Chapter 2

2367 Words
-- "I'm sorry for the years that we've lost." Heto kami ngayon sa teresa nag-uusap ng masinsinan. Kahit malapit lang kami sa isa't isa ramdam 'ko parin na mayroong pader na nakaharang samin. "I-it's okay," I should be the one saying sorry. Buong buhay ko ngayon pa lang ata ako napaos. I glanced at him, tama nga si Sarra I got my eyes on him, I bit my cheeks inside, stopping myself to cry. Nakakataba lang sa puso na mayroon akong nakuhang features sakanya. I want to brag my success on him pero nahihiya ako kase ang layo ng topic namin sa mga medalya at awards ko. Biglang nag sink in sa utak ko ang tanong na gusto kong masagot at marinig sa bibig niya. Suminghap ako. "A-a-am I, a p-product of one n-night stand?" parang gusto ko na lang atang bawiin ang tanong ko ng magtagpo ang mga mata namin. I'm chickening out! He smirked, at niluwagan ang necktie niya. "Oo, hindi ako magsisinungaling tungkol dyan," Napayuko ako sagot niya, ni hindi man lang siya nag alinlangan na sagutin yon. "Me and Ire-" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang dumating si tita na may dalang tray. "Sorry to interrupt." She smiled at me sweetly. "I brought coffee and juice, sabi ni Callip paborito mo ang dark coffee kaya I made one." Paliwanag niya habang nilalapag ang inumin. Akala ko ay aalis na siya, sa halip ay umupo ito sa kabilang sofa. "Naku, Alfred don't you ever hurt my niece-" "Tita." Mahinahong saway ko. Nagpalipat lipat ang tingin samin ni... Papa. He's my father kaya okay lang siguro na tawagin ko siyang ganyan? Binalewala ni tita ang saway ko. "Irella must be happy wherever she is! Kase finally nagkita na rin ang mag-ama niya." Then she clapped, para siyang bata. Ngayon ko lang nakita ang energetic side niya. "Yeah, Irella..." sambit ni papa. Kakainis! Nasagot na nga pero hindi ko naman nalaman kong bakit! Somehow parang mas oa sila ngayon ni Sarra kesa sakin. "Uhm..." Tita shifted her eyes on me. "Winslet, why not invite your father in your special day?" Yumuko ako at doon pumikit ng mariin. I was doing my move right here pero parati siyang sumisingit. "Special day? Your Birthday?" Nalilitong tanong ni papa. Pagak akong tumawa, wala talaga siyang kaalam alam sa buhay ko. "Its not my birthday... Its my graduation day." Nahihiyang sagot ko at binigay sakanya ang invitation. It was not meant for him, its for tita. Pero ngayong andito na siya, sakanya nalang. He smiled, and it melted my heart. Simpleng gesture pero hindi ko alam kong bakit ko nararamdaman ito. Ngayong nandito na siya parang natunaw lahat ng galit at poot ko though simula ng malaman ko lahat mula kina tita at Sarra, nawala ang galit ko para sakanya. Ngunit ang galit para sa aking ina ay nandito parin sa puso ko and I think no one can erase that. "Ni isa wala akong natanggap na ganito sa mga kapatid mo," aniya habang nilalagay sa coat ang invitation, maliit lang iyon kaya kasya sa bulsa ng coat niya. Hindi niya binasa kaya hindi niya alam na valedictorian ako. Gusto kong sabihin sakanya pero hindi ko gagawin, I'll let him find out by himself. "I have brothers? Ilan?" Masayang tanong ko ng maalala ang sinabi niya kanina. "Three." Hindi ko mapigilang mapamangha, I've always wanted a brother though kahit andyan si Henry (he's looks like my older brother for me) pero iba parin pag kadugo mo talaga. Tumango ako sa sagot niya. Tatlo ang kapatid ko tapos lalaki pa. Great! Walang plastikang mangyayari. He cleared his throat. "Can you please leave us for a while, Irene? I just want to talk on your niece." then he smirked. Tita shook her head first, before she stood up. Napaigtad ako ng bahagya niyang ginulo ang buhok ko then softly tapped it thrice. "When I got the perfect time, Winslet, I'll introduce my world to you," he smiled a bit. Napayuko ako, a daughter like me who are longing for her father's love and care, a simple gesture means thousand for us. I nodded happily. "I'll wait for that perfect time." "I'm sorry for being rude, but It's getting late, Alfred, we need to go home," bigla ay sumulpot ang lalaking kagaya niya rin ay naka business attire. My father is inch higher than him and well, he got this calm aura. Kahit nabitin ako sa pagsasama namin kailangan na niyang umuwi syempre hindi kami ang uwian niya. Nagpaiwan ako sa teresa namin dahil pumasok sila muli sa loob. I was about to let go my tears, nang biglang lumabas ang kaibigan ni Henry. He calmly sit down kung saan nakaupo ang papa ko kanina. Kaagad kong pinunasan ang mga nagbabadyang luha at binigyan siya ng irita na mukha. The side of his lips raised then he arched his brows, I arch mine too. We stared at each other walang gustong bumitaw. I guess he has connection on the man later ago. He got calm aura too, and some soft features. He suddenly winked, parang napaso ang mga mata ko doon, naputol ang tensyon na namamagitan saming dalawa dahil doon. "I won," he concluded, at merong panunuya sa kanyang tono. "I won," I mocked then rolled my eyes. "Ano bang ginagawa mo dito sa teritoryo ko?" Iritado kong tanong sakanya. "I didn't questioned you like that, nung nandoon ka sa teritoryo ko," malumanay niyang wika. "You don't own that school, so you don't-" "You don't own this house too," Then he shrugged. I cursed silently, baka maring pa ako ng ama ko. Sinamaan ko siya ng tingin. I don't want to ruin his impression to me. Lumipad ang tingin ko sa paper bag na hawak niya. Its my paper bag! Hindi niya binigay kay Henry? "Bakit na sa'yo pa yan? Ninakaw mo yan 'no?" pamimintang ko. Kaagad tumaas ang kilay niya. "You're so judgmental. Stop that," he calmly shook his head. Napatikhim ako sa sinabi niya. "Then stop pestering my life-" "Am I?" he smiled evilly. "Then I will be the pest in your life forever-" "Asa! I won't let our paths cross again." kaagad kong agap. Hindi ko hahayaan ang kagayang tao niya sa buhay ko, hindi ako madaling maka move on! Bawat salita ng kung sino ay tumatatak sa utak ko and it will distract me from studying. Hindi ko pa nga nakalimutan ang pangbibiwesit niya sakin kanina! "You should blame our destiny-" "The fvck, kadiri ka!" Napaismid ako, nandidiri sa mga salitang ginagamit niya! Our Destiny? Tang*na ha! "Ikaw bahala," aniya at nagkibit balikat. He's pouting at sinasadya niya 'yon! Akala niya siguro ganun ka pula ang labi niya- well its damn fvcking red! "Such a boastful driver," I teased. His jaw clenched. "You're hurting my ego too much, Winslet. First r****t, pangalawa magnanakaw and then now... a freaking driver? Sabihin mo na lahat." He smirked. "Nahiya ka 'pa." Bingo! I got him! Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Handa ko na sana siyang iwan ng biglang dumating si... Sarra, tatawagin ko siya sa pangalan niya pag naiirita ako o di kaya'y galit sakanya. Hindi ko pa kaya nakakalimutan ang ginawa nila kanina! Humilig siya sa pinto, her stance is kinda... seducing someone?! Nilingon ko si Primo (yan ang narinig ko kanina) Nakatayo na siya ngayon, nag-iwas siya ng tingin. I returned my gaze on Sarra, kinuotan ko siya ng noo. "Old carabao eats young grass. Tss," I commented in a disgusting tone. "Gaga! Hindi siya." Padabog siyang humalukipkip. Aba! Ang dalawang 'to! Isip bata! Ilang minuto ang lumipas bago natapos ang kung ano man pinag-usapan nina tita at papa. Hinayaan ako ni tita na ihatid sila, syempre hindi nagpahuli si Sarra doon. Nang nasa gate na kami ngayon ko lang napagtanto na dalawang kotse pala ang dala nila. "Primo, lets go," anang ng kaibigan ni papa, he smiled a bit, when our gaze met. "Yes, dad" mariin nitong sagot at sumunod sa lalaki. So papa niya pala 'yon? Primo's jaw clenched again, I just sighed and didn't bother to look back at him. Masaya kong hinarap ang ama ko na ngayo'y may binubunot sa wallet niya. He handed me a black ATM card pero kaagad akong tumanggi. "Wag na po..." nahihiyang tanggi ko. "No. Take this, Winslet, it's your allowance-" Kaagad kong naramdaman ang akbay ni Sarra sakin. Ayan na naman siya! "Ohmy, Slet! You should take that! Para mag level up naman tayo sa graduation mo. Kakaumay ang spaghetti kaya carbonara naman!" masayang singit niya at kinuha ang atm card sa kamay ni papa gamit ang kamay ko. Nakakahiya talaga ang ipokrita na 'to. "Thank you, Alfred," pasasalamat nito habang nakaakbay parin sa'kin. Binalewala siya ni papa. Sa halip ay tinapik niya ang balikat ko at ngumiti ng konti. I smiled at him widely. "Take care po..." paalala ko bago niya binuksan ang pintuan ng kotse, he just nodded on what I've said and then hopped in. Kumaway ako, hoping na baka makita niya ang saya sa mukha ko ngayon. I just... couldn't handle my feelings. Pinaghalo ang emosyon ko ngayon, masaya dahil nakita at nakilala ko na siya, malungkot kase... magkakahiwalay na naman kami ulit. Bakit ba kase ang bilis ng oras ngayon?! Tss. "Bibili na ako ng rekados bukas!" Napabaling ako kay Sarra na ngayo'y sinusuri ang atm card. She giggled. "Magkano kaya ang laman neto?" I crossed my arms. "Sa tingin mo magkano?" I smirked. "Enough kaya yon para makabili ka ng alahas?" Kaagad kumunot ang noo niya sa panunuya ko. She rolled her eyes. "Kahit bilhin ko pa ang isang jewelery shop, barya lang yon para sakanila! Wag ka ngang panira ng mood, Winslet Bernice! Nag mana ka talaga sa modrakels mo!" aniya at ngumiwi saka padabog na pumasok sa bahay. Marahas akong bumuntong hininga. Ang daming nangyari ngayong araw at lahat ng yon ay hindi ko inaasahan. The next day was... kinda okay? I spent my whole day in shopping, actually I'm not into fashion si Sarra lang talaga ang nagpumilit na gawin namin 'to, para raw may masout ako sa graduation day ko. Hindi nakasama si tita cause she's in work. It was a long day, dahil hindi lang naman ako ang nag shopping pati rin ang ipokrita. When I couldn't contain the boredness anymore, I snatched the ATM card on Sarra's hand. Hindi niya iyon napansin dahil sa tuwa, dahil kapiling na niya ulit ang mga kapritso niya! Dumiretso ako sa isang bookstore. Napanguso ako, oo nga't maraming pera ang ama ko pero baka kasi sabihin niyang inaabuso ko siya! I took a deep breath then sighed, panghuli na 'to. I'll just buy my favorite book. "Gotcha!" Bulong ko ng makita ulit ang binabalik balikan kong libro dito. This book is about Engineering and I'm kinda interested... Masyadong mahal rin kase ang librong ito, kaya hindi ko kaagad nabili, pinag-iponan ko pa nga 'e. Ilalagay ko na sana ang libro sa basket na dala ko ng may biglang umagaw nun. Halos mapamura ako ng makita kong sino yon! Siya na naman! Primo in a black jeans (at dahil sa tangkad niya ay hanggang ankle lang niya) matching it with blue striped tee at syempre hindi mawawala doon ang ngisi niya. "Ako ang nakauna kaya akin na," mariin kong wika tsaka umirap. He smirked. "I like this book," anito at hinila ang libro palapit sakanya. "And I own this store." Tumikhim ako, hinigpitan ang hawak sa libro ganun din siya. Gosh! How can I get rid in this man?! Tangina ha! Hinila ko rin ang libro palapit sakin. "Since when?" tinaasan ko siya ng kilay. Hinila niya ulit ang libro. "Right now, I guess?" Hinila ko ulit ang libro. "Shut up!" Hinila niya ulit ang libro at dahil sa lakas nun ay tumama ako sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Stunned, probably. The people inside this store are gasping. Kaagad akong lumayo sakanya, para akong napapaso! Sinamaan ko siya ng tingin nang makitang hawak na niya ang libro na pinag-agawan namin kanina. Ngumuso siya habang sinusuri ang librong bahagya ng nalukot. "Marami iba dyan tungkol sa Engineering-" "Ito ang gusto ko 'e." Mahinahon niyang wika at nagkibitbalikat. "I'm gonna buy this store anyway." Nilibot niya ng tingin ang boung kabuobuan ng store. Wow ha! Wow! Pa ulit ulit? Nang iinsulto ba 'to? Sa bagay mayaman siya at kaya niyang bilhin lahat ng gusto niya! Marami naman kaseng libro dyan! Pinaghirapan ko iyong iponan! "Asshole." Mura ko. "Archi ka hindi Engineer!" Sa pagkakaalam ko, kabloc siya ni Henry. "Bakit? Engineering ba ang kukunin mo? O..." his brow arched. "Isang Engineer?" "I love Engineering pero ayoko sa mga lalaking engineer," I crossed my arms. "Matibay nga gumawa ng building, pero hindi naman sa relasyon. Tss." "Is it a hugot?" Irap ang isinagot ko. "How about Archi? Wala ka bang hugot dyan?" "Ang sabihin mo, winawala mo lang ako! Give me the book-" "Let go the book, Winslet." Kumunot ang noo ko kay tita na ngayo'y nasa gitna na namin. She's wearing a corporate attire. At sa likod niya ay si Sarra na humahagikhik habang sinusuri ang singsing niya. "Anong ginagawa niyo po dito, Tita?" She ignored my question and handed me a new set of book. My brows furrowed ng makita ko ang nakasulat sa book cover dun. What did she mean on that? Its a book about Pre-Med. "What's that?" "A book I guess?" nahihimigan ang sarkasmo sa boses niya. Rinig ko ang pagtikhim ni Primo. Tumiim ang bagang ko, minsan may mga bagay din na hindi namin mapagsunduan ni tita. Hindi naman kase yon maiwasan. "Bakit mo ako binibigyan ng ganyan, kung ganun?" She smiled sweetly. "Because you'll gonna be a doctor soon, honey." Malambing niyang sagot na siyang ikinagalit ko. "Oh... Its a good course-" Kaagad ko siyang hinarap. I'm so pissed right now! "Don't meddle with my..." I'll call this as a mess! Hindi ko na tinapos at tinalikuran sila. Nilagpasan ko si Primo at bahagyang nagkabunggo ang mga balikat namin. Ayokong magtagal doon baka ano pang masabi ko kay Tita. -- Ashiens
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD