Nakatulala ako sa kisame ng aking kwarto at pinipilit kong isipin kung paano maiaalis sa isip ko ang lahat ng katangahan na ginawa ko. Ngunit simula pa kanina ay wala pa rin akong nagagawang solusyon. Kaya kagat labing ipinatong ko ang kanang braso ko sa aking noo at sandaling ipinikit ko ang aking mga mata upang sana ay makapag-isip ako ng tama pero hindi pa man nagtatagal ay narinig ko na lang bigla ang pagtunog ng akinh cellphon kaya dali-dali kong inabot iyon mula sa pagkakapatong nito sa mesang katabi ng aking kama. Tiningnan ko ang caller I.d at napangiti ako nang rumehistro roon ang pangalan ni Milo. Agad-agad ay sinagot ko iyon at punong-puno ng excitement na binati ko ito. "Hello nak, musta na kayo riyan? Okay lang ba kayo riyan? Iniinom niyo ba ang vitamins niyo—" "Mommy dam

