Gabbie
I was just following Wyatt behind, letting my eyes wander to his place. His wall was painted in shades of gray and black. Very manly. The curtain has a deep brown color.
My gosh! I'm starting to hate this place because everything looked so dark in his house that I couldn't even bear to take a look. Something light would be better para naman magmukhang bahay.
Wala na ba siyang ibang color na alam? Malinis ang kabuuan ng bahay niya pero mukhang malungkot. Ang lungkot tingnan for me like him na mukhang iniwan ng asawa't anak.
Napahinto si Wyatt ng paglalakad kaya bumangga na naman ako sa malapad niyang likod.
“Ouch!” I gently caressed my forehead. He's tall and huge.
Nilingon niya ako ng nakakunot ang noo. Inismiran ko siya. He glared at me.
“What?” mataray kong sita sa pagtitig niya sa akin. “Ikaw na nga 'tong nakasakit sa akin but you looked at me as if ako ang mali.”
Umiling lang si Wyatt. “Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.”
My eyes widened. Aba, sumasagot pa ang bodyguard ko.
“Really? So, it's my fault pa pala ngayon dahil bigla kang tumigil. Oh, I'm so sorry.” I sarcastically apologize to him.
“Tss.”
“Iyan ang kwarto mo," he said, pointing to the door on the left. “Iyon naman ang kwarto ko sa kabila. Kapag may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kwarto ko.”
Tiningnan ko lang ang magkatapat na pinto.
“As if naman ang laki nitong bahay mo para i-tour pa ako kung saan ang room ko.” Naiinip kong sabi. “I'm so tired na Wyatt. I wanted to sleep na. I don't care kung nasaan ang room mo.”
Tinitigan ako ni Wyatt at parang may gustong sabihin. Sinalubong ko ang mga titig niya.
“Okay.” He said. Napailing na lang ulit siya pagkatapos ay hinila na niya ang mga maleta ko.
“Bakit ang dami mong dalang gamit? Kailangan mo ba lahat ng dinala mo dito?”
“Of course! Ingatan mo ang paghandle ng things ko kasi they are expensive, okay?” I instructed him.
Hindi kasi maayos ang paghila niya sa ibang maleta ko na hindi niya kayang hilain lahat.
I heard him sighing again. “Kulang pa nga 'yan. Kung hindi mo ako minadali, nadala ko pa sana ang ibang things ko.” I added.
He looked at me with disbelief in his face. “Ang arte.” He murmurs.
“What did you say?”
Tinapunan niya lang ako ng sulyap bago ako tinalikuran at iniwan.
Mabilis ang bawat hakbang niya. May ilang steps ng hagdan papunta sa magkatapat namin na room.
“Wyatt!” I called him. Nagmadali din naman akong sumunod sa kanya kaya hiningal ako. “I hate you!”
“Bakit kasi ganyan ang suot mong sandals?” nakasimangot niyang puna sa suot kong white na wedge.
Yumuko ako't tiningnan ang sandal ko. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, nahuli ko siyang nakatitig sa flawless kong legs dahil mini skirt ang suot ko.
Pinag-cross ko ang legs ko at inasar siya. Tumayo ako na parang pang-Miss Universe ang posture.
Napailing na lang siya ulit sa akin.
Binuksan niya ang pinto. Sumunod agad ako sa kanya kasi ang scary dito sa labas.
Nauna siyang pumasok sa loob tapos kinapa niya ang switch at binuksan ang ilaw. I was disappointed when I saw my room.
It was painted black! How I hated this color right now.
“Omg, Wyatt! Why is everything black?” I glanced at my bed and the bedding was also black.
Pumuwesto ako sa gitnang bahagi ng room.
“And it's freaking hot. No aircon, seriously?” I can't believe this.
There is a standing fan near my bed but it looks luma. And I don't even know if it's working or clean maybe.
He just shrugged his shoulders.
“Walang aircon, Senyorita Gabriela. Pasensiya na maliit lang ang bahay ko.”
“Urg! No, no. I can't stay here. My gosh, I can already smell sweat in our body. And that's so kadiri.”
“May fan naman saka malamig ang hangin dito sa probinsya.”
“Yeah, right. As if makakabuga ng hangin 'yang bulok mong electric fan. Look at that, it's so dusty. Eww! Baka magkasakit pa ako dahil diyan.”
He massaged the bridge of his nose. He looked pissed off.
“Hindi ka ba titigil kaka-reklamo mo?” Nagsalubong na naman ang dalawa niyang kilay na kay sarap paghiwalayin.
I crossed my arms with my poker face.
“Are you serious? 'yan talaga ang gagamitin ko?” I pointed to the stand fan na mukhang mauuna pang matumba.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
No. He looked serious. Iyong tipong ibabalibag na ako.
“Well, mukhang need na niyang mag-retired. Hindi ka man lang bumili ng bagong fan?”
“Malakas ang hangin niyang electric fan kahit luma na. Matibay 'yan saka sayang kung bibili pa ako. Ilang buwan ka lang naman titira dito.”
I just rolled my eyes. “Oh, yeah.”
“It's up to you. Kung ayaw mong gamitin 'yan, presko naman ang hangin dito.”
He opens the window.
“Fresh?! Lahat ng alikabok papasok dito sa room ko kasi nakabukas 'yang window. And it's so ingay pa ng mga frogs outside. My goodness!”
I feel stressed. Ngayon pa lang para na akong niluluto sa uling sa sobrang init.
Hindi kumilos si Wyatt. He crossed his arms while looking at me. Panay na ang scratch ko sa legs dahil may kumakagat sa binti ko.
“It's so malamok.”
How many times have I heard him sighing? Hindi ko na mabilang.
“Magpahinga ka na.” He told me before he headed his way out.
Palabas na sana siya ng room pero hinawakan ko siya sa braso.
“Paano naman ako makakapagpahinga dito? Ang daming lamok and it's so hot.”
“Ilagay mo na lang sa number three ang fan para malakas ang hangin. Inaantok na rin ako Gabriela.” Binawi niya ang braso sa akin.
“What if may pumasok na magnanakaw diyan?” nilingon ko ang window and it's scary talaga.
May puno pa ng mangga sa tapat ng window ko. Mahangin nga pero baka naman may ghost na dumaan like what I saw in the movie.
“You're scaring yourself too much, Gabriela.”
“Ang creepy kaya nitong place mo. Malayo sa ibang bahay tapos may puno pa ng mangga.”
Wyatt just ignores me, and that pisses me off!
“I'll pay you double just bring me back to Manila. Dad will never know. I swear. He will never find out.”
“Babayaran mo ako para magsinungaling?”
I nodded, smiling. “Yes.”
“Are you sure?” He repeated.
“Don't you trust me? How much ba?”
“Two hundred million kaya mo?"
My smile fades away. Nangunot ang noo ko. “What? T-two hundred million?” I repeated, confirming him.
He nodded.
My lips hang open from what I've heard. Seryoso ba siya?
I don't have that much money.
“Two hundred million! Are you kidding me?”
“Kung hindi mo kaya, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”
Tumalikod na ulit siya.
“Installment. I'll pay you twenty thousand muna then kapag nasa Manila na tayo, I'll pay you again.” I bargain.
Natawa si Wyatt nang may pang-iinsulto at manghang tiningnan ako.
“Brat, two hundred million sa twenty thousand?” He repeated.
Nagpantig ang tainga ko sa pagtawag niya sa akin na brat.
“I don't have a cash pa now that's why it's installment muna. But I can pay you. My Dad has a lot of money.”
“Your Dad. Yes, he has a lot of money. But his money and not yours that's why you can't pay me.”
I bite my lips. “Then lower your price.”
Wyatt massaged the bridge of his nose.
“Hindi ka ba napapagod?”
“Hindi.” Maikli kong sagot.
“No money, no deal.”
Nanliliit ang paningin ko sa kanya. Ang sarap niyang i-boxing.
“I hate you,” I murmured. Inismiran ko siya sabay hawak sa doorknob at pinihit para buksan. “Ako na lang ang aalis.”
Napalunok ako't napaatras dahil ang dilim sa labas. What if may ghost? “I said aalis ako,” ulit ko at nilingon siya.
Deadma lang si Wyatt.
Bakit wala siyang pakialam kung aalis ako?
Nagulat ako dahil biglang may nalaglag na something sa buhok ko. Napatili talaga ako. I can feel something crawling in my hair down to my neck.
“Oh, my Gosh! What is it? Wyatt! Kunin mo... Help.” Naghi-hysterical na ako sa sobrang kaba ko. My heart beats three times more than my normal heartbeat.
I don't know what to do. Feeling ko magpapass out ako. Feeling ko it's the end of me. Ini-imagine ko pa lang na some kind of a worm iyon, I'd rather die than let it crawl over my body. It's eww! Really. Takot talaga ako sa worms saka iyong mga gumagapang.
My body froze when I felt that it was crawling fast. I couldn't breathe. But Wyatt just shook his head at nilagpasan ako na halos maiiyak na. Pumasok siya kabilang room at iniwan ako!
The heck!
“WYAAAT!" I shouted. “WYATT!”
Dineadma niya talaga ako. How come naging bodyguard siya pero heto at iniwan niya ako when I needed him most!
Paghawak ko sa neck ko, may something slimy. And there... biglang nagdilim ang paningin ko.
When I opened my eyes nakahiga na ako sa kama. Nakabukas ang ilaw.
I don't know how long I passed out, but the thing that made me pass out brings it back to my mind. I can still feel that kadiri na iyon. Nagpanic ako.
My first reaction was to scream. I immediately got up from my bed and ran out of the room. Feeling ko nasa katawan ko pa rin ang kadiring bagay na iyon.
Binuksan ko ang door na katapat ng pinanggalingan ko na room without knocking.
"Oh, my gosh! Oh, my gosh! Oh... may abs."
From malakas kong sigaw pagpasok naging halos pabulong na nung nakita ko ang kalahating hubad na katawan ni Wyatt.
My gaze from Wyatt's eyes shifted down to his abs. Nakatapis ng black towel. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya.
Napalunok ako't napakagat ng labi. Nakalimutan ko agad ang pinunta ko rito.
He stared at me blankly. No emotions. As if he's okay with me seeing him naked right in front of my eyes.
“You're... You're naked.” Bakit bigla na lang ay nabulol ako? It's just Wyatt.
I turned my back on him when I realized that I was looking at his naked body. Kinabahan din ako.
“Mag-lock ka nga ng door mo!” galit kong sabi sa kanya para pagtakpan ang nakita ko.
“You're the one running over here.”
“Because it wasn't locked. Ang pangit naman ng katawan mo.” I said just to cover up my shame.
He has this gorgeous body with well-defined abs.
“Get out.” He coldly told me.
“You don't need to say that dahil lalabas na talaga ako. Baka... baka pagnasaan mo pa ang innocent kong body.”
Padabog akong lalabas na sana. But to my surprise, a cold hand stopped me from leaving.
Pinaharap niya ako. Namilog ang mga mat ko. Dahan-dahan siya lumapit sa akin. Ako naman, umaatras.
“Hey. What are you doing?” I crossed my arms in front of my chest. “I am not what you're thinking I am. So, stay away from me.”
Wala siyang kibo.
“I said I'll shout,” I warned him.
A smirk tugged in his lips.
“Go ahead.” He challenged me.
Napaatras ako lalo until I reached the closed door. Tinukod niya ang isang kamay niya sa gilid ko.
Napalunok ako sa ginawa niya. Kanina ay ang tapang ko pa ngunit ngayon tila nababahag ang buntot ko.
“Stay away nga.” Inis kong sabi. I pushed his body away from me but I didn't want to touch him. “Ano ba, Wyatt? Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. We're not even close.”
He stayed still. His eyes were looking at my eyes down to my lips.
Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Is he affected by my presence?
“Kawawang uod. Namatay sa buhok mo.”
“What the hell! Tell me nagbibiro ka lang." Napalunok ako at dinadambol nang malakas sa kabaang dibdib ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya.
“Get it.”
“Say please.”
“Just get it!” I yelled at him. I don't want to touch it.
“Say, please Wyatt get it,” ulit niya para sabihin ko. But there's amusement in his eyes while me, halos lumabas na ang puso ko sa sobrang takot.
“I hate you!”
He smirked. “Okay.” Aakma na siyang lalayo sa akin.
I closed my eyes. “Please,” I said kahit sobrang labag sa loob ko.
“Labas sa ilong.”
I stared at him like I was murdering him in my mind.
“Okay, fine! Please, Wyatt.” Pakiusap ko pa kahit labas sa ilong. Tuso niya.
“One more.”
I exhaled. Pikon na pikon ako sa kanya.
“Please.” Mahinanon ko nang pakiusap.
That made him smile. Bagay sana sa kanya kaya lang, mukha siyang kontrabida sa paningin ko ngayon.
Nang nakuha na niya, sa inis ko, sinipa ko nga siya sa binti at tumakbo pabalik sa room ko.
“f**k!”