Chapter 1
--
Living in this country without parents by your side is hard. Konting mali mo lang gagawaran ka na kaagad ng mga masasakit na salita though hindi naman ako nasasaktan dahil nakasanayan na. Bully doon bully dito dahil wala raw akong mga magulang. Gago lang? Pano ako nabuhay dito kung wala akong mga magulang na gumawa sakin? Tss.
Hopefully my auntie raise me well, masasabi ko parin sa sarili na kahit papaano ay swerte ako. She's not the typical tita na nakikita mo sa soap opera, hindi niya ako inaalila o sinisingil sa mga perang ginastos niya sakin.
My mother died while laboring me and as for my dad... sumakabilang bahay na raw. Yan ang kwento nang kaibigan ni tita sakin, hindi ko pa nga makuha kong ano ang ibig sabihin niya, hanggang sa ma-gets ko at ang ibig palang sabihin nun ay nagkaroon na ng ibang pamilya.
"Kwentohan mo pa ako tungkol sakanya," pangungulit ko sakanya nung isang araw.
"Ang kulit nitong jonakis mo, Irene ha! Yun lang ang alam ko, Slet, at saka hindi ko type ang tatay mo para halughugin ko ang boung buhay niya," paliwanag niya at umirap. "Kumuha ka nga ng platito doon at saka tinidor, kakain tayo! Favorite cake mo 'to."
'Yun parati ang routine naming tatlo, nagtatanong ako sakanila tapos nililihis naman nila ang tanong ko. Binalot ako nang galit at ang utak ko ay puno ng mga tanong. Saan siya nung naghihingalo si mama? Ba't niya ako iniwan? Bakit sila naghiwalay? Ayaw niya ba sakin? May importante pa ba sa buhay niya maliban sakin?
Grade 9 ako nung malaman ko ang boung katotohanan sa pagkatao ko. Habang pababa sa hagdanan bitbit ang mga damit na hindi na kasya sakin, mula rito ay dinig ko ang pag-uusap nila ni tita Sarra.
"P-parang ga...ga lang?" tumawa si Tita Sarra, halatang lasing.
"Sarra! Baka marinig ka ni Winslet!" agad akong humakbang pabalik ng marinig ko ang aking pangalan.
"Ano naman n-ngayon? Kai...langan niyang malaman, Irene! Ewan... ko sayo kong bakit mo tinatago sakanya!"
May tinatago si tita sakin? Ano? Ang ipokrita talaga nitong si Sarra, ang tagal ibunyag.
"Ako naawa sa 'yo 'e! Parepareho lang tayo, Irene..."
"Magkaiba tayo," mariing wika ni tita.
Ramdam kong meron silang tinatago sakin. Ano naman ang sikreto nila? Masyadong bang confidential at hindi nila ito masabi sakin?
"At pwede ba lasing ka 'na. Dito ka na matulog at kahit anong gawin mo hindi ko sasabihin sakanya, masasaktan lang siya," bahagyang pumiyok ang boses niya. Naghahalong takot at lungkot ang boses niya ngayon.
Ayaw akong masaktan? At sa paglihim niya sa ganitong bagay, sa tingin niya hindi ako nasasaktan?
"Tang*na, Irene," humalakhak ang kaibigan niya. "Paano na lamang pag malaman niya sa iba, ha?"
"Anong gusto mong gawin ko, Sarra? Sabihin sakanya na, Winslet produkto ka nga pala ng one night stand. Wag kang magalit sa tatay mo, Slet, dapat pa nga siya magalit sayo kase ikaw ang pagkakamali niya? Produkto ka lang ng kalibugan, Slet! Ganun ba, Sarra?" ani ni Tita halatang hindi na nakapagpigil.
Parang yumanig ang buhay ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwala! Hindi ma proseso ng utak ko ang nalaman ngayon.
Slowly, one tear slide on my cheeks.
Lahat ng tanong sa isipan ko ay nasagot. Isa akong pagkakamali? Produkto ng kalibugan? Shvt! Fvck! Damn! Tang*na! Gusto kong sabihin lahat ng mga mura dito sa mundo.
"Irene..."
"Winslet, malapit kang makasira ng pamilya-"
Hindi ko na 'yon tinapos, dahil ang sakit sakit na, 15 years akong binalot ng galit pero lahat 'yon ay walang saysay! Tama si tita, dapat nga siya pa ang magalit sakin kase malapit kong masira ang pamilya niya!
I ignored all my hard work in academics. The sweat and blood I risked, binalewala ko lahat 'yon. Nakakadiring balikan 'e.
"Uy Acosta sama ka samin?" tanong ng lalaking kaklase ko nung isang araw.
"Saan?" pagod kong tanong sakanila habang nagliligpit ng gamit.
Ngumisi siya. "Alam mo na 'yon."
Bar na naman? Kakaumay.
"Wag ka ng tumanggi, Acosta, may bagsak ka na tapos major pa 'yon kaya sama ka nalang."
I sighed, she's right. Kung uuwi naman ako samin mababagot lang ako sa mga half bold music ni Sarra.
Tumango ako. Sa araw na 'yon ay nagbulakbol kami, I enjoyed that day. Parati na akong sumasama sakanila at walang araw na hindi ako nababagot na kasama sila, they taught me how to smoke and drink.
Being with them is like you are uncaging the tiger you hide for a long long long years.
"Ang lakas talaga nitong si Nero, biruin mo pinapasok tayo kahit minor pa lang," natatawang wika ni Nikki, habang sumasabay sa tugtug ng musika.
"May oras 'to 'no! Baka maabutan pa tayo ng kaibigan nang daddy ko, lagot ako dun for sure," sagot ni Nero.
Hindi kami nagtagal sa bar na 'yon, ayaw pa nga lumbas ni Nikki ngunit pwersahan siyang hinila ni Nero at Karyl. Napadpad kaming magbabarkada sa arcade, hindi ako mahilig sa ganito kaya nasa tabi lang ako at nagmamasid sa kanilang apat, halatang tipsy na ang mga gago.
"Sali ka dito, Slet!" aya ni Nikki sakin, ngumiti lang ako at umiling. "Kj mo!" sigaw niya at muling bumaling kina Nero.
Sa ganong paraan natapos ang araw ko. Yayain pa sana nila ako mag movie mara sa bahay nina Nikki ngunit tumanggi ako. Ayokong gabihin sa daan.
"Dito lang, kuya."
Kaagad kong dinukot ang candy sa bulsa ko, I don't know what this is for, pero sabi nila para raw hindi ako mahalata ng Tita ko. Trinary ko nalang rin. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng biglang bumukas ito at bumungad sakin si Tita na halatang galit.
"Saan ka galing?" mariin niyang tanong.
"Sa paaralan, san pa ba?" pabalang kong tanong at nilagpasan siya.
"Ay pasmado ang bunganga," ani ni Sarra, sinamaan ko siya ng tingin.
"Paaralan? Wala ka doon," she pulled my wrist, stopping me to go upstairs. "Ano bang nangyayari sayo, Winslet?! May isang bagsak ka! Major pa!" halos pasigaw na 'yon.
I stare at her with a blank emotions.
"How can you achieve your dreams-"
Marahas kong binawi pabalik ang pulso pulsohan ko at pinipilit na hindi maiyak sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita niya ang namuomuong mga luha ko.
"I don't have dreams anymore!" malamig kung wika upang matigil na siya.
Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. "What are you talking about?"
Tumikhim ako. "How can you easily forget, tita?" she's puzzled! "Narinig ko kayo..." my lips are shaking. "Nabuo lang naman ang ambisyon na 'to, tita, nang sinabi niyo saking may iba ng pamilya ang tatay ko..."
dahan dahang bumuhos ang mga luha ko na parang isang falls. "But you never s-said that I was a p-product of mistake," hindi ko mapigilang mapaupo sa hagdanan dahil sa panlamlambot ng mga tuhod ko. "I was a-a-ashamed to myself, tita. Sa halip na magalit ako sa ama ko... dapat magalit ako sa nagluwal sakin! She almost broke a family, because of that fvcking lust! Damn, one night stand! Damn this life!"
"Slet hindi kasalanan-"
I immediately cut her off.
"Kasalanan yon ng babae!" napasinghap sila pareho sa sigaw ko. "She can fvck other man! Yung walang sabit! Doon pa talaga-"
Hindi na ako nagulat ng makaramdam ng pagdapo ng palad niya sa pisnge ko. Dinig ko ang paghikbi niya. I'm not in the mood to embrace her kung sinabi niya lang ito ng maaga hindi sana kami aabot sa ganito.
"Kayong mag-ina ang nauna sa buhay ng tatay mo," she kneeled in fron of me so that we could be on the same level, then cupped my face. I don't have the strength, to remove her hands on my face. "Ngunit kahit anong paliwanag ng nanay mo sa mga tao hindi siya nito pinaniwalaan kase wala siyang pruweba, so take this as your lesson..." pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisnge ko.
"Ikaw ang pinakamatalino sa paaralan niyo, Winslet, ngunit paano mo iyon maipapagmamalaki kung wala kang pruweba?." she caressed my face gently. "Kaya gusto kong maging una ka sa lahat, top one... upang mapatunayan mo sa mga tao na sa ganitong larangan ikaw ang nangunguna..."
My brows furrowed. I stared at her for a moment, trying to process what she said.
"I want you to graduate with a Latin honor, Winslet." sumeryoso ang mukha niya at boses. It was my first time seeing this side of hers. "Not a c*m laude neither magna... I want summa." Napalunok ako sa sinabi niya. "With that title, people won't look you down."
Napailing ako sa sinabi niya. "I can't-"
"Then try harder, Winslet! In this way you can save your mother's dignity and yours..." she stares at me in.
She wants me to graduate with Latin honor? But reaching summa is impossible for me...
Sa araw na 'yon, nagsimula ang pangarap ko. Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko, hindi na ako sumasama sa kanila hindi dahil ayaw ko, dahil yon ang sabi ni tita. I have to distance myself from them. Walang oras na hindi ako nag-aaral o di kaya'y wala sa library. Lahat ng activities ay sinasalihan ko, for me to earn points.
Ngayong gagraduate na ako being senior high. Ngayon ko lang masasabi na masarap ang naging bunga ng lahat nang pinaghihirapan ko.
I'll graduate as a valedictorian on my batch though nasa public school lang ako. Kahit na! Ang sarap parin sa feeling.
I dialed Henry's number to brag about this. I gigled first when he picks up the line.
"Whats up, Slet?" his voice is husky. Lumiit ang mga mata ko, I know where he is sa tano palang ng kanyang boses.
"Did I disturb you in the middle of o****m?"
"The fvck, Winslet."
"You win." napairap ako.
"Wow! Ang honest natin a!" rinig ko ang halakhak niya.
Umirap ako.
"Are you happy?"
"Of course," gago lang?
"Talaga sa tono mong 'yan? Masaya ka?
Magkano ang average mo?"
Ang daldal ha!
"Sa dating tagpuan bitbit ko," ani ko at sinulyapan ang bitbit kong paper bag.
"Pinaghandaan!" kung nasa personal lang kami ngayon, kita ko na ang mapaglarong ngisi niya.
I smirked. "I felt pity for you so, I accept your proposal though its the dumbest proposal."
"My middle finger salutes you," then he hang up.
Minute later, I recieved a text from him. Siguro c****x na.
Henry:
On my way, nerd. ;)
Asshole. Naiirita ako sa wink emoticon niya!
Winslet:
I lost the paper bag. :(
Henry:
Joke lang, ganda.
Hindi na ako nag reply sa huling mensahe niya. Nang makarating ako tagpuan namin ay bumali muna ako ng milktea para hindi ako mabagot doon.
Henry is Tita Sarra's nephew. Kagaya ko, ay ang tita na rin ang nagpalaki sakanya. I thought I'll hate him nung tumira siya samin pero hindi naman siya mahirap pakisamahan, hindi plastic! Kaya I'm so thankful na hindi siya nag mana kay Tita Sarra. You know Sarra is kinda... bitchy.
Henry is the only friend I treasure. We see each other as a brother and sister, no special meaning.
Habang nagbabasa ng paboritong kong libro ay may biglang umupo sa tabi ko. Hindi ko sana iyon lilingunin nang makalanghap ako ng pamilyar na pabango.
"Hi?" tanong niya habang nakaupo ng nakapandekwatro. Ilang minuto ang lumipas bago ko maproseso kung sino siya.
Oh, one of Henry's friend.
"Stop eye r****g me," ngumisi siya. "I can sue you for that," wika niya at nagkibit balikat
I smirked. "Mas mukha kang r****t kesa sakin," at inirapan ko siya.
Rinig ko ang pabulong niyang tikhim. Akala ko ay aalis na siya pagkatapos ng ilang minuto, pero hindi. Sa halip ay umusog siya palapit sakin at dumukwang sa binabasa ko. Ito ang ayaw ko sa lahat, chismoso! Padabog kong tiniklop ang libro at tinaasan siya ng kilay. Tinaasan niya rin ako ng kilay dahilan para mas lalo akong mairita sakanya.
"Your book is kinda... boring," aniya at nagkibit balikat. "I suggest you to read 50 shades of freed-"
"Now I know, who poisoned Henry's mind."
He shook his head. "He's the one who poisoned my mind not the way around."
"Liar," I murmured. Kumunot ang noo ko ng makita ang mapaglarong ngisi niya.
"Baka ikaw ang lumason?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "My middle finger salutes you," and I showed my middle finger.
"Mine too," then he do the same.
I act calm but deep inside pikon na pikon na talaga ako sakanya. Wait... Asan na ba kase si Henry?
"C'mon, don't play-"
He was interrupted by my cellphone's ring. Kaagad ko siyang tinalikuran at sinagot ang tumawag. Mas lalong akong napikon ng marinig ang halakhak ni Henry.
"My middle finger salute and adores you so much! Freaking Henry!"
"Huh? Ano?... I can't hear youuu..." gigilitin ko talaga ang leeg mo mamaya! "Andyan na ba si Primo? Ibigay mo na lang sakanya! I love-"
"Magka-STD ka sana, Henrio!" then I push the red button harshly.
That jerk! Akala siguro niya na ganun na kagaling ang acting skills niya! Tss. Bumaling ako sa lalaking isa rin sa mga alagad niya. Inirapan ko siya at padabog na tinapon ang paper bag sa dibdib niya. Kita ko ang bahagyang pagngiwi niya sa ginawa ko.
Umuwi ako sa bahay naming hindi maalis alis ang pinaghalong irita at pikon. Naiirita ako kay Henry at pinaghalong irita at pikon naman doon sa isang lalaki. Feeling close siya! Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Ngunit mas nakakairita ang traffic ngayon! Kaya ang ginawa ko ay tinitigan lahat ng mga pictures na kinuha ko sa bulletin board kung saan nakapaskil ang pangalan ko at nangunguna.
Makulimlim na ang gabi ng makauwi na ako samin. Kumunot ang noo ko ng makitang mayroong magarang kotse na naka park sa harap ng bahay namin.
"Anong ganap?" bulong ko sa sarili.
Akmang kakatok na ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang lalaking kampon ni Henry, sa likod niya ay si... Sarra. Napaawang ang bibig ko, lahat ata ng dugo ko ay napunta sa pisnge ko ng makitang nakatuwalya lang si Sarra.
"Fvck." mura niya nang kaagad ko siyang tinulak papasok sa bahay namin, tumitili na si Sarra.
I'll make sure na hindi na siya makakalabas ng buhay dito. Ang daming motel at hotel dito sa laguna tapos dito pa talaga sila naghasik ng lagim? Hindi niya ba alam na tita ng kaibigan niya ang ginagawan niya ng milagro?!
I was about to slap him when I heard a baritone voice behind.
"What happened here?"
I don't know how many times I blink in one minute. A man wearing business attire shouting his manly aura, looks so familiar to me. Hindi ko inalis ang paningin sakanya ganun rin siya sakin, and it takes minutes for me to process who he is.
"Pa..." mahinang bulong ko, sapat na marinig ng lalaking nasa harap ko ngayon na hawak ang kamay ko na naiwan sa ere kanina.
--
Ashiens