--
"Winslet! Don't you ever turn your back to me," asik niya.
Hinawakan niya ng mariin ang pulso pulsuhan ko ng paakyat na sana ako sa taas. Nangangalati ako sa inis ng hinarap siya.
"I'm tired-"
"You won't take that course!" she shouted.
"I'll do anything I want, Tita! This is my life!" I shouted back. Her grip is too weak that I was easily getting back my wrist. "Where I am free to decide on my own! You are just my auntie! Sister of the one who give me birth, that I don't want to be! Don't try to lead my life, because you won't succeed!" mariin kong paalala sakanya.
I know I'm too harsh on her, but I just want to warn her. Guilty covered me fast, when I saw the tiredness in her eyes. She massaged her template.
"I-I'm s-sorry…" she was stuttering, dahan dahan siyang umupo sa upuan ng dinning table namin. Doon niya sinabunutan ang sarili. "I'm not trying to rule your life, Slet."
I smirked sarcastically. "Anong tawag mo doon? You're not suggesting, when you said you want me take that f*****g course-"
"Because it was your father's dream… to become a doctor." biglang tumuwid ang kilay ko sa sinabi niya. "I thought you want his attention kaya…" marahas siyang bumuntong hininga.
She sounds so tired of everything.
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. "Magbihis ka na. I'll cook our dinner," dugtong niya at pumasok sa kusina.
I was left here, trying to process what she said. She wants me to take pre-med so that I can get Papa's attention? But I want to become an Engineer! Bata pa lang ako pinangarap ko na iyon! Yes I want my father's attention, because I'm longing for it, pero hindi naman sa ganitong paraan… Ayokong pilitin ang sarili ko dahil hindi maganda ang magiging bunga nun.
Damn! Mas mahirap pa ito sa multiple choice doon sa exam!
Napaigtad ako ng biglang may kumalabit sakin.
"Sinong aakyat sa'yo?" tanaw ko sa kanyang likuran ang mga alipores niya. She arched her brows waiting for my answer.
Its our graduation day and the event was held in a hall, near in our school.
Pagod akong bumuntong hininga. "Does it matter, who's who?" wala akong oras makipag-pikonan sakanya.
"Of course. Its our special day kaya dapat special na tao rin ang magsasabit ng medalya natin. Valedictorian ka pa naman." Ngumuso siya sa gawi ni Sarra at tita, na ngayo'y may kausap sa telepono. "And I don't think they're special," tumawa ang mga alipores niya sa likod.
I'm done with her childish act.
"Special or not," dumukwang ako palapit sa tenga niya at bumulong. "It still doesn't change, Kyla, that I am much superior than you." I smirked. Lalagpasan ko na sana siya ng makalimutang sabihin ang nag-iisang katagang nagpapainit ng ulo niya. "Remember, second is the first loser." Inirapan ko sila at dahan dahang lumapit kina tita.
Nililipad ng hangin ang dulo ng toga ko pati na rin ang dulo ng inner dress na sout ko. I'm wearing a black high low dress that prepared by Sarra. Ito lang ang dress na binili niya na matino, hindi masyadong bulgar ang dibdib.
Napahinto ako ng makitang sumisigaw na si tita sa telepono niya. Napahinto ako.
"Yung bata ang nanghihingi ng atensyon hindi ako," napahinto siya at tinignan ang telepono. "Fvck! Noemi!" sigaw niya habang hinihingal.
Who's Noemi?
Hindi nila ako makikita dahil bahagya akong nakatago sa poste na malapit sakanila. Pinasadahan ni tita ang buhok niya gamit ang kamay, she's frustrated and… tired.
"Hindi na 'yon, dadating si Noemi pa! Alam mo naman 'yon, napaka stopper!" Sarra was trying to embrace her.
Pumikit ng mariin si tita then slightly massaged the bridge of her nose. It was clear to me, napapagod na siyang manghingi ng atensyon para sakin.
"Nakakapagod," she took a deep breath then sighed. "Hahanap ako ng ibang paraan," napailing si Sarra. "Tara na, baka hinahanap na tayo ni Winslet."
Hindi ko alam kung saan ako nalulungkot, ang pangako ng ama ko na pupunta siya sa isa sa mga araw na pinakakahintay ko pero hindi siya dumating, o ang malungkot dahil hindi ko matutupad ang pangarap kong kurso.
Kung hindi dahil kay tita, hindi ko makikita ang ama ko. Malaki ang utang na loob ko sakanya, she was carrying me for 18 years like her own daughter.
Siguro sa pagkakataong ito ako naman ang aayos sa relasyon namin ng ama ko. I don't want to be a burden anymore… maybe I'll take that path... baka ito talaga ang para sakin? Sana nga.
The ceremony goes well but I was
pre-occupied on the whole time. Ni pakikitungo ni tita sakin ay nag iba, malamig. Naiintindihan ko 'yon kaya hinayaan ko, hindi ko nga rin alam kong kailan siya ganito.
After the graduation song was the picture taking each section at mga awardees pagkatapos. I'm too tired on my thoughts to smile kaya minsan tikhim lang ang tugon ko sakanila sa twing binabati nila ako.
I flinched when somebody squeezed my elbow while I'm taking off my cap. Si Henry lang pala.
"The usual Winslet, wearing her poker face," humalakhak siya.
"Thank you for congratulating me,"
"Your welcome!"
Damn, this guy! Inirapan ko siya at naunang maglakad palapit kina tita, ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran.
"Can you please discard that face?" maarte siyang ngumiwi ng nilingon ko siya.
"Discard your face first," muli akong umirap.
He just trying to change my atmosphere, by annoying me. Well that's him.
"Seryoso ako, Slet!"
"Well, I'm serious too!"
"Winslet!"
"Henrio!"
"Fvck you!"
"My middle finger salutes you too."
I laughed, pikon na siya! Ganyan rin ang routine namin, iniinis niya ako pero sa huli siya ang naiinis. Napatigil ako ng makita kung sino ang kausap ni Sarra. I know who brings him here! Tumigil ako sa paglakad tska iritadong hinarap si Henry.
"Bakit mo 'yan dinala rito?" pagalit kong tanong sakanya habang tinuturo ang gawi nila Sarra.
Kakainis! Okay sana kong tahimik lang siya at the time! Hindi 'eh, partida pakealamero pa!
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong niya. Syempre hindi niya naman alam ang nangyari nung nakaraang araw. Hindi niya ba kinwento?
"Si Primo!" singhal ko.
He blinked. "Dito nga lang din kami nagkita n'yan 'e," then he pouted.
Kaagad akong nag iwas ng tingin doon. His lips are red but not as red as Primo's lips— damn! Why am I even comparing that asshole to my bestfriend?
Kung ganun, anong ginagawa ni Primo dito?
Inismiran ko siya at tinapon ang cap sa dibdib niya na kaagad naman niyang nasalo tsaka ako naglakad ulit.
Nakasandal si Primo sa poste and he looks like a freaking model. Bawing bawi ang posteng wala na sa ayos ang pintura, sakanya!
He was wearing a dark violet polo matching it with a ripped jeans (na usual hanggang ankle lang niya) yung left side ay naka tucked in, yung isa naman ay hindi at wala na rin sa ayos ang pagkabutones nito, parang sinadya. Well all I can say is… he has a taste for fashion. Good for him para naman mabawi sa attitude niya. Tss.
Napasulyap ako kay tita, napabuntong hininga ako nang makitang meron na naman siyang kausap sa telepono.
"Pare," untag ni Henry at lumapit kay Primo.
I glared at him. Napakabwesit talaga nitong dalawa sa buhay ko. Inirapan ko siya at pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay.
They're laughing, while I'm me here, sitting in a crossed arms and arched brows. Wala naman ako ngayon pero bakit naiirita ako sa kanila?! I was trying to divert my attention by browsing my twitter account but I failed, dahil sa narinig ko kay Sarra.
"So you're here because of me?"
Fvck?! Are they… flirting?
Nilingon ko sila na parang hindi makapaniwala. Henry's right there but the asshole was just laughing! Partida siya pa ang pinakamalakas na humalakhak! Kaya ba pumunta siya rito? He likes Sarra. Its pedophile!
"I guess?" tanong pabalik ni Primo and here he goes, showing his devilish smile.
Humagikhik si Sarra na animo'y kinikilig. Kinikilig talaga! I'm not bitter but— fvck!
God! Tita is in danger! Pumatol nga siya kay Sarra na mas di hamak maganda pa si tita kasya sakanya! I know Sarra is a little bit younger than tita pero kahit na! Sabi nga nila age doesn't matter.
If incase mangyari man 'yan, ako ang unang hahadlang sa pagmamahalan nila!
"Ano bang relasyon niyo?" tanong ko ng hindi ko na makayanan.
Napatigil silang tatlo sa pagtawa dahil sa tono ng pagtatanong ko. I'm freaking serious right now!
"Ano bang pinagsasabi mo?" Ismid na tanong ni Sarra pabalik.
Hindi ko siya pinapansin sa halip ay tumoun ang pansin kay Primo. He stand straight immedietly at nag-iwas siya ng tingin.
"Were just having fun here, Slet," untag ni Henry
I glared at him too. "Having fun on flirting? I know Hen that Sarra is older than you, but can't you…" I gasped when I trailed off. "Discpline her-"
"Hoy, ano ako bata?!" asik ni Sarra sa sinabi ko. And for the second time I ignored her.
"She's flirting with your bestfriend!" I insisted.
"No! I'm not!" si Sarra.
"Yes, you are!"
"Alam mo para kang kapitbahay natin! Kakalap nga lang ng chismiss mali pa! Ano ba 'yan!"
Palipat lipat ang tingin ni Henry samin. Paunti na ng unti ang tao dito sa loob ng auditorium.
"You're just being paranoid, Winslet," untag ni Primo na siyang napabaling ng atensyon ko sakanya.
"Yeah," sang-ayon din ni Henry.
Aba! Pinagtutulangan pa nila ako! Edi ano 'yong narinig ko, evil twin ni Sarra na bumubulong lang sakin?
"I know that you saw me as a b***h but what the hell, Winslet, kahit mapanis man ang bibingka ko hindi ako papatol sa bata!"
Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. I cleared my throat then blinked twice.
"Fine! Edi sorry!"
"Talaga? Nag sorry ka na n'yan?" pabalang na tanong ni Primo.
Humalgapak sa tawa si Henry. "Apaka attitude nyan, p're!"
They're pissing me off! I rolled my eyes on them.
"Then stop getting near to us! When your around I often see Sarra's bitchy side!"
"Alam mo, Winslet, hindi ka lang ipokrita! Naninira ka pa ng pamilya," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sarra.
"Si tito Callip ang gusto niya, Slet, hindi si Primo."
I think my jaw dropped. Papa's close friend? It's getting worst! Nasapo ko ang noo ko, god.
"O-okay lang s-sa'yo?" nahihiyang tanong ko kay Primo, when our gaze met.
The side of his lips rose, kaagad kong nilihis ang mga mata ko sakanya dahil sa reaksyon niya.
"Not anymore. You ruin my image already," Sarra grinned.
Siya kaya ang sumira sa sarili niyang imahe! Pamilya? Napaka-advance niya naman ata.
"Let's go. The taxi is waiting on us," biglang agaw pansin ni tita.
"S-saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Uuwi na tayo," bigo siyang ngumiti.
I felt a little pain on what she said. Oh come on, self, hindi na bago sayo ang ganito. Ngumiti ako, pilit na pinapalaki.
"You can invite your friend with us, Henry," Tita suggested and turn her back on us.
Inirapan ako ni Sarra bago padabog na sumunod kay tita. Bumagsak ang balikat ko. We are getting closer and closer, sana pala hindi ako nangako na hindi na maglalandas ang mga krus namin! Edi sana hindi kami pinaglalaruan ng tadhana ngayon.
"Sasama ka?" tanong ko kay Henry.
"Hindi na," maikling sagot nito. "Actually may ka meeting talaga ako tsaka malapit lang dito."
Aba?!
"Thank you so much for coming here, Henry. I appreciate it."
Ngumisi siya, pinandilatan ko siya ng makitang palapit ito sakin. Aatras na sana ako ng hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Your welcome, nerd." then he wink and kissed my cheeks, tsaka ako binitiwan.
"Punta ka ulit dito, asshole, ha?!" kaagad kong pinunasan ang pisnge ko kung saan siya humalik! Kakadiri baka may kahalikan pa iyon kanina bago pumunta dito!
He chuckled, when he saw what I did on my cheeks. Tinapik niya ang balikat ni Primo nang nilagpasan niya ito atsaka kumaway patalikod samin.
"Yuck," bulong ko.
"Your reaction is too late."
Napahinto ako ng marinig ang matalim na boses ni Primo. Tinaasan ko siya ng kilay.
"So?"
Aakmang sasagot na siya sa sakin ng biglang nag ring ang telepono niya. For the last time I rolled my eyes on him tsaka siya tinalikuran. Pero para akong spring na bumalik sakanya ng hinila niya ang braso ko.
I immediately felt electricity on my neck when I smelled how, good his breath are. Parang nanginginig ang mga tuhod ko ng magtagpo ang mga mata namin, in all people I met, siya lang yata ang pinakamayroong magandang mga mata, napalunok ako.
Nang napagtanto ko kung paano kalapit ang mga mukha namin ay gusto ko siyang itulak, pero hindi ko ginawa. Baka akalain niyang naapektuhan ako! Dapat siya ang maintimidate sakin at hindi ako!
"I…" he trailed off.
Para akong nakatakas sa mga mata niya ng nag ring ulit ang telepono niya. Hawak niya pa rin ang braso ko.
"Your what?" I'm trying hard not to stutter.
"I like someone else."
--
Ashiens