"f**k you! Wala nang rason para hilingin ko pang makita ka muli Rohws! Isa pa tandaan mong ito na ang magiging huling pagkikita natin! Dahil oras na makita kitang muli ay ituturing na kitang estranghero. Kung kaya't siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan dahil hindi kita mapapatawad oras na baliin mo iyon. So please find a new girl to play with. Huwag mo na ako idamay dahil wala akong panahon sa'yo. Get lost!" Iyon ang huling binitawang salita ni Briel sa akin na hanggang ngayon ay nagpapangiti sa akin. Hindi kasi maalis sa isip ko ang nanliliksik nitong mga mata nito na imbes takutin ako ay mas nagagandahan pa ako lalo dito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at ang tinding ng atraksyon na nararamdaman ko para sa dalaga. F*ckin

