra na siya. Naiiyak na ako sa inis sa kanya pero siya, relax na relax lang.
“I hate you! Bukas na bukas din, I'll leave this place. We can't live together here. You're so... You're so kainis kasama! I don't know why my father hired you. Wala ka namang pakialam sa binabantayan mo. Mas inuuna mo pa ang sarili mo kaysa sa akin. How could you call yourself a bodyguard kung hindi mo man lang ako maprotektahan.”
“Saan? Sa gutom?”
Nanliit ang mata ko sa inis. Humalukipkip ako sa harap niya. “I hate you!” nanggigigil kong sabi.
He smirked. “I know. Kakasabi mo lang.”
I rolled my eyes. Sa inis ko, sinipa ko ang tuhod niya which makes him fall on his knees.
Grabe! Ang sakit ng paa ko. Ang tigas ng buto niya. Kasing tigas ng mukha niyang api-apihin ako dito porque hindi nakikita ni Daddy ang mga ginagawa niya sa akin. Humanda lang talaga siya dahil sa oras na magkaroon ako ng signal ay isusumbong ko talaga siya.
“f**k!” he cursed.
May f**k-f**k pa siyang nalalaman.
“f**k mo mukha mo.” I pushed him.
Napatili ako nang malakas dahil hinawakan niya ako kaya pumaibabaw ako sa kanyang katawan pagbagsak niya sa sahig.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Napapikit din ako. Napalunok ako't unti-unting nagdilat ng mata nang may naramdaman akong matigas.
Nakahawak siya sa magkabila kong braso. Nakatukod naman ang dalawa kong kamay sa dibdib niyang hairy.
Oh my gosh! Sa dibdib pa niya talaga ako napahawak.
“Bastos!” nasampal ko siya dahil may kumislot sa kinauupuan ko. And I know what it is.
Nagmadali akong tumayo at tumakbo pabalik sa room ko. Ni-lock ko agad ang pinto ng room ko.
Wala sa sariling napalunok ako pagkaupo sa kama ko. Nakatingin ako sa pinto. It's huge and fat. Oh, my gosh! Parang braso ko na iyon kalaki.
Erase, erase, erase.
Wala akong naramdaman. Wala. Wala Gabriela!
Patuloy kong kastigo sa sarili ko.
***
NAGISING AKO ng hatinggabi dahil kumakalam ang sikmura ko. I can't sleep. Kanina pa tunog nang tunog ang tiyan ko sa gutom. I know nagda-diet ako but not like this. He's starving me to death.
Bumangon ako't umupo sa kama. Gusto kong lumabas at pumunta ng kusina 'cause I can't take it anymore. Kakain ako. Pero hindi ko magawa dahil baka natutulog na si Wyatt and I'm scared. Baka may ghost akong makita.
Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang pinto. Nagulat ako dahil bukas ang ilaw sa sala at kusina.
Mas lalo akong nagulat dahil nakaupo si Wyatt sa sofa. His eyes are closed.
Ano'ng ginagawa niya rito sa sala? Bakit gising pa siya?
Nagdilat siya ng mata nang naglakad ako papunta sa kusina.
“Don't tell me you can't sleep kasi binabagabag ka ng kunsensiya mo.” I told him habang binubuksan ko ang nakatakip na plato. He cooked pork adobo.
Binuksan ko rin ang isa pang nakatakip na plate. It's rice. Hinila ko ang upuan at nagsimulang maglagay ng ulam at kanin sa plate ko.
Tumayo si Wyatt. Humalukipkip sa harapan ko. Nakatingin sa akin. Wow! Para siyang boss kung makatayo sa harapan ko.
“Pwede ba? Can you just go away.” Pagtataboy ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “Are you sure?”
Tumigil ako sa pagsubo. “Of course!” I replied and I continued eating.
In fairness, masarap siyang magluto.
“Masarap ang adobo. Siguradong cham lang luto mo.” I said.
Sarap na sarap ako sa niluto niya o baka dahil sa sobrang gutom ko lang.
“What's cham?” nagtataka niyang tanong. Naglakad siya at kumuha ng baso saka kumuha rin ng tubig sa ref.
Nagsalin ng tubig at nilapag sa gilid ng plate ko. Si Wyatt ba talaga ang kausap ko? Hindi kaya, isa siyang nasasapian na nilalang? Kanina ay magkaaway lang kami.
“Cham... Chamba. If I know, chamba lang 'tong masarap mong niluto.”
Napailing-iling si Wyatt at hinila ang bakanteng upuan sa harapan ko.
“Tsk. Finish your food. Inaantok na ako.”
“Huh! Hindi ko naman sinabing bantayan mo ako.” Bigla akong nainis na naman. Inirapan ko nga siya. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
“May narinig kasi akong umiiyak kanina kaya lumabas ako dito. Akala ko pa naman ikaw iyon,” sabi niya at tumayo.
Kinuha ko agad ang plates at nilagay sa lababo at naghugas ng kamay. Tumakbo ako para makasabay sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako.
“Inaantok na pala ako. You know, nakakapangit ang pagpupuyat.” Nginitian ko siya nang matamis na matamis.
Napailing lang ulit sa akin si Wyatt at nagpatuloy sa paglalakad. I followed him. Huminto ulit siya dahil sinundan ko siya hanggang sa tapat ng room niya.
“What?” patay malisya kong tanong sa kanya. Binuksan ko ang room niya at pumasok.
Pabagsak niyang sinara ang pinto. Naglakad siya sa papunta sa kabilang side ng kama. Hindi ba niya ako tatanungin kung bakit ako nandito?
“Pakikuha nga pala ang toothbrush ko sa room ko, Wyatt,” patay malisya kong utos sa kanya.
Pagkatapos niya akong takutin, sa palagay ba niya makakatulog pa ako sa kabilang room na mukhang may kasama akong ghost doon.
He sighed. Inis siyang tumayo at binuksan ang pinto.
“Don't close the door na.” Pahabol kong sabi. Natatakot akong maiwan dito mag-isa sa room niya. Pero ayaw ko naman ipahalata na natatakot ako.
Sinunod niya ako. Hindi nga niya sinara ang pinto ng room niya. Pagkapasok niya sa room ko, bigla niyang sinara. I heard him na nilock ang pinto.
“Hey, Wyatt!” Pinuntahan ko agad siya at kinatok ang room ko. “Wyatt, ano ba? Hindi ka nakakatuwa. Open this door.” Bigla ay nagpanic ang utak ko and I remember what he said earlier na may umiiyak.
Bumilis ang t***k ng puso ko kaya tumakbo ako pabalik sa room niya at sinara ang pinto. Bwisit talaga ang Wyatt na 'yon! I can't trust him. Para na akong naiiyak sa takot.
Sumampa ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Grabe siya! Sobra-sobra na itong ginagawa niya sa akin.